KREIAH'S POV:
"Son what are you doing?!" Nagtataka kong sigaw kay Zicko nang makita siya na nasa loob ng kwarto ko habang may hawak na baril.
Malapit lang siya sa harapan ng daddy niya na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Hindi pa rin bumababa ang lagnat niya mula kaninang madaling araw.
Pero tinuon ko na muna ng tingin ang anak ko na walang emosyon na nakatingin sa daddy niya.
Inikot-ikot niya pa ang baril sa may kanang kamay niya.
"Stupid." Narinig kong sambit ng anak ko at unti-unti ring bumukas ang nakapikit na mga mata ni Rizhui.
Gulat siyang napaupo sa kinahihigaan ng makita si Zicko na may labit-labit na baril. Palingon-lingon pa siya sa aking anak at maging sa aking direksyon. Pero sa ginawa niya ay napahawak na siya sa kaniyang ulo habang nakangiwi at napapikit.
'My son is right. He's stupid nga.'
"I'm not going to kill you, not now and not tomorrow." Lumingon pa sa akin si Zicko matapos sabihin ang katagang iyon.
Dahan-dahan siyang naglakad dito. Kaya hinawakan ko ang kaniyang buhok at ginulo ito.
"I'll talk to you on the meeting room. For now, pumunta ka muna sa kusina nandoon ang mga kapatid mo. Bantayan mo ang dalawa baka nagkakasakitan na iyon." Nag-aalala kong sambit kay Zicko.
Tumingin muna siya sa akin saglit bago tumango. Hinawakan pa ako nito sa aking braso saka ako hinalikan sa pisngi.
"I love you mom. And yeah ako na bahala sa mga kapatid ko." Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang anak kong si Zicko na paalis sa direksyon ko.
Pero nawala rin ito nang unti-unti ng marinig ang boses na iyon sa lalaking ayokong makita.
Kapag patuloy siyang lumalapit, bumabalik ang lahat.
Sakit, poot at galit.
Gusto ko siyang itakwil sa pamamahay ko. Gusto kong maramdaman niya rin ang paano bang masaktan ng lubusan.
"I thought mamatay na ako sa kamay ng anak ko." Rinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga niya dahil sa relief na hindi siya sasaktan ng anak.
"Yeah he is. But he'll surely kill you if you do something stupid again." Bumaling muli ako sa direksyon niya at nakita ko na siyang nakasandal ang ulo sa may pader.
Matamang nakatingin ito sa akin. Pinagmamasdan ang buong kabuuan ko.
Kaya napairap naman ako at saka naisipan na pumunta sa may veranda.
Habang naglalakad ako para dumaan sa may higaan. Napapansin ko pa rin ang mga matang patuloy na sinusundan ang aking mga yapak.
Naiiling ako sa bawat ginagawa niya. Napapapikit na rin dahil gusto kong sipain ang lalaking ito palabas ng kwarto ko.
"Can you stop staring at my back?" May inis sa aking boses habang sinasabi ang katagang iyon.
Narinig ko pa ang pag-chuckle niya na para bang natutuwa pa sa ginagawa niya.
"I'm sorry. I just can't resist staring at your perfect body." Naparolyo naman ako ng aking mga mata bago tumingin ng matalim sa direksyon niya.
Halata sa kaniya ang pagkagulat sa naging pakikitungo ko.
"Hindi purket inalagaan kita ay ayos na tayo. Tandaan mo na marami ka pang kasalanan sa akin. Lahat ng mga alaala ay binura ko na sa aking isipan. Kung kaya mong gawin na talikuran na lang ang lahat ng pinagsamahan natin, well, lucky you too cause I already do the same. Mas malala pa dahil lahat ng meron ako na kasama ka ay pinagsunog-sunog ko na."
"W-why?" Napatawa naman ako sa narinig ko mula sa kaniyang labi.
Para siyang nagka-amnesia na para bang hindi niya naalala ang ginawa niya sa akin noon.
Lumingon pa ako sa labas. Pumikit at kinuyom ang aking mga kamao. May nararamdaman din akong kakaiba pero hindi ko iyon pinansin pa.
'Not now...'
"Bakit ba ang hirap mong makaintindi sa sinabi ko? Ano bang nangyayari sa iyo Rizhui? Bakit ba patuloy mo akong nilalapitan kung kailan kaya ko ng wala ka, bakit ba patuloy mo akong sinasaktan? Bakit? Masaya ka ba huh! Masaya ka ba dahil ganito ang nangyayari sa akin, sa amin ng anak ko... SABIHIN MO PARA ALAM KO! PAGOD NA AKO RIZHUI. PAGOD NA PAGOD NA!" Malakas na singhal ko sa kaniya. Gusto kong kunin ang paso na nasa labas at itapon sa direksyon niya ngunit hindi ko magawa.
Hindi ko pa rin kaya...
'F*ck akala ko ba ayos na ako? Akala ko ba tuluyan ng nawala ang pagmamahal ko sa lalaking ito. Pero bakit bumabalik na naman, magmumukha na naman ba akong tanga sa harapan niya? Pinaglalaruan na naman ba niya ako? Kung ganon man, hindi ko hahayaan ang sarili ko na makuha niya sa isang pitik lang.'
"Hindi ko sinasadya...hindi ko talaga sinasadyang saktan ka. I'm just a jerk who fall inlove on someone na hindi ko talaga mahal. P-please...maniwala..."
"Don't go near me! Sinasabi ko sa iyo, Yuwi!" May pagbabanta kong saad nang dahan-dahan siyang lumapit sa direksyon ko.
Pumunta pa ako sa mismong labas ng veranda para iwasan lang siya.
"Please...I'm begging you... I'm begging you to forgive me..." Nagmamakaawa rin niyang sabi pero pailing-iling lang ako.
Kita sa mata niya ang pagsisi at pangungulila sa akin o sa amin. Pero hindi na...hindi na pwede pang ibalik pa.
Pagod na ako sa mga nangyayari.
Pagod na akong tanggapin ang taong dahilan kung bakit nahihirapan si Aeze ngayon. Siya ang dahilan at ang malandi niyang asawa.
Mas lalo kong kinuyom ang mga kamao ko sa isiping iyon. Dalawang taon na ang nakalilipas. Pero ang lahat ng sakit, galit at pagsisisi ay nandito pa rin sa puso ko.
Nagsisisi ako dahil hinayaan ko ang mga anak ko na sumakay ng bus. Hinayaan ko si Aeze na lumabas para makipaglaro. Hinayaan ko siya na maglakad pauwi habang inaalagaan ko ang anak kong si Aele dahil may sakit siya.
Puro pagsisisi ang nasa dibdib ko. Puro sakita ang nasa puso ko kapag nakikita ko si Aeze na nahihirapan at lumalayo ang loob sa ibang tao.
"Kreiah...please..."
"Can you stop begging me?! Pwede bang tigilan mo na ako Yuwi! Tigilan mo na kami ng anak ko, pagod na ang puso ko! Pagod na ako at nararamdaman ko lang ay galit at pagsisisi dito sa puso ko. Pero hindi ko dapat sinasaktan ang sarili ko, dahil ikaw dapat ang saktan ko. Dapat ikaw ang nakakaranas ng sakit! Dapat ikaw na lang ang nandito! Dahil hindi ko na kaya...hindi ko na kaya pang mabuhay sa ganitong klaseng pamumuhay na puro sakit na lang...pwede bang pagpahingahin mo muna ako? Pwede bang iwan mo na lang ako...kami ng anak mo?"
"Tell me why? Tell me kung ano ba ang magagawa ko para mapatawad mo ako. Please, Kreiah..." Lumuhod pa siya sa harapan ko.
Pinipilit na hawakan ang mga kamay ko. Nakikita ko rin ang mga luha na gustong kumawala. Kitang-kita sa sinag ng araw ang mga butil na iyon na kumikislap sa mata niya.
Ngunit umatras lang ako. Naramdaman ko ang pader na naging harang para hindi ako mahulog sa pinakaibaba ng bahay ko.
Walang emosyon ko lang tinitingnan si Rizhui. "Kaya mo? Kaya mong gawin kung ano ba ang gusto ko?"
"OO! KAYA KO! PLEASE!" Malakas na sigaw niya mula sa aking direksyon.
"Kaya mo talaga? Sige, kapag nagawa mo papatawarin kita. Mabilis kitang papatawarin sa lahat ng mga kasalanan mo sa akin. Tuluyan kong ibubura ang mga bagay na ginawa mo. Sa isang kondisyon, bumalik ka sa nakaraan. Bumalik ka sa taon na masaya pa si Aeze..."
"P-pero..."
"Hindi mo kaya hindi ba? Hindi mo kaya kasi hindi madali ang hinihingi ko. Ganon kalala ang galit ko sa iyo Rizhui...ganon kalala, kung hindi dahil sa iyo sana maganda pa ang pamumuhay ni Aeze. Sana normal na bata pa siya na masaya lang sa nangyayari sa kaniya. Sana katulad siya ng mga kuya niya na nagagawa ang gusto ng walang balakid sa iba. Pero ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng ito, ikaw ang dahilan kung bakit nagbago ang anak ko!" I let my own emotions eat me.
Unti-unti kong naramdaman ang mainit na likido na bumabagsak sa aking pisngi. Sumisikip na rin ng matindi ang aking dibdib dahil sa labis na pagkimkim ng lahat ng luha. Lahat ng sakit sa aking puso.
"A-ako?" Hindi niya makapaniwalang sambit sa sarili.
Gulat pa siya ng makita ang mukha ko na kinaliligiran na ng luha sa patuloy na paglabas nito.
Ngunit pinahiran ko iyon gamit ang kanang kamay ko. Suminghot pa ako.
"Oo ikaw! Umalis na kami't lahat bakit patuloy niya pa rin kaming inuusig? Kung hindi dahil diyan sa asawa mo sana masaya pa ang anak ko. Sana nagagawa niya pa ang gusto ng walang problema sa iba. Pero hindi! Alam mo ba kung gaano kasakit sa isang ina na makita ang anak na nahihirapan? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na marinig mula sa anak ko ang napagdaan niya sa kamay ng mga taong kumidnap sa kaniya? Huh!...H-he always telling me how hurt he is noong mga panahon na tinuturukan siya ng mga scientist ng kung anu-anong gamot. G-ginawa siyang hayop Yuwi! Pinag-ekspirementuhan siya ng mga walang halang na kaluluwang iyon para sa sariling kagustuhan nila. Ilang buwan akong naghirap! Ilang buwan akong naghanap ng anak ko, ni minsan hindi ko man lang naramdaman ang pagkagutom. Iniwan ko ang dalawa kong anak para mailigtas lang ang isa sa kanila. Pero nabigo ako, hindi ko nahanap sa buong Japan ang anak kong si Aeze, pati magulang ko ay nanlulumo na rin dahil hindi nila makita ang apo nila. Not until someone found him laying on the road with full of blood. Dinala siya sa hospital...ilang buwan pa rin ang hinintay ko ng makatanggap ng tawag mula sa hospital na in-admit-an sa kaniya. Halo-halo ang emosyon ko, tuwa, galak at pangungulila. Pero napalitan iyon ng pagsisisi at pagkawasak ng puso ng malaman na coma siya. A-alam mo iyon?" Tumingala pa ako sa kalangitan para pigilan na ang dapat pigilan na luha.
"Mom..."
Ngunit hindi ko magawa. Lalo na ng makita ang mga mata na ito na nakatingin sa aming direksyon.
Napalingon din si Rizhui sa anak namin at ganon ang gulat sa kaniyang nakita.
"A-Aeze...a-anak..."
"I-ilang beses siyang lumaban. Ilang beses kong nakikita kung paano i-survive ng mga doctor ang anak ko. Akala ko tuluyan ng mawawala ang anak ko sa akin. A-akala ko hindi na niya kaya pang lumaban, may part na rin sa akin na sumuko na lang...na baka pagod na siya na lumaban. Nandoon na ako sa part Yuwi...nandoon na ako sa part na sobrang selfish ko kaya hahayaan ko na lang ang anak ko na mawala. Pero Aeze prove me wrong. He survive and they successfully do their task to save him, ngunit ang kapalit naman nito ay ang kaniyang kulay ng mata. He opened his eyes with two colors of it. At iyon ay isang malaking bangungot kay Aeze...he began to change, appearance, attitude and even how he talk. Hindi na siya ang kilala kong Aeze na anak ko na bibo at palakaibigan na bata. Pero iyon din ang dahilan kaya mas pinahalagahan at minahal ko ang bawat isa sa kanila. Kaya tell me, kaya mo bang gawin ang gusto ko? Kaya mo bang baguhin ang nakaraan ng anak ko?" Tanong ko sa kaniya ng may pagkaseryoso.
Pero nanatili siyang nakayuko. Pailing-iling pa habang pinoproseso ang lahat. Nagpalabas naman ako ng malakas na buntong-hininga. Hinawi kong muli ang luha sa aking mata.
"Kapag gumaling ka na...iwan mo na ang pamilya namin. Bumalik ka lang kapag kaya mo ng gawin ang gusto ko." Walang emosyon kong dagdag bago lapitan si Aeze na nakatingin sa ama ng walang mababakasan kahit anong emosyon man lang.
Nang makalapit na ako ay saka lang ako lumuhod sa harapan niya. "Its okay honey. Don't worry, we will be okay. You will be okay." Madamdamin kong sagot.
Napansin ko rin si Zicko at Aele na nakatingin din sa akin. Ngumiti lang ako ng mapait bago ituro kay Zicko si Aeze.
"Carry him son. Iwan na muna natin siya sa kwarto. We need to talk something." Nagsitanguhan naman ang lahat sa aking sinabi.
Lumapit agad sa direksyon ni Aeze si Zicko at dahan-dahang kinarga ang kapatid. Naglakad na silang lahat para pumunta sa kaliwang direksyon kung nasan ang meeting room. Samantalang ako naman ay tumayo sa pagkakaluhod ko bago humawak sa doorknob nang makalapit ako sa may pintuan.
Bago ko sarhan ang pinto narinig ko kung paano ba umiyak si Rizhui.
'I'm sorry...I'm sorry for keeping this things from you.'