Chapter 9 - NMBEW 9

KREIAH'S POV:

"Son, are you really sure about what you said yesterday at the meeting?" Tanong ko sa anak kong si Zicko habang binabagtas namin ang daan papunta sa pulangdaga na gusto nila. Hindi ko madala si Aele sa enchanted kingdom sapagkat wala naman sa lugar namin iyon.

Siguro sa Manila ay meron. Dahil minsan na kaming nakabisita roon ni Zicko. At pakiwari ko ay darating ang araw na magagawa rin namin iyon.

Hindi lang ngayon sapagkat marami pa kaming dapat gawin.

Napalingon pa ako nang mapansin na hindi nagsalita si Zicko. Nakita ko siyang focus lang sa laptop niya. May suot na rin siyang salamin para hindi masira ng tuluyan ang kaniyang mata.

Muli ko ibinaling ang aking sarili sa may kalsada. Naghihintay na lang sa katagang lalabas sa bibig ng anak ko.

Napasulyap naman ako sa front mirror at nakita ko sa salamin ang dalawang magkambal na parehas nakasandal ang ulo sa may ulunan nila. Habang magkahawak ang kamay.

Napangiti naman ako bago mapailing na lang.

'Magbangayan man sila o hindi. They still love each other.'

"Either you or the other guest from other country in the Ireland. His name is Louis Reileí Mckleiane and his identity is hidden. But luckily I'm a good hacker..."

"You hacked someone's profile?" Patanong na sigaw ko pero medyo mahina lang din para hindi magising ang mga kapatid niya.

Napanguso naman siyang tumango. "Y-yeah...out of curiosity 'e." Pagtatanggol niya sa kaniyang sarili kaya wala na rin akong nagawa kundi ang mapatango na lang.

Ano pa bang magagawa ko kung curious ang anak ko?

At kung magaling siya sa mga hacking hacking na iyan. Dapat hindi iyon ang namana niya sa akin, lahat na lang ng bagay na nagpapa-curious sa kaniya, iha-hack niya para malaman ang kasagutan.

"Last time mo na iyan. Kapag kailangan lang pwede kang mag-hack. But if it's not necessarily —" hindi pa nga ako tapos.

Bastos din itong bata na ito. Baka gusto niyang makaranas ng palo. Pero hindi ko kayang gawin iyon, lalapat pa lang ang sinturon sa kaniyang balat manginginig na ako. Paano kung totohanin ko na?

"Yes mom. I know that already, but based on his profile. H–Wow! I like this guy na ma!" Pinakita niya pa sa akin ang tinutukoy niya na gusto niya.

Kaso nasa daan ako baka makagawa pa ako ng aksidente. Paliko-liko ang daan minsan ay tuwid din.

"Just tell me what's with him. Why did you like him?"

"He known being the best hacker in all over the world. Saka sa paggamit ng baril, arnis, at sword. Kilala siya sa tawag na 'Mr. Mafia or Master Mafia'. Ay akala ko Mister talaga. Master na pala iyon." Napansin ko naman sa peripheral vision ko ang paghawak nito sa kaniyang baba.

Napalabi rin habang nagmamasid nang maigi sa profile information ng lalaking nagngangalang Louis.

"A-and...and he message me mom. He knew that I'm hacking his own profile. Wow! I really like him na and I want to see this guy." Napapailing na lang ako sa anak ko.

Halata talagang tuwang-tuwa siya. Pumapalakpak pa siya dahil sa labis na kasiyahan. Imbis na matakot dahil nalaman ng taong hi-na-hack niya ang ginagawa niya, pero mas nanaig ang saya sa puso niya.

At ngayon ko lang ulit nakita iyon sa kaniya. For the nth years of being with me and studying hard. Ni minsan hindi ko siya nakitang ganito kasaya sa ibang bagay.

Yeah he's smiling infront of me, us but, may kulang pa rin. Ilag pa rin siya sa mga tao at mahirap siyang magtiwala sa iba.

Kaya kung sino man ang Louis na iyon, sana makita siya ng anak ko at mapagpasalamatan ko rin kahit na wala naman siyang ginawa.

"It will come, Son. Just trust your faith." Pagpapalakas ko ng loob ko sa kaniya at mabilis na sumulyap sa direksyon niya.

Hinawakan ko pa ang kaliwang kamay nito bago pisilin. Nakatingin lang ako sa daan. Pinagmamasdan ang paligid kung nasan na ba kami.

"I know mom. I will always believe in you and also my self na mangyayari rin ito. But what if siya nga mom ang target? Will you help him?"

"Sure Zicko. Kung sino man ang nagpapasaya sa anak ko, tutulungan ko at papahalagahan na rin." Nakangiti pa ako habang binabanggit iyon.

Sincere ako sa sinasabi ko. I know my sons well, mahirap silang magtiwala at mahirap makuha ang loob nila.

"Nakakapagtaka lang anak, nagustuhan mo ba siya dahil magaling siya sa lahat?" Napapataas ang kilay ko sa bawat salitang lumalabas sa aking bunganga.

"I want to be like him. I want him to teach me how to do sword." Napalingon agad ako sa front mirror at nakita ko si Aeze na nakasandal sa may headboard ng kuya niya habang malalim din ang iniisip.

Katulad ng kuya niya nakatitig din ito sa lalaki.

"He was so nice. He never mad at me, he wanted to see me in the future cause I am the only one who hack his security. May isa pa pala pero hindi niya binanggit kung sino." Napatango-tango na lang ako sa sinasabi ng anak ko.

Now I know the answer why, kahit sa message lang ramdam nila na mabait or 'what' ang taong ito. Pero paano kaya kung magkita sila? Ganon pa rin ba ang pakikitungo nito sa kanila?

'Let's find it out.'

***

"The weather is hot and it's fine. But my skin is the problem. What if it's became black? Mom, do you have sunblock?" Tumakbo pa sa direksyon ko si Aele at nilahad ang kaniyang kamay sa akin.

Nakaupo lang ako sa lilim ng punong ito na hindi ko alam kung ano ang tawag. Ang kurti ng dahon ay parang hugis puso at ang bunga ay parang sa pili.

Medyo maganda rin ang dagat na ito. Kaso nang time na naligo kami rito noong bata pa ako, mabato at may mga kumakalat na basura. Pero ngayon ay wala akong nakikita. May mga basurahan sa bawat kubo.

Kinuha ko na lang ang gusto ng anak ko. Nasa tabi lang ito ng towel na pinangsapin ko sa buhangin. At agad na ibinigay sa kaniya.

Nagsikanyahan na rin ang iba na maglagay nito.

Hindi naman sila maliligong talaga. Gusto lang nila malaman kung bakit nasabing pulangdaga ito kung ang buhangin ay hindi pula.

Hindi pa nila napapansin ang buong lugar kaya wala pa silang alam. Maski ako ay wala rin alam kung bakit nasabi na pulangdaga ito, ang tangi ko lang sinasabi sa sarili ko ay dahil sa lupa.

Wala rin akong mukha ng mga panahon na iyon. Hindi ako nagtatanong sa mga taong naglalakad papunta rito at doon.

"Mom join us. Mamaya maligaw pa kami. We don't know this place kasi." Napapansin ko na medyo nagiging konyo minsan ang anak kong si Zicko.

Pero ipinagsawalang-bahala ko na lang ang nakikita ko at tumayo sa pagkakaupo. Kinuha ko pa ang towel at pinagpagan.

Nilagay ko ito sa balikat ko at hinawakan na ang kamay ng dalawang magkambal. Si Zicko naman ay katabi lang ni Aeze.

May contact lense si Aeze simula ng makarating kami rito. Halata sa kaniya na naiirita siya pero gusto niyang makita ang ganda ng Pilipinas kaya sinusubukan niya na masanay rin.

Habang naglalakad kami may nakakasalubong pa kaming mga tao na namamangha sa tatlong anak ko. May iilan din na kababaihan ang palihim na pini-picture-an ang anak kong si Zicko.

Sino bang hindi maga-gwapuhan sa kaniya kung nakuha niya ang mukha ng daddy niya. At maging ganon din ang dalawang magkambal.

Kung sino pa talaga ang naghirap, siya pa ang konti lang ang namana. 'Yung ilong nila na matangos at maliit.

At ang ugali na araw-araw nila sa aking pinapakita.

That sweet behavior they have.

"I hate how they stare at us. Do we look like a monster or a demon?" Komento naman ni Aele habang napapangiwi na lang sa mga taong napapadaan.

Napapailing na lang ako at pinisil ang kaniyang kanang kamay. Nasa kaliwang bahagi ko siya at halata sa mukha niya ang iritasyon. Pero nang may mabanggit siya na kakaiba bigla na lang siyang napahagikhik.

'May sapak na ata ang anak ko?'

"I am demon by the way. Why did I forget that?"

"Cause you're becoming old. Idiot." Sabat na naman ni Aeze.

"Hey! I told you! Respect me b–"

"Because I am older than you blah blah blah. I know that and don't say that again and again."

Bago pa man mag-away muli ang dalawa. Naisipan ko na agad na makisawsaw. Iwan ko na lang kaya sila para makita ko kung paano sila umiyak.

But, 'wag na rin pala nakakaawa.

"Stop that and look at that place." Tinuro ko pa ang isang bundok na malayo sa aming direksyon.

Pero saktong paglahad ko ng aking braso sa kanila ay may hindi inaasahan na nangyari na nagpa-flex sa mga braso ko.

Napansin ko na lang ang sarili ko na inilayo sa aking direksyon ang mga anak ko para ako lang ang matamaan niyon.

Matamaan ng isang lalaking tumatakbo hanggang sa parehas kaming napadapa sa buhanginan.

At hindi sinasadyang may nangyari na ikinagunaw ng buhay ko.

'What the hell!!'