Chapter 10 - NMBEW 10

KREIAH'S POV:

Nagmadaling tumayo ang lalaki sa pagkakasalampak sa akin. Samantalang ako naman ay tulala lang habang pinoproseso pa sa aking utak ang lahat ng eksena.

Mula umpisa hanggang sa ngayon ay inaalala ko talaga. Baka may kulang na detalye akong nakita.

D-did he...did he accidentally kiss me on my forehead?

Bakit sa lahat pa ng pwede niyang mahalikan sa noo ko pa? No one knows how much I'm protecting my forehead for someone who want to kiss it.

No one else. At ngayon ay maibigay ko sa lalaking hindi ko kilala. Shuta! Hindi talaga ako makapaniwala!

Bakit sa ganito pang eksena?

"I'm sorry for causing you in trouble. Please let me help you, exchange of what I did." Narinig kong sambit ng lalaki sa harapan ko. Napakabaritono nito at ang accent nito ay medyo may pagkabulol sa bawat lumalabas na kataga sa kaniyang bibig.

Nakita ko pa ang kaniyang balat na maputi lang din katulad ng sa amin. Nang tuluyan kong makita ang kaniyang mukha ay saka lang ako napabalik sa aking diwa.

Oww! Sh*t may nakita na naman akong nilalang na parang isang greek god. He have this perfect feature on his face.

Makapal na kilay at maganda ang pagkakakurti nito. Ang singkit niya na mga mata ngunit may eyebags pa. Subalit hindi iyon alintana. Napalingon naman ako sa ilong niya na mahaba pero matangos at sa kissable lips niya.

Napalunok tuloy ako ng wala sa oras dahil sa aking naalala. Hindi dapat ako nagiging ganito, nagiging makasalanan na naman ako jusko!

"Mom! Hey mom! Where are you?!" Napakurap-kurap pa ako ng ilang segundo bago tuluyang mapalingon muli sa kamay ng lalaki.

Pakamot-kamot pa ako sa aking ulo sa matinding hiya at saka naisipan ng kunin iyon. Gamit ang pwersa ng kaniyang kamay at katawan, tuluyan niya akong naitayo sa pagkakasalampak sa may buhanginan.

Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala may nakapaligid sa aming mga tao. Kung noon ako ang nakikipagchismisan sa iba. Ngayon naman ako ang pinagchichismisan nila.

'Ow! Nakakahiya taena!'

"Mom are you okay? May masakit po ba sa inyo?" Nag-aalalang tanong agad ni Zicko pagkapunta pa lang sa akin.

Ako naman ay napatango na lang at muling binalingan ang lalaki. Isang lalaki na ngayon ko lang nakita ang kabuuan.

Macho pala ito. Sana all na lang talaga 'e. Malaki ang muscles at ang dibdib eh bakat ang maliit na niples niya dahil sa hindi flexible na linen shirt niya. Naka-unbutton din ang dalawang butones sa itaas.

"Mom. Don't fantasizing him. He may scared at you." Suway sa akin ng anak ko na si Aeze.

Kaya napatigil ako sa pagtitig sa kabuuan ng lalaki. Malapit na ako roon sa 'down there' kaso pinipigilan ako ng anak ko.

But...

'Nagmumukha na akong malandi sa araw na ito. Kulang pa ba ang tatlong anak para manlandi na naman Kreiah? Lol.'

Parang gusto kong manakit ngayon ng utak. Nagmumukha ako ngayong desperada katulad ng mga babaeng humahabol sa lalaking ito.

No way!

Narinig ko kung paano mapa-chuckle ang lalaki bago ilabas ang kaniyang ngiti sa labi na naging sanhi kung paano magsigawan ang lahat ng mga kababaihan.

Napangiwi na lang ako sa nakita ko bago maisipan na bumalik na lang sa aming kotse. May naisip pa akong puntahan na ibang lugar kung saan mas makikita ng mga anak ko ang magandang tanawin sa Paracale.

Once for in a life time lang ito. Kailangan na rin naming sulitin bago magsimula sa aming tungkulin.

Lalo na't kasali na rin ang mga anak ko. Kaso may limitasyon sila at ako ang may gawa noon.

Kahit na magaling sila at sinanay ni daddy sa pakikipaglaban. Maging paggamit ng baril ng tama, may part pa rin sa akin na nag-aalala sa bawat isa sa kanila.

Ayokong may mangyari na masama sa mga anak ko. Hindi ko kaya ang sakit. Tama na ang paghihirap. Pagod na rin ako sa lahat.

Lumipas man ang panahon. Pero ang pusong sugatan ay mananatiling nakaukit sa bawat parte ng aking katawan.

"Let's go kids." Yaya ko sa mga anak ko at naisipan na naming tumalikod sa kanila.

Hinakbang na namin ang aming mga paa palayo sa direksyon na iyon kaso nga lang bigla akong tinawag ng lalaki.

"Miss! You forgot your towel!" Bigla kong inalis ang pagkakahawak ko sa kamay ng dalawang anak ko.

Hinaplos ko ang aking balikat para malaman kung tama bang nawawala ang tuwalya. And he's right nasa kaniya nga iyon.

Dahan-dahan naman akong napalingon sa lalaking ito. Naglakad muli ako sa direksyon niya at nilahad ang aking kamay.

"My towel?" Pinapahiwatig ko pa sa kaniya ang dapat niyang gawin pero umiling-iling pa ito.

Unti-unting sumilay naman ang kakaibang ngisi mula sa kaniyang labi. Tanda na mag-ingat ako sa gagawin niya na kung ano.

"Don't worry I'll never do bad things to you. I'll just need to know your name, and your sons name? Can I?" Tinaasan ko pa siya ng kilay at nanatiling alerto pa rin.

"Why would I? Who are you para sundin ko?" Matapang na tanong ko rito.

Tumingin pa siya sa itaas ng kalangitan. Nakalagay ang kaniyang kanang kamay sa may baba niya at ang kaliwa namang kamay ay suporta naman sa nakatukod na kanang kamay niya.

He's really perfect from the list of greek gods pero nakapila siya sa mga masasama ang mukha.

Gwapo nga pero halata namang badboy. Ngayon ko lang din nakita na may tattoo na siya sa may kaliwang wrist niya. Pero ano naman kaya iyon? Hindi ko makita sapagkat tinatago niya.

"Well, kung sasabihin ko man ang pangalan ko sa iyo. May karapatan na ba akong malaman din ang pangalan mo, lalong-lalo na ang mga anak mo?" Napaismid pa ako sa sinabi niya.

Magaling siyang magtagalog even may parts na medyo malabo sa akin. Hindi rin naman iyon dahilan para hindi kami magkaintindihan.

Ayoko lang talaga sa pinupunto niya. Ano bang meron sa pangalan ko at ng mga anak ko para malaman niya.

'W-wait...siya ba ang nawawala kong ama? Joke lang... Mas gwapo pa si Dad kaysa sa kaniya. Malamang dapat maging proud sa pinagmanahan.'

Napabuntong-hininga na lang ako nang ilang segundo nang mapansin si lalaki na seryoso talaga siya.

"Mom tell him na kaya. It's hot and so many chismosa. I can't live any longer with this sh*tty world." Angal naman ni Zicko sa akin ng makitang hindi ako kumikibo sa kinatatayuan ko.

Kaya wala na rin akong nagawa kundi sumuko na lang sa pagiging matigas ang ulo.

Wala rin namang mawawala sa akin kung sasabihin ko man ang pangalan ko sa lalaking ito.

Tutal naman hindi ko siya kilala at darating din ang araw na hindi na muli kami magkikita.

"Okay fine!" Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko sa harapan niya bilang pagsuko bago ibaba muli. "I am Kreiah Miller, and this is my first son Zicko Rhey Miller. My twin sons Aele Levi Miller and Aeze Leri Miller. Happy?" Sarkastiko kong tanong dito pero wala sa akin ang atensyon niya kundi sa anak kong si Zicko.

Pinagmamasdan niya ito nang mabuti. Inii-scan talaga na parang isang taong may ginawang hindi maganda sa mundo.

Nagtaasan pa ang kaniyang kanang kilay sa pumapasok sa isipan niya.

Ano kayang nangyayari sa lalaking ito at ganito na lang ang pagkatitig niya sa anak ko?

Imposible naman na magkaroon ako ng kabit noon at siya ang ama ng anak kong si Zicko. Kung mangyari man iyon isinusumpa ko na ang sarili ko na nagloko ako kay Rizhui.

Kaso hindi 'e, mas tapat pa ako kaysa sa araw na laging nagbabago ng direksyon. At sa jowa na nangakong hindi babaliko pero ng makahanap ng ibang daan na madali lang, ayon nasa iba na kasi madali lang talaga ang manlandi kapag hindi ka tapat sa karelasyon mo.

'Charot humuhugot na naman ako.'

"Zicko sounds like Zero. Is that you?"

"How did you know–" napahawak pa si Zicko sa kaniyang bibig nang malaman iyon sa lalaking nasa harapan namin.

Nagtataka naman na ako sa nangyayari rito. At maging ang iba ay wala na ring maintindihan sa eksena.

Pero sa sinabi niyang 'Zicko sounds like Zero.' bigla kong naalala ang hacker name ni Zicko. Pero paano naman nalaman ng lalaking ito kung sino ba si Zicko sa website?

Stalker ba ito ni Zicko kaya ang dami niyang alam?

May gusto ba ito sa anak ko kaya ganyan siya kainteresado sa buhay ni Zicko?

Is this BL na ba?

Pero hindi! Sobrang bata pa ng anak ko at hindi ako papayag na mapunta lang siya sa matandang lalaking ito.

Mas matanda pa ata ito sa akin ng taon 'e. Gwapo lang siya pero may edad na.

Child abuse na rin iyon. Aba! Wala kami sa fairytale.

"Well, I am Louis Reileí Mckleiane. Nice meeting you Zero, also you beautiful lady." Nag-wink pa ito sa akin na ikinatigil na naman ng pag-ikot ng buhay ko. Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?

Siya? As in siya si Louis?

Oh no! nagbibiro ka lang ba talaga tadhana?

Bakit ang pangit naman niya? Binabawi ko na ang sinabi kong gwapo siya.