Chapter 6 - Chapter 4

Times is running and days too. Bukas na pala yung alis namin papuntang Paris. Excited rin naman ako kahit papaano. Ito kasi ang first flight ko going to other countries.

Halos ang napupuntahan ko lang naman kasi ay parte nang pilipinas. But out of the country hindi pa. Now is the time for me to travel in other place naman. Sabi ko pa naman kasi sa sarili ko. Pag ako aalis papuntang ibang bansa to travel dapat kasama ko muna ang family ko.

Pero minalas ata at hindi ko sila makakasama sa pagpunta ko sa Paris. Si Laz ang makakasama ko at trabaho naman ang ipupunta namin doon.

Maybe next time. Pag nakaluwag-luwag ako. Ako na mismo ang magsasagot sa panggastos namin nang family ko going abroad.

Lumabas ako sandali to buy coffee. Hindi ko kasama ang dalawa kong kaibigan dahil busy sila. Hindi ko narin sila inabala dahil alam ko namang nagsisipag ang mga iyon for their project. Naikwento kasi nila yesterday. Binigyan sila nang project for the coming month.

Nang makapasok ako sa coffee shop na kaharap lamang nang company. Dumiretso na ako sa counter. May limang nakapila kaya ako yung pinakahuli.

Tamang naghihintay ako nang may kumalabit saakin. Napalingon naman ang ulo ko. Hindi kasama ang katawan. Kalahi lamang upang makita kung sino ang kumalabit saakin. Bumungad naman ang isang ngiti sa labi nang taong iyon. Si Laz.

"Hi Ran" bati nito. Hindi ako nakasagot agad dahil nabigla ako.

"Sorry na bigla ata kita?" sabi nito

"Ah, hindi naman masyado. Akala ko kasi kung sino yung kumalabit." Sabi ko naman. Tumango tango naman siya bilang pagsag-ayon.

"You're not with your friends" pansin niyang mag-isa lang ako. Napatingin rin siya sa mga taong nakaupo. Tinitignan siguro kung nasaan sila.

"Ako lang mag-isa lumabas. Busy sila doon sa project na ibinigay sa kanila."

"Oh, yes. I forgot may bagong project palang ibinigay sa kanila. I'm sorry."

Napailing lang ako sa paghingi niya nang tawad. Bakit bakit to nagsosorry?

"No need to be sorry." Sabi ko. Natawa ako dahil sa pagiging makalimutin niya.

"You know this past days nagiging makalimutin ako." Pagkukuwento nito saakin. Napangiti naman ako. Hindi ko alintana ang maiksing pila sa counter.

"Maybe you should take medicine para hindi ka makakalimutin."

Suwestyon ko sa kanya. Seryoso naman siyang nakikinig saakin.

"What medicine then?" seryoso talaga siya? Nagbibiro lang naman ako.

Hindi ko nga alam kung anong gamut ang para sa mga makakalimutin e.

Natawa lang ako sa pagiging seryoso niya. Napakunot noo naman siyang tumitig saakin. Hindi ata nagets ko yung ko.

I sighed. I'm not really good at joking.

"What's funny?"

"Um, wala wala. Nagjojoke lang naman ako kanina. Di moa ta nagets." Sabi ko. Nawala na ang kunot nang nito nito.

"Oh, sorry for that hindi ko alam joke yun."

"Halata nga" pabulong ko

"What?"

"Wala" sabi ko sa kanya.

(Next, please!)

Napabalik ang tingin ko sa counter. Nakita kong wala na iyong mga pumipila kanina. Ako na pala ang sunod. Dali-dali naman akong humakbang para makalapit.

Mabuti nalang at mabilis lang ang pag-order ko dahil kakaunti palang ang nasa coffee shop. Nang matanggap ko ang ibinigay nang nasa counter ay gumilid na agad ako para makaorder na rin si Laz.

I waited him. Hindi ko alam kung bakit pa ako nandito.Patingin-tingin naman ako sa inorder ko. Sinabay ko na rin sa pagbili ko sila argen and rien. Paniguradong hindi na sila bababa. Dahil nga busy sila.

"You're done?" tanong ko nang mabaling ang tingin niya saakin matapos sabihin ang inorder nito.

"Yup. Tinake-out ko na rin." Matapos niyang sabihin iyon tama namang inilapag sa counter ang binili niya. Kumuha siya nang pera sa kanyang wallet and after that inilapag ito sa counter.

"Tara?" pagyaya niya saakin. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Siya ang bumukas nang pinto sa coffee shop para mauna akong makalabas after noon ay may sumunod pa saaking babae. Pinauna niya ito bago siya. Hinintay ko naman siyang makalapit.

"Did you prepare your things for tomorrow?" tanong nito saakin nang makalapit siya.

"Yes. Kahapon pa ako nakapag impake."

"That's good." Sabi nito.

Tumawid kaming dalawa sa daan. Mabilis rin kaming nakarating sa harap nang company dahil kaharap lang naman ito nang coffee shop. Tinulungan niya rin akong magdala noong inorder ko. Bali tigdadalawa kami.

Siya rin ang nagpindot nang botton para bumukas ang elevator. Pumasok kami nang walang nagsasalita sa pagitan namin. Hanggang sa makarating kami nang third floor at makapasok.

"To whom is this coffee?" nabasag lamang ang katahimikan nang magtanong siya saakin. Napatingin naman ako sa dala niya.

"Kay rien yan. Akin na at ibibigay ko." Kukunin ko n asana nang ilayo niya saakin. Napatingin sa kanya nang may pagtanong.

"Ako na ang magbibigay. May dala karin both hands. Baka mahirapan ka." Sabi nito. Tinignan ko naman ang hawak ko sa magkabilaang kamay. Kaya ko pa naman e.

"Kaya pa namang dalhin. Pero sige ikaw bahala. Mas okay narin iyon." Mariin niya akong tinitigan. Di kalaunan ay sumilay rin ang ngiti sa labi nito.

Hindi talaga nawawalan nang kaunting cuteness si Laz. Oo, gwapo naman siya and at the same time cute pag ngumiti.

"Salamat" sabi ko nang may sinsiridad.

"You're always welcome." Sabi nito.

Pumunta siya sa cubicle ni rien at ibinigay iyong dala niyang coffee. Ako naman ay ganun din. Pumunta ako sa cubicle ni argen. Hindi nito alintana na nasalikod niya ako. Sobrang tutok siya sa magtitipa sa kanyang laptop.

Seryoso si bakla ngayon. Hindi ako napansin e. Kaya kinalabit ko nalang siya. Nagulat ko siya dahil bakas sa kanyang reaction. Bigla siyang napatingin sa likod. Itinaas ko ang dala kong inorder para sa kanya. Para narin makita niya.

"I bought you coffee and donut" masigla ko.

"Hala bakla. Thank you very much ha!" masigla nitong tinanggap ang dala ko para sa kanya. Inilapag naman niya ito sa table niya . medyo malayo sa laptop at papers na nakalapag rin.

"Welcome baks. Alam ko namang tutok kayo sa project ngayon. Kaya ako muna ang taga libre nang pagkain niyo. Nakakahiya naman." Taas kilay kong sabi. Biro ko lamang iyon sa kanya.

"Aba syempre. Kami rin ang taga libre mo noong busy ka sa project mo bakla. Payback time lang." humagalpak sa tawa si argen habang sinasabi iyon. Natawa naman ako sa kanya.

"Oo na. Sige na at kainin mo yung donut habang mainit init pa ganun din yung coffee. Wag masyadong mastress sa project nyo." Paalala ko.

"Korek bakla. Baka wala nang magkagusto saakin kung stress ako. Sayang!" may pamuwestra pa nang check sa hangin ang kamay nito. Napailing iling nalang ako.

"O siya tama na yan. Balik na ako sa cubicle ko. Good luck!"

"Salamat bakla!" pahabol pa niyang sabi saakin.

----

Halos matapos ang araw ko nang sadaling iyon na nasa cubicle lamang ako nakaupo at nag-eedit noong lay out. Lunes hanggang ngayon ay iyon lamang ang ginawa ako. Pero ipinagpapasalamat ko naman na okay na. Satisfied na ako sa ginawa kong design.

Tinignan ko muna ang orasan sa gilid nang table ko kung saan katabi nito ang iba pang mga paper work ko na ginamit dati. Mag-aalasyete na pala nang gabi.

Isinave ko ang gawa kong design sa isinalpak kong flashdrive saaking laptop. Pagkatapos noon ay iniligpit na ito at inilagay sa lagayang bag nito. Nilinis ko rin ang table pagkatapos. Itinapon ko na rin sa basurahan na maliit ang cup nang coffee na kanina ko nabili.

Mabuti na nga at may sarili akong lagayan nang basura sa cubicle ko. Para hindi ako tayo nang tayo para lang pumunta sa dulong bahagi kung saan meroong tapunan nang basura doon.

Wala naman din problema kong mag-iearly out dahil patapos na rin ang trabaho namin para ngayon araw.

"Makakapag pahinga narin sa wakas!" pabulong kong sabi sa sarili habang nakaupo. Minasahe ko muna ang leeg at mga kamay dahil nga kanina pa ako natatutok sa trabaho. Nakakangalay din naman kasi. Tumunog tunog pa ang likod ko sa ginawa kong pagtwist habang nakaupo.

"Ah! Napakasarap sa pakiramdam" sambit ko. Hindi ko na malayang may nakatingin pala saakin. Naramdaman ko lang noon tumikhim siya.

"Anong nakapasarap naman iyan bakla?" si argen lang pala.

"G*g* iba nanaman siguro ang iniisip mo."

"Excuse me lang bakla ah! Ano pala itong narinig ko kay rien na binigyan daw siya ang coffee ni boss? Don't tell sya ang kasama mo kanina?" I rolled my eyes as I watched him smirking at me.

"Issue nanaman ba ito bakla?" mataray kong tanong sa kanya. Hindi naman Nawala ang nakakalokong tinging ibinibigay nito saakin.

"G*g* issue talaga to buday. Ano, magkwento ka naman. Alam mo halatang may gusto yun sayo."

Sinamaan ko siya nang tingin.

"Ano nanaman iyan bakla. Tumigil ka nga walang gusto iyong tao saakin. Ikaw talaga ma-issue ka." Singhal ko sa kanya.

"Ay grabe! Defensive si bakla ayaw pang umamin. Halata sa kanyang may gusto siya saiyo. Ikaw lang itong bulag kahit hindi naman bulag. Ayaw lang pansinin? Ganda ka te?"

"Ewan." Yun lang ang kaya kong sabihin dahil hindi ko naman alam ano pa yung kailangan kong ipaliwanag. Wala naman ata. Basta ako hindi ko iniisip iyon. At wala sa isip kong magkakagusto yung tao saakin.

"Hindi ka maganda wag feeling bakla ah! Osiya tara na at tayo'y humayot magparami! Joke!" natawa naman ako sa mga pinagsasabi niya. Lakas talaga nang trip nito.

----

Binati ako ni manong guard nang makapasok ako sa building kung saan ako namamalagi. I greeted manong guard also.

Mataman naman akong patingin tingin sa loob nang building. Bigla na lamang sumagi saisipan ko iyong lalaki. Noong last sunday ko pa siya huling nakita at hindi ko na siya nakita pang muli.

Kamalas-malasan pa. Iyong unang encounter namin ay pinagnasaan ko na nga nasagi ko pa siya nang bintana nang kotse ko. Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko habang naglalakad.

Nasa harap na ako nang elevator. Papasok na rin sana para makasakay nang mapansin kong pun una ang loob. Hindi na ako nag-abala pang magsiksikan. Ganun rin sa kabila kaya naman naghintay nalang ako nang susunod.

Naghintay pa ako nang ilang minuto bago bumukas ang elevator hudyat upang makapasok. Wala namang kahirap hirap akong naglakad at pindutin ang button paakyat upang dalhin ako sa floor kung saan ang unit ko.

Mag-isa lang akong nakasakay. Mabuti at hindi ako nag-abalang makisiksik kanina. Mas Mabuti naiyon at maluwag walang kasama.

Nakarating naman ako sa unit ko.Tama namang kakapindot ko nang password nang unit ko ang pagbukas nang elevator. Hindi ko ngalang tinignan kung sino. Tumuloy na ako sa loob nang unit na ukupado ko.

"Sa wakas makakapagpahinga rin!" sambit ko.

Dumiretso muna ako sa kwarto upang magbihis.Nagpalit ako nang pantulog na damit. Short shorts ang pang-ibaba na pinartneran nang medyo malaking t-shirt na light blue and kulay. Kung titinignan para lang akong walang suot pang-ibaba.

Hindi rin ako nansuot nang bra dahil maya-maya lang ay matutulog narin. Para na rin maipahinga ang dibdib dahil medyo masikip yung napili kong bra kanina. Di tuloy dumaloy nang maayos ang circulation nang dugo sa dibdib ko. Mahirap na at magkacause pa nang cancer.

Matapos niyon ay tinungo ko naman ang kusina para tignan kung ano ang pwede kong lutuin para ngayong gabi. Binuksan ko ang maliit at hindi ganoong kalakihang refrigerator.

"Ano ba ang magandang lutuin?" tanong ko sa sarili habang nakapamaywang pang nakaharap sa nakabukas na ref.

"Siguro mag-aadobo nalang ako. Madali lang naman din iyon lutuin." Suwestyon ko sa sarili. Kumuha ako nang nahiwa nang karne sa loob nang ref.

Inayos ko na rin ang mga gagamiting sangkap para sa adobo. All set na lahat at inilagay ko na sa pinaglulutuan. Ganun din ay nagsaing na ako sa rice cooker. Kaunti lang dahil ako lang naman mag-isa.

Habang hinihintay kong maluto ang ulam. Narinig kong tumunog ang telepono. Aside sa cellphone na gamit ko ay may landline rin dito sa loob nang condo ko. Para kung sakaling hindi ako matawagan sa phone ko may isa pang pwedeng tawagan. Dali dali namang akong umalis sa kusina upang pumunta sa sala.

"Hi anak!" si moma.

"Oh moma. Napatawag po kayo?"

"You didn't answer my call. Sa phone mo. Kaya dito na ako tumawag. Mabuti naman at nasagot mo."

"I'm sorry moma. Nasa kwarto po kasi ang phone ko, naka silent siguro iyon kaya hindi ko narinig, Mabuti naman po at dito niyo nagawang tumawag."

"Oo nga anak e. I've been calling you thrice pero walang sumasagot kaya naisip ko nang tumawag sa landline mo. Anyway, gusto lang kita kamustahin ka and also to remind you that we will visit there next week."

Paalala niya saakin.

"Okay moma noted. Hindi ko naman po iyon nakakalimutan. And um... moma?" pabitin kong tawag sa kanya.

"Yes anak?"

"Pupunta po akong Paris bukas kasama ko po iyong Laz. Iyong boss ko sa company." Napapikit ako habang naghihintay nang sasabihin niya. Paniguradong magtatampo ito saakin at magagalit?

"What? At anong ipupunta nyo doon eman?" ayan sinasabi ko na ngaba.

First name na ang gamit niyang pangtawag saakin.

"Moma, sorry kung ngayon ko lang

nasabi. Nawala sa isip kong sabihin. Aasikasuhin po kasi naming iyong ipupublished na books doon. Ang for business purposes naman ang ipupunta namin doon. Wala nang iba." Paninigurado kung sabi sa kanya. Isa rin kasi ito si moma. Nahawa kay argen.

"Talaga? Baka naman anak iba na iyan ha? Magsabi ka."

"Moma! Nahawa ka na talaga kay argen. Wag maissue okay? Work iyong ipupunta naming. Work" I emphasize the word work para lang maintindihan niyang walang ibang kasama ang pagpunta naming doon.

"Nagbibiro lang darling. Pero nagtatampo talaga ako sayo dahil ngayon mo lang sinabi. Kung saan bukas lilipad kayo papuntang Paris. Nakakatampo ka anak." Nahimigan ko naman sa boses ni moma ang pagtatampo. Napangiti naman ako.

"Moma naman. Sorry na huwag kanang magtampo. Bibilhan nalang kita nang pasalubong pag-uwi namin."

"Talaga?" sumigla naman ang boses nito sa kabilang linya. Naiimagine ko tuloy ang mukha nang ina ko.

"Oo moma. Promise."

"Thank you anak. Osiye sige. Basta wag mong kalimutan next week we will visit. And my pasalubong don't forget. I will tell your dad nadin. Take care there. I love you anak!"

"Okay moma. I love you too. I'll hung up na. May niluluto pa ako. Baka sumobra naiyon sa luto.Bye!" pagakasabi ko noon ay ibinaba ko na ang telepono at hindi na nag-atubili pa. Dali dali akong bumalik sa kusina at tinignan ang niluluto.

"Mabuti naman at hindi na overcook" sabi ko sa sarili. Kumuha ako nang lagayan nang ulam at isinalin doon. I prepare the utensil na gagamitin ko. Kumuha rin ako nang malamig na tubig sa ref. Naupo na ako at nangsimulang kumain...

----

Everything is fine. Nakahanda na ang mga dadalhin at gagamitin ko for tomorrow ang kailangan ko nalang ngayon ay magpahinga at matulog para bukas ay maganda ang gising ko....

"Are you ready?" tanong nang kasama ko na naghihintay sa aking pagbaba sa taxing sinakyan namin. Laz didn't bring his car. Pinaiwan niya ito sa parking lot nang company.

Nagcommute nalang kami. Mabuti nga at hindi siya pihikan. Iyong ibang mayayaman nagpapahatid pa sa airport.

"Ah, oo. Ready na ako." Masayang tugon ko naman sa kanya.

Tinulungan niya ako sa dala ko kahit na hindi naman na dapat dahil maliit na maleta iyong dala ko at isang sling bag.

Nakasuot ako nang black high waisted maong pants at back sporty bra na nakatago sa loob nang brown jacket ko. Hanggang bewang lang ang habang nang jacket. Naka white sneakers naman ang suot ko pangyapak. Hindi rin nakatali ang mahaba kong buhok. Mayroon akong panyo na kulay yellow sa ulo ko. Nagmimistula itong hairband kung titignan. Ito kasi ang uso ngayon kaya triny ko na rin. At hindi naman masama. Maganda namang tignan. Bumagay sa suot ko. Nagmukha tuloy akong teenager.

Nasaloob na kami nang airport. Nakaupo ako habang si Laz ay nakatayo at may katawagan sa cellphone. Siguro ay kausap nito iyong sinabi niya saaking kaibigan sa Paris.

Dahil naghihitay pa kami nang kalahating oras. Nagbukas muna ako nang facebook. Hindi ako active sa ganitong platform.Diniactivate ko rin ito.At ngayon ko nalang ulit nabuksan. Kaya hindi ako updated sa mga pinopost nang mga friend ko sa facebook. Nabagot ako sa kakascroll kaya ni log-out ko na. Sinunod ko namang buksan ay ang Ig ko. Dito ako mas active. Marami akong nakitang mga pinangpopost nang mga kakilala ko kasama na doon sila argen at rien.

Binuksan ko rin ang messenger ko. Marami na nga akong nakitang mga group chat na kasali ako. Mga schoolmate ko dati nang hight school at college. Pinagbubuksan ko isa-isa ang group chat na kasali ako. Nagback read kaunti. Tinignan ko din ang mga my day nang mga friend ko sa messenger.

Natawa ako sa pinost ni argen kasama si rien at ang isang sad face sa gitna na nakapangalan saakin. My caption na "Sana lahat sinasama! Sana lahat Ran!". Sumilay ang ngiti saaking labi. Kahit kalian talaga maloko itong mga kaibigan ko.

"Saya natin ah?" naagaw ni Laz ang pansin ko nang magsalita siya. Nanatili parin ang ngiti sa aking labi.

"Ah, sila argen kasi nagmy-day. Tignan mo." Ipinakita ko naman sakanya. Kunot noo niya naman ito tinignan at di kalaunan ay natawa.

"Diba!" sabi ko. Natawa kaming pareho. Hindi alintana ang tagal nang paghihintay.

"Anyway, do you have Facebook? Just want to add you. But can't find it"

"Hindi mo talaga makikita iyon naka deactive kasi ako. At kanina ko lang binuksan ulit." Paliwanag ko.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Why?"

"Hindi ako ganun kaactive doon e." simple kong sagot

"Halata nga. But can I add you parin? Sabi mo nga kakabukas mo lang niyon ngayon. Hindi naman siguro nakadiactivate?"

"Oo, hindi ko muna deniactivate. Pero ikaw bahala." Sabi ko. Napatingin naman ako sa kanya nang ilahad niya ang phone niya saakin.

"Type there your name on facebook. I'll add you." Kinuha ko naman iyon nang walang pag-aalinlangan.

"Oh ayan. Ako na ang nag-add nang facebook account ko dyan sa account mo. Happy?" mapang-asar kong sabi. He smairk and nodded.

"How about IG? Do you have one? I'll follow you." Napamake face naman ako sa harap niya. Natawa naman siya.

"Ano to Q and A? Baka gusto mo ring tanungin kong may twitter, messenger at skype ako?" biro kong tanong sa kanya.

Mas lalo naman siyang natawa. Pinipigilan kong ngumiti at magkunwaring mataray pero wala e, napangiti nalang ako.

"Oo, q and a to. Kaya dapat sagutin mo. Ibigay mo na rin para mafollow kita" he said while laughing. Laz has this kind of attitude din pala. Mapagbiro akala ko ay seryoso lang siya lagi...

...