Chapter 2 - One

7 years later,

"Mahal, handa na ang breakfast mo. Wake up! You'll gonna be late again!" I heard Adrian's voice like its my alarm clock. Ewan, but lagi nalang akong late gumising. Maybe because of stress, at dahil peak season na. Its end of October kaya't may monthly audit nanaman kami. Hindi ko pa tapos ang daily record ng inventory. At hanggang sa makauwi ako last night, I forgot to finish it.

"I'm awake.." matamlay akong bumangon sa higaan. Saka bumaba sa hagdan wearing my pajamas. Pakiramdam ko gusto kong gumapang papuntang kusina. I smelled the bacons and eggs na niluluto ng asawa ko. He never fails being a good husband. Pareho na kaming nagtatrabaho yet hindi siya pumapalya sa pag-aasikaso sa akin.

"Hindi ka man lang maghilamos pa." nakatawa niyang bati at hinagkan ako sa labi. Napangiwi ako at pinunasan ang bibig ko.

"I haven't brushed my teeth. Hinalikan mo agad ako. Amoy panis pa laway ko." sabi ko at naupo. He just chuckled at binaba sa harapan ko ang bandehadong may sinangag. Bihis na siya ng working suit niya. Nakasampay sa sofa ang blue checkered na necktie niya.

"May meeting ako ng eight. Kaya kumain kana kasi mauuna na ako umalis." paalam niya at mabilis nilagok ang isang tasa ng kape sa harapan ko. Nagmamadali na siyang iayos ang necktie sa ilalim ng kwelyo ng damit niya. Tumayo ako hinila ko siya.

"Woah, easy naman Mahal." sabi niya habang tumatawa. Sinimangutan ko siya. "Stop it. Ang pilyo mo talaga." he smiled and kissed my lips quick. Nagulat ako.

"Goodmorning kiss ang tawag don." sabi niya saka humalik pa ng isa sa labi ko. Hindi ko na maiwasan matawa. Ganito kami araw araw, biruan sa umaga, lambingan sa gabi. Masasabi ko na maswerte na ako kay Adrian.

Wala na akong hihilingin pa.

I took the taxi at nagpahatid sa Arellano Heights sa West Triangle Quezon City. May bumili kasi ng bagong unit sa subdivision na hawak ko. And they want me to take them for a house tour. I worked two jobs, real estate agent at inventory staff sa isang insurance company. While Adrian is a manager sa isang banko sa BGC.

Magdadalawang taon na kaming nagsasama bilang mag-asawa. No one expected we will end up together.

Adrian was actually my childhood bestfriend, at hindi naman talaga kami ideal couple noon. Para kaming magkapatid. But fate brought us to be together kaya masasabi kong jackpot ako.

"Para po. Dito nalang po sa gate." pakiusap ko sa driver pagkaabot ko ng bayad ko. Nakita ko kaagad si Rica na nasa tapat ng gate ng subdivision. May isa din kotse na nakaparada sa gilid nito so it means, nakarating na ang mga clients namin. Hinugot ko kaagad sa bag ko ang suklay at lipstick. Kailangan kong magretouch bago humarap sa kanila.

"You're late again Vi!" sigaw sa akin ni Rica. Tumawa lang ako. Kailan ba ako naging maaga? Hinila agad niya ako sa braso ko. The clients was too early kaya iniisip niyang late ako.

"Naglovey dovey nanaman kayo ni Adrian bago papasok kaya late ka no?" pabulong niyang tanong. Umismid ako at inagaw ang braso ko.

"Maaga siyang pumasok no. Wag kang assuming." she chuckled at kinuha ang suklay ko.

"Sayang. Makakabuo na sana kayo." sunod pa niya. Gusto na namin magkaanak ni Adrian kaya lang sa sobrang abala namin pareho sa mga kaniya kaniyang trabaho, nawawalan kami ng oras para makabuo. And even we have the chance, isa naman sa amin ang pagod.

"Oo nga pala, nabasa mo na ba yon email ni Ryan? Next week na yon Alumni Homecoming no? Pupunta kayo?" nagulat ako sa nabanggit ni Rica. Nakalimutan ko nanaman ang tungkol don. We already received Ryan's email tungkol sa reunion next week. At napagkasunduan namin ni Adrian na pupunta kami pareho.

"Oo. Syempre aattend kami." sabi ko habang patungo na kami sa unit.

"Good. For sure naman hindi naman magpapakita si Gino doon." bigla ko nabitawan ang suklay na hawak ko. Sabay lumingon ako kay Rica na nauna sa paglalakad.

Parang isang mabilis na rewind tape ang sumagi sa isipan ko. Hearing again that name makes me sick. Parang gusto kong sumuka at magkasakit.

"Hoy, Vi! Bilisan mo kaya diyan. Mrs. Roxas is waiting for us!" sigaw sa akin ni Rica at nagtatakbo ako pahabol sa kaniya.

House tour was done almost for an hour. Nakaupo ako sa gilid ng water dispenser habang nilalagok ang isang bottled water. Si Rica naman ang kaharap ni Mrs. Roxas to process some papers before buying the unit. May commission kami sa bahay na iyon, lalo at handa na agad bayaran ni Mrs. Roxas ang kalahati ng original price.

"May two hours pa ako to get rest." sabi ko pagkasilip sa wristwatch ko. Papasok pa ako sa Manulife ng ala una ng tanghali to finish my inventory report. Ayokong sigawan akong muli ni Sir Jeron. Isang linggo na niya akong tinatalakan dahil sa hindi ko matapos tapos ang report na dapat ipapasa ko sa Biyernes. Tapos isa pang sakit sa ulo ko ang Alumni Homecoming sa Sabado.

Wala pa akong susuutin.

"Bruha, aattend daw sina Jessica." biglang upo ni Rica sa tabi ko at saka pinasilip sa akin ang phone niya. I saw Jessica's message sa ginawang group chat ni Ryan. Nagsend na siya ng picture ng bagong dress na susuutin niya sa darating na party.

"May bagong dress agad." pasimangot kong sinabi. Si Jessica ang isa nga kinaiinisan na kaklase namin noon college. Bukod sa maarte na ay playgirl pa. Tapos ngayon sinwerte siyang makapangasawa ng kano. At buhay reyna na siya ngayon.

"Tignan mo, nagkatuluyan pala sina Patrick at Aileen? May anak na silang lalake oh." sunod pa ni Rica. Dahil sa groupchat na iyon, we got reunited with some colleagues. Nakakagulat lang dahil iilan sa mga hindi namin inaasahan magkakatuluyan eh sila pang mag-asawa ngayon.

"Si Gino kaya? Wala kang balita?" binanggit nanaman ni Rica ang pangalan na iyon.

"Hindi ka ba nagsasawa na banggitin ang pangalan na yon?" inis kong tanong sa kaniya.

"Hello? Violet. Madami din kayang nagtatanong sa akin where the heck is Gino! Bigla nalang siyang nawala after the scandal."

"Wala akong pakealam kung saan impyerno siya nagpunta. He leave me behind noon panahon kailangan ko siya!" sigaw ko and everyone just look at me. Hinila ako ni Rica pabalik sa kinauupuan ko.

"Hey. Kalma ka sis. Hindi naman siguro alam ni Gino ang nangyari diba?" umiling ako.

"He knows everything." sagot ko at itinapon sa malapit na basurahan ang boteng hawak ko. I grabbed my bag at lumabas. Hindi na ako nagpaalam pa kay Rica.

Bumyahe ako pabalik ng Muñoz. Bumili lang ako ng packed lunch para doon nalang kumain sa office. May report pa akong tatapusin at ayokong gumulo nanaman ang utak ko sa mga pinagsasabi ni Rica kanina.

I know, madami ang naghahanap kay Gino. For all I can remember, Gino was one of the popular guys in college. Matalino, gwapo, maginoo at mayaman. Isa si Jessica sa mga may gusto sa kaniya. Boyfriend material siya at sa pagkakatanda ko, napakabuti niyang tao. He always defend the weak. Wala siyang kinakatakutan. He loves his mother so much. And also his girlfriend.

But one day he disappears.

Hindi na siya pumapasok sa school, at alam ng mga professors how much he prioritize his studies kaya laking gulat nilang hindi na ito umaattend ng klase. Hindi din siya nagpakita kina Adrian which his friends. At pagkatapos non, nabalitaan namin na umalis na siya papuntang States.

He didn't even say goodbye to his lover.

"Violet. Wala pa ba yon report mo?" tanong ni Jed sa akin paglapag ko ng laptop ko sa mesa.

"Hello? Magbubukas palang ako ng laptop ko. Ano ka ba!" singhal ko sa kaniya. He sighed. "Luka, mamaya ratratan kana naman ni Sir Jeron niyan e." anito at binaba sa gilid ko ang folders na irerevised ko.

"I know kaya wag mo na ako istorbohin pa please." pakiusap ko at umalis na siya. Nilapag ko sa tabi ko ang phone ko. I saw Adrian's message.

Kumain kana Mahal. For sure, late nanaman ang lunch mo.

Sabi niya sa text. Ngumiti ako ng palihim. Sandali kong kinuha ang phone ko at nireplyan siya.

Mahal, binilhan kita ng bagong shirt na isusuot mo sa Alumni Homecoming.

Kung madaming nagtatanong where Gino went. Ganundin kadami ang nagtatanong why I ended up with Adrian. And for sure it will be a hot topic sa reunion namin.

_

iamnyldechan