Chereads / Notorious Mafia Boss Ex-Wife (SEQUEL) / Chapter 21 - SPECIAL CHAPTER 3

Chapter 21 - SPECIAL CHAPTER 3

(Current year)

KREIAH'S POV:

Habang pinagmamasdan ko ang nagkikislapang mga bituin sa kalangitan at ang nagliliwanag na buwan sa kaitaasan. Biglang bumabalik ang mga araw kung saan ang daming nangyari sa amin.

Pagkabigo, pananakit sa isa't isa, pagsisinungaling at paglayo. Akala ko nga hindi magtatagumpay ang lahat. Akala ko wala na akong dadatnang Rizhui na asawa ko. Akala ko tuluyan na siyang nalandi at nagpakasal na ng tuluyan sa babaeng iyon.

Pero napatunayan ko nga kung gaano ba kawagas at katibay ang pagmamahal na iginagawad niya sa akin.

Lalong-lalo na si Tria na hanggang ngayon mahal niya pa rin ang taong wala na. Ang kuya ko na hindi ko man lang nakita at nakasama.

Sa mga oras na ito ay nasa underground jail siya ngunit hindi sila magkasamang tatlo. Ayokong may mamatay agad ng maaga na hindi pa dumadating ang araw na katapusan na talaga niya.

Hindi ko gustong isama siya sa mga nagkasala. Maaari pa siyang magbago at ituwid ang mga mali. Subalit nagdesisyon siya na tatanggapin niya ang kaparusahan ng kamatayan sa mismong kulungan na iyon.

Kaya't wala na akong nagawa. Halata sa mukha niya ang pagiging desidido sa buhay at ang anak-anakan niya ay hindi ko na alam kung nasan ba.

Maski siya ay wala ring alam sa naging takbo ng utak ni Amira at napagdesisyonan nitong umalis sa bahay nila.

"Are you happy?" Tanong ng taong nakayakap mula sa aking likuran.

Napabuntong-hininga lang ako bago siya harapin. Hanggang ngayon ay nakayakap pa rin siya sa akin. Nang makaharap na ako ay nakita ko ang mukha niya. Hindi halatang 34 years old din ang taong ito.

Walang mababakasan ng kahit anong balbas o kulubot sa kaniyang noo. Para siyang binata na hanggang ngayon ay malandi pa ring lalaki.

"I'm happy but...I'm worrying about Amira. I don't know where she is now, I want to adopt her. Pero wala na nga siya." Nag-aalala kong pagsisimula sa kaniya.

Ngumiti naman siya at mabilis na ninakawan ako ng halik sa aking labi. Pagkatapos noon ay niyakap niya pa ako nang mahigpit.

Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa kaniyang ginawa.

"I feel that she's in a safe place. Darating ang araw na makikita mo rin siya at makakasama. Sa ngayon ay tayo muna ang mag-bonding sa isa't isa. Hmm?" Muli niya akong pinasadahan ng tingin.

Mula ulo hanggang aking dibdib. Napapailing na lang ako bago siya sapakin sa mukha.

"Aww!" Napahawak pa siya sa kaniyang pisngi kung saan doon ko siya pinatamaan. Hindi naman ganon kalakas pero masyado lang talagang O.A ang taong ito.

"Don't act as if you're hurt. Baka lakasan ko na talaga iyan." May pagbabanta kong turan sa kaniya.

Bigla siyang napanguso at umiling nang umiling sa akin. Napangisi na lang ako at siya naman ang niyakap pabalik.

Pumikit pa ako at dinamdam ang init ng taong mahal ko. Maski siya ay nakiyakap na rin. May narinig pa kaming kanta galing sa loob ng bahay.

Isang kanta na sobrang ganda at nakakaiyak kapag naalala namin ang aming nakaraan. Life Goes On by BTS. Tama nga sila, kahit na marami ang nangyari noong nga panahon.

Kabiguan at pagkasawi. Hindi natin kailangang mag-give up. Our life must go on. Baka sakali sa araw na hindi tayo tumigil, doon natin mahanap ang kasiyahan natin.

Ang tunay na saya na walang inaalalang iba.

Katulad ko na puro pagka-selfish na lang ang inisip. Ni hindi man lang sumagi sa aking isipan ang katotohanan na pamilya kami...ang pamilya ay walang sekreto na dapat itago na lang sa isa't isa.

Dahil ito ang magiging dahilan para mawalan ng tiwala ang mahal mo sa buhay.

Pero thankful ako na nagkaroon ako ng isang Rizhui na masasabi ko ngang...isa siyang tunay na lalaki at ama ng mga anak ko.

Isang mapagmahal hindi lang sa kaniyang asawa kundi sa mga kabataan.

Katulad ko...nawalan na rin sila ng mga mahal sa buhay noong sila ay bata pa lang. Masaklap ang sa kaniya sapagkat nakita niya mismo sa kaniyang harapan kung paano ba patayin ng mga armadong kalalakihan ang magulang nila ni Tymoteo.

He become a mafia king because he want to revenge. Nakamit niya nga ang paghihiganti, ngunit tama nga siya...na kahit na nakahiganti ka na parang wala pa rin. Parang hindi pa rin masaya.

Oo may part sa atin na sumaya tayo dahil sa wakas nakuha na rin natin ang hustiya. Ngunit...masaya ba ang ating mga mahal sa buhay na namatay sa ating ginawa sa mga taong iyon?

Parang naging katulad din natin sila. Isang demonyo na tanging hangad lang ay makaganti.

Ang tamang paghihiganti ay pagpapatawad kahit na ano pa man ang nagawa nilang kasalanan sa iyon. Pero, it's already late to know that meaning.

Kung kailan nagawa ko na rin ang ginawa ng mga taong iyon sa sariling pamilya ko.

"What are you thinking? Kanina ka pa wala sa sarili, tinatawag na kita't lahat pero wala man lang akong response na nakuha mula sa iyo. Tell me what's the problem, mahal?" Nag-aalalang wika ni Rizhui sa may tenga ko.

Napangiti lang ako nang malawak at mas lalo siyang niyakap.

"Wala lang. I'm just happy that now...finally we're now complete. Ganito pala kasaya ang isang pamilya na buo. Kahit na hindi man natin nakapiling ang mga mahal natin sa buhay, nagpapasalamat na rin ako sa maykapal na hindi tayo tuluyang nagkahiwalay. Salamat din sa iyo mahal dahil hindi mo ako iniwan. Salamat..." Madamdamin kong turan at mas hinigpitan pa ang aking pagkakayakap.

Pinikit ko lalo ang aking mga mata upang pigilan ang namumuong matinding emosyon sa akin.

"Ano ka ba! It's fine mahal. No matter what happen I'll never gonna leave you or our family. I'll cherish and love you forever. Hindi ko lang maipapangako na hindi tayo magkakasakitan. Sapagkat alam mo naman kung ano ba ang ating katungkulan." Natatawa niyang sambit.

As if may nakakatawa naman sa joke niya. Napanguso na lang ako at pinalo siya sa kaniyang likuran.

"Baka!"

"Aww! Ang sakit mo talagang manakit."

"Atleast masarap magmahal." Kumalas na ako sa pagkakayakap at sabay tinitigan ang kaniyang mga mata.

Hanggang sa labi niya na namamasa-masa. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko. Napansin ko rin ang paglapit niya rin, napapikit na lang ako at dinamdam ang init ng kaniyang labi matapos magkalapit nito.

Hanggang sa unti-unti niyang ginalaw ang kaniyang labi. Nakisabay na rin ako sa kaniya. Mabagal man ngunit ramdam ko ang pagmamahal at pag-iingat niya.

"Ehem!"

Subalit napalayo agad kami nang may taong umepal o mga taong umepal agad sa aming ginagawa.

Mabilis naming binalingan ang limang iyon na pawang nakangisi at wala man lamang bang nangyari.

"Sweet huh!" Hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi ni Jack at saka sinulyapan ako nang makahulugan.

Napairap naman ako at hindi nagsalita pa.

"Mommy! Why daddy eating your lips? Are you a food ba?" Inosenteng tanong agad ni Aele na ikinalaki ng aming mga mata.

"A-eh... W-wala...h-hindi..." Sabay iling ko pa habang nauutal sa pagsasalita.

Samantalang si Rizhui naman ay napakibit-balikat na lang at hindi na ako tinulungan pa.

Kaya mabilis ko siyang siniko pero nagma-maang-maangan siyang tumingin sa akin.

"What?"

"Papatayin talaga kita."

"It's not my fault. You're the one who kiss me, I'm just kiss you back." Patay malisya niyang aniya kaya matalim ko siyang tiningnan at mapaklang ngumiti sa anak kong si Aele.

Pero si Zicko naman ay walang pakundangang binatukan sa ulo ang kapatid niya.

'Err...'

"Don't act as if you don't know about that. Mapatay rin kita diyan." May pagbabanta nitong sambit sa batang si Aele na ngayon ay nakanguso.

Tumingin pa ito sa aming direksyon saka napa-peace sign.

"Sorry mommy hehehe."

Nabuhayan agad ako ng aking kalamnan saka ngumiti na lang din.

'Pwew! Akala ko talaga kailangan ko pang e-explain ang lahat. Hindi pa dapat nila malaman ang tungkol doon. Hindi ko na talaga gagawin na humalik sa lalaking ito. Paking tape! May mga bata!'