KASALUKUYAN akong nakaupo ngayon sa isang bakanteng upuan sa garden nila Tom. Pinili kong lumayo-layo muna dahil maingay nga sa loob nang mansion. Mas maganda rito may katahimikan. Hindi ko alam kung bakit ngayon mas gusto ko ang tahimik lang. Hindi rin ibig sabuhin noon ay KJ na ako. Mas gusto ko lang talaga ngayon iyong tamihik lang. Mamaya ay papasok rin naman ako.
"Hay!" buntong-hininga ko.
Lumakas ang ihip nang hangin at sa bawat dampi nito sa aking mukha napapapikit ako. Ang sarap lang sa pakiramdam para akong hinihili. Dumilat ako tumambad saakin ang ganda nang gabi.
"Ang ganda nang mga bituin" bulong ko habang nakatingala sa itim na kalangitan. Itinaas ko ang aking kaliwang kamay habang ang isa ay nakatukod sa upuan. Pilit kong inaabot ang mga bituin kahit naman imposible. Napapangiti ulit ako.
"mignun" (crazy)
Isang tinig ang naulinagan ko. Pamilyar ang salitang iyon pero hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin. Napalingon ako sa nagsalita niyon.
Naka cross arms siyang nakatayo medyo malayo saakin. Nakasandal sa hamba nang mga halaman pero hindi ganun kabigat ang pagkakasandal niya dito. Maaari siyang matumba doon at bumulusok sa halamanan kung sakaling bibigatan niya ang pagkakasandal.
Naghihintay ako sa paglapit niya ngunit hindi man lang siya umalis doon. Nagkatinginan lang kami hanggang sa ako rin ang unang sumuko sa pagtitig. Tumikhim ako kunwari'y parang wala lang iyong titigan namin. Ibinalik ko ang paningin sa madilim na kalangitang puno nang nagkikislapang bituin.
"Why are you here?" basag niya sa katahimikan. Nilingon ko ulit siya.
"Ikaw bakit ka rin nandito?" masungit kong balik na tanong sa kanya. Tinaasan naman niya ako nang kilay. Ayan nanaman iyong suplado niyang mukha.
"I asked you first. Sagutin mo muna bago ko sagutin iyong tanong mo" napairap ako sa pagiging suplado nang boses niya. Halos lahat nang kasupladuhan nasa kanya na. Pati sa pagtatanong. Napabuntong-hininga nalang ako.
"Bakit bawal ba ako rito?" kunot-noo niya akong tinapunan nang tingin.
"Is that the right answer to my question?" masungit niyang tanong saakin.
"Sungit" bulong ko na lalo namang ikinakunot nang noo niya.
"What?"
"Wala! Bakit ba big deal sayo kung nandito ako ha?" balik kong tanong sa kaniya. "Sayo ba to?" pagturo ko sa bawat nakikita ko sa paligid.
Wala talaga kaming matinong usapan pagmagkaharap kami. Parang kanina lang pinapakaba niya ako ngayon naman pinapainit niya ulo ko at pag hindi ko nga nakita hinahanap ko. Minsan naisip ko nalang magulo ang isipan nang babae.
"tsh" ang pagkakasandal niya kanina sa halamanan ay hindi na ganun kabigat. Umayos siya sa kanyang tayo at sinimulang ihakbang ang kanyang mga paa. Papunta sa direksyon kung saan ako mistulang nakaupo.
Tumikhim ulit ako.
Hindi ko napansin ang suot niya kanina. As he walked toward me, I saw how handsome he is in his attire. He has this firm body na kahit natatakpan man nang kanyang damit sumisigaw parin ang kakisigan. Tsaka pagtalaga ibang lahe ang gaganda nang katawan. Not unless nagdyi-gym siya.
Hindi katulad nila Laz, Tom at iba pa niyang kaibigan na nakasuot nang casual attire. Wearing polo together with itim na slacks at black leather-shoes. Siya ay hindi, alam mo iyong parang siya lang ang nag-iba. Nakasuot siya nang white shirt na pinatungan nang itim na jacket with matching blue faded maong pants na medyo hapit sa kanya with fashion classic wheat brown boots. Bumagay sa kanya ang suot niya.
"Stop staring. Baka sa sobra mong kakatitig matunaw ako" sumilay ang mapang-asar niyang ngiti ngunit hindi naman tumagal bigla rin iyong nawala. Ang tipid naman nito ngumiti.
"Feeling ha. Hindi naman ikaw tinitignan ko e." pagsisinungaling ko. Ibinaling ang tingin sa mga halaman. "Ayan o, mga halaman ang tinitignan ko" kunwari'y turo ko pa sa mga halaman. Dinig ko naman ang mahina niyang tawa. Nakakahiya. Nagpapalusot pa ako kahit ang totoo halata na ako kanina pa.
"Obviously, you are not a great pretender." diretsahang sabi nito mismo saakin. Aray ha? Wala man lang filter ang bunganga nito kung makapagbitaw nang salita.
"Hmp!" inismiran ko lamang siya sa sinabi niyang iyon. Ano pa nga bang magagawa ko alangan namang aangal ako kahit na iyon naman ang totoo. Hindi talaga ako magaling sa ganyan. Obvoius na obvious ako. Napakagat labi nalang akong nakatingin sa kabilang banda kung saan hindi niya nakikita ang mukha ko. Namumula na siguro ang mukha ko sa sobrang pagkahiya.
Iyong tanong kanina hindi na nasagot. Ano ba yan!
Pareho na kaming nakaupo ngayon sa bakanteng upuan kanina. Ramdam ko ang bawat paninitig niya saakin. May pasabi-sabi pa siyang stop staring tapos siya rin naman pala itong titig nang titig. Weird niya rin.
"So, tell about yourself" basag niya sa katahimikan. Mahina ngunit nandoon iyong lalim at buo nang boses niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon na may pagtatanong na tingin. Anong nakain nito at tinatanong ako nang ganito ngayon?
"Anong nakain mo?" wala sasariling bulalas sa kanya.
"Ï asked you first. Sagutin mo nalang" tamad niyang tugon. Inismiran ko naman siya. Wala ata siyang maisip na topic kaya iyan ang itinatanong saakin. Iba din to e.
"Teka nga. Question and answer portion ba to?" sarkastiko kong tanong ulit sa kanya. "Maka tell me about yourself ka naman akala mo nasa pageant tayo ha?" to lessen the tension between us. Minabuti kong magbiro sabay tawa nang pilit. Pero bakas sa mukha niyang hindi siya natuwa. Napahinto naman ako sa ginawa.
Tumikhim ako at umayos nang pagkakaupo bago nagsalita "Ang buong pangalan ko ay Ran Emannuel Maldecir" pagpapakilala ko. Nanatili lang siyang nakatingin at mistulang naghihintay nang kasunod kong sasabihin. "My parents are from Naga City. I don't know kung alam mo ang lugar na iyon. May ancestral house kami roon pero minsanan lang binibisita." Pahinto kong kwento.
He shifted his weight. Kung kanina ay diretso ang pagkakaupo niya ngayon naman paharap na saakin. "Why?" curious niyang tanong saakin.
"Because we live in Valenzuela City. Actually, iyong ancestral house sa Naga ay bahay nang mom ko. Dati rin namang naninirahan si dad sa Naga but then his parents moved in Valenzuela. Si dad noong kinasal sila napagdesisyunan nilang sa Valenzuela na tumira at gawing bahay bakasyunan nalang iyong sa Naga." paghihinto ko. I take a deep breath before continuing "May kapatid ako isa her name is Karen pero ako ang panganay. I'm getting 24 this year." I shifted weight where in nakaharap na nang kaunti sa kanya. Kanina kasi sa mga halaman ang tingin ko. "Ikaw, do you have a sibling? Are you the eldest or youngest?" tanong ko naman sa kanya.
"Of course, I have. Tatlo kami at pangalawa ako sa magkakapatid."
Tumango-tango naman ako sa kanya. "Kung tatlo kayong magkakapatid ilang taon naiyong panganay nyo?" tanong ko.
"Interested with my brother?" iyong tono nang pagkakasabi niya ay para naiinis na ewan pero hindi ko na pinagtuonan pa. Mabilis kong iling bilang tugon.
"Hala. Interested agad? Hindi ba pwedeng nagtatanong lang?" depensa sa sarili. Tinaasan naman niya ako nang kilay. Kita mo to.
"Tsh. He's older than you and to tell you he has a fiancée now." He said while emphasizing the word fiancée to me. Napairap naman ako sa kanya. Ano bang akala niya na may gusto ako sa kuya niya? Nagtanong lang naman ako nang edad bakit napunta na sa fiancée iyong mga pinagsasabi niya. As if naman nito aakitin ko ang kuya niya. E hindi ko nga nakita iyon. Mapag-isip talaga. Suplado na mapag-isip pa. Ano pa kaya ang ugaling meron siya?
"Duh! Pake ko sa fiancée nang kuya mo? I'm just asking lang naman kung ilang taon na siya. Pwede mo naman sabihin iyong he's older than you. No need to tell me kung may fiancée siya o wala. As if naman aagawin ko 'yun. Not interested, duh!" walang hinto kong sabi sa kanya.
"tsh. Buti kung ganun" mahina niyang sabi na halos hindi ko na marinig.
"ano?" tanong ko sa kanya. "may sinabi ka?"
"Nothing..." he paused "Never mind" he then said.
"Akala ko may sinabi ka e." sabi ko naman.
Marami pa kaming pinag-usap habang nasa garden kami. Hindi ko nga alam kung bakit nakikipag-usap ako sa kanya e. Kahit na iyong usapan namin ramdom na. From tell me about yourself napunta sa kung anu-anong tanong. Hindi rin mawawala ang bangayan namin sa isa't isa para na kaming si Tom and Jerry na magkasundo sa ganito at ganyang usapan pagkatapos mga ilang sigundo lang ay magbabangayan nanaman. Paulit-ulit nang paulit-ulit.
Kahit na minsan matipid siyang magsalita at suplado okay na rin. Hindi ako nabagot nang oras na iyon. Dahil nandiyan siya.
"Nga pala. One last question" sabi ko sa kanya. Kanina pa kasi sa isipan ko ito e. Nabobother ako at nalilito sa kanilang dalawa ni Laz. The last time when we meet him in Vico's office. Hindi ko makakalimutan 'yun kasi.
Napakagat labi naman siyang nakatingin saakin habang hinihintay ang itatanong ko. "What is it?" he asked.
"Do you remember the last time nagkita tao. Iyong nasa office tayong apat ni Vico? Nagpakilala ka saamin ni Laz." Sabi ko.
"so, your question is?"
"Nakakapagtaka lang akala ko magkakilala lang kayo? Ipinakilala kayo saakin ni Tom bilang kaibigan kanina so it means you are also Laz friend? Right?" nagkibit-balikat lang si Simon. Kunot-noo ko naman siyang tinignan ano iyong pakibit-balikat na 'yun?
Natawa siya. "If that's what you think." Sabi din agad. Mas lalo akong nalito sa sinagot niya saakin.
"Ha? Ang gulo mo. Oo o hindi lang naman isasagot mo may pa that's what you think kapang nalalaman. Alam mo 'yun." sarkastiko kong sabi ko sa kanya. Nakacross arms na siya habang ipinatong naman ang kaliwang paa sa kanang paa.
"yes, kaibigan ko siya" he said.
Hinintay ko ang kasunod niyang sasabihin. "but..." pabitin pa niyang sabi. Ano ba naman to. Bakit hindi nalang ako diretsuhin. Bibitinin pa ang sasabihin.
"pero?" hindi makapaghintay kong tanong.
"anyway, why do you want to know?" siya naman ngayon ang nagtanong saakin. Iniliihis niya ba ang usapan? Nandoon na e sasagot na bakit hindi nalang niya sabihin agad.
"ano bayan! mamaya ko na sasagutin iyang tanong mo. Sagutin mo muna iyong hindi mo natapos" mataman kong sabi sa kanya "...iyong sinabi mong... kaibigan mo siya... pero?" sandali niya pa akong tinitigan. Nakita ko namang napapikit siya bago humugot nang malalim na paghinga. Nakukulitan na ata ito saakin. Nagtitimpi lang.
"He is my friend, yes" he paused again. Napairap naman ako "But not-"
"Ran! " hindi paman niya natatapos ay may bigla nalang nan-interrupt.
"I've been looking for you Ran. Why are you-" he didn't finish what he said when he saw who is with me. "Why are you with him?" biglang nagbago ang tono nang pananalita niya. Tanong niya saakin. Nag-alangan naman ako.
"Laz" tawag sa kanya. Tumayo ako para sana lapitan siya nang may humawak sa isang braso ko para pigilan ito maging ang katawan ko ay ganun din. Napatingin ako sa kamay na kumapit sa braso ko. Simon is holding me tightly na para bang pinapahiwatig nito na huwag akong umalis. Nagtataka ko naman siyang tinitigan.
"Simon" tawag ko sa pangalan niya na ang paningin ay sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Medyo niluwagan naman niya ang pagkakahawak pero hindi ito binitawan.
"Bitiwan mo siya Louise" madiin ang pagkasabi ni Laz sa pangalan ni Simon. Hindi batid ang samang titig niyang pinupukol kay Simon. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang niya tratuhin ang kaibigan. Kaibigan nga ba? Ewan! hindi ko alam!
Ayoko namang makisali sa gulo nila. Pero mukhang kasali pa ako naiipit ako sa gintna nilang dalawa. Simon still holding my arms at si Laz naman inuutusang bitawan ako nang kaibigan niya. Pero itong isa hindi man lang nakinig.
"I said bitawan-" Simon cut whatever Laz said.
"Why?" tanong niya habang kunot ang noo at nagpipigil nang tawa. "Scared of the possibility that I might steal your woman... again ha?" panghahamon niya sa kaibigan. Ano bang pinagsasabi niya? Papalit-palit ako nang tingin sa kanilang dalawa.
Napalunok ako nang makitang nagpipigil si Laz. Tiim-bagang nakipagtitigan kay Simon. Ang mga kamay nito ay nakasarado kita na iyong kaunting ugat niya sa sobrang higpit.
"Don't worry. I will..." aniya nang nakataas ang isang kamay kay Laz na parang nangangako. "... steal her" diin nito sa pagkakasabi. Pagkatapos ay binigyan niya ito nang nakakalokong ngiti.
"You, asshole!" turo ni Laz sa kaibigan pagkatapos ay akmang susugurin nang dumating ang ibang kaibigan niya at pigilan siyang makalapit saamin, lalo na kay Simon. Na ngayon ay prenteng nakatayo hawak parin ang kamay ko at ang isa ay nasa bulsa niya. Laking gulat ang bumalatay sa mukha ko. Ngayon ko lang nakita kung paano magalit si Laz.
Sila Nolan and Vico ang siyang pumipigil sa kanya na makalapit. Si tom naman ay bahagyang pumagitna "brod what is the problem?" pagtatakang tanong ni Tom sa dalawa, habang ang ibang kaibigan ay nakalapit na sa'min. Tinapik ang balikat ni Simon at minura siya nang malutong. Hindi naman niya iyon pinansin. Diretso lang ang tingin niya sa kaibigan na kanina pa nag-aapoy sa galitnang dahil sa kanya.
"what happen?" pabulong na tanong ni Gabin saakin. Sa kanya naman ako napatingin ngayon. Maging sila Quintin at Valentino ay mataman akong tinignan mistulang hinihintay ang sasabihin ko.
"I-i don't know" nauutal "Simon and I talking, when Laz came to look for me." Sabi ko. "and... ahm after that ayon na. 'Yun na ang nangyari." may bahid nang lungkot ang tono nang pagkakakwento ko sa kanila.
"What else?" hindi ata kumbinsido si Valentino sa narinig mula saakin."Alam kong hindi lang sila nag-usap at pagkatapos ay nag-away. What did this asshole say or do." paturo nito kay simon na hindi man lang siya binalingan kahit tinuro na siya ni Valentino.
"Scared of the possibility that Simon might steal Lazaro's woman... again." I said. "Iyon ang pagkakatanda ko sa sinabi niya" nang sabihin ko 'yun ay nakita kong napasabunot sa buhok si Quintin habang si Valentino naman ay naihilamos ang mukha gamit ang isang kamay na mukhang namomroblema at si Gabin. Wala lang seryoso parin.
"Fuck!" pagmumura ni Quintin. "Ito nanaman sila." sabi niya.
"Not again." Bulalas na sabi ni Gabin.
"Paulit-ulit nalang kaya hindi sila nagkakaayos e" sabat ni valentino.
"Sinabi mo pa" si Quintin. Tapos tinapik ang balikan ni valentino bilang pagsang-ayon. Tungkol saan ba?
"Iisa ang gusto. Iisa ang hilig. Tsk" nadidismayang sabi ni Gabin.
"Sinabi mo pa!" sabay na sabi nang dalawa.
Nahihilo na ako sa papalit-palit na tingin sa kaibigan nilang dalawa at maging sa kanila. Ano ba naman to bakit ako nasabit sa ganitong gulo. Kanina lang okay ang lahat pagkatapos ganito na? Nagpakawala ako nang malalim na hininga.
------
MATAPOS MATUNGHAYAN ang hindi magandang pangyayari kanina between Simon and Laz. Minabuti nang mga kaibigan nilang bumalik na kami sa loob at doon mag-usap. Hindi ko namalayan 'yung oras. Tom immediately call off the party. Umuwi na ang mga bisita at ang naiwan nalang ay kaming siyam na narito at ang mga kasambahay.
Pansamantala akong ipinagpahinga nang mga kaibigan nila sa isa sa mga kwarto rito sa second floor. May sampong kwarto kasi ang mansion nila Tom kasama na ang kwarto niya. May guest-room pa nga sa baba pero mas pinili nilang sa taas na daw ako magpahinga. Ayaw ata nilang may makarinig nang pag-uusapan nila.
Sila naman na magkakaibigan ay pansalamantalang nag-uusap sa large living room sa baba. Pag-uusapan ata nila ang gulong ginawa nang dalawa.Sigurado akong pagsasabihan nila ito. Sana naman magkaayos na sila. Nabobother ako sa kanila e. Hindi ko man alam kung ano ba talaga ang puno't dulo nang away nila pero sana naman magkaayos sila.
Sa tanang buhay ko kasi hindi ko aakalaing makakakita nang away talaga. Ilag ako pagdating sa mga ganyan. Hindi ko naman din nakitaan sila moma na mag-away at syempre sa mga kaibigan ko. At isa pa, 'yun bang papaligiran ka nang mga naggagwapuhang lalaki tapos ikaw lang iyong nag-iisang babae. I kenat!
At dahil gabi na ramdam ko na ang antok sa oras na ito. Ang talukap nang aking mata ay unti-unting pumipikit napapahikab pa ako. Wala na rin naman akong gagawin dahil tapos narin ako naka paghalf-bath. Mabuti nalang at may mga unused na damit dito sa kwarto nakapagpalit na ako. Para sa mga guest nila siguro ito or kaibigan. May pambabae at panlalaki kasi sa loob nang cabinet e. Hindi ko naman din inaasahang dito kami matutulog edi sana nakapagdala ako kahit papano.
Inayos ko ang higaan bago ako nahiga, bawat minuto ay humihikab ako. Hawak ang cellphone ay binuksan ko ang messenger. Tumingin nang mga story na naroon. Dahil nawili ako kakapanuod nang mina-my day nila.
Nagmy-day rin ako. I took a picture of me. Iyon bang half of my face lang ang nakikita tapos nakapikit. I let my hair down hindi nakatali, sa gilid naman ay makikita ang table at lampshade. Pagkatapos kong maishare iyon ay inexit ko na ang messenger pagkatapos ay inilapag ang cellphone sa table malapit sa lampshade. Nanalangin muna ako bago ipinasyang matulog...
----
GINULAT AKO nang malakas na kidlat kung kaya mabilis ang pagbangon ko. Kinapa ko ang dibdib ko at DINAMA ang mabilis na pagpintig nito.
"Grabe nagulat ako dun a! " kausap ko sa sarili.
Bumaba ako sa kama at kinuha ang cellphone para tignan kung anong oras na. Nakita ko namang alas tres nang madaling araw palang pala.
Umuulan nang malakas at kumikidlat. Mukhang may bagyo pa ata e. Bakit naman ngayon pa kung saan mamayang tanghali ay flight namin.
Hindi narin ako makakabalik sa pagtulog. Kapag nagising ako at kaunti lang ang tulog ko or napaparami man hindi na ako nakakatulog pag gusto ko pang matulog.
Baba nalang muna siguro ako at magkakape. Mas maigi pa iyon. Naghanap ako sa cabinet nang maaring isuot pang double lang sa manipis kong suot na damit ngayon. May puting jacket naman akong nakita, maluwag at malaki mas maganda siguro kong ito ang susuotin ko. Basta ko nalang din tinali nang pabilog ang buhok ko na mahaba. May mga exist hair pang hindi nasama sa pagtali but i don't mind.
Lumabas ako sa kwarto at marahang sinarado iyon.Nilampasan ang isang kwartong malapit sa inakupahan kong kwarto pagkatapos ay bumaba sa hagdan. Tinungo ko ang daan pababa nang dining area which is madadaan ko muna ang living room sa unang palapag bago ako makarating doon. Nasa lower garden kasi iyun.
Napahinto ako sa pagpasok doon nang may isang pigura na nakaupo, nakatalikod saakin. Ano bang gagawin ko? Babatiin ko ba or titikhim ako para malaman niyang nandito ako or didiretso lang ako at lampasan siya para magtimpla nang kape? Or hindi na kailangan dahil bumaling iyon saakin at tumambad saakin ang mukha ni...
Simon
"Di makatulog? " tanong niya kapag-kuwan.
Umiling naman ako at nagsimulang maglakad palapit sa kanya.
"Oo e." agarang sagot ko "Umm... nagising ako sa lakas nang kidlat kanina"
Tumango naman siya. Uminom siya sa baso niya. "Want some coffee? " he offered after niyang uminom sa baso niya.
"Oo, sana" maikling sagot ko. Iminuwestra niya ang kamay niya at itinuro ang isang bakanteng upuan sa kabila.
"Seat. I'll make you a coffee" sabi niya kapag-kuwan ay nauna pang makalapit sa kitchen para kumuha nang baso sa pangalawang drawer na nasa baba.
"Salamat" sabi ko nang ilapag niya ang gawang kape saakin.
"No problem" bumalik naman siya sa upuan niya at uminom ulit sa kanyang kape.
Tahimik lang kaming humihigop nang sarili naming mga kape habang ang tingin ay nasa labas. Mula sa dining area tanaw ang garden at pool maging ang lakas nang ulan na bumubuhos sa labas.
"I'm sorry" napabaling ako sa kanya dahil doon. Kunot-noo siyang tinignan.
"Ha? Bakit ka nagsosorry?" nakapagtatakang tanong ko. Seryoso naman siyang humihigop sa baso niya na matamang nakatingin sa labas pagkatapos ay bumaling nang tingin saakin.
"For causing trouble last night." he said "I didn't mean that. Gusto ko lang asarin si Lazaro" mahinang tawa pagkatapos. "Hindi ko alam na seseryosohin niya yun". nasa baso ang mga mata. uminom siya ulit.
"Sa kanya ka dapat nagsosorry hindi sakin. Alam mo yun".sabi ko.
"I did that already." sabi niya pagkatapos ay inangat ang tingin saakin. Nagtagpo ang mga mata namin. Sumikdo na nagdulot nang kaba sa aking dibdib ang binibigay niyang tingin. Para narin akong nahihipnotismo sa malamyos at nakakaakit niyang tingin.
"But still sorry"