KREIAH'S POV:
Dalawang oras na ang nagdaan magmula ng pumunta kami ng mga anak ko sa meeting room. May pinag-usapan lang kami na importante na hindi dapat malaman ng kung sino.
Pero pagbalik ko sa kwarto kani-kanina lang, nagtataka na ako kung bakit wala akong nadatnang Rizhui na nakayuko o nag-iiyak. Hindi ko rin siya makita sa kama.
Kaya lumabas muli ako sa kwarto para hanapin siya sa kusina kaso wala rin.
Inikot-ikot ko na ang buong paligid ng bahay ko para lang hanapin ang lalaking iyon dahil hindi pa siya nakakainom ng gamot. Ngunit hindi ko na nakita ang anino niya.
'Nakakapagtaka lang na bigla na lang siyang naglaho. Imposible rin naman na nakapaglakad na siya ng ayos kung mataas pa rin ang lagnat niya. Inaabot pa naman iyon ng isang linggo bago mawala ang sakit.'
Napakamot na lang ako sa aking buhok dahil sa lalaking iyon. Saan ba naman kasi nagsusuot?
"Mom? Ano pong ginagawa ninyo? You look so frustrated na 'e?" Napalingon ako sa likuran ko.
Nakita ko si Zicko na nakataas ang kaliwang kilay sa aking direksyon. Napailing naman ako bago mapalabas ng buntong-hininga.
"I'm finding Rizhui. Nakita mo ba siya anak?"
"Hindi po, magkakasama lang po tayo sa meeting room hindi ba? Saka nagtuloy-tuloy kami nila Aeze at Aele sa kwarto ko para maglaro. Kaya hindi po namin siya nakita." Napatango-tango naman ako sa mahabang salaysay ng anak ko.
Alam ko naman na iyon. Nagbabaka-sakali lang na naligaw si Rizhui at napunta sa kwarto ng mga bata.
"Hey! What's up! Where's Rizhui the bully?!" Nakita ko ang matangkad at matikas na lalaking palapit sa amin. Ang kaliwa niyang kamay ay nakatago sa may likuran niya. Hindi ko lang matukoy kung ano ba ang nasa likuran nito.
Pati paglalakad akala mo nasa modeling kami. Grabe ang pagkakaapak sa sahig may pag-iingat pa. Tapos 'yung pormahan malala na rin, bibisita lang naman sa anak kong si Zicko.
"Saan ang punta mo?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit siya sa aking direksyon.
Napanguso naman siya bago hawakan ang tuxedo na brown na suot niya.
"This is my style. I am a businessman so I need to look like one. But, matagal na akong hindi nakakapunta sa company ko kaya kayo na lang ang pupuntahan ko. Hey flowers for you, my lady." Napangiwi na lang ako sa aking nakita matapos niyang ilabas ang nakatago sa may kaliwang kamay niya.
Napalingon pa ako sa anak ko para tulungan ako kaso napakibit-balikat na lang siya bago ako iwan dito sa lalaking ito.
'Demontris na bata! Wala man lang awa sa ina niya na ti-nu-tur-ture na ng lalaking ito. Wait hindi pala, nilalandi pala ako ni Louis.'
"Hey...don't you like what I sent to you. Gusto mo bang palitan ko? Anong gusto mo?" Sunod sunod na tanong niya sa akin ng mapansin na hindi talaga maganda ang itsura ko habang nakatingin sa bulaklak na hawak ko na ngayon.
Napailing-iling agad ako saka napakamot na lang sa aking buhok gamit ang kanang kamay ko.
"H-hindi naman sa ganon...nahihiya lang ako sa iyo na ginagawa mo ito kahit alam mo naman..." Mabilis niyang nilagay sa aking bibig ang dalawang daliri niya para patigilin ako sa pagsasalita.
Kita ko sa mata niya ang kalungkutan ngunit tinatago niya sa ngiting ito. "It's fine. Someday you'll gonna fall for me too. Kakakilala pa lang natin kasi at masyado akong mabilis. That's why I'm giving you a space. Pero ngayon ay may balita ako sa iyo."
"Ano iyon?" Nagtataka kong tanong sa kaniya na maramdaman ang kaseryosohan sa kaniyang mukha.
Kanina grabe ang pagkakangiti niya sa aking harapan ngunit ngayon naman ay mababakasan lang ng kaseryosohan.
"Bukas na gaganapin ng gabi ang event." Napanganga naman ako sa narinig ko mula sa may bibig niya.
Hindi talaga ako makapaniwala na biglang magbabago ang nasabing event. Maaari ba iyon mangyari?
Pero bakit naman nila ginawa na bilisan ito? Ano ang rason?
Maraming pumapasok sa utak ko. Hindi pa nga ako nakakalimot sa nangyari kanina. Tapos ngayon may bago na naman na eksena.
"Bakit naman daw?"
"Ayon sa may-ari ng company na dadaluhan natin. May big announcement ito na hindi na niya kaya pang pigilan ang sarili na ipagsabi sa lahat ng mga taong naging rason sa kanilang pag-angat. At aware naman ako kung sino ang kaharap mo, hindi ba?" Napatango-tango na lang ako sa sinambit niya.
Alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. Siya ang boss namin at ang pinagkakatiwalaan ni Dad.
Kaya ko nalaman na siya iyon sapagkat may tattoo siya sa may bandang batok niya.
Isang dragon na may dalawang capital letter sa mismong bunganga nito.
LM.
Ang kilala ko lang LM ay ang palaging binabanggit sa akin noon ni Dad na pinakamagaling at maaasahan na myembro ng organization nila. Siya nga dapat ang magiging asawa ko pero nahuli sila sapagkat meron na akong Rizhui noon.
At saka hindi ko siya nakikita pa. Tanging LM lang ang alam ko sa kaniya.
"I need to see your son. Good luck and get ready." Ngumiti pa siya bago ako tapikin sa aking balikat.
Dahan-dahan naman akong napalingon sa aking likuran. Kita ko si Louis na inilagay ang dalawang kamay sa may bulsa ng pantalon niya.
Sumipol pa siya kaya napailing na lang ako.
Naglakad na rin ako pabalik sa aking kwarto. Kaso wala pa ako roon ng may marinig akong nagsusumigaw na akala mo ay isang asong sinaniban na gustong manakit.
"KREIAH! LUMABAS KA MALANDI KA!" Galit na galit na sigaw ni Tria mula sa labas ng bahay ko.
Nang makapasok siya sa loob ay wala siyang paalam na sinugod ako.
'Wala bang 123 action muna r'yan? Sugod talaga agad?'
"WALANG HIYA KANG BABAE KA! INAGAW MO ANG MAY ASAWA NA! MALANDI KA TALAGA!" Naramdaman ko na lang ang kamay niya na hinawakan nang mahigpit ang aking buhok.
Nagpupumiglas naman ako sa paraan ng paghiklas niya. Parang aalis na sa anit ang mga buhok dahil sa sobrang sakit niyang humawak.
"A-aray! Tama na...aray ko nasasaktan ako Tria...a-aray!" Sigaw ko dahil sa sakit ng pagkakagawa niya.
Hinakawan ko ang dalawang braso niya at pinipilit na alisin sa aking buhok. Kaso hindi siya nagpapigil patuloy niya akong sinasabunutan.
"TAMA LANG IYAN SA IYO! NAPAKAKATI MO! MAY ANAK NA ANG TAONG IYON SA AKIN. IMBIS NA KAMI ANG INTINDIHIN NIYA PURO NA LANG IKAW! IKAW! GINAYUMA MO ANG ASAWA KO! NAPAKALANDI MO TALAGA!"
Masasakit na salita ang binibitawan niya sa aking mukha. Hindi naman totoo pero patuloy niya sa aking pinapamukha.
Ngunit imbis na sabunutan o saktan siya pabalik ay hindi ko magawa. Hindi pa sa ngayon, hindi pa sa oras na ito.
Darating ang araw na ako mismo ang mauuna.
"TAMA LANG SA ANAK MO ANG MAGKAGANYAN! DAHIL SA KALANDIAN AT KAPABAYAAN MO KAYA NAGING HALIMAW ANG ANAK MO. HALIMAW! MGA ANAK KAYO NG HALIMAW AT DEMONYO!"
"B-bawiin mo ang sinabi mo..a-aray!" Inis na singhal ko pero mas lalo niya akong sinabunutan hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagsakit ng aking tiyan.
Napaupo ako sa sahig habang hawak-hawak ang aking tiyan na tinadyakan niya. Nakaramdam din ako na dugo sa aking may labi ngunit hindi ko iyon pinansin.
Matalim kong tiningnan si Tria. In just a snap nasa sahig na siya habang nasa ibabaw naman niya ako.
Walang emosyon kong tinitigan sa mata. Kita sa mukha niya ang pagkagulat ngunit hindi ko iyon pinansin. Gamit ang dalawang aking kamay ay mabilis kong nilagay ito sa kaniyang leeg.
Dahan-dahan ko itong hinigpitan para ramdam niya kung paano ba masaktan ng paunti-unti.
"You don't know me Tria Merei Clarson. Yes, I am a weak woman. Masyado akong naging tanga at stupido sa pagmamahal ko kay Rizhui pero pagdating sa anak ko. Huwag na huwag mo siyang tatawaging halimaw. Dahil ako muna ang lalapa bago siya, ako muna ang papatay bago pa man siya humawak sa iyo. At ako muna ang magiging demonyo bago mo makita ang anak ko na ganon." Mas lalo kong diniinan ang pagkakatiik ko kay Tria.
Nagpupumilit ang kaniyang mga kamay at maging paa na makalayo sa akin. Nararamdaman ko ang bawat paghampas ng kaniyang mga paa sa aking likod ngunit hindi ko iyon pinansin.
Mas lalo kong hinigpitan ang dalawa kong kamay sa kaniyang leeg. Kitang-kita ko na ang kaniyang mukha na wala na sa tamang kulay. Malapit na ito sa pagka-violet.
At maging sa kamatayan niya.
Ngunit napatigil ako sa aking ginagawa ng may nag-alis noon at inilayo ako sa direksyon ni Tria.
Napabalik lang din ako sa tamang wisyo ko ng maramdaman ang yakap sa aking balikat. Dahan-dahan akong napalingon sa may gilid ko. Nakita ko si Aeze na nakayakap sa akin habang walang emosyon lang ang tingin sa babae...
Kay Tria na napabalik na rin sa kaniyang sarili at napaubo na lang nang marami.
"Alisin mo siya sa harapan ko. Pakiusap, Louis. Hindi ko kayang makita ang dahilan ng lahat ng paghihirap ng pamilya ko. Baka hindi na talaga ako makapagpigil at mapatay ko pa siya. Wala na akong pakealam kung mapunta pa ako sa kulungan. Saka ikaw din, umuwi ka na lang muna. Ayoko munang makakakita ng ibang tao sa bahay namin." Pakiusap ko kay Louis na ngayon ay tinutulungan ang babae na makatayo. Hinagod-hagod pa nito ang likuran na para bang kilala na nila ang isa't isa.
Kanina lang din bago ako sabunutan ni Tria ay may napansin akong nagtatago sa tabi ng nakabukas na pintuan.
Napansin ko ang pagkagulat ni Louis sa kaniyang narinig. Lumapit pa siya sa direksyon ko ngunit lumayo ako, hinawakan ko ang anak ko para umatras kami.
"Pakiusap...kahit ngayon lang. Ayokong makita ng anak ko ang lahat. Hindi ba kayo naaawa na may mga batang nakakakita ng ganitong eksena? Kung kayo hindi, pwes ako ay oo. Tara na anak." Utos ko kay Aeze na madali niyang sinunod.
Tumigil muna ako saglit at hinawakan ang kaniyang beywang. Dahan-dahan ko siyang kinarga at marahang naglakad palayo sa direksyon nila. Nakahawak lang si Aeze sa may leeg ko. Pero halata sa kaniya na nakatingin siya sa kanila.
***
Dumaan ang tatlumpung minuto ng aking paghihintay. Nasa CCTV room ako habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga tao sa labas.
Lalong-lalo na ang batang babae sa may direksyon ng pintuan. Naiiling ako habang nakikita ang palihim niyang pag-iyak, naririnig ko iyon. Kahit na mahina pero alam ko ang nararamdaman ng mga bata.
Nasasaktan siya...nasasaktan siya na makita ang ina na may ganoong klaseng ugali.
Isang ina na hindi magandang impluwensya at hindi nararapat na tawagin na isa talagang ina.
Pero siya nga ba talaga ang ina ng batang ito?
"Zicko, do you know that young girl's name?" Tanong ko kay Zicko bago bumaling sa anak ko na tutok na tutok sa computer.
"Yes mom. She's Amira Poisone Valesque, daughter of her twin sister who died in an accident. Inako lang niya ang sanggol para gawing pain kay Daddy. You know him mom, he love kids." Napatango-tango na lang ako sa narinig ko.
"How about you Aele? Anong narinig mo?" Tanong ko naman kay Aele matapos makita sa CCTV na nagtatago siya sa malaking puno.
"Danger." Iyon lang ang sinabi niya.
Pero malaki ang kahulugan. Napatayo agad ako sa aking pagkakaupo.
"Then ready yourself for tomorrow. Act innocent and observe."
"Yes mom!" Napangisi pa ako sa nakita ko sa mga mukha ng anak ko.
At lalong-lalo na sa mangyayari bukas.
'Wrong move...'
"Did you already contact Jack and Aethon?" Tanong ko ulit kay Zicko pero hindi na pala dapat tanungin pa.
"Were here!"
Dahil nandito na pala sila.