Chereads / Notorious Mafia Boss Ex-Wife (SEQUEL) / Chapter 20 - SPECIAL CHAPTER 2

Chapter 20 - SPECIAL CHAPTER 2

(Throwback)

KREIAH'S POV:

"What are you doing here?! Guard! Guard!" Malakas na sigaw ni Tria matapos kong makalusot sa mga gwardiya

niyang walang kwenta.

Nilabas ko pa ang kaliwang kamay ko na nakatago mula sa aking likuran. Biglang nagtitili sa takot ang batang babae na kararating lang galing sa may loob ng bahay.

Nandito ako ngayon sa sala. Kung saan mayroong dalawang upuan at isang salamin na lamesa. May mga halaman din na kulay berde ang lahat.

May nakaharang din na tuwid papunta malapit sa pintuan ng bahay niya.

Nakangisi kong pinakita ang walang buhay na ulo ng taong pinagkakatiwalaan niya. Kitang-kita sa mukha ni Tria ang gulat at pamumutla. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita. Napaatras pa siya at natabig niya rin ang vase malapit sa glass window.

Nagkaroon ng matinding ingay gawa ng nabasag na vase. Ang mga bubog ay nagsikalatan. Napansin ko kung paano ba magsituluan ang mga dugo sa kaniyang paahan.

"W-who...who really are you? A-anong gagawin mo sa akin? H-hindi ka rin ba maaawa sa anak ko?" Hinawakan pa nito ang anak na ngayon ay hawak-hawak ang kaniyang bibig habang patuloy na lumalabas ang kaniyang luha.

Ngumiti ako nang matamis sa batang iyon na nagngangalang Amira bago ko bigyan nang walang emosyon na tingin si Tria.

"How about you? Kailan mo lolokohin ang bata na anak mo talaga siya? Kung gayon naman ay nakikita sa datos na anak siya ng namayapa mong kakambal. Hmm...hindi ba?" Mas lalong lumawak ang aking pagkakangisi nang mapansin sa kaniya ang pagkabalisa.

Nakita ko rin ang pagkagulat ng bata pero sa huli ay napayuko na lang din.

"Sweetie go to your room first. I'll talk to your auntie personally."

"Aren't you gonna hurt my mom?" Umiling ako sa naging tanong niya kaya mababakasan dito ang tuwa bago magtatakbo palayo sa aming direksyon.

Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Tria ang natitira. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa direksyon niya. Samantalang siya naman ay paatras nang paatras. Pero napaupo siya sa sahig matapos mapatid sa nakaharang na sapatos niya.

"N-no...do-don't...don't kill me..." Nagmamakaawa niya sa akin ngunit hindi pa rin nawawala ang ngisi sa aking labi.

"I'm not going to kill you. I'm here to ask you a question."

"W-what...what it is?"

"Bakit ka nakisali sa away naming pamilya? Bakit ka sumapi sa taong hindi pinagkakatiwalaan ng angkan mo?" Natahimik naman agad siya at saka napayuko.

Nakita ko rin kung paano ba siya mapayukom ng kamao. Narinig ko pa kung paano siya mapasinghot ng sarili niyang sipon.

"B-because...because of your family. Because of them, namatay ang mahal ko...dahil sa pamilya ninyo! Dahil sa angkan ninyo! Mamatay tao kayo! Bakit siya pa? Bakit 'yung minamahal ko pa ang pinatay ninyo?! Huh!" Galit na galit na sigaw niya matapos tumingin muli sa aking direksyon.

Kahit na nagsisilabasan ang kaniyang luha ay kitang-kita pa rin sa kaniyang mga mata ang labis na galit sa akin. Napataas naman ang kilay ko sa kaniyang sinabi.

Paano niya nasabing mamatay tao kami? Paano niya nasisiguro na kami ang pumatay kung wala naman kaming karapatan na magparusa kung wala naman silang kasalanan.

"Who?" Tanong ko agad sa kaniya ng seryoso.

Hindi siya nakaimik. Nag-aalinlangan pa ang kaniyang sarili na magsalita. Pero bumuka rin ito at ganon na lang ang gulat ko sa aking narinig at nang makita ang isang litrato na ipinakita niya sa aking mismong harapan.

Hindi ako nagkakamali. Alam kong tama lang ang nakikita ko.

"His name is Jackson. We're just 10 that time but I love him! I really love that guy! B-but...but your family killed him. You killed my first love! Kaya nararapat lang na masaktan at masira ang pamilya ninyo!"

'What the f*ck...'

Mapait naman akong napatawa sa sinambit ni Tria at mabilis na ninakaw sa kaniyang kamay ang picture na iyon. Ang larawan ng taong kahit isang beses lang ay hindi ko nasilayan.

"Nagkakamali ka..." Tiningnan ko pa siya ng seryoso. Pero hindi pa rin doon nawawala ang galit sa mga mata niya habang lumuluha.

Nakayukom pa rin ang kamay nito sa aking harapan.

"H-hindi...na-nakita ng ama ni Louis kung paano patayin ng mga Miller ang mah—"

"WHY WOULD THEY GONNA KILL THIS GUY–MY OWN BROTHER! THEIR OWN FLESH! HUH! TELL ME!" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil wala siyang alam.

Mali ang kaniyang nakagisnang katotohanan. Paano papatayin ng sarili kong ama ang kapatid ko? Ganon ba kami walang puso na tao? Ganon ba talaga kami kademonyo kaya pati sariling kapatid, anak o kamag-anakan ay papatayin namin?

P*tang*na hindi kami mamatay tao!

"A-ano? K-kapatid?" Halata sa kaniya ang pagkagulat.

Napatigil din ang luha na nagsisilandasan sa kaniyang mata. Tinitigan niya ako nang mabuti, hanggang sa aking leeg ay pinagmasdan niya.

"Hah..." Bigla pa siyang napahawak sa kaniyang bibig nang may mapansin sa akin.

Napapailing na lang ako at muling tiningnan ang litratro nilang dalawa. Halata sa kanila ang tuwa sa picture na ito, naghugis puso pa sila sa isa't isa habang matamis na nakangiti sa bawat isa.

Kahit na sampong taon pa lang sila ay kita na kung gaano ba nila kamahal ang isa't isa. Pero may napansin akong kakaiba sa picture na ito.

Nasa playground sila at nasa likuran nila ay isang bahay-bahayan. May napansin akong batang lalaki na masamang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi ito halata sapagkat ang lalaki ay nakaitim ng damit at nakatago sa loob ng bahay-bahayan na iyon. Madilim din sa loob kaya hindi siya halata na nagmamasid.

At kilalang-kilala ko na kung sino ito. Akala ko nagseselos lang ang lalaking iyon dahil hindi siya ang naging top 1 sa klase. Pero ngayon ay alam ko na, sobrang saklap talaga kapag pag-ibig na ang pumagitna.

Gagawin mo talaga ang lahat para mawala ang umeeksena.

"Kaya pala ganon katuwa si Louis habang inaalisan ng balat sa mukha ang kuya ko. At kung paano patayin ng ama niya ang kuya ko dahil mawawala na ang etsyapwera sa inyong dalawa. Kahit na umeksena rin ako sa buhay ninyo ay nandoon pa rin ang pagmamahal niya sa iyo. Kung paano ka ba niya pahalagahan at tulungan sa araw na ikaw ay nahihirapan. Tsk! What a pathetic guy." Mapait pa akong napangisi at napailing na lang. Tinapon ko na rin ang picture na iyon sa mismong harapan ni Tria.

"T-they...they...they fooled me..."

"Matagal ka ng niloloko pero ikaw lang ang patuloy na naniniwala sa kanila. Noon ay naloko rin ako na akala ko ay simpleng banggaan lang ang nangyari, pero noong magsampong taong gulang kami ay nalaman ko ang katotohanan. Kitang-kita sa video kung paano ba brutal na patayin ng Herbert na iyon ang mommy ko at kuya ko na minamahal mo. Tuwang-tuwa pa si Louis habang nakikita ang kademonyohan ng ama niya." Tumalikod na ako matapos kong ilabas ang mga katagang iyon.

Nilagay ko pa sa aking batok ang dalawa kong kamay habang nakatingin sa kalangitan. Sa mga bituin na nagkikislapan at ang buwan na naka-crescent moon sa mga oras na ito.

"Ngayon ay hahayaan kitang mabuhay. Hindi mo kasalanan ang lahat kung bakit ka ba nabulag sa katotohanan. Ngunit hindi pa rin mawawala ang galit at poot ko sa iyo. Kung mahal mo talaga ang kuya ko...sana kilala mo rin ang kaniyang pagkatao. Sana alam mo kung saan ba siya nagmula at kung sino ang tunay niyang mga magulang. Para hindi madamay ang mga bata na walang kaalam-alam sa nakaraan mo, sa nakaraan nating lahat. Ngayon ay babaunin ni Aeze ang sakit at hapdi ng ginawa mo. Ang lanit na sanhi ng pagkaka-eksperimento ninyo." Dahan-dahan na akong naglakad sa kaliwang direksyon.

Habang tumatapak ako sa sahig at unti-unting makalayo sa kaniya. Narinig ko ang mahinang salita na sinambit ng babaeng iyon.

"P-patawad...patawad hindi ko sinasadya."

Napailing na lang ako at mapait na ngumiti. Unti-unti ring nagsibagsakan ang mainit na likido sa aking mga mata.

Pumikit pa ako nang ilang segundo lang para pigilan iyon. Subalit nagtuloy-tuloy lang ito.

Nagmabilis ako sa paglalakad hanggang sa ito ay maging takbo na upang makalayo sa direksyon niya.

Sa direksyon ng babaeng sanhi ng pagbabago ng anak kong si Aeze.

'Kung noong una mo iyan sinabi at nalaman mo ang katotohanan. Sana napatawad na kita nang bukal sa aking puso. Pero hindi, pinairal mo ang pagiging bulag sa katotohanan, marami ng mga dahilan para maniwala ka sa iba. Ngunit patuloy kang nagtitiwala sa taong tunay na pumatay sa mahal mo. Kaya sa ngayon ay hindi kita mapapatawad. Bahala na kung ano ang mangyayari sa iyo.'