KREIAH'S POV:
"Hon, can I talk Kreiah for a while. Alam mo na...gusto ko pa siyang makilala." Nakangiting pagpapaalam ni Tria sa lalaki na ngayon ay prente lang ang upo sa katabi ng anak namin.
Nag-aaral na ngayon si Zicko para sa susunod na diskasyon nila pagkapasok niya muli sa school, and Rizhui insist himself to teach Zicko. He's a father too, kahit na wala na kami, may isa pa siyang dapat gawin at tungkulin. Iyon ay ang pagiging ama niya sa bata.
Paano na lang kaya sa susunod naming anak? Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat, what if– what if isang araw bigla na lang niya nalaman na may anak pa pala siya sa akin at nasa loob pa ito ng womb ko.
Ano kayang magiging reaksyon niya? Katulad pa rin ba ng dati?
Pero imposible na rin...magiging Mrs. Darson na si Tria at wala na akong karapatan pa kay Rizhui. Mabubura na ng tuluyan ang apelyido ko sa kaniya.
Kakayanin ko kayang bitawan iyon? Siguro kapag dumaan ang maraming araw.
Sa araw kung kailan tuluyan na silang naging Mr. At Mrs. Darson. At ako ay tuluyan ng walang papel sa buhay niya, kundi ang anak ko na lang na si Zicko.
"Kreiah are you alright?" Napabalik lang ako sa aking diwa nang may kumakaway sa aking mukha.
Napangiti na lang ako ng alinlangan bago mapakamot sa aking buhok. Yumuko pa ako sa harapan niya para humingi mg tawad.
Mabait naman si Tria. Hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa kaniya magmula pa kanina.
But, there's something in me na nagtutulak na huwag sumama kay Tria.
Like— is this even for real?
Pero isinawalang-bahala ko iyon. Hinatak niya ako sa labas ng aming bahay. Sa direksyon kung saan malayo, nasisinagan pa rin naman ng araw at kami lang dalawa ang nakakaalam.
Kumbaga babae sa babae lang. At ngayon ko lang sasabihin na mali talaga ang impresyon ko sa babaeng ito mula kanina pa lang. Pinipilit ko lang sa aking sarili na mabait siya at hindi niya kayang manakit ng taong minahal ni Rizhui.
Nakaramdam ako ng medyo mahapding bagay sa aking pisngi. Segundo lang na nangyari iyon pero para sa aking pisngi ay matagal pa bago umalis.
She slap me hard after she pulled me outside. Napabaling lang ang aking ulo sa kabilang direksyon, sa mismong kaliwang bahagi. Napalabi na lang at pinipigilan ang aking sarili na makasakit sa araw na ito.
Kaya kong magpigil kapag nakikita ko si Rizhui na kasama ang bago niya. Pero hindi ko kayang sundin ang puso ko na huwag mangialam.
"Alam mo I hate you talaga! Kunwari mabait ka, kunwari wala kang pake. Pero palihim mong nilalandi ang fiancé ko. Hindi mo ba alam ang salitang tigil? O pinanganak ka na talagang makati?" Dahan-dahan naman akong lumingon sa kaniya.
Tataasan ko na sana siya ng kilay ng may maalala na naman ako. Why I forget that?
'Hindi nga dapat ako pumapatol sa katulad niyang malandi mula ulo hanggang kaluluwa.'
"Why? I never do anything para magalit ka sa akin? I'm just doing it dahil ayokong malungkot ang anak ko." Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
"Huwag mong idamay ang anak mo rito. Kapag ex-wife na, EX-WIFE NA! Wala ka ng karapatan pa kay Rizhui dahil ako na ang mahal niya. Tandaan mo iyan!"
"E di sa iyo na! Kainin mo pa para mabusog ka. Hindi ko naman aagawin ang asawa mo. Saka siya ang pagsabihan mo, sabihin mo sa kaniya na huwag na sa akin lalapit dahil nakakasuka na. Alam mo iyon? Huh!"
"I-IKAW!" Aambahan na naman sana niya ako ng sampal nang may pumunta sa gitna naming dalawa.
Ngayon ay nakayakap na sa akin ang lalaking nagligtas sa akin.
Amoy pa lang ng kaniyang pabango ay alam ko na. Hindi na ako magtataka kung isang araw bibisita siya. Pero bakit ngayon pa?
Bakit sa araw pa kung nandito ang isa sa kakilala niya?
"Don't dare to hurt her. Slut." Walang emosyon nitong aniya.
Gamit ang kaliwang kamay niya ay tinulak niya ang babae. Napaupo naman ito sa sahig at nagkunwaring umiiyak.
Napalapit sa direksyon namin ang lalaking ayokong makita ng lalaking nakayakap sa akin.
"What the f*ck! Wh–Kuya? Anong ginawa mo sa mahal ko?" Galit na sigaw ni Rizhui matapos tulungang tumayo ang babaeng iyon.
Nakangisi pa ito ng palihim sa akin bago magpanggap na naman na nasasaktan.
'Pwede na ba talagang pumatay ngayon?'
"Then I'll asked you too. Kailan ka pa nanlandi gayong may anak na kayong dalawa? Hindi ka pinalaki nila daddy para maging manloloko lang."
"I don't care. I'm wondering too bakit mo palaging tinutulungan si Kreiah? Oh! Maybe matagal na kayong may relasyon kaya hindi man lang siya nagalit sa akin? Wow! Now I know!" Matalim pa akong tiningnan ni Rizhui.
Bigla tuloy nanlambot ang mga paa ko sa narinig. Bakit ganon na lang siya mambintang?
Kahit kailan hindi ko nagawang manloko man lang. I'm doing my part as a wife on him. Ni minsan hindi ko na naasikaso ang sarili ko. Palagi na lang din may nangyayaring masama sa akin.
Pero ni minsan hindi ko sinabi sa kaniya iyon. Hindi ko sinabi na muntikan na akong mapatay ng pinagkakatiwalaan niya dahil ayokong magkaroon ng problema sa kanilang dalawa.
Iniisip ko lang ng mga panahon na iyon ay ang kapakanan niya at ng anak ko. Tapos ngayon...tapos ngayon pagbibintangan niya ako.
"A-aalis na ako..." Pagpapaalam ko sa kanila at pilit na inalis ang kamay ni Kuya Tymoteo sa aking balikat.
"Ei..." Tawag nito sa akin ngunit hindi ko siya pinansin pa. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad palayo sa kanila.
Kaso ganon na lang ang pagkatigil ko sa aking narinig. Napahawak na lang ako sa aking ulo para pigilan kung ano man ang nais ipahiwatig nito.
"She's guilty. Because in the first place. Mas nauna pa siyang manlandi kaysa sa akin. Am I right? Mapagbalatkayong Kreiah?" Alam ko ngayon na nakangisi na siya.
I know Rizhui, lahat ng nasa isip niya ay tama. Ang alam niya ay tama ang lahat ng desisyon na ginagawa niya. But in the end. Hindi naman talaga.
Pero katulad ng ginagawa ko sa mga nangyayari noon. Ipinagsawalang-bahala ko na lang at tuluyang iniwan ang direksyon nila.
Rinig ko pa ang bangayan ng magkakapatid. Gusto ko silang pigilan ngunit gayon na lang ang pagkagulat ko sa aking nakita.
I see Zicko hiding on the large tree. Nakadirekta ito sa bahagi kung saan makikita niya ang lahat ng mga eksena at pangyayari.
K-kung ganon...kung ganon kanina niya pa nakita ang lahat.
'Isa na rin ba akong pabayang ina? Hinayaan ko na lang ba ang anak ko na makita ang gulo sa aming dalawa ng ama niya?'
"Z-Zicko..." Tawag ko sa pangalan ng anak ko.
Dahan-dahan naman siyang napalingon sa akin. Marahan din siyang naglakad sa aking direksyon at niyakap ang aking beywang.
Hanggang tiyan lang niya ako. Kaya iyon lang ang kaya niya.
Nanlalamig naman ang kamay ko na niyakap siya. Mas lalo kong niyakap ang anak ko sa kaisipan na mas nasasaktan siya.
'We're hurting our son because of this damn problem we're facing.'
"Mom, I want to comeback to Japan. I want to see Grandpa... I want to hug him." Napahawak na lang ako sa aking bibig sa narinig mula sa bibig ng anak ko.
Hindi maaari...paano na ito?
Paano ko masasabi kay Daddy ang tungkol sa amin ni Rizhui?
"Son," dinig kong sambit naman ni Rizhui. Halata rin sa kaniyang boses ang pagkagulat. "Why are you saying that? Hindi ba ayos lang tayo?"
Umalis sa pagkakayakap sa akin ang anak ko. Binalingan niya ang ama niya, ngunit hindi sa malungkot na hitsura.
Kundi isang batang lalaki na walang mababakasan ng kahit anong emosyon. He's wearing his poker face emotion towards his dad. Na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko.
Oo, alam kong wala siyang emosyon kapag iba ang kausap. But towards his dad, hindi niya kayang maging ganito.
"YOU LIED TO ME! YOU SAID YOU'LL NEVER HURT MY MOM! BUT YOU BREAK IT! YOU BREAK YOUR PROMISE AND I WILL BREAK MY PROMISE TOO THAT I WILL NEVER HATED YOU. CAUSE NOW...BINABALI KO NA RIN NA MAY DADDY PA AKO! MAGSAMA KAYO NG KABIT MO! AHHH!" Napahawak pa ako sa aking tenga dahil sa napakalakas na sigaw ng anak ko.
Nilabas niya ito nang buong lakas at wala man lang siyang pake sa mangyayari sa kaniya sa huli.
Pagkatapos niyang sumigaw. Doon lang ako natauhan ng makita siyang tumakbo palayo sa amin.
"ZICKO!" Sigaw ko but he manage himself not to look on me.
Galit talaga siya, galit talaga siya sa mga oras na ito. At kapag ganito siya, ako lang ang kayang pigilan siya sa kung ano ang kagustuhan niya.
"Run for him. Ako na lang ang bahala sa dalawang ito, huwag kang maghabol ng taong wala ng pake sa iyo. Habulin mo ang taong mahal ka hanggang dulo at kayang baliin ang pagtitiwala sa iba para lang sa iyo. Just go! And chase your son." Makahulugan na sambit naman ni Kuya Tymoteo.
Kaya dahan-dahan akong bumaling sa direksyon niya at yumuko. Hindi na rin ako lumingon pa kay Rizhui dahil nakalingkis na naman ang babae niya.
"Salamat Kuya! Pakisabi rin kay Ate Zina na swerte siya na nagkaroon siya ng katulad mo." Ngumiti pa ako at kumaway na sa kaniya.
Tumakbo na ako para habulin ang anak ko. Iniingatan ko rin ang tiyan ko, ayokong mawala ang pangalawang anghel sa buhay ko.
Kahit na isang buwan pa lang ito, kailangan ko pa ring mag-ingat.