KREIAH'S POV:
"So, how did you learn this kind of hacking? You're so good and I'm impress about it."
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na siya si Louis. Hindi ko naman nakita ang mukha niya sa profile, even my child Zicko didn't recognized this man infront of us.
Nandito kami sa loob ng kotse. Binuksan ko ang bubong ng kotse ko sapagkat kaya nitong gawin iyon. Nakaupo ang dalawang lalaki na si Louis at Zicko sa may headboard ng kotse samantalang si Aeze at Aele naman ay lumabas para tingnan ang tanawin.
Nasa parte kami kung saan kita namin sa harapan ang ganda ng dagat mula sa malayo. Kulay asul na asul ito habang sa dulo nito ay may isa pang pulo.
Dito sa kinalalagyan namin maraming mga puno at ganon din ay wala sapagkat ito na ay kalsada.
May dumadaan na rin na mga motor at iilan na kotse para pumunta mismo sa dagat.
Tamang nakikinig at tumitingin lang ako sa dalawa kong anak na patuloy na nagbabangayan kung sino ang magpi-picture sa isa't isa.
"Me first! You should picture me in this part and then I'll do the same with you."
"No. I'm the youngest! I am the first!"
"I said me first!"
"Then fine! Magpicture ka ng sarili mo! Baka!" Inis na singhal ni Aeze bago ilagay ng marahas ang camera sa may dibdib ni Aele na ngayon ay nagtataka sa naging sagot sa kaniya ng kambal.
"You said it's fine! But why are you leaving me? Hey!" Napapailing na lang ako sa naging sagot ni Aele.
Hindi niya talaga naintindihan ang sinabi ng kambal niya. Halata naman na sa mukha nito na ayaw talaga ni Aeze pero patuloy niyang pi-nu-push.
'Wala kasi siyang alam. Kapag galit talaga si Aeze nagtatagalog siya, minsan trip niya lang asarin ang kambal niya.'
Lumabas na rin ako ng kotse ko para puntahan ang dalawang anak ko. Hindi dapat sila nag-aaway dahil lang sa ganito.
Bago pa man ako makalayo sa direksyon ng dalawang lalaking iyon na nag-uusap ng masinsinan.
Narinig ko ang lumabas sa bunganga ng anak kong si Zicko.
" My lolo taught me how to hack someone's security. But he can't do what I can. Maybe dahil na rin daw sa kung paano ako mag-isip. Lol. I'm not impressed." Sarkastiko nitong sagot sa kausap niya.
Pero bakit kaya niya nagawang magsinungaling sa lalaki?
Siguro kapag nakauwi na lang kami, saka ko siya tatanungin tungkol doon. Ayokong komprontahin ang anak ko kapag may kasama kaming ibang tao.
"Really? How about your mom? Did she knew how to hack someone's account too?" Louis asked wonderingly.
Bakit naman ako nadamay sa pinag-uusapan nila?
Tsk.
Napairap na lang ako sa kawalan bago maglakad palapit sa dalawa na magkalayo sa isa't isa.
"Twins come here!" Utos ko sa dalawang ito.
Nagmadali naman silang lumapit sa aking direksyon ngunit may distansya naman sa bawat isa.
Napapailing na lang ako at saka lumuhod sa harapan nila. Hinawakan ko ang mga baba nila at pinakita sa akin ang mga ito. Parehas silang malayo ang tingin, hindi man lang makatingin sa aking mga mata.
"What did I told you Aeze? Be kind to each other, right?" Napatango naman si Aeze sa aking sinabi.
Napalingon pa sila sa isa't isa pero si Aele ang umiwas agad.
"B-but mom...I want Aele and me to take a picture to each other. Gusto kong ilagay sa room ko 'yung picture naming dalawa." Walang emosyon na sagot naman sa akin ni Aeze. Pero kita sa mata niya ang kalungkutan.
How can I ease his pain of not showing his true color?
Kung hindi ba nangyari iyon sa kaniya, siguro siya ang may pinakamagandang ngiti sa tatlo. Magiging normal din siya na bata na nakikita niya sa paligid.
'But...it all done, nangyari na ang mga bagay na pinagsisihan ko.'
Ngayon naman ay binalingan ko ng atensyon ang batang lalaki na napaka-spoiled araw-araw.
"Then, Aele why are you still mad?"
"Mom, I'm not mad. I want to apologize to my brother for being a brat and stubborn. I'm sorry bradah." Nahihiyang lumapit si Aele sa may direksyon ng kapatid at saka niyakap ito ng wala man lang pasabi kay Aeze.
Halata kay Aeze ang pagkagulat. Pero sa kalaunan din naman ay gumanti rin siya pabalik sa kakambal niya na nagpangiti rin sa akin. Lubos-lubos ang saya ko dahil nagkaroon ako ng ganitong klaseng mga anak.
Dati, natatakot ako sa magiging kakalabasan ng lahat. Marami akong nakikita na mga kabataan na walang modo at mas palaban pa sa mga matatanda.
Tinuturuan lang ng tama pero sila pa ang galit.
Ngunit noong makita ko si Zicko na lumabas. Pinapangako ko sa sarili ko na papalakihin ko siya ng tama at ilalayo sa mga bad influence.
Ini-spoiled ko lang siya sa pagkain ng sweet, pero hindi ko siya pinaluho sa mga bagay na hindi naman kailangan.
Noon namang may nangyari kay Aeze. Akala ko hindi na ako swerteng ina, napakamalas ko dahil hinayaan ko ang lahat. Naging pabaya ako sa mga araw na iyon.
Not until, I see how they love me so much and do everything to tell me that I am the best mother...
Na ni minsan hindi ko o namin naramdaman ng kakambal kong si Jack. One year old kami ng pinagtambangan ang kotse niya kasama ang kuya namin habang pauwi sila sa bahay.
'Oh! Forget that Kreiah. Ang mga nakaraan ay dapat na munang kalimutan para sa kinabukasan. Masaya na sila sa itaas.' Pagpapakalma ko sa sarili ko sa pag-iisip ng kung anu-ano.
Tinapik ko na lang ang kanilang mga braso nang may maalala ako. Bakit ngayon ko lang ba naisip ito?
"Here! Do what you want and I'll take a picture of you two. Then, I'll take a picture one by one. Is that alright? Twins?" Suhestiyon ko sa kanila na agaran naman nilang ikinatango sa akin.
Excited pa silang nagposisyon malapit sa may magandang tanawin.
Samantalang ako naman ay sumandal sa may pintuan ng kotse ko at pi-nic-tyu-ran na nga silang dalawa.
Ang unang position nila ay magkaakbay. Pangalawa ay nakaturo sa mismong dagat at ang pangatlo ay magkasandal ang kanilang likuran habang ang kanilang kamay ay nakacross arm.
Kung si Aele ay todo ang ngiti at tawa sa kinuhaan ko, si Aeze naman ay plain lang at sumusunod lang sa gusto ng kuya niya.
Hanggang sa isa-isa ko na silang kinuhaan ng litrato. Sobrang tuwa talaga ni Aele sa ginagawa niyang posisyon. Naririnig ko pa ang tawanan sa likod namin ngunit hindi ko pinansin.
Pero ang nagpatigil lang sa akin sa pagkuha ng litrato ng marinig ang boses na iyon.
Boses ng taong matagal kong hindi nakita. Taong patuloy kong tinataguan.
Kaso bakit sa lugar pa na ito at bakit sa araw pa na ito.
Hindi niya ba alam na sa araw ding ito kami unang nagkita?
"Kreiah?"
Ano titingin ba ako? Susulyapan ko man lang ba ang lalaking ito sa unang pagkakataon muli?
Yes! You need to look at him and tell him how you changed a lot. Na hindi ka na ang Kreiah na nagmahal at nagpakatanga.
Hinanda ko muna ang sarili ko bago unti-unting lumingon sa lalaki.
Gayon na lang ang iginulat ko sa aking nakita.
'Anong nangyari sa lalaking ito at mas lalo siyang namayat? May mga pasa rin sa kaniyang pisngi na akala mo ay sinuntok ng napakarami.'
"What's wrong with you?" Nakataas ang kilay kong tanong bago tingnan ang mga anak ko na naguguluhan sa nangyayari.
Lumapit pa sila sa direksyon ko at humawak sa 'king beywang. Samantalang si Zicko naman ay lumabas din sa kotse.
At masamang tiningnan ang ama. "What are you doing here? Are you going to hurt my mom again?" Napansin ko kung paano unti-unting yumukom ang kamao ng anak ko.
Pero halata rin na nanginginig siya. Si Louis din ay nagtatakang lumapit sa akin ngunit hindi siya nagsalita.
"Siya ba ang bago mo?" Tinuro niya pa ang lalaking katabi ko.
Halata sa boses ang ka-bitter-an ngunit ngumiti lang ako.
"Nope. Why would I gonna do that? Hindi ako katulad mo na maghahanap na agad ng iba kapag nawala na ang pagmamahal." Sarkastiko kong pananama sa kaniya.
Yumuko naman siya sa lumabas na kataga sa bunganga ko. Ilang minuto kaming walang salitaan hanggang sa marinig ang salitang dapat una pa lang ay sinabi na agad niya sa akin.
"I'm sorry..."
"You already late. Pero hindi naman ako ganon kasamang tao para hindi ka patawarin. Ako pa rin ang Kreiah na kilala mo, but I'm not Kreiah who love you and always gonna be stupid. Anak..." hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Aeze at ang kanan namang kamay ni Aele.
Naglakad kaming tatlo sa direksyon niya at pinaharap sa kaniya ang dalawang bata. Nagtataka naman niyang iniangat ang kaniyang ulo. Palingon-lingon pa siya sa akin at maging sa dalawang bata.
Napalingon din siya kay Zicko na walang kaemo-emosyon ang mukha.
"He is Aeze Leri Miller," tinuro ko si Aeze na nasa kanang bahagi ko. "And this is Aele Levi Miller, they are twins. And your sons."
"M-my sons?"