Chapter 4 - NMBEW 4

(After 3 days)

KREIAH'S POV:

Tatlong araw na ang lumipas. Natatandaan ko lang ng mga oras na iyon ay nagkita muli kami ni Jack. Malamig ang pakikitungo niya at para bang hindi niya ako kilala. Pero nang sabihin ko ang dahilan ko kung bakit kailangan ko ng tulong niya at ang paghihiwalay namin ni Rizhui, nakita ko muli ang emosyon niya. Ang bumabalot na matinding emosyon sa mukha niya. Kaso hindi katulad ng inaasahan ko, mas lalo siyang naging bayolente.

Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako naging maingat. Sa sobrang pagmamahal ko ng mga araw na iyon nakalimutan ko ang kapatid ko. Hindi ko rin naman siya masisisi, buong buhay niya akong inalagaan at pinorektahan. Mas pinili niyang manatili sa tabi ko kaysa ang umalis para pumunta ng Japan. He gave up on everything just to be with me, but me?

Samantalang ako wala akong naibigay sa kaniya kahit kabutihan man lang. Wala akong ibang ginawa kundi saktan na lang siya nang paulit-ulit.

Kaya noong nagising ako kinabukasan mula sa pagkaka-admit sa hospital. Sinabihan niya ako na huwag na akong makikipagkita kay Rizhui. Pero sinabi ko sa kaniya na may anak siya sa akin, kaya malabo na hindi kami magkita. That's why he tell me to be distance and not minded Rizhui's precence.

Pero kaya ko ba?

Kaya ko bang hindi mapansin ang lalaking iyon kung patuloy siyang nangingialam ng buhay ko kahit wala na kami.

Katulad na lang ngayon…

"Ako na r'yan." Nagulat ako ng makita ko si Rizhui sa harapan ko. Nasa sala si Tria kasama ang anak ko. Malapit naman sa isa't isa ang dalawa, sinabihan ko si Zicko na maging magalang at palakaibigan sa ibang tao. Kahit na kabit pa ito ng ama niya, na ngayon ay isa na pa lang fiancé ni Rizhui.

Hindi man lang ako na-inform na matagal na pala silang magkarelasyon. Sana nakapag-prepair ako ng maraming timba at planggana.

"Nah. I can do it. Just go to Zicko and your fiancé place. Don't worry." Ngumiti pa ako para i-assure na ayos lang talaga ako.

Nagluluto ako ngayon ng favorite nilang ulam na sweet and spicy fish fillet. At menudo na tama lang sa aming apat.

Hinihiwa ko ngayon ang patatas na isa sa kailangan din ng menudo. Kaya andito siya para tumulong, katulad lang ng dati.

'Hayss! Can you stop remembering of your past with him Eyah! Hindi ka na ang mahal niya!' Sigaw ng aking dibdib.

"Are you sure?" Paninigurado niya pa.

Tumingin naman ako sa direksyon niya at nag-thumbs up pa. Nilabas ko rin ang ngipin ko para patunayan sa kaniya na ayos lang talaga ako.

Kahit na gusto ko siyang sigawan na 'UMALIS KA NA! BAKIT BA PINAPAHIRAPAN MO PA AKO?!' pero hindi pwede. I'm not that attention seeker. Bahala na siya sa buhay niya.

"Yes!"

"Ok. If you need anything, we're here to help you."

"Sure. Sure!" Patango-tango lang ako sa sinambit niya bago ko marinig ang mga yapak niya palayo.

Tinuon ko lang ang sarili ko sa may niluluto ko. Hindi ko pinapansin ang mga bagay na nasa harapan ko. Kapag lumingon ako o sumulyap man lang sa kaniya. Baka magsibagsakan itong lintik na luha ko.

*baam*

Tunog ng pintuan matapos nitong sumarado. Ilang saglit pa akong napatigil sa aking narinig. Mahinang binagsak ang kutsilyo sa tabi ng patatas. Hanggang sa unti-unting nagsilaglagan ang kanina pang gustong kumawala na luha sa 'king mata. Dahan-dahan akong napaupo sa sahig. Dinaramdam ang bawat mahihinang pag-iyak ko.

Nilagay ko pa ang kanang kamao ko sa may bibig ko. At doon umiyak nang sobra habang pinipigilang sumigaw ng malakas.

"Ahahaha! Huwag ka ngang mambola! Mas maganda mommy ni Zicko kaya!"

"I don't care. For me, you're the most beautiful girl I've seen."

"Bulero! Sana hindi matulad ang anak mo sa iyo!"

"Ahaha don't me hon! Magkamukha kami ng anak ko kaya panigurado na magkaparehas din kaming dalawa!"

"Sus! Zicko baby, huwag mong tularan ito si Daddy mo huh?"

"Yes po Tita!"

"That's good!"

"Aww! Pinagkakaisahan ako ng dalawa."

"AHAHA!"

Mas lalo akong napahagulgol sa aking narinig. Mga halakhakan at kantyawan lang ang narinig ko mula sa sala. Mas gusto ko na lang tapyasin at ihawin ang tainga ko. At sumigaw ng malakas para matigil na sila sa kakaharot sa isa't isa. DAHIL NASASAKTAN PA AKO!

Pero,

Ayokong makasira ng moments nila. Ayokong maisip niya na may nararamdaman pa ako sa kaniya.

For goddamn sake! Hindi pa naman lumilipas ang panahon 'e. Apat na araw pa lang ang lumipas ng pagkakahiwalay namin. Apat na araw pa lang matapos kong magulat sa naging desisyon niya.

Ano ba kasing maling nagawa ko?

May ginawa ba akong hindi tama sa paningin niya?

Kung meron man sana sinabi niya sa akin para magkalinawan kami. Hindi sa ganitong paraan, hindi sa ganitong dahilan.

Pero ano bang magagawa ko? A-ano bang panama ko sa bago niya?

I'm just a loser! I'm just a weak woman!

Hindi ko kayang protektahan ang sarili ko sa mga humahabol sa kaniya. Hindi ko man lang matulungan ang sarili ko na makawala sa mga kalaban niya.

Nagiging pabigat lang ako. Siguro sa pagiging pabigat ko unti-unti na rin siyang nawalan ng pake at naghanap ng maganda at matapang na babae.

At si Tria iyon. Si Tria na kilala sa buong Asya.

Mas lalo akong napaiyak sa mga isiping iyon. Nakalimutan na ang gusto kong gawin sa araw na ito. Para bang nawalan na naman ako ng gana.

"Mom," napatigil ako sa pag-iyak ko nang marinig ang boses ni Zicko mula sa labas ng kusina na ito.

Mabilis akong tumayo sa aking pagkakaupo. Hinawakan ko pa ang manggas ng apron ko at saka pinunasan ang aking mga luha.

Tumingin pa ako sa niluluto ko na kanina pa pala kumukulo. Kaya nagmadali akong lumapit doon at tiningnan ito. Mabuti hindi pa ito natutuyo dahil sa katangahan ko.

Sakto naman ang pagdating sa akin ni Zicko. He's wearing his innocent emotion. Kaya napangiti ako at tiningnan siya sa isang sulyap lang bago tignan muli ang niluluto ko.

"Anong ginagawa mo rito baby?" Tanong ko sa kaniya.

Nanalangin na sana hindi ako umutal sa harapan ng anak ko. Kung ano pa naman ang nakikita nito kapag magsolo lang ako.

At baka hindi ko makayanan, umiyak na naman ako sa harapan niya. I want to be strong, gusto kong ipakita kay Zicko na kaya kong mabuhay ng wala ang papa niya.

Kaya kong mag-isa kahit na wala na ang minamahal ko ng sobra. Basta andiyan lang si Zicko sa tabi ko.

"Papa wants me to see you. He said na kung ayos ka lang ba talaga?" Napailing naman ako sa narinig ko.

Hanggang ngayon pa rin ba papaasahin na naman niya ako na may pake siya? Ano bang ginagawa niya? Bakit ba patuloy niya akong sinasaktan ng sobra?

"Ayos lang ako anak. Malapit na rin itong maluto. Doon ka muna sa labas, okay lang ba?" Sinasabi ko iyan habang nilalagay sa kaserola ang patatas na pinaghihiwa ko. Hinugasan ko muna ito bago ilagay doon.

Hindi ako tumingin o sumulyap man lang sa direksyon ng anak ko. Not now, hindi pa ako handa na makita niya ang kabuuan ng hitsura ko.

"Opo mom. Sabihan mo lang po ako kung kailangan mo ng tulong."

"Sure 'nak. Enjoy yourself, okay?"

"Opo!"

Napangiti naman ako sa narinig ko. Muli kong itinuon ang sarili sa pagluluto. Narinig ko rin ang pag-alis ni Zicko sa direksyon ko.

Kaya habang hindi pa lumalambot ang patatas. Naisipan ko na lang na pumunta sa may c.r. na nakalagay din dito. Kailangan kong maging presentable sa kanilang harapan.

(FASTFORWARD)

"KAINAN NA!" Masayang sigaw ni Zicko nang makita ang hinanda kong pagkain sa lamesa. Nagsikanya-kaniyahan na rin ang lahat sa pag-upo.

Katabi ko si Zicko ngayon samantalang ang dalawa naman ay magkatabi at magkahawak ang kamay. Hindi man lang naiisip na may nasasaktan.

But who cares, nga ba?

"Let's eat." Magiliw ko rin na sambit sa kanila at ipinagsawalang-bahala na lang ang nakikita ko. Agaran naman nilang tinanguhan ang isinambit ko.

Inuna ko munang lagyan ng pagkain si Zicko kahit na kaya naman na niya ang sarili niya. Saka gusto rin niya na ako ang palaging gagawa nito. Ayaw niyang may gagawa nito na iba sa kaniya, ako lang.

"Zicko you want this?" Tinuro ni Tria ang dala niyang ulam. Hindi ko inaakala na may labit pala sila.

Kaso ang problema ay manok ito na bawal kay Zicko. Laging baboy ang ginagawa kong sangkap sa paborito niya.

"Ayaw." Nakanguso nitong aniya kaya napansin ko ang pagkatigil ni Tria. Halata na na-disappointed siya sa sinabi ng anak ko.

Medyo naawa naman ako sa kaniya. Kaya hinawakan ko siya sa kaliwang braso niya at ngumiti ng alinlangan.

"May allergy kasi si Zicko sa manok. Pero kakainin naman niya itong dinala mong salad. Paborito niya ito 'e." Pagpapagaan ko sa damdamin ng babae dahil halata talaga na nalulungkot siya.

Nang marinig ito ni Tria bigla siyang nagsisi at humingi ng tawad sa akin at maging kay Rizhui na tamang nakatingin lang sa akin. W-wait what?

"Sorry talaga Kreiah! Hindi ko alam. Dapat nagtanong muna ako."

"It's okay." Tinapik ko pa ang braso niya bago balingan si Zicko na kinakain na ang salad. Hindi ko man lang napansin iyon 'a. "Zicko, kumain ka muna ng kanin at ulam bago iyan. Masama ang kumain ng malamig. Don't worry hindi ka naman mauubusan. It's all yours. Okay?"

"Y-yes mommy!" Napakamot pa ito sa kaniyang ulo bago magsimulang kainin ang nakahanda sa kaniyang pagkain.

"Ang cute ninyo. Sana magkaroon din kami ng anak ni Rizhui na ganiyan kadisiplinado." Nagseselos na sambit ni Tria sa amin ni Zicko kaya natawa naman ako bago mapailing.

Kumuha muna ako ng kaunting kanin at ulam saka sinubo iyon. Nginuya-nguya ko muna ito. Atsaka naisipan na sagutin ang sinabi niya.

"It will happen. Just believe. Habang bata pa ang bata kailangan ng disiplinahin at ilayo sa mga bad influence."

"Sana nga." Iyon na lang ang sinabi ni Tria bago kami muling kumain ng masasaya.

Para bang walang problema. Nakikisali na rin si Rizhui pero halata na naghaharutan lang sila sa harapan ko.

Kaso sa pinangako ko nga kay Jack. Hindi ko hahayaan na i-stress ang sarili ko. Learn to love, accept and move on. Iyon lang ang kaya kong gawin sa mga araw na ito.

Kahit na mahirap. Kahit na nagmumukha na akong stupido sa harapan nila.