(5 Years Passed)
KREIAH'S POV:
Limang taon na ang nakalilipas magmula ng iwan namin ang Pilipinas. Ngayon ay mapayapang namumuhay kaming mag-iina sa isang sulok ng America. Nalagpasan namin ang bawat pagsubok na nagdaan bago namin makuha ang ganitong kasayang araw.
Apat na taon kaming naghirap na magkapamilya kasama na ang aking magulang noong nasa Japan pa kami. My dad already know from the start na wala na kami ni Rizhui. At ang dahilan din ni Kuya Tymoteo kung bakit umuwi siya ng Pilipinas ay para sabihin sa akin na gusto akong makausap ni Dad.
Unti-unti na ring nawala ang pag-aalala ko kay Rizhui, tuluyan ko na ring naunawaan sa aking sarili na dapat ay kalimutan ko na ang lahat. Magbagong-buhay muli at intindihin na lang ang tatlo kong mga anak. Kambal ang isinilang ko. At parehas pa rin silang lalaki.
Simula ng ipinanganak ko ang dalawa sa Japan mismo. I decided to love myself first before others.
Naging full time mom ako at tumutulong minsan sa daddy ko kapag wala akong ginagawa sa restaurant ko. Pabalik-balik kami sa Japan at America para lang magampanan ko rin ang tungkulin ko.
Mas pinili namin ng anak kong si Zicko na manirahan sa lugar kung saan mahirap kaming hagilapin ng mga taong gusto kaming patayin. He's now 13 years old but his mind already matured enough. The way he act can make people afraid at him.
Simula ng iwan namin ang Pilipinas. Tinupad nga niya ang sinabi niya, he hated his dad so much. Mas tinuon niya ang sarili sa pag-aaral at maging sa akin.
Nakapundar rin ako ng sarili kong restau dahil na rin sa tulong ng mga nagtitiwala pa sa akin. Ngayon ay marami na akong naipatayo na mga branch sa iba't ibang panig ng Asya. Hindi rin ako makapaniwala na pati sa iba pang sulok ng mundo, may nagre-request na magpatayo pa ako. Isa itong restaurant na nandito na ang lahat, watch kpop on the TV screen o tingnan ang mga photobook nito. You can read while you are waiting for vacant table. Kung wala kang ginagawa pwede kang pumunta sa counter na tungkol sa paglalaro; basketball, gun shooting, playing on the screen, etc. Parang katulad lang din sa mall.
I call it 'Restaurant&Kingdom Tomizara', I'm not really good at naming. Kaya napagtawanan ako ng kuya ko, mga katulong ko at maging anak ko sa naging name nito. Wala rin naman silang nagawa kundi iyon na lang ang ipangalan doon.
Dahil ako naman ang may-ari.
"MOM!"
Napatigil ako sa pagtitig ko sa aking laptop nang marinig ang boses ni Aele. Kanina pa ako nakatutok dito dahil sa proposal ng isang big company sa Pilipinas. Gusto nila akong maging guest for their success. Ako ang naging inspiration nila noong panahon na nalulugi sila.
May page ako sa fb tungkol sa success and failure about business and life. Doon ko ibinahagi ang lahat ng aking napagdaanan sa buhay at maging sa negosyo na akala ko hindi magsa-success.
No one know kung sino ba ang taong nasa likod ng page na 'R&KT Success and Failure'. At ano ang tunay na katauhan ko. Nagpapakita man ako sa awarding, may nakalagay na mask sa aking mukha. Hindi pa ako handa ng mga panahon na iyon.
Kaya ngayon ay namomoroblema ako kung babalik na ba kami sa Pilipinas ng mga anak ko, kung sa event na mangyayari ay nandoon ang magaling kong ex-husband.
"MOM! LET'S GO TO THE PHILIPPINES! I WANT TO TASTE MANGHA!" Malakas na sigaw ni Aele pagkatapos niyang dumamba sa akin at tingnan ang laptop ko.
Sa lahat ng anak ko siya lang ang maligalig at makulit. Hindi rin siya nahihiya na mangialam ng mga gamit ko. Napakapasaway talaga kahit kailan.
Pero ayos lang din, nakakawala ng stress kapag kasama ko ito kahit na sakit na sa ulo kapag sinusuway mo. You need to say it in English dahil siya lang ang mahirap magsalita ng tagalog.
Lalo na sa sinabi niya na mangha. Kapag ibang pilipino ang nakarinig nito parang iniisip nila na ngayon pa lang siya nakakakita nito kaya namamangha siya. But the truth it is mangga.
"It's mangga not mangha. Idiot." Nagsipasukan naman ang dalawa ko pang anak mula sa nakabukas na pintuan bago saraduhan muli ito.
Si Aeze at lalong-lalo na ang matangkad ko ng anak na si Zicko. Nataasan na ako nito ng walong inch.
Si Aeze ang nagsalita nito. Masyado talaga siyang harsh sa kapatid niya at ang kulay ng mata niya ay kakaiba sa amin.
He have this blue in right eye and red in left eye. Nagsusuot siya ng contact lense kapag lalabas siya. Pero kung nasa loob siya ng bahay inaalis niya. Hindi pa rin siya sanay dito.
At saka alam niya sa sarili niya na hindi kami katulad ng iba na kakantyawan at tatawanan siya. We love his eyes and telling how adorable he is.
"You're so mean Aeze. I am the oldest. You need to respect me. Hmmp!" Napapailing na lang ako sa naging asal ni Aele ngayon.
Kapag sinasabihan siya ng kambal na idiot or bad words. Ipapaalala nito na siya ang panganay at kailangan galangin. Kahit na alam naman niya kung ano ba talaga si Aeze.
"Hindi ako nagrerespeto sa isip-bata." Anito bago tapikin ang kuya niya na napapailing na rin sa dalawa.
Napalingon naman ito sa kapatid at may tinuro si Aeze sa likod ni Zicko.
"Ahaha okay! Okay. I will piggyback you. Pero bawal na paglaki mo masyado ka ng mabigat nu'n." Natatawa nitong sabi sa kapatid na ngayon ay pum'westo na sa likuran ng kapatid.
Samantalang si Zicko naman ay binuhat na nga ng may pag-iingat si Aeze para kargahin ng piggyback.
Hindi man halata sa bibig ang kasiyahan, ngunit kita naman sa kaniyang mata ang pagkatuwa bago yakapin ang leeg ng kapatid. Sinandal pa nito ang ulo sa balikat ni Zicko at unti-unting pumikit.
"Sleepyhead. Tsk." Nakasimangot na sabat naman nitong si Aele bago magpakarga sa akin.
Ang lalaki na nila pero gusto pa rin na nasa braso namin sila.
Mabuti na nga lang kung sino pa ang mabigat ay nasa akin. Matangkad lang si Aeze ngunit hindi siya mabigat at masaya na ako roon dahil hindi niya papahirapan ang kuya niya na ngayon ay hinahaplos ang buhok ng kapatid.
"Mom can we go home to the Philippines? I really want to taste mang-mangga...yeah mangga! And also banana too cause it's really taste good. And the enchanted kingdom that I've seen on my older brother Zicko's room. You and Zicko is so cute in that picture. I want to take a picture with you too; me, Zicko, and my twin brother Aeze. And put it in my room. Can we? Pleash...pleash pleash." Sabay pa-cute pa nito sa akin.
Pa-twinkle twinkle pa ang kaniyang mata bago ako yakapin.
"Mom I love you. Please let's go home. I really want to see the beauty of the Philippines."
"I want too. I want to see pulangdaga somewhere in Paracale, Camarines Norte. It's weird but I think, cool enough." Tinaas ni Aeze ang kaniyang mukha at nilingon kaming parehas ni Zicko.
Napasulyap agad ako sa direksyon ni Zicko. Kita sa mata niya ang pagkaayaw. Pero pagdating talaga sa kapatid ayaw niya na makita itong malungkot kaya unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
"If what's mommy want, we will accept it." Sambit niya sa magkapatid.
Bigla silang napatitig sa isa't isa bago ngumisi ng hindi maganda.
'At wala na akong magagawa pa roon kapag sila na ang nagsalita. Palagi kong sinusunod ang gusto nila, lalong -lalo na si Aeze.'
"What we want, we can get!" Sabay taas pa nila ng dalawang kamay nila. Mabilis na nilagay ni Zicko ang kaliwa niyang kamay sa direksyon ni Aeze patalikod para hindi ito mahulog.
Laging handa talaga kahit kahit kailan.
"O'right!" Napasuko na lang ako sa sinambit ng mga ito at pinagtuonan ng pansin ang laptop. Nakatitig lang si Aele sa ginagawa ko.
"Thank you for inviting me as your guest. I'll informing you too that I'm accepting this great opportunity. Mayukod k-kong...what?" Napatawa na lang kami ni Zicko sa huling kataga na lumabas sa bunganga ni Aele.
"You should focus on your Filipino subject son." Pinisil ko pa ang kaniyang pisngi bago ipadala ang email na iyon sa kompanya nila.
At pagkatapos ay ti-nurn-off ko na nang tuluyan ang aking laptop. Sinarado ko pa para pagtuunan naman ng pansin ang tatlo. Pero kita kay Aeze na tulog na siya kaya napangiti na lang ako.
'He literally sleeping beauty but a guy.'
"I can't! It's too hard to understand mom. Like bumabanaba...I'm not minions."
"It's bumabagabag anak, not sounds of minions." Piningot ko na lang ang ilong ng anak ko.
Tumayo na ako sa pagkakaupo habang karga-karga pa rin si Aele. Dumiretso ako sa direksyon ni Zicko at pinagmasdan ng maigi si Aeze habang tulog.
Tinapik ko rin sa kanang balikat si Zicko. "Pack your things, Son. Ilapag mo na lang sa kama mo si Aeze."
"Yes mom." Tumango pa ito at nauna na ngang lumabas ng opisina.
Samantalang ako naman ay napabuntong-hininga na lang at sabay nilingon si Aele na nakatingin sa labas.
Hinalikan ko sa pisngi si Aele bago ko marinig kung paano siya mapahagikhik.
'Goodluck to us.'