Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Notorious Mafia Boss Ex-Wife (SEQUEL)

🇵🇭KYMEWRIGHTS
21
Completed
--
NOT RATINGS
44.2k
Views
Synopsis
"Are you really sure about your decision?" Mahinhin na sabi ni Kreiah sa asawa na prenteng nakaupo sa sofa. Kita rin niya sa may table ang isang envelope na kinalalagyan ng divorce paper na gustong papirmahin ng asawa niya. "I am sure. Don't ask me about anything. I am tired. I am already tired on loving you," Walang emosyon na sagot naman nito sa kaniya. Nilabas pa nito ang dokumento at pinakita sa kaniya, pati ang ballpen ay nilapag na rin sa direksyon ng lamesa. "Kaya sign it and we're done." Dagdag pa nito sa sinambit. Napatango na lang si Kreiah sa sinambit nito. Ngunit kalaunan din ay ngumiti siya sa asawa na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. Lumapit siya sa may lamesa na katabi ng lalaki. Hinawakan ang dokumento at hindi na nag-atubili pang basahin ito. Tamang nakikiramdam lang ang asawa niya sa pagpirma niya ng mga dokumento. Nang matapos na ay tuluyang lumabas ang ngiti sa labi ng lalaki. Pumalakpak pa ito sa galak at tumayo sa pagkakaupo sa sofa. "Well I need to go. Wala na rin naman akong gagawin dito. May sasabihin ka pa ba?" "I want to say be happy and I'll support you no matter what happen. It's not the end, so I'll never bit a goodbye. Just keep safe." Her soft smile still didn't fade away while looking to her husband. "Alright. Goodbye Ex-Wife." Kumaway pa ito sa direksyon niya at kinuha na ang envelope na nakatago ang pinirmahan niyang dokumento. Ngumiti lang siya at kumaway din sa harapan nito. "Take care Ex-Husband." Sagot din niya sa sinabi nito bago unti-unting nawala ang bulto ng katawan ng asawa niya, na ngayon ay isa na lang niyang dating asawa. She's no longer the wife of a notorious mafia boss, but she will remain as his ex-wife who will support him at all cost.
VIEW MORE

Chapter 1 - NMBEW 1

KREIAH'S POV:

"Mom," napahawak ako sa aking dibdib sa narinig. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito, lilingon ba ako sa kaniya?

Luluhod ba ako at sasabihin na sorry? Iiyak ba ako sa harapan niya dahil hindi ko nagawa ang ipinangako ko sa kaniya na magtatagal ang pamilya namin?

Hi-hindi...hindi ko alam ang ire-react ko. Nanghihina ang mga paa ko. Gusto ko na lang lumagapak sa sahig, o hindi kaya ay saksakin na lang ang sarili para matapos ang lahat.

"Mom," tawag na naman niya sa akin.

Naramdaman ko na lang ang isang mainit at hindi na ganon kaliit na kamay ng bata sa harapan ko. Dahan-dahan kong tiningnan ang anak kong si Zicko, nakatingin din ito sa akin nang malungkot.

Namumula na rin ang mata nito dahil sa iyak. Kaya biglang kumirot ang puso ko sa napansin, hindi ko kayang makita ang anak ko na ganito ang kalagayan. Gustuhin ko man na ibalik sa dati ang lahat, ngunit hindi na maaari pa. Napirmahan ko na.

"B-baby?" Medyo nauutal na tanong ko naman sa kaniya at lumuhod para magkapantayan kami. Hinawakan ko pa ang pisngi niya at madamdamin siyang pinagmamasdan.

Mas lalo itong naging malungkot, ramdam ko ang sakit mula sa mga mata niya na patuloy niyang tinatago.

"Hindi na ba babalik si Papa? Tuluyan na ba talagang masisira ang pamilya natin? Paano na ang lahat? Di ba ayos pa lang naman tayo nung isang araw? Bakit ganon? Bakit Mama?" Halata sa boses ang pagpupumilit na huwag magalit sa akin at sumigaw.

I know Zicko, he can't control himself when it comes from his anger. Ayaw niyang makagawa siya ng bagay na ikakasakit ng puso niya habang buhay.

All I can do right now is to smile. Hold his cheek tightly while massaging it. Ang kaliwa ko namang kamay ay hinawakan ang buhok niya habang sinusuklay ito gamit ang daliri.

"Son, maiintindihan mo rin ang lahat kung bakit niya iyon ginawa. May mga pagkakataon talaga na nangyayari ito, hindi naman lahat ng pamilya ay masaya. Siguro intindihin na lang natin si Papa, baka napapagod na rin siya na ipagpatuloy ang relasyon naming dalawa. Huwag kang mag-alala, dadalawin ka pa rin niya dahil hindi niya kayang iwan ang anak niya. Kaya smile ka na lang, okay? Hindi bagay sa anak kong gwapo ang malungkot." Pagpapakalma ko sa anak ko kahit na ang sarili ko ay hindi ko magawang pigilan ang sinisigaw nito.

"How about you? Paano kayo ni Papa? Hahayaan mo na lang ba siya na makuha ng iba? Hindi mo ba siya ipaglalaban?"

Napatigil naman ako sa narinig ko. Para siyang matanda kung magsalita, lahat ay patuwid. Wala siyang alinlangan na sabihin ang mga gustong ilabas ng bunganga niya.

Isang ngiti na naman ang itinugon ko. Nagpalabas pa ako ng hininga bago siya tapikin sa kaniyang balikat. "Dadalhin muna kita sa bahay ng lola mo, doon ka muna hanggat hindi pa ako nakakahanap ng trabaho. Gusto kong magawa at makuha mo ang mga pangarap mo. Kahit na wala na si Papa, andito naman si Mama para punan ang lahat ng kulang. Ayos lang ba iyon anak?"

Dahan-dahan naman siyang tumango at hindi ko inaasahan na mangyayari rin iyon. Naramdaman ko na lang ang mainit na mga bisig niya sa aking likuran. Yakap-yakap niya ako habang walang imik.

Samantalang ako naman ay pinipigilan na lang ang mapaluha sa ginawa ng anak ko. Tumingin pa ako sa itaas para hindi lumabas ang aking luha. Pinikit-pikit ko pa ang mata ko para bumalik lang ang luha sa dating pinanggalingan nito.

Hindi ako nahihirapan na mawala sa akin si Rizhui. Kaya ko siyang kalimutan at bumalik sa dating buhay na meron ako.

Subalit hindi ko magawa, mas naaawa ako sa kalagayan ng anak ko. Nahihirapan akong makita ang anak ko na malungkot sa nangyayari sa pamilya na akala niya ay pangmatagalan na talaga. Pamilya na masaya at kinakaya ang mga problema, ngunit ngayon ay tuluyan na ngang nawasak sa isang dahilan na hindi ko alam kung kailan pa ba nagsisimula?

"Mom, I love you."

"I love you too, Son."

"Mom?"

"Hmm..."

"Hindi mo ba sasabihin kila lolo ang paghihiwalay ninyo ni Papa?" Kumalas naman ako sa yakap niya at seryoso siyang tiningnan sa mata.

"Son. I want to tell you na hindi dapat malaman ni lolo mo ang tungkol dito. Hindi pa sa ngayon, hindi bukas. Gusto kong isekreto muna ito sa kanila. Pwede ba? Darating din ang araw na malalaman mo ang dahilan." Pagkatapos ko iyon sabihin ay dahan-dahan naman akong tumayo sa aking pagkakaluhod.

Hinawakan ko pa ang anak ko sa kamay niya at sinama palabas ng bahay na ito. Hindi na rin siya nagreklamo pa, sumunod na lang din siya sa akin na tahimik lang.

'Im sorry anak. Hindi ko maipapangako na babalik ako ng maaga.'

***

(BAR)

"Oww! Is that you Eyah?" Inikutan pa ako nang inikutan ni Froyd. Seryoso ito sa kaniyang ginagawa, pataas-baba pa ang kilay nito bago ngumisi.

Dahan-dahan siyang lumapit sa aking direksyon at niyakap ako nang sobrang higpit. Parang pinipilipit niya ako sa ginagawa niya. Siniko ko naman siya sa may bandang dibdib niya kaya nakalayo siya sa akin.

Hawak-hawak na niya ngayon ang didbib dahil sa aking ginawa. Matalim pa ako nitong tiningnan pero napatigil din dahil may tao ang bumatok sa kaniyang ulo.

"A-ARAY! ANO-JACK IKAW PALA!" Malakas na sigaw nito na ikinangiwi ko.

Lumapit pa ako sa counter at umupo sa bakanteng upuan. Samantalang si Jack naman ay walang emosyon akong pinuntahan. Umupo rin siya sa kabilang upuan na katabi ko lang at si Froyd naman ay naka-cross arm sa amin.

"What do you want?" Hanggang ngayon malamig pa rin itong makitungo sa akin.

Kung hindi ko lang kailangan ng pabor sa kaniya, hindi ako sasabak sa gulo naming dalawa. Ayokong maungkat na naman ang mga problema.

"I-I..."

"Just straight to the point. Anong maitutulong niyang pag-uutal mo sa akin? Hindi ko inaaksaya ang oras ko sa walang kwentang katulad mo." Napalabi naman ako at kinagat na lang ang ibabang labi para mapigilan ang emosyon na gusto kong ilabas sa pagiging harsh niya sa akin.

"Pare naman nakakasakit ka na ng dam-"

"I don't care. Ano bang pake mo sa akin? Wala kang karapatan na pigilan ako sa kagustuhan ko kung ayaw mong masakal kita." May pagbabanta nitong sambit kay Froyd na ikinatigil nito at namumutla pang lumayo sa direksyon namin.

Pumunta siya sa may upuan na malayo sa amin. Katabi lang nito ang lamesa at mga bote ng beer na walang laman na.

"Hu-huwag mo siyang sasaktan." Pagpipigil ko sa gusto nitong gawin. Lumingon pa ito sa gawi ko at napatawa nang sarkastiko bago ako taliman ng tingin.

"I don't care. Just tell me what you f*ckin' want and leave my bar now!" Napatakip pa ako sa aking tenga.

Nakita ko kung paano niya sinuntok ang sinasandalan ko ngayon na gawa sa semento at may bricks pa. Gusto kong sabihin na dumudugo ang kanang kamao niya. Pero halata sa mukha niya na wala siyang nararamdaman. Para bang isang manhid na walang pake kahit na masaktan pa siya.

Kaya wala na rin akong dahilan pa para pigilan pa ang gusto ko."J-Jack...I need your help."

"Me?" Tinuro pa nito ang sarili niya at ngumisi. "Nasan ang asawa mo? Hindi ba siya dapat ang hinihingian mo ng tulong? Ano na naman ba ang gusto mo?"

"H-hiwalay na kami..." I burst out.

Yumuko pa ako para hindi makita ang mga tingin nila at lalong-lalo na ang sasabihin nila. Lalong-lalo na kay Jack, marami na akong kasalanan sa kaniya. Ang dami ko ng utang na kahit kailan ay hindi ko mabayaran man lang.

"What?! Are you f*ckin' telling the truth?"

"Y-yeah" hanggang ngayon nakayuko pa rin ako.

"Look at me Kreiah,"

"I can't... ayokong masampal mo na naman ako."

"Tsk." Dinig kong sambit niya at bigla na lang napatigil nang hawakan niya ang baba ko. Unti-unti niyang itinaas ito hanggang sa makita ko na nang tuluyan ang mga mata niya. Ang emosyon na ngayon ko na naman nakita sa kaniya. "What's the reason? Just tell me straightforward and don't hide it." Malumanay na ang pagkakabigkas niya.

Hindi na katulad kanina na wala siyang pake kung ano ang ginagawa niya. Pasalamat din ako sapagkat hindi pa ito oras ng bukas ng bar niya. Kaya may oras pa kaming mg-usap na dalawa.

"He had a mistress." Matapos kong sabihin iyon ay narinig ko na lang na kumalampag ang upuan na nasa direksyon namin. Kitang-kita ko si Jack na pinagsisipa ang mga ito habang masama ang kaniyang awra.

"F*ck him! D*mn that person! Pinaubaya ko siya kasi akala ko kaya ka niyang alagaan! Tinanggap ko siya kahit na gusto ko siyang bugbugin nang sobra. Nagkagalit tayo dahil sa demonyong lalaki na iyon, tapos ngayon...tapos ngayon malalaman ko na ganito ang gagawin niya sa iyo. F*ck him!"

Mabilis naman akong tumakbo sa direksyon niya at niyakap siya nang sobra. Hindi ko hahayaan na gawin niya na naman ang bagay na ito, ayokong saktan niya ang sarili niya dahil lang sa akin. Ayoko...

"T-tama na...tama na kambal...h-huwag mong sasaktan sarili mo."