Parang kailan lang, pinangarap kong maging isang writer. Sumulat nang magagandang storya na papatok sa masa. Storyang magbibigay inspirasyon sa mga nagbabasa. Storyang lahat nang makakapagbasa ay makakarelate.
Hindi ako makapaniwala ngayon na yung pinangarap ko noon natupad ngayon. I've become a writer. I published lots of stories na. Hindi ko naman inakala na magtutuloy-tuloy na itong blessing na natatanggap ko.
Ngayon isang storya nanaman ang kakalat at maraming magbabasa. Sabik akong makita ang resulta nang mga nagawa ko hindi lamang sa Pinas kundi maging dito sa Paris.
Parang lumulutang ang mga paa ko sa oras na ito. Hindi ako makapaniwala na ang inaapakan ko ay parte na nang Paris.
Isa din itong pangarap para saakin. Pangarap na makapunta sa lugar kung saan tinatawag nang karamihan na City of love.
Which are each year millions of people come here to spend some romantic time. Find the perfect setting for them then go home delighted and spread the word. Paris keeps delivering its love.
Ako kaya? Kalian dadating yung romantikong lalaking para saakin? Hindi naman sa nagmamadali ako, pero hindi rin maiiwasang maging sabik ang isang tulad ko. Natural naman na makaramdam ako nang ganito hindi ba?
Napabuntong hininga na lamang ako sa mga sinabi ko sa sarili.
"Sana makilala ko na ang the one ko?" natatawa kong tanong sa sarili ko. Napailing-iling nalang ako.
---
Kasalukuyan na kaming naglalakad palabas nang airport. Sinabi rin ni Laz na may naghihintay daw saamin sa labas na magsusundo saamin.
Nang makarating naman kami sa labas nakita agad ni Laz iyong susundo. Pinagbuksan kami nang pinto nang kotseng ginamit. Pinauna ako ni boss at sunod nun ay siya. Ang sumundo saamin ang siyang naglagay nang mga dala naming bagahe sa likod nang kotse.
"Hey, Tommy did you reserved us a hotel? We're already in Paris."
May katawagan pala si Laz. Hindi ko napansin dahil nawiwili akong tumingin sa labas. Ang gaganda nang nakikita ko.
Hindi ganun ka tirik ang araw at maganda ang hatid nang simoy nang hangin. Banayad na humahaplos ito saakin balat. Nakabukas kasi ang bintana nang kotse.
"Le Bristol Paris? That hotel is expensive bro." nakasalubong na ang kilay nito habang nausap nito ang katawagan sa kabilang linya.
Pabalik balik ang tingin ko sa labas at kay Laz.
"Okay. Hindi na ako makikipag bangayan pa sayo. Bayad naman yan sa utang mo bro." natatawa naman nitong sabi sa katawagan. Kanina lang ay salubong ang kilay ngayon naman nakangiti na.
I sighed.
Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanyang katawagan. Kinausap niya ang driver na sa Le Bristol Paris daw dumiretso dahil nakapag reserved na doon.
Dahil ngayon ko lang narinig yung hotel naiyon. Sinearch ko pa sa google iyon. Napamangha ako sa ganda nang hotel. Napatakip pa ako nang bibig ko.
Grabe naman sa ganda hotel napag-stay-han namin. Malaki ang isang ukupadong kwarto. Meroon din sariling swimming pool na hindi ganun kalaki. Iyong tama lamang sa pang dalawahang tao. Nagscroll pa ako nang ibang picture at ipinakita ang loob nang cr.
"Wow! Ang ganda!" palihim na napakomento talaga ako.
Walang wala ang laki nang kwarto nito kesa sa kwarto ko. Kung sa picture maganda na paano pa kaya ito pag personal ko nang masisilayan?
"We're here" naputol ang pagsscroll ko sa google.
Napatingin ako sa labas nang bintana at tanaw ang ganda nang entrance nang hotel nap ag-sstay-han namin.
"Thank you" mahinang sabi ko nang aluhin ni Laz ang kamay ko upang makababa ako nang kotse.
"You're welcome. You may rest for a while. Dalawang room naman ang kinuha para saatin." Sabi nito
"Salamat Laz. Hindi ba kanina sabi mo sa katawagan mo mahal itong hotel?" napatingin naman siya saakin habang papasok kami sa loob.
"Yup. But don't worry my friend are the one who pays for our stay. Anyway, do you want to eat first?"
"Ah, Hindi na muna siguro. Busog pa naman ako. Magpapahinga nalang muna siguro ako." Tumango tango naman siya sa sainabi ko.
"Okay. Just wait here. Kukunin ko lang ang susi natin." Naiwan akong nakatayo habang sinusundan siya nang tingin.
Papunta si Laz sa reception desk. Kinausap ang babaeng nag-aasikso roon. Nakita ko namang may inilapag na dalawang susi sa kamay niya. Napataas pa ang kilay ko nang makita kong namula ang babae nang ngitian siya nitong boss ko.
"May landi rin palang tinatago si boss" wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Nang matanggap ni Laz ang dalawang susi ay hindi ko na siya hinintay pang makalapit saakin pareho na kaming naglalakad palapit sa isa't isa. Ibinigay niya saakin ang isang susi habang ang kanya naman ay ibinulsa niya.
"206" sabi nito.
Napatingin naman ako sa kanya nang hindi siya maintindihan. Nang makita niya ang reaction ko. Bumuntong hininga siya.
"That is your room number." Nakuha ko naman ang sinabi niya. Tipid akong ngumiti bago nagsalita.
"Sorry. Ano palang room number mo?" ako naman ang nagtanong sa kanya.
"207, Next to you." Tumango-tango nalang ako at hindi na nagsalita pa.
-----
Pumasok na ako sa room na kinuha para saakin. Namangha ako sa ganda nang loob. Sabi ko nga kanina ay kung maganda sa picture mas maganda sa personal. Hindi nga ako nagkamali. Makikita mula sa loob ang ganda nang labas. May roong veranda roon na pwedeng paghingahan pagnaboboryo ka sa loob nang kwarto.
Inilapag ko sa gilid nang kama ang dala kong sling bag at iyong maliit na maleta. Sumampa ako sa kama habang tinatanggal ang suot kong sapatos. Inihulog ko ang aking katawan sa malabot na higaan.
Inabot ko ang sling bag ko kung saan nandoon nakatago ang cellphone.
Inilabas ko ito mula sa loob at binuksan. Inopen ko muna ang data nito pagkatapos ay pumunta sa messenger.
Hinanap ko sa chat list ang pangalan ni Moma. Magvivideo call ako para ipaalam na nakarating kami dito sa Paris nang ligtas.
Habang nagcoconnect pa ito. Umalis ako sa pagkakahiga at tinungo ang veranda kung saan meroon bilog na lamesang maliit at dalawang upuan. Pero hindi ako umupo.
Nanatili akong nakatayo at nakatanaw sa ibaba kung saan makikita ang mga taong palakad-lakad. May ibang kumakain habang kasama ang pamilya, partner o kaya naman mag-isa lang talaga.
"Hi, darling!"
excited si moma nang sagutin niya ito. Nakita ko naman si dad at karen sa gilid niya.
Napangiti ako.
"Hello sa inyo diyan." Sabi ko
"ate pasalubong pag-uwi mo ha?" si karen.
"Kakarating ko pangalang dito pasalubong na agad ang binungad mo."
"Nagreremind lang ate em, baka makalimutan e. haha" natawa naman sila moma at dada.
"oo na. Hindi ko naman iyon malilimutan. Ito talaga e."
"Kamusta naman ang Paris anak?"
"Okay naman moma. Hindi pa ngalang po ako nakakapunta sa mga sikat na lugar dito dahil kakarating lang din namin."
"Ganun ba anak. Osiya pagnakapamasyal kayo diyan. Kumuha ka nang magagandang picture."
"Opo ma. Magsesend rin ako sayo mamaya kung saan kami pupunta."
"Osige Mabuti naman. Mag-iingat kayo dyaan. Iisang kwarto lang ba kayo? Baka mamaya niyan-" I cut her.
"Ma naman!" saway ko sa kanya.
"What? Nagsasabi lang naman ako anak." Si moma
"Oo nga ate. Nasabi moma na dalawa lang daw kayo nang boss mo ang pumunta diyan. Ikaw ha? Baka hindi business pinunta mo diyan. Magdidate lang kayo siguro ano?" si karen. Matalim ko naman siyang tinignan.
"Tumigil ka karen ha? Wala ka talagang matatanggap sakin pag-uwi ko diyan. At anu bang pinagsasabi niyo? Boss ko iyon. Wala kaming relasyon" sabi ko sa kanila na may bahid nang pagkainis.
"Haha. Ito naman si ate hindi na mabiro e. Joke lang." si karen habang nagpi-peace sign pa.
"Oo nga anak. Ikaw talaga hindi na mabiro. Alam naman namin na wala kapang nobyo." si moma.
"Pero hindi ako natutuwa sa biro nyo. Ipapakilala ko naman kung meron na e." may pagtatampo parin sa tuno nang pananalita ko.
"Ay, nagtampo ata ang anak mo daddy." Si moma. Nakita ko namang ngumiti lang si dada habang nakikinig saamin.
"Just take care yourself there anak. Wag mo nalang pansinin ang kapatid ko lalo na ang ina mo. Alam mo naman itong dalawa lagi kang binibiro." Si dada.
Humahagikhik naman ang dalawa sa sa harap nang phone. Habang nagsasalita si dada sa gilid ni moma.
"Buti kapa dada hindi mapag-isip nang ganun. Iyang dalawa talaga hilig mag-isip nang kung anu-ano e." pagrereklamo ko.
"Ate sorry na joke lang iyon. Wag kanang matampo. Baka niyan pag-uwi mo wala akong pasalubong haha peace na tayo." Sabi ni karen.
"Talaga. Hindi kita papasalubungan pag-uwi ko." Ako naman ngayon ang nagbiro sa kanya. Nagkunwari naman siyang iiyak. Drama queen talaga ito.
"Si ate naman oh! Binibiro lang e."
"Che! Manahimik ka nga! Osiya. Moma, dada magpapahinga muna ako. Mamaya po kasi ay pupunta kami sa publishing company nang kaibigan nang boss ko."
"Osiya, sige anak at magpahinga kana. Update mo kami lagi pag aalis kayo para alam namin. Be safe there darling. Goodbye!"
"Bye ate em! Pasalubong ko ha?"
"Oo na. Goodbye na!" pagkatapos noon ay inend ko na ang video call.
Napabuntong hininga naman ako pagkatapos noon. Mabuti nalang at kahit papano ay nakausap ko sila. Hindi muna ako umalis sa veranda. Pinapanuod ko muna nang ilang minute ang mga taong paruon at parito.
Napagddesisyunan ko ngang kuhanan nang picture ang view habang palakad lakad ang mga tao. Inihiga ko ang paghawak sa phone na gamit ko at isinet ito sa camera.
"Ang ganda nang view" manghang sabi ko. Kumuha pa ako nang marami hanggang sa napatigil ako dahil nahagip nang camera ang isang lalaki.
"Hala!" nagulat ako sa nakuhanan nang camera. Izinoom-in ko pa lalo kung tama ba ako nang hinala. Yung tindig nang katawan, ang suot nitong shades na black. Kahit iba ang suot nito ngayon. Natatandaan ko parin siya.
"Iyong malaki ang harap at pwet!" medyo napasigaw pa ako sa pagkakasabi noon. Napatakip ako nang bibig.
Inilibot ko ang paningin sa baba kung saan marami ang taong palakad lakad.
"Saan na siya? Bakit hindi ko makita?" sabi ko sa sarili.
Kanina lang ay nakuhanan ko pa siya nang picture ngayon wala na. Hindi ko na siya nahagip pa. Nanlumo naman ako.
"Namamalikmata lang ba ako? O baka ibang tao iyon? Pero..." hindi ko talaga maiwasang tignan muli ang nasa phone ko. Inulit ko pang izoom to make sure na ito nga iyong lalaking kasabay ko sa eleveator.
"Siya nga! Alam ko siya to. Hindi ako magkakamali." kung may taong nakakakita saakin siguradong tatawagin na akong baliw dahil kinakausap ko ang aking sarili.
"Bakit kaya siya nandito? Baka dito siya nakatira? Or nagbabakasyon? Ay... ewan. Makatulog na nga." Nainis lang ako sa ginawa ko.
Naglakad ako papasok sa kwarto at isinalampak ang katawan sa malaking kamay. Hawak ko parin ang phone ko. Kung saan hindi ko maalis ang paninitig sa lalaking nasa picture.
"Makikita rin kitang muli. Ano kaya ang pangalan mo?" tanong ko sa picture na nasa phone ko.
"Maganda siguro ang pangalan mo. Mukha karing modelo o kaya businessman. Kaso alam mo parang ang suplado nang mukha mo. Suplado ka pala sa personal. Nung nasangga lang kita nang hindi ko sinasadya. Ang lamig nang pagkakasabi mo nang "It's Okay."
Panggagaya ko pa sa sinabi niya.
Napabuntong hininga na lamang ako sa kakausap sa picture na nasa phone ko. Hindi rin naman sumasagot.
Iling minute ko pa itong tinitigan hanggang sa. Dinalaw ako nang antok at dahan dahan napapikit.
-----
Naalimpungatan ako sa lakas nang katok nang pinto. Nakusot ko naman ang mata habang pahikab-hikab pa na tumayo.
Nakapangyapak lang pala ako. Ramdam ko ang lamig nang sahig habang naglalakad patungong pintuan.
Patuloy parin ang pagkakatok nito sa pinto. Nang buksan ko ay tumama saakin ang nasisiguro kong kamao nang kung sino man.
"Aray! " malakas na daing ko. Napahawak naman ako sa noo ko. Hinihimas-himas dahil sa malakas na pagkatama nang kamao.
"Ran! I'm so sorry. H-hindi ko sinasadya." inaluhan niya ako. Napatingin naman ako sa umalo saakin.
"Bigla atang nawala ang antok ko sa ginawa mo Laz. Masakit ah! Ang lakas ah!" pagalit kong sabi sa kanya.
Sabihin nang wala akong modo ngayon pero wala akong pake. Masakit talaga ang pagtama nung kamao niya sa noo ko.
"I'm sorry. Hindi ko naman alam na bubuksan mo agad. Kaya tumama yung kamay ko sa noo mo. I'm really sorry. " sensero nitong pahingi nang tawad saakin.
"Oo na. Apology accepted. Pero grabe naman makakatok sa pinto pati narin sa noo ko. Tignan mo nga. Namula ata dahil sa lakas nang pagkakatama? " ibinaba ko ang kamay ko upang makita niya ito.
Hinawakan nang dalawa niyang kamay ang mukha ko. Napatingin naman ako sa kanya. Ang atensyon niya ay nasa noo ko kaya kitang kita ko sa malapitan ang gwapo niyang mukha. Napalunok ako nang sabay sabay.
"Mapula nga. Bumakat nang kaunti ang kamay ko sa noo mo. Napalakas yung pagkakatama" wala sa sarili niyang sabi habang nakatingin parin sa noo ko.
Napapikit naman ako nang maramdaman ko ang hindi ganun kagaspang na kamay niya. Dumampi ito sa noo ko at marahang hinaplos ang noong tinamaan.
"Masakit pa ba?" pag-aalalang tanong nito saakin. Bumaba ang tingin nito saakin. Kitang kita ko ang dahan-dahang pagtaas baba nang kanyang adams apple.
Malapit. Ilang metro lang ang lapit nang mukha namin sa isa't isa. Nakaramdam ako nang awkward sa pagitan naming dalawa. Ako na mismo ang unang dumistansya sa aming dalawa.
"H-hindi na ganun ka sakit. M-medyo okay na siguro. " hindi naman siguro halatang nautal ako. Hindi ako sanay na ganun kami kalapit.
"Mabuti naman kung ganun. " sabi nito habang nakatitig sa mukha ko. Sa sobrang titig nito para naman akong mahuhubaran. Bakit ba ganito ang mga lalaki tumitig? O baka imahenasyon ko lamang iyon? Ay ewan.
"Oo nga e." iyon na lamang ang nasabi ko. Ibinaling ko ang aking paningin sa ibang direksyon. Umiiwas sa mga tinging ibinibigay niya.
"Anyway, change clothes. We're going to have our dinner. After that mamasyal muna tayo."
"Paano pala iyong pupuntahan nating publishing company? " tamang tanong ko sa kanya. Tumuwid ang pagkakatayo niya.
"My friend called me. He can't join us. May aasikasuhin daw siya ngayon. Kaya bukas pa matutuloy ang pagpunta natin sa company nila. "
"Ganun ba. Osige. Magpapalit lang ako nang damit."
"Okay. Hintayin nalang kita sa ibaba" sabi nito. Tumango tango naman ako sa kanya.
"Mauna na ako doon" sabi pa niya.
"Osige. "
Pagkatapos noon ay isinarado ko na ulit ang pintuan nang kwarto. Pumunta ako sa kama kung saan nandun nakalapag ang maliit kong maleta. Binuksan ko ito at pumili nang simpleng damit na suuotin.
------
"You look more beautiful Ran" komento ni Laz nang makalapit ako sa kanya ngumiti naman ako sa kanya.
"Naku, matagal ko nang alam yan. Ikaw naman! Thank you Laz? " pabiro kong sabi sa kanya. Natawa naman ito sa sinabi ko.
"You're welcome. Always welcome. " sarkastiko nitong pagkakasabi saakin. Tinaasan ko naman siya nang kilay.
Mabuti at naging maayos ang samahan namin. Hindi na ako na-awkward pagtinatawag siya sa pangalan niya. Nakasanayan ko narin. Iyon din naman ang gusto niyang itawag ko sa kanya e.
"Tara na nga. Nagugutom na ako e" napahawak na ako sa tyan ko habang sinasabi iyon. Tatawa-tawa naman siya habang nakatingin saakin.
Lumabas kami nang hotel at naghanap nang malapit na restaurant. Meroon naman sa loob nang hotel pero mas gusto ni Laz sa labas para daw mamaya pagkatapos magdinner ay makakapagmasyal na agad kami. Kaya hindi na ako tumutol dahil sagot naman daw niya kasi.
-----
"Monsieur de bonsoir" (Good evening Sir)
"Monsieur" nagulat ako nang tugunin ni Laz nang pagbati ang waiter na kakadating lamag sa aming pwesto.
"Madame de bonsoir" (Good evening Ma'am)
"G-good evening" mahina kung sabi sa waiter na nakatayo sa gilid namin ni Laz. Hindi ko alam kung tama ba iyong pagkakaintindi ko. Hindi naman din kasi ako nag-aral nang french. Nakakahiya tuloy.
"Quel est votre monsieur de commande? " (what is your order Sir?)
Tamang nakikinig lamang ako sa kanilang dalawa kahit hindi ko naman naiintindihan ang kanilang pinag-uusapan.
Nagbuklat naman sa menu si Laz. Napatango nalang ako nang maintindihan ko through gesture kung ano iyong sinabi nang waiter kay Laz.
Ginaya ko rin ang ginawa niya. Binuksan ko ang menu para makapaghanap nang pwede kong oorderin. Ayón ngalang parang gugustuhin ko nalang wag kumain dahil sa napakamahal na presyo nang bawat pagkain dito.
"Laz" tawag pansin ko sa kanya habang siya ay busy sa kakatingin nang menu. Nabaling naman niya ang tingin sa akin.
"Ang mamahal naman ata nang mga pagkain dito. Wala bang magandang restaurant na mura lang ang pagkain? Mapapagastos kapa ata nang malaki dito e." sabi ko sa kanya. Sumilay naman ang nakakalokong ngiti nito saakin. Kunot noo ko naman siyang tinignan.
"Ran, wag mong alalahanin ang presyo. Alalahanin mo ang tyan mong gutom na. Kung gastos ang inaalala mo don't worry. Ako naman ang magbabayad. Hindi ko inaalala ang malaking magagastos ko kung alam ko naman na sa pagkain ito mapupunta. At bubusugin tayo." hindi ko alam kung anu bang sasabihin ko sa kanya. Gusto ko talagang kontrahin siya sa sinabi niya. Kahit na!
"E kasi-" hindi niya ako pinatapos.
"Ran. Wag mo nang alalahanin pa ang magagastos. Gusto kong mabusog ka." matapos niyang sabihin iyon ay tumingin naman siya sa kanina pang naghihintay na waiter saamin.
"I want two Lamb Chops with a Cognac Dijón Cream Sauce." tinignan ko naman sa menu ang inorder ni Laz. Natakam nang makita ko palang ito sa picture. Mukha ring masarap.
"That's all monsieur? "
"Please add one medium Potatoes Dauphinoise, One croque monsieur and two Lyonnaise Salad"
"What about the beverage monsieur?"
Tumingin muna si Laz saakin bago sagutin ang tinatanong nang waiter.
"Just water for me." mabilis kong sagot nang magsasalita na sana si Laz. He nodded at me.
"Red wine and a glass of water for my friend" sabi ni Laz.
"What about the desserts monsieur?"
"What's the popular dessert do you have here?"
"Bourbon Vanilla and salty caramel millefeuille. And also we have Falafel. Most popular dessert here monsieur"
"Oh. That's good. I'll order those desserts then." patapos sa sabi ni Laz.
Tumango naman sa kanya ang waiter. Marami ang inorder ni Laz. Talaga bang mauubos namin ito? Hindi naman ako ganun kalakas kumain. Baka masayang lamang ang oorderin niya.
"D'accord monsieur. Remarquable!" (Okay Sir. Noted!)
"Merci beaucoup" (Thank you very much)
"De rein monsieur et Madame. Veuillez avoir une unit merveilleuse"
(Welcome Sir and ma'am. Please have a wonderful evening)
Iniwan na kami pagkatapos makuha ang order namin. While we're waiting for our food. Laz and I talked about the things we must need to do for tomorrow. Kung saan kami pupunta ay sinabi niya rin. He also asked me to give my layout design for the books.
Mabuti na ngalang at lagi kong dala ang flashdrive ko na nakalagay sa sling bag nadala ko. Meron then akong copy noon sa phone ko. Ipinakita ko sa kanya and he agreed naman. Wala naman akong nakuhang pangit na reaction mula sa kanya. Kaya nakahinga naman ako nang maayos. After that conversation, the food been dine to us.
Nasa kalagitnaan kami nang dinner namin nang magtanong siya kung masarap ba ang pagkain.
"Oo, sobrang sarap. Mahal ngalang. Pero masarap." napailing nalang siya sa komento ko tungkol sa pagkain.
"Can you stop saying that." sabi nito habang patawa-tawang naghihiwa nang karne sa kanyang plato.
"What?" inosente kong tanong sa kanya habang ako ay ngumunguya nang potatoes dauphinoise ata ang tawag sa pagkain naiyon.
"That. Iyong mahal ngalang " pangagaya niya sa sinabi ko.
"E totoo naman. Sabihin mo nang kuripot ako Laz pero totoo, namamahalan ako sa pagkain dito. Mamumulubi ata ako nito kung sariling pera ko ang ginastos ko e." wala sa sarili kong sabi. Mas lalo siyang natawa saakin. Para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Really?"
"Yes, really!" mataray ko pang pagkakasabi.
"Just don't mind the price. Hindi maiiwasang magkaroon nang ganitong kamahal na presyo kung ang pagkain nila ay swak sa panlasa mo." tinaasan ko siya nang kaliwang kilay. Talaga namang totoo ang sinabi niya.
"Totoo naman ang sinabi mo. But some of dine dishes are not. Hindi naman sa naninira ha. Pero mayroon ganun."
"You're right. Hindi rin maiiwasan iyon. Kaya nga dinala kita rito. My friend Tommy suggested this restaurant sabi niya masarap daw ang mga pagkain dito."
"Hindi nga nagkamali. Masarap kahit mahal. And worth it" sabi ko nang nakangiti.
"Yeah, you're right. Worth the wait din ang dessert." pabiro nitong sabi saakin.
Hindi pa nga ako tapos sa kinakain ko may sumunod nanamang dessert. Bubusugin ata talaga ako nito mapatunayan lang na worth it yung pagkaing napakamahal.
Nang mailapag na ang mga dessert sa aming lamesa. Hihiwa na sana si Laz nang Falafel nang pigilan ko siya.
"Wait! "
"Why? " nagtatakang tanong naman niya saakin. Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa loob nang sling bag ko at in-open ito ang camera.
"Taking some shots. Ipopost ko sa IG" hindi na ako nahiya pa dahil sayang naman kung di ko pipicture-ran ang ganda nang pagkakalagay.
"Do you want me to take the shots? I'm good at it. " suwestyon nito saakin. Disbelief runs onto my face as I looked at him. Really?
"Talaga? " halata sa boses kong hindi naniniwala. Napapailing naman ito saakin.
"Trust me. I've been taking pictures of my friend's wedding before."pagmamalaki nito saakin.
"Osige nga!" Sabi ko sa kanya nang ilahad ko ang phone ko sa kamay niya.
He take five shots before showing it to me. And i must say na magaling nga siya. Pang ig post nga talaga. Nakakahiya naman kanina. Hindi ko pa siya pinaniwalaan.
"See? Pang ig story narin." mayabang pa nito sabi.
"Oo na Laz. Ikaw na"
"Ako na ang?" He said while smirking at me.
"Ikaw na magaling kumuha nang shots." pairap kong sabi sa kanya na ikinatawa niya.
"At dahil nagmamagaling ka. Kuhanan mo ulit ako iyong kasama ako ha? Gandahan mo."pagdedemand ko sa kanya.
Ibinigay ko ulit sa kanya ang phone ko. Malugod naman niya itong tinanggap. Pero hindi nawawala ang ngiti nito sa labi.