Chapter 2 - NMBEW 2

FROYD'S POV:

Napapahawak na lang ako sa aking bibig sa aking nalaman. Hanggang ngayon nakayakap pa rin ang kakambal ni Jack na si Eyah. Samantalang si Jack naman ay nanatili lang sa posisyon niya, halata na nagulat din siya sa ginawa ni Eyah.

Itong dalawa na ito ay matagal ng hindi nagkausap simula ng mag-asawa si Eyah.

Hindi ko rin naman masisisi ang nararamdaman ni Jack sa mga panahon na iyon. Mula pagkabata hanggang pagtanda nila, palagi niyang iniisip ang kapakanan ng kambal. Ayaw niyang makaramdam ng sakit ito, dahil doble ang sakit sa kaniya kapag nakikita si Eyah na nasasaktan.

Pero nang makilala ni Eyah si Rizhui biglang nagbago ang lahat. Kitang-kita ko ang galit ni Jack sa lalaking iyon, mula ata ulo hanggang paa, maging kaluluwa ni Rizhui ay kinaayawan niya.

Hindi ko rin maitatanggi na naiinis din ako sa naging wakas nila. Rizhui Tymothy Darson is not that typical man who have a normal life, lahat ay may gulo't panganib. Hindi mo alam kung sino ang totoo o hindi. Baka mamaya niyan natutulog ka na lang biglang may papasok at papatayin ka na lang nang walang kaalam-alam.

Ganon kadelikado ang mabuhay kasama si Rizhui. Lahat ay may limitasyon. Kaya sobra ang poot ni Jack kay Eyah pero hindi rin maitatanggi na mas umaapaw ang pagiging magkambal nila.

Tinanggap niya ang lahat ng paunti-unti. Naging ninong siya ng anak nilang si Zicko pero simula ng mapunta sa panganib si Eyah at pinili pa rin nito ang asawa. Iyon na rin ang dahilan para magkalabuan na ang lahat. Mas pinili na lang ni Jack ang lumayo sa kambal at maging sa kinaaayawan niyang lalaki.

He choose to build a bar at dito na lang ibuntong ang lahat. Hindi na rin siya open sa mga magulang nila at lalong naging malamig na siya makitungo sa iba. Kung dati siya ang pinakamadaldal at hyper sa lahat, ngayon naman siya ang kinatatakutan ko sa mga taong nakakasalamuha ko.

He can kill me whenever he want. I should leave and run away from him.

Pero I choose to stay with him. Iyon lang ang tangi kong gustong gawin kasi alam kong nangungulila rin siya.

"KREIAH! KREIAH!" Napabalik lang ako sa aking diwa.

Ganon na lang ang gulat ko ng makita si Eyah na karga-karga ni Jack. Halata sa mukha nito ang gulat at pangamba. Tiningnan pa ako nito at sinenyasan gamit ang kaniyang mga mata.

Nagmadali na rin akong sumama sa kaniya palabas ng bar na ito. Mabuti na lang nasa akin ang key ng kotse niya. Hindi na niya kailangan pang mag-alala sa ibang bagay.

"Dalian mo!" Galit na sigaw niya.

Natataranta naman akong pumasok agad sa pulang kotse niya na nakaparada lang sa parking lot. Ipinasok ko sa susihan ang key. At nagsimula ng paandarin ang engine. Nang makita kong ayos na ang lahat sa loob ay saka lang ako nagmadali na paandarin ito palayo.

Habang binabagtas namin ang kalsada. Naririnig ko ang bawat malulutong na pagmumura niya. Nakikita ko rin sa front mirror kung paano niya tapikin ang walang malay na si Kreiah.

Pero hindi pa rin ito nagmumulat ng mata kaya mas lalo siyang nag-aalala at matalim akong tiningnan.

Napalunok na lang ako ng laway.

"Sh*t! YOU'RE SO SLOW! KAPAG NAMATAY ANG KAMBAL KO IKAW ANG IDO-DOUBLE DEAD KO!" Kahit na galit siya ramdam ko pa rin lamig dito.

Kaso nainis ako sa sinabi niya. Walang malay lang ang tao patay na agad?

"T*ng*na! Imbis na manalangin ka na lang na magiging ayos lang ang lahat. Hindi! Dahil iniisip mo na mamatay na ang kambal mo! NAG-IISIP KA BA?!"

"I DON'T F*CKIN' CARE. JUST DRIVE OR ELSE I'LL PUNISH YOU BRUTALLY!"

"O-oo nga…bi-bibilisan na. Heto na 16–"

"I-200 mo!"

Pumikit na lang ako sa narinig ko. At muling pinakalma ang sarili. Huwag kang sisigaw Froyd…huwag kang sisigaw baka gawin talaga niya ang sinabi niya.

Huwag…

"I said make it 200!"

"HINDI KO NGA KAYA! IMBIS NA MABUBUHAY SI EYAH NG MATAGAL. PAPATAYIN MO NA SIYA NG TULUYAN AT ISASAMA MO PA AKO!"

Matapos kong isigaw iyon ay saka lang siya napatigil. Hindi na siya nagsalita pa pero ramdam ko ang mga matang nanlilisik sa aking likuran.

'Oh God! Please save me from this devil monster.'

(HOSPITAL)

"Nahihilo ako sa iyo!" Inis na suway ko kay Jack habang ito ay patuloy sa paglalakad pakaliwa at kanan.

'Hindi ba siya nahihilo rin sa ginagawa niya?'

Kanina pa kami nakarating sa hospital. Mabilis na dinala si Eyah sa emergency room. At kanina pa rin kami rito na naghihintay na may lalabas na doctor.

Kaya ganito na lang ang takot na bumabalot sa puso nitong si Jack. Knowing they are twins, kaya mas nasasaktan itong lalaking ito.

Samantalang ako naman ay pinapanatili ko ang aking sarili na malumanay at positibo sa mangyayari. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano. Alam kong ililigtas siya ni God, magtitiwala ako kay God na ayos lang ang kalagayan niya.

"Wala ka kasing kapatid kaya hindi mo ramdam kung gaano ba kasakit na makita ang kakambal mo na nahihirapan." Ang harsh talaga ng lalaking ito.

Hindi na lang ako nagsalita pa at tumayo na lang sa aking pagkakaupo. Binalingan ko pa siya ng ilang segundo lang bago maisipan na tumalikod.

Paalis na sana ako para makapagpahangin sa labas at mag-isip ng tama. Nang marinig namin ang pintuan na bumukas.

Kaya mabilis akong humarap muli at sinamahan si Jack. Nasa harapan naman namin ang isang lalaki na hindi kalayuan ang edad namin. Nakasuot siya ng pang-doctor at may name tag din na maliit sa may bandang kaliwang dibdib niya.

"Akala ko ba aalis ka?" Malamig na aniya kaya sinimangutan ko lang siya.

"Kailan ka ba magiging malumanay makipag-usap sa akin?"

"Kapag namatay ka na."

"Ehem." Napakamot na lang ako sa narinig ko at hindi na nagsalita pa. Itinuon ko na lang ang sarili ko sa doctor na ito. "Kamusta na po si Eyah?"

"Kaano-ano po ninyo ang pasyente?"

"Kambal niya ako."

"Kaibigan niya naman po ako." Sagot ko rin naman sa itinanong nito. "Halata ba?" Sabat na naman nitong si Jack kaya naparolyo na lang ako ng aking mga mata.

"As of now she's fine. Sa sobrang pagka-stress at pag-iisip ng kung anu-ano kaya ganon ang naging impact sa katawan niya. Pero babalaan ko na kayo, bawal na bawal ma-stress ang pasyente. Baka ito ang maging dahilan para hindi maging maayos ang pag-de-development ng sanggol sa sinapupunan niya. Or worst baka maagasan siya."

Ilang minuto kaming natahimik ni Jack. Napatingin pa kami sa isa't isa. Parehas na magkataas ang kaliwang kilay sa aming narinig.

Hindi ba ako nabingi lang? Tama ba ang narinig ko? Ano nga raw?

'Buntis si Eyah?'

A-ano?

"Buntis?" Sabay na saad namin ni Jack nang maproseso na ang lahat-lahat.

"Hindi ninyo alam?" Nagtataka rin na tanong ng doctor sa amin.

Kaya sabay na naman kaming tumango na ikinabuntong-hininga ng kaharap namin. Hindi rin makapaniwala sa nakita.

"She's 1 month pregnant."

"As in 1 month? Bakit wala akong napapansin na kakaiba sa kakambal ko?"

"Po? Dapat may umbok na po akong nakikita kay Eyah. Pero wala naman?"

"Kayo ba ang buntis para masabi ninyo iyan?" Sarkastiko naman na tanong nitong doctor na ito. Napansin ko naman kung paano niyukom ni Jack ang kaniyang kamao. Madilim din ang kaniyang mukha habang kaharap ang nag-assist kay Eyah.

Bago pa man makarating ito sa kintatayuan ng doctor at ambahan ng suntok. Mabilis akong pumagitna sa kanila.

"Pakiusap umalis po muna kayo rito. Baka kung ano pang mangyari sa inyo." Pag-a-advice ko sa doctor na iyon na madaling sinunod ang sinabi ko.

Nagmadali itong pumasok muli sa loob ng room na kinaroroonan ni Eyah. Samantalang si Jack naman ay patuloy na nag-aalburoto sa ginawa nitong pagigiging sarkastiko.

"I'LL KILL YOU! NAG—"

"Tumigil ka nga kasi! Tama rin naman ang sinabi ng doctor sa atin." Pagpapakalma ko rito habang patuloy na pinipigilan siya na makapasok sa loob.

"Pati ba na–"

"Hindi naman natin nakikita si Eyah 'e. Kaya wala tayong alam sa nangyayari sa kaniya at saka sa pagkakaalam ko apat na buwan bago magkaumbok ang isang buntis. Pwede ba huwag kang nag-aalburoto r'yan."

"Tsk." Tumigil na siya sa pagwawala. Tinulak pa ako nito palayo kaya muntikan ko ng mahalikan ang pader. Buti na lang nakailag ako at likod ko ang natamaan.

"That bastard! Binuntis niya muna ang kakambal ko bago hiwalayan. D*mn! Mga mahihina lang ang hindi gumaganti, paparanasan ko rin siya ng galit ko. Matagal na akong nagtitimpi! Hinayupak na iyon!" Nagdadabog pa siyang naglakad palayo sa akin.

Sa sobrang laking tao niya at ang mga biyas ay mahahaba, nandoon na agad siya sa malayo sa akin.

All I can do is to shout at him and tell him what I want to say.

'Tuknene kasing height ito 'e!'

"JACK! BUMALIK KA RITO! HOY JACK!"

Pero wala na siya sa paningin ko. Unti-unting nawala sa harapan ko. Nagpalabas na lang ako ng maraming buntong-hininga bago mapasapok sa aking noo.

Napangiwi pa ako nang maalala na may singsing nga pala ako sa palasingsingan ko. Kaya napaaray na lang ako dahil sa katangahan ko.

"Rest in peace na lang sa iyo Rizhui." Bulong ko sa hangin.