KREIAH'S POV:
*BLAG*
"Bullsh*t!"
Malakas kong sinuntok ang lamesa pagkapasok pa lang namin sa meeting room. Pupuslit din sana ang mga bata sa loob ngunit seryoso ko silang binalingan.
"Go to your room and fix yourself. Hindi ninyo pwedeng marinig ang lahat ng mga ito. This talk is for only adults only. Aethon samahan mo sila." Nagmadali naman niyang ginawa ang lahat.
Hindi na rin nagreklamo pa ang mga anak ko. Kita na rin nila sa aking mukha na ayokong ipatingin ang mga bagay na kami lang matatanda ang dapat makaalam.
Sinaraduhan agad ni Jack ang room matapos niya ring makalabas ng meeting room. Kaya kami na lang dalawa ang nasa loob ng meeting place.
Si Rizhui ay nakaupo sa isang chair habang nakacross-arm.
"Sesermonan mo ako?"
"Ay hindi papatayin kita." Sarkastiko ko namang sabat sa obvious niyang katanungan.
Pero imbis na matakot ay napatawa pa siya bago pumalakpak. Pagkatapos niyang tumawa ay ngumiti lang din siya ng sarkastiko sa akin.
"Ako pa ang sesermonan mo kung pwede lang naman na ako ang gumawa nito. Kung nagagalit ka dahil sa agreement na ginawa ko at hindi makipaglaro kay Tria. Paano pa kaya 'yung nagsinungaling at umalis ka sa bansa na para akong tanga sa kakaisip kung okay ka lang ba? Ayos lang ba ang anak ko? Kamusta ang baby mo sa tiyan mo? Tell me? Sabihin mo sa akin kung ano pa ang kinagagalit mo? Nandito rin naman tayo hindi ba? Tell me?!" Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo.
Walang emosyon na nakatitig sa akin. Nang tuluyan siyang makalapit ay aambahan niya sana ako ng sampal sa aking mukha ng pigilan niya ang sarili.
Hindi ako pumikit o umilag man lang. Nakipaglaban din ako sa matalim niyang tingin na iginagawad sa akin.
Umatras pa siya at napatalikod na lang. Malakas na napabuntong-hininga at inilagay ang dalawang kamay sa lamesa.
Nanatili pa rin akong tahimik sa mga oras na ito.
"Alam mo noong sinabi mo ang nangyari sa anak nating si Aeze, sobrang nanlumo ako. Hindi ko man lang nabantayan ang anak ko, hindi ko man lang siya nailigtas kasama mo. Nang mga oras na sinasabi mo iyon, gusto kitang sigawan, gusto kong sabihin na bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Pero anong ginawa ko? Nanatili akong tahimik, ginagawa ang plano mo dahil ayokong mapansin ng nagmamasid sa atin na may ginagawa kang plano. Mas inuna ko muna ang kapakanan niyang p*tang*nang plano mo kaysa ang malaman ang sinapit ng anak ko! So-sobrang s-sakit sa i-isang... ama...sobrang sa-sakit sa akin na makita na ganon na si Aeze. A-alam mo iyon huh! Alam mo iyon? D*mn! Anak ko rin siya Kreiah! Anak ko rin siya kaya may karapatan akong malaman ang mga nangyayari sa anak ko. P-pero...pero anong ginawa mo? You hide this sh*t for many years! You hide this sh*t on your husband! Na akala ko ay hiwalay na talaga tayong dalawa! F*CK!" Narinig ko ang bawat pagtama ng kamao sa may lamesa.
Sunod-sunod niya itong pinagsusuntok. Wala siyang pakealam kung ano bang mangyayari sa kaniyang sarili. Dama ko talaga ang galit niya, ang poot niya, ang kalungkutan, hinagpis at kung anu-ano pa.
Napayuko naman ako. Nararamdaman ko rin ang isang matinding emosyon na bumabalot sa aking dibdib. Konting pwersa na lang ay kusa na itong lalabas. Kusa niya ng kukunin ang buong pagkatao ko para alisin lahat ng tubig.
"N-naging miserable ang buhay ko...g-ginagawa ko ang lahat para hindi nila malaman ang plano mo. I do that f*cking agreement because of your sh*t! Ang tanga ko sa part doon hindi ba? Ang tanga ko sa part na iyon...k-kasi kilala na kita...i-ikaw si Mysterious Mafia Queen, 'di ba? Pero, I still do it, ayokong masira ang plano mo. Kahit na mamatay pa ako ay handa akong gawin ito. Na-natahimik ka? A-akala ko ba sesermonan mo ako? A-akala ko ba—" pinatigil ko na siya sa sasabihin niya.
Ang mga luha ay kusang nagsisibagsakan habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.
Gusto ko pang humiyaw nang sobrang lakas para maalis 'yung matinding emosyon na bumabalot sa aking dibdib. Ngunit hindi ko magawa, I only can do is to cry silently while listening to his words.
"H-hindi naman kita s-sesermonan tungkol doon. G-gusto ko lang sabihin sa iyo na pinag-alala mo ako! Akala ko huli na ako at hindi ko na muling mayayakap ang taong mahal ko! Alam ko naman na ang dami kong ginawang hindi maganda 'e. Naging selfish ako–oo! Mas inuna ko muna ang plano kaysa ang damdamin mo. Pinagmukha kitang masama sa ibang tao, pinagmukha kitang masamang ama kahit na ang totoo ay ako talaga ang pinakamasama. I leave without a words. Iniwan kita na nakatanga at walang alam. Iniwan kita na walang komunikasyon man lang sa isa't isa. Iniwan kita na miserable at iniwan kita na akala mo ay totoong hiwalay na tayong dalawa!" Patuloy sa pagpatak ang luha sa aking mata ngunit winawaksi ko ito gamit lang ang kaliwa kong kamay.
Nanatili lang siyang tahimik. Nakayuko at walang sinasabi na kung ano. Pero kita ko rin kung paano magsibagsakan ang mga luha na naman sa kaniyang mata na mas lalong ikinawasak ng puso ko.
Paano ko ba maalis ang lahat? Paano ko ba aalisin ang sakit na idinulot ko mula sa puso niya?
"This is all my fault. Pero sana naman magkapatawaran na tayo. Kahit na para sa anak lang natin. Ayokong mawalan sila ng ama. Kahit na hindi tayo magpansinan ay ayos lang sa akin. Ako na ang hihingi ng sorry, gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako para lang sa anak natin..."
"Lahat?" Iniangat niya ang kaniyang mukha at saka marahan ding pinunasan ang kaniyang luha.
Tumango-tango naman ako para sabihin na totoo ito. "Oo..."
"Then marry me... Marry me again and I don't f*cking care about that fake divorce. Gusto kong simulan ang buhay natin na parang dati lang. Walang problema, at walang sagabal. Walang plano at walang halong pagpapanggap. Ayos lang ba sa iyo na mapakasal ulit sa engot na dating asawa mo?"
Ngumiti naman ako at saka dahan-dahang tumango. Mabilis din ako na tumakbo sa kaniya. Nilakihan ko pa ang mga yapak ko sa pagtakbo para makalapit sa kaniya ng hindi mabagal.
Nang tuluyan akong makalapit ay tumalon ako para saluhin niya ako. Naiiling naman niya akong sinalo kaya napayakap na lang ang aking mga braso sa kaniyang leeg. Pumikit pa ako at dinamdam ang kaniyang amoy.
"Kahit ilang ulit o taon pa man. Ikaw lang ang papakasalan ko. Ikaw lang ang notorious mafia boss na minahal ko." Madamdamin kong bulong sa may bandang tenga niya.
Narinig ko pa kung paano siya mapahagikhik bago ako yakapin ng todo.
"I am too, mahal. Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay."
"Daddy...wala bang pakipot kahit ilang linggo o buwan lang? Kasal agad? Dapat pinaghihirapan ni mommy ang salitang sorry accepted 'e."
Napalingon agad ako sa direksyon ng pintuan. Hanggang ngayon nakayakap pa rin ako kay Rizhui pero ang akin namang mukha ay nasa kanila.
Pawang nakangiti ang dalawang malaking tao. Samantalang ang tatlo naman ay nakanguso, este dalawa lang pala dahil plain lang ang tingin ni Aeze.
"We're already old. Hindi sa lahat ng oras kailangan naming magpakipot. Baka makuha pa sa akin ang ina mo, may lahing landi rin it–ouch! Joke lang naman. Saka anak kapag mahal mo ang isang tao, kahit na ilang ulit ka pa niyang saktan, balewalain at iwan. Kung parehas naman kayong tanga at marupok. Babalik pa rin kayo sa isa't isa. Kaya huwag na kayong magtaka sa amin ng ina ninyo. Parehas kaming marupok, bakit ba?"
"Kaya pala walang drama na sobrang tindi. Akala ko iiyak ako ng mas mahaba pa. Kaso naging marupok na...hayss! Balik na natin ang timba na ito. Tapos na ang drama..." Napatawa kami ni Rizhui nang makita nga ang isang itim na timba na hawak-hawak ni Zicko.
"Yeah. I need to wash my face too. Naparami ako ng vicks sa may gilid ng mata ko." Sang-ayon din nitong si Aeze, kaya pala may naaamoy akong vicks.
Iyon pala pinahid niya sa gilid ng mata niya.
Kalokohan talaga ng bata.
"Daddy when did the kasal will happen? May ice cream po ba?" Nagtatalon na naman ang anak ko sa naiisip niya.
Kaya ibinaba na ako ni Rizhui sa pagkakakarga at sabay na nilapitan ang batang ito.
Si Rizhui ang kumarga sa bata samantalang ako naman ay piningot lang ang ilong nito.
"Of course! We have! Gusto mo pa ngayon din ay magpakasal na kami ng mommy mo."
"No! You should clean your dirty clothes first and mommy will take care of you. You still have fever po. Pagaling po kayo." Hinawakan pa no Aele ang noo ng daddy niya sabay alis din nito habang nakangiwi.
Napalingon sa akin si Rizhui nang may pagtatanong ang kaniyang mukha pero nagkibit-balikat lang ako.
"Ewan ko sa batang iyan kung saan nagmana. Basta ako maglilinis ako ng sarili ko."
Kumaway pa ako sa kaniya at nagsimula ng maglakad. Ngumiti pa ako sa kambal at kapatid ko. At gayon din ang ginawa niya.
Tuluyan na akong nakalayo sa direksyon ng meeting room na iyon. At maging sa kanila.
Pero hindi na ako magugulat pa sa susunod na eksena.
"Sabay tayong maligo." Ngumisi pa sa akin si Rizhui nang ako ay kaniyang buhatin ng pang-bridal style at mabilis na tumakbo.
Pero naalala ko na may lagnat nga pala siya kaya nagpupumiglas ako para makalayo lang sa lalaking ito.
"No! May lagnat ka!"
"You can't stop me, mahal. Matagal na akong tigang tandaan mo iyan."Napanguso na lang ako sa naging sagot nito.
Saka gusto ko rin naman. Kaya bakit pa ako magrereklamo.
'Duh! Gwapo ang aangkin sa akin ngayon din 'e. Saka asawa ko pa! Kaya gora na!'
END.
***
Salamat po sa lahat ng sumabaybay sa story na ito. May special chapters pa po kaya abang-abang lang. Saka sorry sa ending ahaha...alam ko namang parang sabaw lang ang story na ito pero pinag-isipan ko talaga. At minahal pa. Gustong-gusto ko si Kreiah at Rizhui.