(8PM AT HERBERT M. COMPANY'S EVENT)
KREIAH'S POV:
Sa kalansingan ng mga alak. Nagtatawanang mga nilalang sa loob ng arena. Mga taong kilala sa buong mundo at mga mafia na kinagagalak makilala ng mga tao.
Marami pa akong nakikita na personalidad na kilala ko at napapansin sa social media. Lahat ng mga imbitado ay kilala bilang mahusay na mafia, negosyante, o hindi kaya ay myembro ng organisasyon.
May iilan ang napapayuko sa aking direksyon ngunit ang iba naman ay nagtataka sa ginagawa ng mga taong iyon.
"Mom, its so huge. Saan tayo pup'westo?" Tanong sa akin ni Zicko. He's wearing his daddy's tuxedo, may linen shirts rin na pinartneran niya nito. And then trouser. Lahat ng suot niya ay sa daddy niya. Malaki na rin naman siya kaya kasya na ang damit ng daddy niya sa kaniya.
Noon pa lang ay gusto na talaga niyang masuot ang mga clothes ng daddy niya. At nagsinungaling ako roon sa part na sinunog ko ang lahat ng mga alaala namin. Lahat ng iyon ay itinago ko, namin ng anak ko.
At ngayon ay mangyayari na ang araw na may eeksena sa magandang event na ito.
'And it will be the exciting part for me...'
"Sorry I'm late! Oh! We're late pala..." Napalingon pa ako sa direksyon ni Aethon kasama ang dalawa kong anak na sabay-sabay na sinipa ang paanan niya. "Ouch! What was that for?" Nagtatakang tanong niya pero mahina lang para hindi siya makagawa ng eksena.
Tanging nasa tabi lamang namin ang napapailing na lang.
My two sons wearing a black tuxedo too. But for kids nga lang. Tinernuhan din nila ng casual flannel shirts. Then a black pants na bagay na bagay talaga sa kanila.
"Let's go. Huwag mong kakaligtaan iyang dalawa na iyan. Lalong-lalo ka na Aele, do your best, okey?" Napatango-tango naman siya bago mapathumbs-up pa sa akin.
"Yes mommy! Goodluck din po."
"Tsk. When did you learn how to speak tagalog?" Naiinis na tanong nila Zicko, Aethon at Aeze. "Mom? You also know that he already learn how to speak tagalog?" Lumingon naman sa akin ang tatlo.
Pero masama ko namang tiningnan si Aethon dahil nakikisali siya sa anak ko. Mas matanda pa naman siya sa akin ng isang taon.
"1 week pa lang. Hindi niya lang pinapahalata atsaka tamad lang si Aele. Sometimes may hindi pa siya alam na tagalog word." Sabay peace sign ko pa ng makitang manlumo ang dalawa bago mapalingon sa isa't isa.
"Let's go to the VIP counter. Nandoon na rin ang iba pang member ng ating leader." Tumango-tango na lang ako sa sinambit ni Aethon.
Nagsimula na naman kaming maglakad sa daan na ito. May nakakasalamuha pa kaming tao, kung kaya ngumingiti na lang kami. Hawak-hawak ko sa may kaliwang kamay si Aeze, samantalang si Aele naman ay nasa tito niya. Naglulundag habang naghahagikhik ng makita ang table kung nasan ang food na sobrang dami. Iba't ibang putahe at iba't ibang bansa na pinanggalingan.
"Yummy! I want to taste the food! Yeppie! Ice cream~here I come oh! Here I come!" Napapatawa na lang ako nang mahina sa asal ni Aele.
Tiningnan ko pa si Aethon na nakangiti na rin sa anak ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya rito sapagkat masyadong makulit si Aele. Mawala na lang ng hindi namin namamalayan.
Sobrang lawak pa naman ng arena na ito. At kulob din pero malamig. Maraming armadong mga tauhan ang may-ari ng kompanyang pinuntahan ko.
Habang naglalakad kami palapit sa may VIP counter. Ilang hakbang na lang din iyon bago kami makapunta nang walang pasabi na lumingon ako sa kanang bahagi ko. Kung nasan ang taong bigla na lang nawala kagahapon.
Nakaupo na siya sa desk ng kaniyang kompanya. Nakahawak pa rin siya sa kaniyang ulo habang nakatukod ang kaniyang siko sa lamesa. Hanggang ngayon may sakit pa rin ito kaya ganiyan ang ikinikilos niya.
Napapansin ko na mas lalong dumami ang kaniyang sugat at maging pasa. Kahit na itago niya ito sa concealer ay makikita pa rin sapagkat sobra ang naidulot nito sa kaniyang katawan.
Kumirot tuloy ang aking dibdib. Mas lalo akong napahigit ng hininga ng mapalingon siya sa direksyon ko. Hindi na siya ang minahal ko na ayos ang pagmumukha, may sugat at pasa na rin sa may bandang pisngi niya.
Pero kahit na ganiyan pa siya, kahit na magbago pa siya. Still I'm inlove on that guy.
Halata sa kaniya ang pagkagulat pero katulad ng anak ko kanina ay nakaramdam siya ng pagkalumo.
Umiling pa ako at pinigilan ang aking sarili na mapaluha sa harapan niya.
"Tara na." Utos ko na lang sa kanila.
Naglakad na kami para tuluyang makalapit sa direksyon ng leader namin at ng boss namin na si Louis. Nararamdaman ko pa ang titig niya ngunit pinipigilan ko ang aking sarili na mapasulyap muli sa bahagi niya.
"I miss my daddy..." Rinig kong sambit ni Aeze at Aele.
Mahina lang iyon ngunit sapat na sa aming apat na marinig.
Ngumiti lang ako ng mapakla bago pisilin ng marahan ang anak kong si Aeze. Samantalang si Zicko naman ay nanatiling tahimik lang. Napalingon pa ako sa kanang bahagi ko at nakita ko ang nakayukom niyang kamao.
Hinawakan ko na lang ang balikat niya at saka ito pinisil. Hindi siya nagsalita o nag-react man lang, hinayaan na lang niya na gawin ko ito.
Hanggang sa alisin ko na ito ng makarating na kami sa direksyon nila. Mabilis na lumapit sa aking direksyon si Louis at aambahan na sana ng yakap pero umilag ako.
"Oh sorry..." Napahiya pa siya pero agad din ngumiti. "Come here and take a sit. Mamaya ay mangyayari na rin ang event. Do you want something?" Tanong agad niya at binigyan kami ng daan papunta sa upuan na naka-reserve sa amin.
Ngumiti lang ako sa kaniya bago ituro si Aele na kanina pa nakatingin sa lamesa. Nakanguso ito habang sinasalita ang katagang 'ice cream' parang kuya niya lang din noon.
"Can you give Aele, Aeze and Zicko an ice cream? If that's only okay?"
Napakamot pa ako sa aking ulo ng sabihin ko ang katagang iyon. Narinig ko na naman ang pag-chuckle niya bago tumango.
"Sige. Umupo na lang kayo r'yan. But how about you? What you want to eat or drink?"
"Blood." Napahawak pa ako sa aking bibig sa lumabas sa aking bunganga.
Mas lalo siyang napatawa bago mapailing. "You're funny rin pala."
No I'm not...
"Okay. I'll bring their ice cream right away. Just wait a second."
"Hmm.." Iyon na lang ang sinabi ko.
Nagsiupuan na rin kami sa kaniya-kaniya naming upuan. Katabi ko pa rin si Zicko samantalang ang dalawa naman ay kasama ng kanilang tito na nasa katapatan lang ng lamesa. Mahaba itong lamesa para sa amin. Sampong upuan ang kasya. Nandito na rin ang leader at ang iba pang myembro namin.
Tamang nakatingin lang ito sa may stage. Naghihintay ng lalabas na tao.
Kaya ibinaling ko na rin ang mga mata ko sa stage na iyon.
Nag-iisip kung ano ba ang dapat kong gagawin. O ano ba ang uunahin ko?
Nakabalik na rin si Louis sa pagkakakuha ng ice cream ng mga anak ko. Umupo na rin siya sa kabilang upuan na katabi ko. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang pagkatuwa ni Zicko sa ice cream. He never failed to amuse me every time he taste an ice cream.
"Okay ladies and gentlemen. Please give an around of applause the owner of Herbert M. Company." Napabalik lang ako sa aking diwa ng makita ang MC na nagsasalita.
Nakarinig na rin ako ng sunod-sunod na palakpakan sa mga inimbita. Sa sobrang dami nito ay napapangiwi na lang ako sa tunog ng nagsilapitan na kamay sa isa pa nilang kamay. Pero nakisunod na rin ako sa sinabi ng MC, masabihan pa ako na fc at walang modo para hindi pumalakpak sa may-ari.
"Thank you! Thank you!" Dahan-dahang naglakad ang lalaking mataba na may edad na papunta sa gitna ng stage. Nakangiti pa ito sa lahat ng mga tao.
Halata talaga ang saya sa mukha niya sapagkat sa tagumpay ng kaniyang kompanya.
"Thank you for coming to this event. Akala ko ay walang pupunta sapagkat marami tayong gawa sa ating mga kompanya. Pero gayon na lang ang pagkatuwa ko sa aking nakita, ang arena ay napuno ng mga tao. I'm very happy. Thank you for visiting me." Nagsipalakpakan na naman ang lahat sa kaniyang sinabi.
Ang iba pa ay nagsisigaw ng kung anu-anong papuri. Samantalang dito naman sa aming lamesa ay tahimik lang na nakikinig.
Medyo napakaboring talaga ng mga event. Pero kailangan kong umattend para sa isang misyon...misyon na mangyayari mamaya.
Napalingon agad ako sa relos na nasa palapulsuhan ko. Malapit ng pumatak ang alas n'webe ng gabi.
Tatlumpu'ng minuto na lang ang hihintayin ko...namin para magawa ang plano.
"Before we proceed to the meaningful speech of our guest, Ms. Tomizara. I want to share this greatest achievement of our life as a mafia boss." Muli kong ibinaling ang tingin sa unahan. Nakangiti ito sa mga tao.
Pero kalaunan din ay ngumisi na parang demonyo. That's the real side of Herbert M.'s owner.
An evil in disguise.
Pero anong tinutukoy niya na greatest achievement?
"I'm officially declaring that I've won on our agreement with Mr. Rizhui Tymothy Darson. Lahat ng ari-arian at rank niya ay nasa akin na. Ako na ang bagong namamahala sa organisasyon na binuo niya. At siya ay isa na lang ordinaryong mafia na may kaukulang parusa. Alam ninyo kung ano iyon?" Dahan-dahang lumingon sa akin ang owner ng Herbert M.
Pinapakita niya sa akin ang panliliit. Ang pagkasuklam at maging ang pagkawagi sa isang bagay na hindi ko inaasahan na mangyari.
"KAMATAYAN..."
'F*CK! Bakit hindi ko alam ang ganitong bagay? Bakit hindi niya sa akin sinabi na mangyayari ito?'