KREIAH'S POV:
Napalingon pa ako sa gawi ni Rizhui. Pero nanatili lang siyang tuwid ang pagkakaupo. Walang mababakasan ng kahit anong takot man lang. He's still the man that I'm fall for, the man who well known as notorious mafia boss.
Oo nga't wala na sa kaniya ang posisyon. Yet, he still the man that feared by all. Alam kong nadaya lang siya ng mga panahong iyon.
Nakatingin lang din siya sa direksyon ko.
At unti-unting lumabas na naman ang sorry sa may bibig niya. Bumubuka lang ang bunganga niya ngunit ni isa ay walang lumalabas na kataga. Pero kahit na ganon ma'y alam ko pa rin ang ibig sabihin nito.
Dahan-dahan akong napalingon muli sa unahan. Nakita ko na naman ang ngising iyon sa mukha ng matandang mataba na lalaking ito.
'Gusto kong alisin iyon, itapon sa labas para kainin ng mga asong ligaw. Ngunit hindi pa ito ang oras. May twenty minutos pa ako...'
"And I want you, Ms. Kreiah Miller-Darson to watch your husband suffering from me, from us." Mapang-uyam na turan nito.
Pero nanatili pa rin akong positibo sa lahat. I should not used this weak person of my side infront of them. Ngunit kailangan ko pa ring gamitin ito para mapikot ko pa rin sila.
'Pero ang hirap pa rin magpanggap na ganito ako.'
"He's not my husband. We already divorce 5 years ago. Hindi mo ba nabalitaan?" Sarkastiko kong tanong naman sa kaniya na ikinagulat ng lahat.
Maski si Louis ay tinapik pa ako sa aking hita pero nilayo ko ang upuan ko sa kaniya.
'Nanantsing ka boy ah... Masapak pa kita r'yan.'
"Hindi ko alam na may ganito ka pa lang side Ms. Kreiah...now you amaze me." Malawak ang kaniyang ngiti habang sinasambit pa iyon.
Nilingon niya pa ang direksyon ni Rizhui at ng mga taong nanahimik matapos niyang sambitin ang katagang ito.
Kapag sumalang ka sa isang agreement. Kailangan mong gawin ang gusto niya. Kapag natalo ka sa isang laban, dalawa o tatlong laban. Lahat ng mayroon ka ay mapapasakanila at maging ang posisyon mo sa organisasyon na binuo mo ay mapapupunta pa sa kanila. At hindi lang iyon, nakalagay na rin sa agrimento na kapag natalo ka sa tatlong laban ay kamatayan ang kaparusahan.
At walang sinuman ang makakabali ng sumpaan na iyon, maliban sa isang tao. Sa isang tao na maraming taon ng hindi nagpapakita sa mafia world.
"Yeah...yeah...I know...kung ano man ang gusto mong gawin kay Rizhui, then fine! Just do it. I don't even care." Sagot ko na lang matapos hindi magsalita ng ilang minuto lang.
"Aren't you gonna hurt?"
"Why would I? Can you just continue what you're doing and let me see how mafia boss really do their task." Walang emosyon kong sambit at napacross legs pa sa harapan niya.
Napatawa naman ng ilang segundo lang bago harapin ang mga men in black niya.
"Bueno! Dalhin sa harapang ito ang notorious mafia boss na dating asawa ni Ms. Miller. And son, kill this guy infront of us." Utos ng owner ng H.M. sa lalaking nasa direksyon ko.
Unti-unti kaming napalingon sa direksyon niya. Lalong-lalo na ang mapatayo siya sa kinauupuan niya.
Marami ang nagsinghapan at napabulong na lang sa bawat isa. Samantalang kami naman ay nanatiling kalmado at pinagmamasdan lang ang lahat ng nangyayari.
Habang hinihila si Rizhui papuntang unahan. Ang mag-ama naman ay magkaakbay sa isa't isa.
Parehas na mapagbalatkayo talaga.
"This is Louis Reilei Mckleiane. The M in my company is Mckleiane. And the reason why I hide it. Because I want to rule over the world. Hindi ko talaga kayo pinapunta rito para purihin ako, pinapunta ko kayo rito upang malaman ninyo kung ano ba ang kaya kong gawin kapag tuluyan ko ng nakuha ang pinakamimithi ko. At ang una kong papatayin ay ang taong masyadong epal sa kagustuhan ko. Matagal ko ng inaasam ang mapatay siya para mapasa-akin na ang lahat. But, masyado siyang magaling. Hindi siya kumukupas sa laban. Pero ng malaman ko ang kaniyang kahinaan, ito ang ginawa kong armas. Pinaglapit ko ang pinakamagiting kong kanang kamay na si Tria at Rizhui. Akala ko hindi ako magtatagumpay dahil masyadong mahal nito ang asawa niya, but he prove me wrong. May mga lalaki talaga na madaling matukso at malandi ng ibang babae. Kaya iyon ang naging pagkatalo niya, ang pagiging hayok sa kababaihan. At ang pagkawasak ng pamilyang kaniyang iniingatan. So sad right Ms. Miller? Oo ako nga ang may gawa ng lahat...ayokong may nakikita akong masayang pamilya. Nakakasuka! Lalong-lalo na sa lalaking ito na paepal lagi sa buhay."
Matapos niyang banggitin ang ang mga katagang iyon ay lumapit agad siya sa direksyon ni Rizhui.
"Mom..." Tawag sa akin ni Aeze ngunit hindi ko iyon pinansin.
"5" nagsimula na akong magbilang.
'Malapit na...'
"4"
Tatlong segundo na lang...
"3"
"Why aren't you scared? Have any last message for your lovely ex-wife and sons?" Hinawakan pa nito si Rizhui sa baba ng mahigpit.
Napayukom na lang ang aking kamao sa nakikita ko. Gusto ko ng hilahin at alisin sa nakatalagang kamatayan ang asawa ko.
"2"
"Mom" tawag naman sa akin ni Zicko, pero katulad ng ginawa ko kay Aeze ay hindi ko rin siya pinansin.
"1...end game." Walang emosyon kong bulong sa sarili.
At doon na rin unti-unting nagsitayuan ang mga hindi pamilyar na tao. May mga hawak ang iba na baril, ang iba naman ay naka-ninja outfit. Samantalang ang iba ay sword na napakatilos.
Oh! I love this scene! Bloody night na nga ba?
"Ahhh!"
"Kyahh!"
"No!"
"Ackk!"
Sigawan ng mga taong pinupuntirya ng mga ito. Mga kasapi at mga epal na pumupuri sa taong walang halang na pumatay ng mga taong nanahimik lang naman sa mafia world.
Nagsimula ng magkagulo ang lahat. Kitang-kita sa direksyon naming ito ang paggamit ng mga ito ng mga armas na matatalas.
"Push the button now!" Utos agad sa amin ng leader ko.
Kaya lumingon ako kay Aele. Nakatayo na siya ngayon habang hawak ang remote na iyon. Iwinasiwas pa niya sa harapan namin ang remote habang mahigpit ang hawak niya.
Ngumisi pa siya sa leader namin bago ibagsak sa lamesa. "This remote ba? Can I crush it? Oh sorry I did." Tumawa pa ang anak ko ng malakas ng wasakin niya sa harapan namin ang remote na iyon.
Isang remote na senyales upang patayin na mismo sa oras na ito ang lalaking mahal ko. But, they failed. Masyado silang naging pabaya kung sino ba ang binibigyan nila ng ganitong klaseng bagay.
Oh! Katulad din pala ako ng dalawa na kayang magbalatkayo. Pero hindi ako katulad nila na masyadong excited, hindi nag-iisip at mga inutil.
"W-what the...why the hell did you do that?" Gulat na sigaw ng mga kasapi sa plano namin. Ngunit isang ngisi lang ang sagot ng mga anak ko bago lumingon sa akin.
"Can we do fun mom?"
"Yes! As long as you're safe, honey." Nag-thumbs up pa ako sa direksyon nila.
Kaya masaya ang tatlong nilabas ang baril na nakatago sa may likuran ng kanilang katawan.
"IT'S FUN TIME!" Malakas na hiyaw nila na nagpatigil sa ibang tao na nagsisipagbakbakan na.
Marami ng mga nilalang ang wala ng buhay, hindi masyadong harsh ang pagkakapatay nila. Ayos lang na mawalan lang ito ng hininga.
Nakikita ko sa direksyon ko ang mga taong patuloy na kinakalaban ang mga armadong tao. Halata rin na para bang kakaunti lang ang lumalaban doon.
Nasan na ang kakampi ng mga Mckleiane? Oh I forgot wala nga pala silang kakampi.
'Pero...masyadong boring pa rin ang nakikita ko. Wala bang mas masaklap pa rito?'
RIZHUI'S POV:
Hindi na ako nagulat pa sa naging tagpo rito. Alam kong gagawin niya ito lalo na sa napag-usapan namin noon.
Pero hindi lang talaga ako makapaniwala na pati ang mga anak ko ay kasama niya. May alam ba sila sa pakikipaglaban?
Kaya ba nilang makipagsabayan sa kanila?
Pero nasagot lahat ng katanungan ko ng makita ang mga ito na tuwang-tuwa pa sa pagpatay gamit ang kanilang mga baril.
Isang putok, shoot sa noo. Isang pitik lang ng gatilyo nasa sahig na ang mga kalaban.
Ngunit doon lang ako napatigil sa pagtingin nang itutok na naman sa akin ni Zicko ang kaniyang baril. Walang emosyon ito. Wala akong nakikita kahit isa o mababakasan man lang.
"Goodbye..." Ngumisi pa siya sa direksyon ko. Kaya napapikit na lang ako.
Alam kong marami pa rin akong kasalanan sa kaniya. Ni minsan hindi ko natupad ang pinangako ko sa kaniya. Kaya ganon ang galit niya sa akin.
*bang2×*
Dinig kong pagtunog ng baril matapos kalabitin ang gatilyo bago lumabas ang bala. Dalawa ang ginawa niya.
Mas diniinan ko ang pagpikit ko. Nanalangin na sana ay patawarin ako sa mga nagawa ko.
Pero ilang segundo na akong nakapikit dito na wala pa rin akong nararamdaman na kahit anong bala na tumama.
"Stupid father always," Walang emosyon na sagot ng batang lalaki sa harapan ko.
Kaya dahan-dahan akong dumilat. Nakita ko si Zicko na napaluhod na sa direksyon ko. Napalingon pa ako sa likuran ko at nakita ko roon ang dalawang tauhan ni Herbert na wala ng buhay at wasak na ang ulo.
Pero pagbaling ko sa harapan ay naramdaman ko agad ang yakap ng isang anak. Yakap na maraming taon ko ng gustong maramdaman muli.
Yakap ng pangungulila. Ngunit yakap na isang senyales ng isang bagay...pagpapatawad.
"I love you dad, and I'll forgive you at everything you did. You should do, not promise. Cause I'll gonna kill you talaga." May pagbabanta na saad niya bago ako itayo sa pagkakaluhod sa sahig.
Napalingon pa ako sa buong paligid. Hindi pa rin natatapos ang laban. Nakikisali na rin ang mag-ama na mapatay ang mga armadong lalaki na mas lalo pang dumarami. Walang nakakakita kung saan ba pumapasok ito, sobrang kulob talaga ng arena at alam kong si Kreiah ang may sadya nito.
Samantalang ito namang si Kreiah naman ay natutuwa lang sa kaniyang nakikita.
Nakatalikod siya sa kasamahan niya na hindi nakikisali sa laban. Pati si Aethon ay nagvi-video lang sa mga nangyayari na akala mo nasa concert kami.
"Wooh! Baho ninyo!" Tumatawa pa siya habang bi-ni-video-han ang mga ito.
"KREI!" Sigaw ko nang makita ang pagtutok ng baril ng leader nila kay Kreiah.
Ngunit gayon na lang ang gulat ng lahat na nasa likuran na ng leader nila si Kreiah. Tumalon siya nang napakataas para makalapit lang sa direksyon nito.
Sobrang astig at ang galawan niya ay pulido.
'Mayroon bang pakpak si Krei?'
Nang makatayo siya ng ayos ay mabilis ang bawat galaw ng kaniyang katawan at mga paa.
Nakita ko na lang na may hawak na si Kreiah na baril at nakatutok na ito sa bungo ng lalaki.
Nakangisi pa ito habang pinapakita niya ang posisyon ng leader nila sa harapan ng mga kasamahan nila.
"You want to see a bloody night? Oh it's already done na nga pala...paano kung may makita kayong taong nasabugan ng mukha ng paulit-ulit? Like this?" Gamit ang kaniyang hawak na baril.
Pinagpipindot niya ang gatilyo nito hanggang sa mapasuka na lang ang mga taong naroroon.
Malayo ang kaniyang mukha at nakatingala rin dahil sobrang lakas ng pwersa ng baril. Alam niya kung ano ba ang consequence rin nito.
Sobrang daming dugo ang nagsipuntahan sa kaniyang mukha. Maging ang ibang parte ng ulo ay tumama sa kaniya. Ngunit agad din niya itong iwinaksi sa mukha.
"Ahhh!"
"Demonyo!"
"Ahhh!"
Maging ang ibang mga kababaihan na hindi sinasali ay napapatili na lang sa kanilang nakikita.
Samantalang ako naman ay napapailing na lang at maging ganon din ang anak ko. Nakita ko pa sila Aeze at Aele na nakaupo na rin sa may stage malayo pa sa amin. Nagpapalakpak si Aele sa labis na tuwa samantalang si Aeze naman ay nakasandal ang ulo sa kuya niya.
"You're the best mom! Yeppie! I love horror! I love carnival! Please taste the blood of someone...hihihi!"
"Oh sweetheart I'm not a vampire..." Sagot naman ng ina bago sipain palayo sa direksyon niya ang leader na wala ng makikitaan na kahit anong histura. Sobrang sabog na ito kumpara sa anak na nakikilala pa ang mukha.
Siya lang talaga ang natatanging babaeng kilala ko na hayok sa pagpatay. Ang babaeng magaling magtago sa inosente at mahinang nilalang.
"W-who really are you?" Napalingon agad kami sa direksyon ng nagsalita.
Ang mag-ama lang pala na ito na ngayon ay maputla na ang balat sa nakikita.
'No... You're regretting to ask that question. I'm sorry know what will happened next.'