Chapter 7 - NMBEW 7

KREIAH'S POV:

"Slippers?" Tanong ko sa mga anak ko habang naglalakad kami papasok sa airport.

Kailangan kong makasigurado na nandito na ang mga kakailanganin namin. Lalong-lalo na kay Aeze hindi siya dapat mawalan ng kahit anong bagay na nakakapagtulong sa kaniya.

I'm wearing a sunglasses right now. Marami na talagang nagbago sa akin. Bumabalik na naman ako sa dating ako na mas inuuna muna ang sarili bago iba.

I'm becoming the best version of me. And thanks for my sons.

"Check mom."

"Headphone?" Naalala ko na hindi sila nakakapag-concentrate kung wala silang headphone sa tenga.

"We already have mom. Look!" Napalingon ako sa direksyon ni Aele, nakaturo ang kaniyang kaliwang hintuturo sa may leeg niya. Nandoon na nga ang headphone na tinutukoy ko.

Napasulyap din ako sa iba pa. At katulad niya, nasa leeg din nila ang kanilang headphone. Napatango-tango naman ako at muling nag-isip.

Pinagbuksan pa kami ng guard sa may pintuan. Kaya napayuko kami at tinuon muli ang sarili sa paglalakad sa loob. Marami ang nagpaparoo't parito, may nakakasalubong pa kami na mga Pilipino, Amerikano at maging taga-ibang bansa na tao.

Pati sa dadaanan namin papunta sa may eroplano ay may nakakasalubong pa kami. Ngunit hindi ko na lang iyon pinansin pa. Hawak-hawak ko ngayon ang kamay nila Aele at Aeze. Baka mapalayo pa sila sa akin, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"How about your medicine, Aeze? Zicko nalabit mo ba 'yung meds ni Aeze?"

"Yes mom. I already put it in my luggage." Sagot naman nito kaya hindi na ako nag-abala pa na balingan siya sa likuran.

"I hate drugs." Walang emosyon naman na sambit ni Aeze mula sa kanang bahagi ko. Kaya napailing na lang ako sa naging salungat niya.

Pinisil ko pa iyon nang marahan. "It's not drugs, son."

"Yeah whatever." Nabuntong-hininga na lang ako at hindi na nagsalita pa.

"Mom?" Tawag sa akin ni Zicko matapos naming makalabas sa airport at makita ang mga eroplano. At ang eroplano na sasakayan namin. Nandoon na rin at pumapasok ang mga pasahero.

Malakas din ang bugso ng hangin kaya napupunta sa aking mukha ang ilang hibla ng aking buhok.

"Yes?" Tanong ko naman sa anak ko nang maka-recover na ako sa paghangin. Inayos ko pa ang buhok ko para hindi haggard sa byahe.

"You forgot something,"

"Huh? What is this? Tell me?" Nagtataka ko namang tanong. Sa pagkakaalam ko wala na akong nakalimutan pa.

Siguro ganito lang talaga ang isang tao kapag thirty-four years old na. Malapit na sa pagkatanda at pagkalimot.

'Ano naman kaya iyon?'

Hanggang pagpasok sa loob ng eroplano ay wala man lang akong narinig na salita mula kay Zicko. Pati ba naman siya nakalimutan ang sasabihin niya?

Naghanap ako ng mauupuan namin. May nahagip ako na tatlong seat kaso naalala ko si Zicko.

"I'm Aethon Miller Hengston, the handsomeness and sexiest cousin of Kreiah Tomizara Miller. At your service, Ma'am." Dali-dali naman akong napalingon sa aking likuran. Nakita ko nga sa aking harapan ang lalaking asungot na palagi akong binib'wisit sa araw-araw.

Napataas naman ang aking kilay sa kaniya. "What do you think you're doing?"

"I'm joining you. I can be your personal assistant, like fake boyfriend, husband or fiancé with less cost because you're my beautiful cousin. PLUS! I'm lucky to be your fake 'whatever'. What 'ya think?" Napairap naman ako at napagdesisyonan na lang na dumiretso sa tatlong seat. Nandiyan na rin naman si Aethon para samahan si Zicko na umupo sa katabi naming seats din.

Basta huwag lang siyang maging malikot sa anak ko kung ayaw niyang magkapasa na naman sa mukha.

Last time na nangyari iyon noong walang pasabi akong hinalikan ni Aethon sa maraming tao dahil sa babaeng patuloy siyang hinaharas. Mabuti na lang hindi sa mismong labi ko, kung mangyari man iyon. Ako mismo ang magpapaputok ng labi instead si Zicko. Para malaman niya kung sino ba hinahalikan niya sa publiko.

"Answer me." Inayos ko muna ang luggage sa itaas ko at maging ang dalawa kong anak sa may bintana. Bago masamang balingan ang pinsan ko na kung makangisi ay wagas.

"Why can't you just seat on my son's place. Kapag may umupo r'yan na iba basag ang utak mo sa akin." May pagbabanta kong sabi na ikinataas niya agad ng kamay.

Mabilis siyang lumapit sa direksyon ng anak ko at umupo roon. Binalingan niya pa ako ng tingin habang nakanguso.

'35 years old na may gana pang mag-isip bata.'

"Heto na! Nakaupo na ok?"

"Good." Ngumisi pa ako at binalingan na lang ang dalawang magkambal na naglalaro ng games sa kanilang ipad.

Samantalang tumunog naman ang cellphone ko na nakalagay lang sa aking bulsa ng pantalon. Kaya tumayo muna ako sa pagkakaupo at kinuha iyon mula sa loob.

Napansin ko sa screen ang pangalan ng leader namin. Dahan-dahan naman akong umupo muli at isinandal ang aking ulo sa may headboard. Pinindot ko na rin ang answer button para marinig ang iuulat nito sa akin.

(Finally you already pick up my call.)

Unang sambit nito matapos kong sagutin ang tawag niya. Nagpalabas lang ako ng buntong-hininga.

"What's the matter?"

(We need to discuss something. Kailangan mo ng bumalik sa Pilipinas.)

"We're heading back with Aethon." Binalingan ko pa ang tingin si Aethon na nakatingin din sa akin nang nakataas ang kilay.

Halata sa kaniyang mukha ang pagtataka matapos kong sambitin ang ngalan niya. Ngunit hindi ko na lang siya pinansin pa at muling humarap sa unahan.

May pumapasok pa na iba pang pasahero pero hindi ko na lang pinagtuunan.

(That's great! Malapit na ba kayo rito sa Pilipinas?)

"No. Still in the airport. Sasabihin ko na lang kung nakarating na ba kami. Kayo ba ang pupunta sa bahay o kami na lang?"

(No need. Kami ang magdadala sa iyo rito pagkababa ninyo ng eroplano galing America. Sabihan mo na lang ako kung kailangan na ninyo ng service.)

"Mom..." Napabaling agad ang tingin ko kay Aeze nang tawagin niya ako. Napansin ko na papikit-pikit na naman ang kaniyang mga mata at may pinapahiwatig na ito.

"Okay. I'll gonna hang up this call. Aeze needed me now." Hindi ko na hinayaan pang sumagot ang nasa kabilang linya.

Kusa ko na itong pinatayan pa at nilagay muli sa aking bulsa. Binalingan ko naman ng tingin si Aeze bago i-spread ang aking braso sa may balikat niya at nilagay ang kaniyang ulo sa may hita ko.

Samantalang si Aele naman ay nakalagay ang kaniyang noo sa may bintana habang nakapikit. Nakalagay na rin ang kaniyang headphone sa may tenga niya.

I also look forward for Zicko. Just like what Aele did, nakasandal din ito sa may bintana habang nakapikit at nakikinig ng songs sa may headphone niya.

Hindi pa nga nagsisimula ang biyahe. Nakatulog na agad sila.

Huwag ng magtaka pa. Ganito naman talaga ang tatlo na ito at lalong-lalo na ang kuya nila. Kanina pa iyon nakatulog habang nagbabangayan kami ng pinsan ko.

***

Philippines

A

las n'webe ng umaga kami nakaalis sa New York at nakabalik kami sa Pilipinas ng gabi na.

Nagbyahe pa kami pauwi papuntang Camarines Norte dahil doon namin pinili na manirahan sa may lugar kung saan malayo sa tao.

Inabot kami ng umaga sa pagbabyahe lamang. Nagpapasalamat na rin ako na may daan pa ang van na sinakyan namin papunta rito.

Sinabihan ko ang leader namin na padalhan kami ng van para may service kami pauwi. At hindi nga ako nagulat pa sa nangyari pagkalabas pa lang ng airport.

Habang binabagtas ang daan. Pinagmamasdan ko lang ang sulok ng lugar ito. Kitang-kita ang mga matitirik na punong kahoy at ang mga huni ng hayop sa bawat lugar.

Nakakakilabot para sa iba pero para sa akin ay hindi naman kung sanay na ako sa ganitong senaryo noong mga bata pa ako.

"Nandito na po tayo." Sambit ng driver matapos i-park ang van sa tabi lang ng bahay.

Nang masigurado na naming ayos na ang lahat at hindi na ito muling aandar pa. Biglang naglulukso si Aele palabas ng van habang ako ay napapailing na lang gayon din ang iba pa naming kasamahan.

"Yey! We're now in our home! I'm excited for our trip mom!" Maligalig na naman na aniya bago ako yakapin sa may beywang.

Natatawa na lang ako habang napapailing. Napalingon naman ako kay Zicko na nakamasid lang sa buong paligid.

"Zicko?" Tawag ko sa pangalan ng panganay kong anak.

Lumingon naman siya sa gawi ko at naglakad palapit sa akin. Kita sa kaniyang mata ang katanungan.

"What are you looking at, Son?"

"I thought sa village tayo maninirahan. I never imagine na sa lugar pala na ito tayo titira."

"Nope. Pagkatapos ng meeting namin ay magbabyahe muli tayo papunta sa mismong bahay natin." Napansin ko naman ang pagkanganga niya bago mapatango na lang. "Magpahinga na lang muna kayo sa vacant room sa loob. Don't worry, this mansion is not a haunted house. Bagong gawa lang ito." Pagpapaalala ko sa kaniya at tinapik pa ang kaniyang balikat.

Napanguso na lang siya sa narinig bago mapailing.

"I'm not afraid mom. It's just weird that there's a mansion in a...you know? Forest?"

Napatango-tango naman ako sa naging sagot naman niya.

Maski ako ay naguguluhan din sa kung bakit ni Daddy ito pinapundar. Sobrang layo talaga sa mga tao.

Pero kung ano man iyon hindi na ako kasali roon. Bahala na sila sa mga isipin nila. Basta ako sa anak ko lang ako magfo-focus.