I felt Adrian's arms. Sandali kong iminulat ang mga mata ko and saw him lying beside me. Hindi ko namalayan na nakatulog ako pagdating ko.
"Hindi ka muna magbihis?" tanong ko sa kaniya but he insist at sumiksik sa akin. Naramdaman ko ang malambot niyang buhok na humahaplos sa balikat ko.
"I bought you something." narinig kong wika niya habang nakapikit ang mga mata. Bumangon ako sandali sa pagkakahiga and I saw a paperbag sa ibabaw ng sidetable. Forever21 ang tatak ng bag. So he bought me a dress?
"Its a dress for you to wear on Saturday. Rejie and Sandra are excited to see you. We had a coffee kanina." sabi pa niya. Rejie and Sandra were college friends. Sila ang kasabay namin magtutungo sa Sabado.
"Hindi ba isasama ni Rejie yon asawa niya?" umiling si Adrian. "He's taking Sandra." napasampal ako sa noo ko sa narinig. "What? Are they together? Pero may asawa sila pareho."
"I know. I told Rejie too. Alam mo naman yon matigas ulo." bumuntong hininga ako. Kung iilan sa mga kaklase namin ang matagumpay ngayon, may iilan din ang pasaway pa din hanggang ngayon. Like Rejie, nakapangasawa siya ng anak ng family friend nila. Pero hindi niya gusto ang babae, and he likes Sandra noon pa man. Kaya palihim silang nagsasama and also betraying their own partners.
"Mahal, pagsabihan mo si Rejie. Kapag nalaman ni Anjo ito mapapatay niya yon." nag-aalala kong sinabi. I know Anjo, makakapatay siya kapag nalaman niyang nagtataksil si Sandra sa kaniya.
"Mahal, kung pupwede lang ginawa ko na. Ilan ulit ko na yan pinagsasabihan. Ayaw makinig. Saka it doesn't matter kung mabuko sila o hindi. Its their choices."
Napapaisip tuloy ako kung sa akin nangyayari iyon. Kapag nagtaksil si Adrian. Hindi ko alam ang gagawin ko. I can't afford another betrayal again. Gino betrays me. Ayokong gawin ni Adrian iyon sa akin.
Bumalik ako sa pagkakahiga at niyakap ang asawa ko. Mahimbing na siyang natutulog.
"I love you." sabi ko bago ako tuluyan nakatulog.
__
Matapos ang tatlong araw na pagduldol ko sa inventory report ay natapos ko siya ng Biyernes ng umaga. Naipasa ko siya kay Sir Jeron bago ito pumasok para maiwasan akong mabungangaan. Nakahinga na ako ng maluwag. Napasandal ako sa upuan ko habang nilapag naman ni Jed ang isang tasa ng kape. Mainit init pa ito.
"Anong balita sa client natin, yon mag oopen account daw ng insurance don sa bagong tayong company ng condo units?" naisipan kong itanong. Iyon kasi ang pinakamalaking kliyente namin ngayon taon. Bukod sa malaking investment ang gagamitin niya sa insurance sa mga condo units niya, nalaman pa namin sa background ng may-ari na isang businessman pala ito sa States. Kaya hindi namin siya pupwedeng pakawalan.
"Ang rinig ko kina Mam Aida, makikipagmeeting daw sina Sir Jeron don sa CEO ng company na yon, ngayon." nagulat ako.
"Really? Nandito na siya sa Pinas?" tumango si Jed. Lumapit siya sa akin. "Oo, bali balita nga eh. Mukhang magiging matunog ang pangalan non dito. Ang dami daw bubuksan bagong establishments under the supervision of the mysterious businessman." kwento pa niya.
"Nako. Baka like the Imperials yan. Diba?" tumango agad si Jed. "Siguro. Pero sabi ni Mam Aida, lawyer daw ang client natin na yon." nagulat ako sa sinabi ni Jed. So he's a lawyer.
Nawala ako sa pag iisip nang magpop up sa desktop ko ang isang message mula sa groupchat namin nina Ryan.
He sends the party sequence for tomorrow. May ilan guest speaker din kami like Mr. Rodolfo Castro which was the former Dean of College of Business and Administration, nandoon din si Mrs. Fernandez Alumbres na dating Dean ng College of Law.
The party will start at eight of the evening at hanggang umaga na ito. Napagkasunduan namin ni Adrian na magtagal sa party hanggang ala una ng madaling araw. Kinabukasan ay linggo, at kapag family day umuuwi kami sa bahay nina Mama sa Cavite which we usually do every weekends.
Nabasa ko ang reply ni Regine.
Hindi ako makakaattend. Hindi ko pupwedeng iwan si Jonas. Walang maiiwan sa anak ko.
Bagong panganak si Regine last month kaya naiintindihan ko kung bakit hindi siya makakapunta. Siya pa naman ang gusto kong makakwentuhan sa Sabado. She was the closest relative of Gino. At noon nawala na parang bula ang pinsan niya. Wala din siyang ideya.
Iniisip ko kung magrereply ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Once nagreact ako sa groupchat na yon. Magsisimula na silang magtanong.
__
Umuwi ako bago mag alas-sais ng gabi. At dahil may meeting pa si Adrian. Naisipan kong magluto ng hapunan namin. May ilan groceries pa kaming natitira sa ref. May naistock kasing meat at chicken si Adrian noon huli siyang nagrocery. Sinubukan kong magluto ng pininyahan manok. One of his favourites.
Hindi muna ako nagbihis at inuna ko na ang magluto. Binuksan ko ang tv para manood sana ng evening news.
Nagsaing ako at pagtapos tinimplahan ko na ang manok bago isalang sa kalan. Pagkahugas ko ng mga kamay ko, napansin kong nagvivibrate ang phone sa ibabaw ng mesa. Its an unknown number.
Hindi ko pa naeencounter ang number combination na iyon. If its a client, normally they would text me muna bago tatawag. Kapag sa office naman, nagmemessage sila sa Facebook or sa Gmail ko. Balak ko sana na hindi sagutin. Kaya lang naalala ko na isinend ni Adrian ang number namin dalawa sa groupchat. Kaya baka isa ito sa mga kaklase namin.
Sinagot ko ang tawag without hesitation.
"Hello? Sino po ito?" magalang kong tanong. Matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya.
"Hello?" ulit ko.
"Hi Kristine.." biglang sambit niya ng pangalan ko. Bumilis na parang karera ng kabayo ang dibdib ko. I knew someone who calls me by that name. At matagal na panahon kong hindi narinig ang pagtawag sa akin na iyon. Gusto ko nang ibaba ang tawag pero ayaw sumunod ng katawan ko sa akin. Para ba itong may sariling pag iisip.
"You don't recognize my voice?" sunod pa nito at mabilis kong pinatay ang tawag. In-off ko din ang phone ko at saka mabilis naupo. Hinawakan ko ang dibdib ko, mabilis ang pintig. Kinakabahan. Nanlambot ang mga tuhod ko. At lumaki ang mga butil ng pawis na nanggagaling sa noo ko pabagsak sa pisngi ko. Hindi ko namalayan kumukulo ang sinaing ko.
Paulit ulit sa isipan ko ang boses na iyon.
Isang multo sa nakaraan ko. Hindi ako pupwedeng magkamali. That was Gino. It was Gino.
Pumikit ako at sinalo ng mga palad ko ang mukha ko. After seven years of disappearance ay magpaparamdam siya.
"No. It can't be." sabi ko sa sarili ko. Natatakot ako sa boses ni Gino. Pero hindi ko alam bakit ganito ang takot ko sa kaniya kahit alam ko na siya naman ang nang iwan sa akin. Wala akong natatandaan kasalanan sa kaniya before he left.
Kinalimutan ko na ang malupit na nangyari sa akin back in college. That scandal took over my life like a hell. Ito ang sumira sa pagkatao ko, sa mga bagay na iniingatan ko at sa imahe ko bilang mag-aaral ng UST. At hindi alam ni Gino yon. Siya ang kailangan ko ng mga panahon lugmok ako sa lungkot. Pero nawala siya and now he's coming back.
Pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Seven years and still it hurts alot.
__
"Ha? Hindi ka sasama mamayang gabi?" asked Adrian kinabukasan. Nagsasalo kami sa almusal na dala niya matapos niyang magjogging.
Umiling ako. Napag isipan ko na iyon. Gagawa nalang ako ng matibay na alibay para hindi na siya magpumilit na pasamahin ako.
"Nahihilo ako. Saka may pinapatapos pa si Sir Jeron na report. Sa Lunes ko ipapasa agad." sabi ko na parang nagsusumamo. Adrian sighed. I know he promised to Rejie na sasama siya.
"Hey." hinawakan ko ang kamay niya. "You can attend if you want. Alam ko you're looking forward to this event. Minsan mo lang makasama ang mga kabarkada mo noon college e." sabi ko para hindi na siya mag isip ng paraan to turn back his promise.
"Pero maiiwanan kita dito sa bahay." nag-aalala niyang sinabi.
"Ano ka ba, okay lang ako. Its just one night. Saka mga kabarkada naman natin ang kasama mo doon so I don't need to worry." sabi ko at hinigop ko ang kape sa isang black mug na inilapag niya.
"Okay. Pero uuwi ako before one ha. Hintayin mo ako." paalala niya at sumang-ayon ako. He hugged me from behind. Ayokong banggitin kay Adrian ang tungkol sa pagtawag ni Gino kagabi. Alam ko he will attend the Alumni Homecoming at ayokong doon kami magkaharap. Not now dahil hindi pa ako handa.
Inasikaso ko ang susuutin ni Adrian for tonight's event. Hindi ko na din sinabi kay Rica na hindi ako pupunta dahil mangungulit lang siya sa pagtatanong.
"Mahal, paano yon dress na binili ko for you?" tanong ni Adrian habang nakatuon siya sa panonood ng tv.
"Isusuot ko nalang sa anniversary natin. Advance gift mo diba?" nakatawa kong sinabi. He nodded at ngumiti. Dalawang buwan nalang at third year anniversary namin. Plano namin mag out of town and maybe to have a baby too, regalo ko sa kaniya for being a good husband.
Aalis si Adrian sa bahay ng ala-sais ng hapon. Magkikita kita kasi sila nina Rejie sa Sto. Domingo bago magtungo sa UST. Habang ako, maiiwan sa bahay at makikibalita.
Nasa shower room na si Adrian nang marinig ko ang ringtone ng phone niya. Paulit ulit itong tumutunog. Maybe its Rejie or Sandra. Pagsilip ko, I saw an unknown number. Hindi ko ugaling makealam ng cellphone so I just ignored it. Sinundan ko siya sa loob to brought his towels.
Nakabukas ang tv sa kwarto habang inaayos ko ang damit niya sa ibabaw ng kama.
Walang ibang laman ang isipan ko kundi si Gino. Madaming katanungan walang kasagutan. And because I'm a married woman now, wala na dapat akong pakealam pa sa kaniya.
"Mahal? Are you okay?" nagising ako sa pagkakatulala nang tawagin ako ng asawa ko. Nakatapis na siya ng tuwalya at nagpupunas ng buhok.
"Mahal, dadaan ako sa 7-11 mamaya ah. Bibili ako ng icecream." paalam ko habang nagsusuot na siya ng pantalon.
"Ha? Dapat sinabi mo na kanina so that I bought some. Ikaw talaga. Lalabas ka pa." ngumit ako. At lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya sa beywang niya.
"At bakit naglalambing ka ngayon?" tanong niya at sinabayan akong halikan sa noo ko.
"Wala lang. Mabango ka kasi kaya gusto kitang yakapin." pagdadahilan ko. Pero gusto ko talaga siyang pigilan. Ayoko na sana siyang magpunta doon. Pero magtatanong siya kung bakit. Ayaw ko na pag usapan pa namin si Gino lalo at alam niyang ex boyfriend ko yon sa mahabang panahon. He will get jealous of course.
Pagtapos magbihis ni Adrian, nilabas niya sa garahe ang kotse namin. Sasabay na ako sa kaniya hanggang sa kanto.
"Ikamusta mo ako kina Rejie ha." bilin ko pagsakay namin dalawa. Hinagkan niya ako sa labi bago siya magsimulang magmaneho.
"Oo naman. Namimiss kana nila diba?" I miss them too, pero ito ang naiisip kong paraan para makaiwas kay Gino. We shouldn't met. We shouldn't be.
Bumaba ako sa kanto kung nasaan ang pinakamalapit na 7-11. Bago ako bumaba ay humalik muna ako sa asawa ko at nagpaalam.
"Magtext ka." bilin ko pagkasarado ko ng pinto. He just smiled. Then he continue driving.
__
iamnyldechan