Chereads / Notorious Mafia Boss Ex-Wife (SEQUEL) / Chapter 19 - SPECIAL CHAPTER 1

Chapter 19 - SPECIAL CHAPTER 1

After 7 days...

KREIAH'S POV:

"Mom! This is the right time. Tell us the truth. We're confused. Naguguluhan na rin kami kung ano ba talaga ang totoo." Naiinis na turan ng panganay naming anak na si Zicko.

Napapailing na lang ako bago mapalingon kay Rizhui na ngayon ay maayos na rin ang lagay. Akala mo hindi sumabak sa away sapagkat parang normal lang ang lahat.

Nakadekwatro siya habang may hawak-hawak na sigarilyo sa may kanang kamay niya. Malayo siya sa aming pamilya. Ayokong malanghap ng mga anak ko ang usok ng paninigarilyo niya.

"Naalala mo ba 'yung araw na nagsisigawan kami ng ama mo?" Nagtatango naman siya sa tanong ko kung kaya't ngumiti ako nang mapakla bago mapabuntong-hininga. "Iyon din ang panahon na sinabi ko ang paparating na divorce paper sa bahay nilang dalawa ni Tria. Hindi matanggap ng daddy mo ang lahat, alam ko ring narinig mo kung paano siya humagulgol na parang bata habang nagmamakaawa. Pero I have no choice that time, i have no choice but to lied at him. Hindi ko sinabi ang lahat na ito ay pawang kasinungalingan lamang. Noong oras na umalis siya ng bahay, kita sa mukha niya na naiinis siya at nagagalit. 'Yun din yung dahilan kung bakit masyadong totoo ang lahat ng mga eksena. At halata rin na walang napansin ang mga taong nagmamatyag sa amin o sa atin. Akala lang ninyo tahimik at parang normal lang ang lahat. Pero hindi ninyo alam na sa bawat parte ng bahay natin ay may nakamasid na mga nilalang na pawang spy ng organisasyon ni Herbert."

"Ah...now I know, I thought I'm just hallucinating or daydreaming. I seen someone from our room. Gabi po iyon, but, because of the light that coming from moon. Nakita ko ang isang tao na merong knife in his arm. But he suddenly run away and jump from the window." Napataas naman ang kilay ko sa 'king narinig.

Hindi makapaniwalang may ganito palang eksena. Bakit hindi ko nalaman? Bakit hindi ko alam?

"When?"

"Before the event po. Aele is already freaking out and asking me to look outside. Nag-aalala siya sa kalagayan ng tumalon kaysa kalagayan ng sarili niya." Sabat naman ni Aeze.

At maging si Zicko ay nakisawsaw na rin sa amin. Nakahawak ito sa may baba niya habang malalim ang iniisip.

"That time too...after mom leave her room and our daddy. Pumasok ako sa loob ng kwarto nila. Pero hindi ko inaasahan na may tao na may dalang baril at nakatutok kay daddy. Nagmadali itong tumakbo palayo at naiwan ang baril na hawak niya. Kaya pinagmasdan ko ito nang maigi at maging si daddy. 'Yun din ang time na akala ni mommy ay papatayin ko si dad."

Matapos sambitin iyon ni Zicko ay nagkaroon nang matinding katahimikan sa pagitan naming pito. Kasama na si Jack at si Aethon.

Napalingon-lingon pa sa aming direksyon si Aele. Bubuka at sasarado ang kaniyang bunganga. Animo'y may dapat siyang sasabihin pero bigla ring titigil.

"How about you Aele? Kanina ka pa namin napapansin na may gustong sabihihin. What is the problem?" Pambabasag agad ni Aethon. Kaya nagkaroon na naman ng dahilan ang lahat para mag-ingay at magbigay ng komento.

"That Louis is the reason why daddy suddenly disappeared. I just tell that daddy is in danger. But, I also heard from Louis about everything. Nakalimutan ko lang sabihin sa inyo mommy hehehe!" Sabay peace sign pa niya sa aking harapan.

Napahawak na lang ako sa aking kanang mata at napapikit na lng dahil sa matinding narinig.

Akala ko ako lang ang magaling magtago ng mga kung anu-ano. Pati pala ang mga anak ko.

"Sa susunod sabihin ninyo agad sa mommy ninyo ang nakikita ninyo. Bawal ninyo itong itago sa kaniya o kay daddy ninyo. Paano kung mapunta sa panganib ang buhay ninyo? Always think and leave a right decision, okay?"

"Tito Jack ikaw po ba may nagawa ka na po bang tamang desisyon?" Inosenteng tanong agad ni Aele na ikinatahimik agad nitong si Jack.

Napakamot pa ang kambal ko sa kaniyang batok dahil sa sinambit ng anak ko na kung anu-ano na lang ang nakikita.

"That's enough. May gusto pa ba kayong malaman?" Pagpapatigil ko agad sa kanilang lahat.

Mukhang mapapasubok sa isang gulo ang isang ito. Lalo na si Aele na hindi matatapos iyan sa kakatanong tungkol sa tito niya. Ilang taon din silang hindi nagkasama at nagkakilala sa isa't isa.

Kaya imposible na hindi magtatanong ng mga kung anu-ano ang batang ito.

"Me! Me! Me!" Napapailing na lang ako sa nakikita ko kay Aele.

Sobrang ligalig niya at pataas-taas pa siya ng kaniyang kamay habang nagsasalita. Natatawa na lang din ng wala sa oras ang mga kasamahan namin dito.

"Aele?" Nilahad ko pa ang kanang kamay ko sa kaniya bago ibaba muli.

"I want to know what's really the history of Tomizara Clan? And why people don't know about your family? And why are you disguising as a weak one, if you can kill a person automatically? Why mommy? Tito Jack? Tito Aethon?" Nilingon pa niya kaming tatlo isa isa.

Napasulyap din ako sa dalawang lalaking ito na napapakamot na lang din sa kanilang ulo sa tanong ng anak ko.

Maging ako ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sasabihin sa kanila. Masyado pa silang bata sa mga ganitong bagay, pero bata pa rin ba ang kanilang isipan?

"What do you think twin? Kailangan ba talaga nilang malaman ang tungkol sa atin o darating na lang ang araw na malalaman nila?" Sabay baling naman agad sa akin ni Jack.

Napakibit-balikat na lang din ako at inisa-isang pinagmasdan ang mga anak ko. Pawang nakadaupang palad ang kanilang mga kamay. Ang mga mata naman nila ay nagmamakaawa na sabihin ko ang totoo.

Ang alam lang nila ay kailangan naming tulungan ang ama nila. Tanging ang sinasambit ko lang ay mahalaga iyon. Na bata pa lang ako ay tinuturuan na ako ng mga taong nasa organisasyon namin, without knowing the real reason or truth.

"Haist!" Napayuko na lang ako sa nakikita ko at nagpalabas ng buntong-hininga. "Ang Tomizara Clan ay ang namamahala sa Mafia World, while the Miller Clan is in Gangster World."

"Sino naman po ang namamahala sa Gangster World?" Biglang sabat naman ni Zicko na ikinatahimik ko ng limang segundo.

Pero sa huli ay tumingin ako sa direksyon niya at ngumiti. "Who knows? Kagaya ko, masyado rin siyang misteryoso. Hindi pa ninyo kilala ang mga Miller Clan. Tanging si Tito Jack lang ninyo ang kilala ninyo. Darating ang araw na siya mismo ang magpapakita sa inyo."

"Si Tito Aethon po ba? Ano po bang apelyido niya?" Sabay turo agad nilang tatlo sa lalaking nakatingin sa cellphone. Pero napabaling din ang tingin ang sa amin nang mapansin na nakatingin sa kaniya lahat.

"What?"

"He's Tomizara. Hindi lang halata dahil masyadong isip bata." Umirap pa ako habang sinasabi ko iyon. Napanguso na lang si Aethon pero hindi na rin nagsalita pa.

"How about Assassination World po?" Ani Aeze.

"No one knows about them. Tanging mga ninuno lamang natin ang nakakaalam nito. Labas na tayo roon." Napatango-tango na lang ang lahat habang nagtataka pa rin ang kanilang mukha.

Samantalang si Rizhui naman ay natapos na rin sa kaniyang paninigarilyo. Ngayon ay mayroon ng kendi sa kaniyang bibig. Mentos ata ito dahil iyon lang naman ang palagi niyang binibili sa tindahan.

"About why I'm disguising as a weak one? Dahil nasa plano ko na talaga iyon. Kilala ako ng mga tao na masyadong matulungin at mabait. At mahina para lumaban. Bata pa lang kami ni Jack ay tinuruan na kami kung paano ba malilinlang ang mga tao. Subalit hindi ko alam kung bakit hindi iyon ina-apply ng kakambal ko..."

"That's a sh*t. Why would I gonna used that if I can kill them without any hesitation." Sabay irap pa nito matapos sabihin ang katagang iyon.

Napangiwi na lang ako pero hindi na lang din iyon pinansin pa.

"Bakit hindi kami kilala ng mga tao o bakit walang kaalam-alam ang mga tao sa kung ano ba ang apelyido ng mga namumuno? Dahil labag sa kautusan na malaman ng lahat. Kung sino man ang nangahas na ipaalam o ibanggit ang tungkol sa mga Tomizara. Kamatayan ang kapalit sa buhay nila. Negosyante o kung ano ka pa man sa mundong ito...walang kinikilingan ang mga Mafia."

"Ahhh...how about that Tria girl po? Where she is now?" Nang sambitin ni Aele ang pangalan ng babaeng iyon ay bigla kong naalala ang araw na iyon.

Ang araw kung kailan ko siya kaharapin ng kaming dalawa lang.

Akala ko nagkakamali lang ako ng naiisip pero tama pala ang hinala ko.

Bakit hindi ko man lang napansin ang mga iyon?

Kung inuna ko muna ang lahat, may magbabago ba sa aming dalawa? Sana inalam ko muna ang totoo bago ako magdesisyon.

Sana ayos lang siya at maisip niya na hindi niya kasalanan ang lahat. Nasa tadhana na ang nangyari.

Nangyari na hindi nabuhay ang minamahal niya. Ang minamahal kung bakit labis ang galit ko sa taong iyon...kay Louis.