(5 days passed)
KREIAH'S POV:
Limang araw na ang nakalipas. Sobrang bilis ng pangyayari, kakasabi ko pa lang kay Rizhui ang tungkol sa anak niya sa akin. Maging ang pagkikita ng anak ko at ni Louis na gusto niya dahil sa galing nito sa lahat.
At maging ang event ay sampong araw na lang ang bibilangin. Hindi ko naman iniisip kung ano ang susuutin ko o ng mga anak ko. Iniisip ko lang kung magiging tagumpay ba ang nasabing plano.
'Sana nga lang...'
Tapos ngayon makikita ko na lang ang dalawang lalaki na patuloy kaming ginugulo. Araw-araw silang pumupunta rito sa bahay para lang mag-awayan at kung minsan ay nanununtok lang ng walang pasabi itong si Rizhui.
Hindi ko nga alam kung ano ba ang nangyayari sa lalaking ito. Pinayagan ko lang siya na pumunta sa bahay para sa mga anak niya at hindi sa akin.
Alam kong galit si Zicko sa naging desisyon ko. Pero pinapanatili niya ang sarili na huwag gumawa ng bagay na pagsisihan niya. Hinayaan na lang niya na pumunta rito ang daddy niya subalit malayo ang agwat/distansya nilang dalawa.
Palagi siyang sumasama kay Louis tuwing may pupuntahan ito. Minsan pa ay naririnig ko na lang ang dalawa sa loob ng kwarto ni Zicko na nagtatawanan.
Mabait naman si Louis. Sobrang makabasag-pinggan niya sa pagiging mabait sa kapwa. Malayong-malayo siya sa lalaking nasa profile niya na bayolente at walang pake sa ibang tao.
Naging malapit na rin kami sa isa't isa ni Louis dahil sa pagiging bulero at palakaibigan niyang tao. Kahit minsan ay napupunta na kami sa bagay na hindi ko gusto.
'Haler! Kakakilala lang namin pero siya mahal na raw agad ako? May sira ba ang mata ng lalaking ito?'
Mabuti na nga lang wala na siya ngayon sapagkat gabi na rin at kailangan niya ng umuwi sa kanila.
Samantalang ako naman ay nagpunta sa likuran ng aming bahay. May swing doon na nandito na matapos naming lumipat ng mga anak ko.
Ang mga anak ko rin ay tulog na ng iwan ko. Malay ko sa isa kung ano ang ginagawa sa loob.
Habang naglalakad ako. Naririnig ko rin ang yapak ng kung sinong tao. Ngunit hinayaan ko na lang siya sa kung ano ang gusto niyang gawin.
Nakita ko na sa hindi kalayuan ang swing na dalawa. Dahan-dahan akong lumapit sa direksyon na iyon at hinawakan ang nasa kaliwang bahagi.
Malinis naman at kita rin sa liwanag ng buwan na walang tubig o basa man lang. Kaya umupo na ako roon at ginalaw ang swing.
Nakahawak ang dalawa kong kamay sa hawakan habang ang aking paa ang gumagalaw.
Nakatingin lang ako sa buwan at maski sa mga bituin na kumikislapan sa kaitaasan.
Lumakas din ang simoy ng hangin kung kaya napunta ang ilang hibla ng aking buhok sa mukha. Gamit ang aking kanang kamay, ibinalik ko sa dating ayos ito.
Napansin ko naman na may umupo rin sa kabilang swing kaso hindi na ako nag-abala pa na makita siya.
"Anong ginagawa mo rito? Dapat ay umuwi ka na at puntahan ang asawa mo. Baka 'e may anak ka na rin sa kaniya, dapat inaalagaan mo ito ng mabuti." Straightforward kong saad kay Rizhui.
Para malaman niya ang kaniya ring obligasyon sa babaeng ipinalit niya sa akin. Maaari siyang manatili rito sa aming bahay ngunit sa oras lang na gising pa ang aking mga anak.
At hindi sa oras na gising pa ako.
"Matagal na akong hindi umuuwi sa kaniya." Mahinang sambit niya.
Napatawa naman ako ng mahina pero ang tawang ito ay may halong pagkasarkastiko. Tumingin pa ako sa langit habang tumatawa.
"Ano pa bang gusto mo? Ano pa ba ang ipinapahiwatig mo sa akin?" Inis na turan ko sa kaniya sabay baling sa kabilang swing.
Nakatingin din siya sa akin. Kita sa liwanag ng buwan ang mga sugat at pasa sa kaniyang katawan.
Naawa ma'y napapaisip din ako na baka galing lang ito sa pagiging mafia niyang tao. He known being a notorious one, a powerful yet a successful business guy.
Pero hindi ko nakita kahit ni minsan lang noon na naging ganito siya, like what the f–anong ginagawa ni Tria para patigilin si Rizhui na sumabak sa gulo?
"I want you...I want us, no Tria and no Louis in our life." Puno ng emosyon ang kaniyang mga mata habang binibigtas ang katagang iyon.
May mababakasan din ng pagkalumo't pangungulila ang kaniyang mga mata pero halata rito ang pamumula. Napansin ko rin na parang may kakaiba sa lalaking ito mula kanina pa.
Hindi siya nakipag-away o nakipagbangayan kay Louis. Nandoon lang siya sa gilid, nakaupo at nakamasid habang hawak-hawak ang kaniyang ulo.
Ngunit hindi niya na ako maloloko pa. Hindi na ako ang dating Kreiah na kilala niya.
Napapailing pa akong tumayo. Matalim na tiningnan ang lalaking nakaupo pero nakatungo sa aking direksyon.
"I'm sorry but, hindi na maibabalik pa ang lahat. Tapos na tayo, tapos na ang relasyon na binuo natin. Kung hindi ka lang sana nagloko, 'e di sana ayos tayo. Sana hindi galit sa iyo si Zicko! Sana buo ang pamilya natin! Alam mo naman ang past ko hindi ba? Sinabi ko sa iyo na ayokong mabuhay na sira ang pamilyang gusto kong mabuo bago tayo magpakasal. S-sinabi ko 'e...s-sinabi ko na..." Tumingin pa ako sa itaas para pigilan ang luhang gustong kumawala sa aking mata.
Ngunit hindi nangyari. Unti-unting nahulog ang mga iyon sa aking pisngi. Napasinghot pa ako bago punasan ang aking luha gamit ang aking kanang kamay.
"P-pero bakit ikaw pa? B-bakit tayo pa? An-Ano bang mali sa akin..."
"Walang mali sa iyo...ako ang may mali."
"THEN WHY DID YOU LIE? WHY DID YOU DECIDED TO DIVORCE WITHOUT TELLING ME THE REASON WHY. INIWAN MO AKO! INIWAN MO KAMI NG ANAK KO NA WALANG KAALAM-ALAM SA MGA NANGYAYARI. INIWAN MO AKO NA PU-PURO...PURO PAGSISISI SA SARILI. DAHIL WALA AKONG ALAM KUNG ANO BA ANG PAGKAKAMALI KO. SANA INISIP MO MUNA IYON! SANA HINDI MO NA LANG AKO PINAKASALAN KUNG IIWAN MO RIN NAMAN." For many years of being silent and telling myself that it's okay to hide the feelings.
Pero pagdating talaga kay Rizhui hindi ko magawang i-keep ang mga nakatagong lihim sa buhay ko. Patuloy itong lumalabas, patuloy nitong sinasabi sa akin na ito na ang time para isigaw na ang lahat ng sakit sa mismong mukha niya.
At unti-unti ko ring nararamdaman ang ginhawa sa aking dibdib. Sa wakas nailabas ko na ang sakit.
Sa loob ng limang taon o higit pa roon ay nagawa ko ng sabihin ang lahat sa kaniya.
Nagulat naman ako ng wala siyang paalam na niyakap ako. Sobrang higpit nito na akala mo ay ayaw niya akong pakawalan pa sa yakap na ito.
Nakaramdam din ako ng kakaiba sa sarili. Kaya nagmadali akong nagpupumiglas sa mga braso niya. Sa braso na sobrang init na nakakapaso na.
Kaso nagpupumilit pa rin ako na makawala, pero patuloy niya akong niyayakap ng mahigpit.
Naririnig ko rin ang panaghoy niya pero hindi ko iyon pinansin. Tuluyan na rin akong nakawala at mabilis siyang tinulak palayo sa akin.
Napaupo pa siya sa sahig dahil sa labis na pagkapayat niya. Natamaan pa siya sa batong nakausli ngunit hindi ko pinakita na nagkaroon ako ng awa sa kaniya matapos makita ang pagpuslit ng dugo mula rito.
Nakayuko na siya ngayon. Naririnig ko pa rin ang munting iyak niya. Subalit hindi na ako ang Kreiah na madadala niya sa pag-iyak niya.
P...pero,
'H...hindi...hindi dapat ako maawa sa taong kahit kailanman ay wala man lang awa rin akong iniwan na parang basura lang.'
Naalala ko bigla ang naging senaryo kanina. Kung paano siya palihim na umalis sa bahay para lang umubo. Nagtatago lang ako habang pinagmamasdan siya sa malayo.
Noong una pa lang ay may kakaiba na talaga kay Rizhui.
Kaya dahan-dahan akong lumapit. I'm just making sure na totoo talaga ang hinala ko.
Nang makalapit ako sa direksyon niya ay saka ako umupo para magkapantayan kami.
Unti-unti ko ring ginalaw ang aking kamay para hawakan ang kaniyang noo. Nanginginig din ang aking palad dahil sa gusto nitong ipahiwatig.
Papalapit pa lang ang kamay ko sa noo niya ng bigla na lang mapabagsak nang tuluyan sa lupa ang walang malay na si Rizhui.
Dali-dali kong hinawakan ang noo niya at doon ko nga lang nakumpirma na may lagnat nga ito. Sobrang init kaya napalayo pa ang kamay ko sa may ulunan niya.
Nag-isip-isip pa ako kung ano ang gagawin ko. Kakayanin ko kayang buhatin ang lalaking ito sa loob? Pero ang laki niya kahit na payat na siya.
"You needed my help mom?" Mabilis akong napalingon sa likuran ko.
Nakita ko si Zicko na seryosong nakatingin sa akin pero nang dumako ang tingin niya sa ama ay saka lang siya napailing.
"I already knew it in the start na may mali talaga sa kaniya," pumunta pa siya sa aking direksyon at hinawakan sa may balikat ang ama niya.
Dahan-dahan niya itong iniangat. Pero ako naman ay nagtataka lang sa ikinikilos nitong si Zicko.
"Nakita mo rin?"
Tumango naman siya at saka tiningnan ang ama niya na hindi ko mai-describe kung ano bang ekspresyon ang ipinahiwatig niya mula ng titigan ito.
"Even I hated him so much. Alam ko pa rin kung gaano niya tinatago ang lahat para walang makahalata na may nararamdaman siya. At iyon ang pinakaayaw ko sa kaniya, sana marunong din siyang magkonsidera na may tao pa ang iintindi sa kaniya. Tsk." Matapos niya iyong sabihin ay siya na mismo ang kusang tumayo sa ama na wala pa ring malay.
Tinulungan ko na rin siya para lang hindi siya mahirapan sa pagbubuhat ng kaniyang ama.
***
Ngayon ay nasa kama ko na si Rizhui. Nakalabas na rin si Zicko para ipagpatuloy ang pag-idlip niya. Natapos ko na ring haplusan ng maligamgam na tubig na nasa tuwalya ang buong katawan niya para kahit papaano ay mapigilan ko ang pagtaas ng lagnat nito.
Ginamot ko na rin ang braso niya na natamaan ng nakausling bato sa lupa. Para sure na rin na hindi ito magka-infection pa. Nilagyan ko rin ng gamot ang ibang mga sugat sa katawan at mukha niya. Halatang hindi nililinis.
Pero ang ipinagtataka ko lang kung bakit sobra namang dami ng sugat niya pati sa loob ng kaniyang katawan.
'Sa away lang ba o may iba pang meaning ito?'
N
apailing na lang ako sa naiisip ko. Bukas ko na lang din naisipan na painumin siya ng gamot kapag nagising siya.
Sa oras na ito ay kailangan ko na ring matulog. Mabuti may isa pang kama rito. Pinasadya ko para sa mga anak ko na paminsan-minsan ay lumalabas ng kanilang kwarto para matulog lang sa kwarto ko.
Bago pa man ako makaidlip ng tuluyan. Binalingan ko muna ang mahimbing na natutulog na si Rizhui.
"You're lucky having a child like Zicko." Huling sambit ko bago tuluyang kainin ng kaantukan.