Matapos ang usapan namin ni Simon kaninang madaling araw. Bumalik ulit ako sa taas para magpahinga. Ganun din naman ang ginawa niya. Naging maayos naman ang mag-uusap namin. Walang bangayang nangyari. Maayos naman pala siyang kausap.
Walang tigil sa pagbuhos ang malakas na ulan hanggang ngayon. Paniguradong hindi matutuloy ang pag-uwi namin pabalik sa pilipinas. Naiwan rin pala ang gamit namin sa hotel. Masasayang ang bayad namin paghindi pa kami makabalik doon. Ang problema naman hindi kami makakalabas dahil sa ulan. Hindi lang ata ito simpleng ulan lang e. Bagyo na.
Ayaw ko pa naman sa lahat iyong nasasayang ang binabayad. At hindi naman kami nanatili roon. Libre na nga ang room ko nasayang pa. Para saakin malaking kabawasan yun. Ngunit ganun nalang siguro kaliit para kay Tom at Laz ang binabayad sa hotel.
"Ran!" sigaw nang boses sa labas nang kwarto ko.
Mabilis kong tinungo ang pintuan upang pagbuksan ang kung sino mang tumatawag sa'kin. Nang makalapit na ay medyo inilayo ko ang ulo ko. Na-trauma ata doon sa nangyari sa hotel. Nakakatawang isip pero ayoko na maulit 'yun. Pinihit ko ang siradora para bumukas.
"Oh Laz, bakit?"
"The flight was cancelled" sabi niya saakin. Alam ko na talagang maka- cancel gawa nitong masamang panahon na'to.
"Mananatili muna tayo dito hanggang Tuesday. We cannot go back to the hotel. Pinakuha ko na rin ang gamit natin doon. Don't worry maya-maya lang ay nandito na rin 'yun."
"sige, kung ganun kakausapin ko nalang din ang pamilya ko para alam nilang hindi matutuloy ang pag-uwi ngayon." sagot ko.
"That's right. Anyway, breakfast is ready. Bumaba na tayo. Naghihintay na sila sa dining area."
"Tamang-tama at gutom na rin ako"
Sabay kaming bumaba nang second floor at tinungo ang harden kung saan ang dining area. Pagkapasok na pagkapasok namin nahinto sila sa pagsubo nang pagkain. As in silang pito. Ako naman ay nagulat. Ang akala ko si Tom at Simon lang. Hindi ko alam pati ang limang nakaupo ngayon ay nandito pa.
"Good morning beautiful" si Quintin. Sinamaan naman siya nang tingin ni Gabin. "What? I just greet here. No means." defensive nitong pagkakasabi.
"tsk" ani ni Simon na pinagpatuloy na ang pagkain.
Pinaghila ako nang upuhan ni Laz pagkatapos nilapagan nang plato at kutsara. Nawiwerduhan ako sa ipinapakita niya ngayon-ngayon lang. Kaya ko naman hilahin ang upuan, kumuha nang plato at kutsara, kaya ko rin sandukin ang kanin at ulam. Ganun nalang ang gulat ko na halos siya lahat ang gumawa niyon.
Parang wala din siyang pake sa paligid niya. Hindi niya alam na kanina pa siya sinusundan nang tingin nang mga kaibigan. Sunod ang tingin sa bawat galaw niya.
"Laz" mahina ngunit alam kong dinig niya ito. Hindi naman kami magkalayo para hindi niya marinig ang tawag ko.
"Yes?" nakangiti nang bumaling. Ang weird niya talaga ngayon.
"K-kaya ko na yan. Ako sasandok nang ulam-"
"No. I insist. Sagot kita ngayon dahil hindi tayo natuloy sa pag-uwi. Binantaan ako nang kaibigan mo na susugurin pag hindi kita inalagaan dito" napangiwi ang labi ko. Napayuko ako sa hiya dahil hindi lang ako ang nakakarinig niyon kundi maging mga kaibigan niya.
"B-biro lang siguro iyon. Wag mo nang tutuhanin-"
"Biro man o hindi, aalagaan kita" seryoso siya nang sabihin iyon. Parang ganun lang kadali sa kanya bumitaw nang mga salita. Hindi iniisip ang mga reaksyon nang bawat taong nakakarinig niyon ngayon. Nakurot ko ang hita sa pagpipigil. Nakakahiya naito. Grabe na.
"Ahm!" nabaling ang attention nang lahat kay Nolan maliban kay simon.
"Sorry, nasamid lang." pagdahilan nito. Hindi naman natinag ang lahat. "Go on. Don't mind me." Sabi pa niya
"nice!" sarkastikong saad ni Valentino "You knew when to cut the climax. Nice! Panira ka." patama nito kay Nolan.
"I feel like watching drama here" si vico "diba Simon?" nakakalokong ngiti ang hatid niya kay simon nang tumingin siya dito.
Ngunit ang lalaking ito wala man lang sagot o maging tango sa kaibigan. Ang attention lang nito ay nasa plato na may pagkain. Hindi mo alam kung nakikinig ba o sadyang nabibingihan lang. Hanga din ako sa ugaling meron siya.
"Wew, someone is getting annoyed here" almost a whisper but still naririnig parin.
"shut up Vico or I'll throw you out of the dining area" malamig na pagkakasabi nito.
Nagtaasan naman ang balahibo ko sa kamay. Ganun nalang ang hatid nang sinabi niya saakin. Hindi man para saakin ang sinabi niya, Bakit feeling ko naman ako ang sinasabihan niya. Nakakatakot pala pag ganito siya ka cold sa mga kaibigan. Hindi lang suplado.
"As if you can" panunuyang sagot ni vico.
Sinamaan siya nang tingin ni simon "try me!" akmang tatayo na sana nang marinig namin ang sinabi ni Tom.
"Please respect the blessing we have right now" mahinahong tunog awtoridad. Patuloy naman ito sa pagsubo nang pagkain. "...and please Laz stop being a gentleman? Because you're not."
Hindi naman siya tinapunan nang tingin ni Laz. Ni sagot ay wala siyang nakuha sa kaibigan niya. Nakita ko kung paano siya bumuntong hininga. Si Laz naman kung titignan ay parang hindi niya naririnig ang saway nang kaibigan. Tapos na niyang salinan nang ulam ang plato ko. Matapos noon ay siya namang pag-asikaso niya sa sarili niyang plato.
Hinawakan ko ang kutsara at tinidor, nagsimula narin ako kumain. Ayoko nang bigyang pansin ang kawerduhan nang boss ko. Kung tutuusin kasi wala naman iyun saakin.
Tahimik na ang hapag, walang nagsasalita dahil sinabihan sila ni Tom. Respetuhin ang nasa harap namin dahil pagkain nga. Mabuti naman at sinunod nila iyon. Pero paminsan-minsa nag-uusap sila sa mga trabaho nila. Hindi ko naman naiintindihan kaya di ko na binigyang pansin iyon.
I reached for water when both of our hands, Simon hands touched mine. Napapiksi ako doon. We both looked at each other eyes. Napalunok ako. Sa hawakan nang babasaging pitsel ramdam ko ang panginginig nang kamay ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kamay na nakapatong dito o sa titig na ibinibigay ni simon saakin.
"Ahm! Excuse!" humiwalay lang ang kamay namin nang si vico ang kumuha nang babasaging petsil at nagsalin nang tubig sa baso niya. Dali-dali ko namang inilayo at ibinaba ang nanginginig kong kamay. Yumuko ako, pinakalma ang mabilis na tibok nang puso. Parang may sakit ata ako sa puso nang dahil lang sa nagkahawak ang kamay namin a.
Ang paggalaw niya ang umagaw sa attention ko. Sumalin nang tubig sa hindi pa nagagamit na baso, sumalin din siya sa isa pang baso. Taka ko naman iyong tinignan. Hinawakan niya ito at inilahad saakin.
"That's yours" buo ang boses nito nang sabihin iyon. Napalunok ulit ako, tinanggap ko naman ito nang nanginginig ang kamay. But I manage not to show him my nervousness after.
"Thanks" agad ko naman itong ininom.
Nanuyo ata ang lalamunan ko. Hindi mawari ang nararamdaman sa oras na'to. Pag siya ang makausap o kaya naman matitigan ko. Para akong sirang plaka na hindi alam anong gagawin. Nawawala sa hwesyo ang utak ko. Mabuti nalang din walang nakapansin sa nangyari. Busy sila sa pag-uusap. Naka hinga ako nang maayos.
-----
Nasa living room na kaming walo ngayon, while Valentino still in the dining room. Nagpaiwan siya pansamantala. He's baking some cookies and making fruit shake para daw saamin. Kung hindi ko lang talaga nakikitaan nang kakisigan itong si valentino baka napag kamalan ko na itong bakla. But he is not.
Nagbabasa ako nang mga libro sa bookshelves. Gabundok ang mga librong naka display. Dahil boryo ako at walang magawa. Nakapagbasa ako. Samanta iyong mga lalaking kasama ko naman. May kanya-kanyang kinakaabalahan rin.
Vico was busy with his laptop, tutok na tutok ito at ayaw magpastorbo. Laz was busy talking to his phone. Si Simon naman ayon tahimik na nakapikit ang mata. Nakahiga sa mahabang couch malapit sa glass window. Nakacross arms at tuwid na tuwid ang katawan. Parang patay kung titignan. Ang weird nang position niya matulog.
Si Quintin at Nolan naman ayon. Nanunuod nang palabas sa phone nila. Tawa nang tawa na akala mo sobrang ganda nang pinapanuod. Sinasaway naman sila ni Gabin dahil dumadagdag pa sila sa ingay na hatid nang malakas na ulan.
Gabin was also reading some articles in a newspaper. Nakacross-legs ito umupo, nakatakip ang newspaper sa mukha niya. Tinitiklop lamang niya ito pagsinasaway niya ang dalawa. While the owner of the house we currently live in. He is looking outside the window wherein malapit siya ay Simon. Nakasandal ito sa glass window while smoking. Naka-pamaywang pa ito. Ang lalim nang iniisip hindi ko mawari kong ano.
Dumating kanina iyong driver na kumuha nang mga gamit ni Laz sa hotel. Patapos na kami sa breakfast nun nang tumunog iyong buzzer. Naawa pa nga ako sa inutusan ni Laz dahil marami iyong mga dala namin at siya ang kumuha. Wala man lang siyang katulong sa pagkuha doon tapos bumabagyo pa.
Nabitawan ni Quintin ang kawak niyang phone nang bigla nalang itong tumunog. Pagalit niya itong kinuha.
"What!" asik niya sa tumawag. Ang kaninang galit at kunot na mukha ay mabilis naglaho. Napalitan ito nang takot at pangamba.
"B-baby... I'm sorry. I-I didn't mean to yell at you." Malambing na ito sa katawagan. Napailing-iling nalang ako sa kanya. Akalain mo iyon. Kanina lang galit niyang binulyawan ang katawagan. Nang malaman kung sino bigla nalang parang naging malambing na pusa. Tsk! Kapag talaga mahal mo ang kausap mo nag-iiba ang emosyon.
Tsk! Bakit ko pa naiisip iyon! Mukhang ewan ako!
"I-I'm sorry na kasi... what? No... baby" ngayon naman para siyang kinawawa sa mukha niya. "No... I'm not cheating..." napatingin sa kanya sila Gabin, Nolan, Vico and Tom na nakakunot ang noo.
"Tsk! Sabi ko sayo e. Kahit malayo ka naaamoy niya ang presensya mo. Manloloko ka kasi." Pang-aasar ni Gabin sa kanya. Sinimangutan naman siya ni Quintin. "Lilou! Your fiancée is watching Kendall Jenner, wearing a bikini!" pasigaw ni Gabin. Na ikinatawa naman nila, maging ako ay natawa.
QUINTIN! You freaking asshole! Humanda ka saakin dahil susugurin kita diyan!
Nanlaki ang mata ni Quintin nang patayin ng finacee niya ang tawag. Walang pasabi itong tumayo at hindi malaman ang gagawin.
"My baby will surely kill me!" sinabunutan nito ang sariling buhok dahil sa frustration. Tumingin siya Gabin ng masama "Damn Gabin! Fuck You!" he showed his middle finger to Gabin.
"Really?" pang-aasar pa nito kay Quintin. "Sorry but I refuse. I didn't fuck a man. I fucked woman instead."
Sumilay ang nakakalokong ngiti nito. Lalo lang kaming tumawa nang sabunutan ulit ni Quintin ang buhok niya.
"I'm dead!" palakad lakad ang ginagawa niya sa oras nato. Ako na ang nahihilo kakasunod nang tingin sa kanya. Ganun nalang ang takot niya sa fiancée niya. Akala mo ay babalatan siya nang buhay nito. Tsk!
"You really dead asshole." Natatawang sabi ni Nolan sa kanya habang prenteng nakaupo ito sa isahang upuan at nanunuod parin.
"I know. I know"
"Kendall Jenner kapa!" ani ni Vico. Tapos na pala ito sa ginagawa niya. Kaya nakukuha na niyang mang-asar.
"Shit. Don't mention it. Lalo lang akong kinakabahan e."
"I hate being in a relationship. Tsk!" si Gabin.
"Yeah, me too!" si Nolan.
"Me three!" si Vico.
"Shut up fuckers! Parang wala kayong tinatago ah? Alam ko ang sekreto nyo." nakakaloko ang ngiti nito. Nawala ang mga ngiti nang tatlo dahil sa sinabi ni Quintin. "I know Gabin why you are here. Tinatakasan mo lang naman iyong Trisha mo dahil obsess 'yun sayo." Natahimik naman si Gabin. Tumingin siya ay Nolan. Binigyan nang nakakalokong ngisi. "At ikaw naman alam kong takot ka kay Blessica dahil sa ginawa mong panloloko sa kanya. At may pa Kylie Jenner kapa a!" and lastly tumingin siya kay Vico, napalunok naman ito. "Vico the great asshole who lusted his secretary for almost a year na. Pero hindi man lang siya pinapansin nito. Tsk!" pailing-iling pa ito.
"You, asshole!" sigaw nang tatlo sa kanya.
Nakalimutan ni Quintin ang kaba dahil sa tatlo. Hamba siyang susugurin nang tatlo. Bago paman mangyari yon ay tumunog ang buzzer na nasa loob, which means may tao sa labas.
"O... shit! Really! Dead!" sigaw ni Quintin. Tumakbo ito papunta sa hagdan. Tumingin ito saamin na nakasunod sa kanya ang tingin. "Don't you ever tell to her. Magtatago ako. Ayokong mamatay nang maaga. Aanakan ko pa siya nang isang dosena!" walang pasabi'y tumakbo ito paatas.
Nagkibit-balikat nalang ako sa ginawa niya. Kung ako ang nasa position nang fiancee niya talaga susugurin ko siya. Talaga naman kasing maloko. Sinong matutuwa na malaman mong nanunuod ang fiancee mo nang palabas ni Kendall Jenner kung naka bikini lang ito? Fantasizing other's means cheating!
Si Tom ang nagbukas nang pinto. Tumambad saamin ang apat na babaeng hindi ko kilala. Isa siguro dito si Lilou. Tiningnan ko ang reksyon nang mga kasama ko. Halos magmura sila.
"Hi brotha!" bati kay Tom nang matangkad na babae. Mas matangkad ngalang si Tom, hanggang leeg lang siya nito.Tumingkayad siya para humalik sa pisngi nito. Hindi naman siya inawat ni Tom.
"What are you doing here?" pagalit na sabi niya dito. Inirapan naman siya nito.
"Because of them." pointed to the three women behind her. "Ginulo lang naman nila ako kakatanong kung nasaan ang magagaling nilang mga lalaki at pinilit na ihatid sila dito. Satingin mo pupunta ako dito para lang sa wala?" bumaling nang tingin kay Nolan. Pinandilatan nang mata "NEVER!" pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Tom.
Nangangamoy away ata sa pagitan ni Nolan at iyong babae. I forgot the name that Quintin mention a while ago. Kung kanina nagawa pang mang-asar ni Nolan. Ngayon hindi na, halos hindi na makahinga dahil masama ang tinging ibinibigay sa kanya nito.
"Kuya papapasukin mo ba kami o hindi?" mataray niyang sabi.
"Papapasukin syempre." Mas niluwagan nito ang pagkakabukas nang pinto "But behave! You are being a bratty again." pinagalitan siya ni Tom.
"Whatever!" she flipped her hair. Kapatid pala siya ni Tom. Kaya ganun nalang kung makaasta.
"Where is Quintin?" si Lilou. Alam ko na agad na siya iyon dahil malikot ang mata niya. Kung saan-saan nakatingin. Siguro ay hinahanap si Quintin. Ang isang iyon naman hindi talaga bumaba.
"He's upstairs!" masigla pang sabi ni Vico. "Sobrang takot 'yun sayo" may patawa pa.
"Really?" nangangalaiti ito sa galit. "He should be! Dahil pagnakita ko siya! Babalatan ko talaga siya nang BUHAY!" nakataas pa ang dalawa nitong kamay nakatikom at handa nang sugurin si Quintin.
Paniguradong pinagpapawisan na iyon sa kaba dahil sa takot kay Lilou. Kahit naman ako, kung ako nasa kalagayan ni Quintin matatakot din ako. Grabe pala magalit itong si Lilou. Wala na siyang paki sa mga taong kasama niya ngayon. Tinungo niya ang hagdan at dalidaling umakyat doon.
"Let see what will happen to Quintin, if his fiancée found him." Komento ni Gabin.
Umagree naman sa kanya si Vico "Probably, he's dead by now".
"Hi honey!" yumakap kay Gabin iyong mala morena ang kutis. Maganda at kulot na kulot ang buhok. Sumimangot ito paharap kay Gabin. "You didn't even call me! You know I can't sleep without you. Nagpagawa pa ako nang picture mo tapos idinikit sa pader nang condo ko. Kasi miss na miss na kita. Alam mo naman mahal na mahal din kita." nag-wink pa ito sa kanya. Kitang-kita kay Gabin ang pandidiri sa ginawa ni Trisha. Maging sa sinabi nito ay nakakitaan nang pandidiri. Animo'y isa iyong parang tae na nahawakan niya.
"Help me!" si Gabin.
Natawa kami sa reaksyon niya. Walang pumigil ni isa sa mga kaibigan niya. Sinusubukang ilapit ni Trisha ang mukha nito sa kanya at bigyan siya nang halik. Ito nang si Gabin layo ng layo nang mukha.
"Don't you ever get closer to me, you witch!" pasigaw niyang banta kay Trisha.
Obsess nga sa kanya ang babae. At halatang si Trisha lang ang may gusto sa kanilang dalawa. Kawawa naman siya kung ganun. Maganda naman ito e, kung tutuusin. Matangkad din, bumagay ang pagiging morena nito. Matangos ang ilong at pouted lips pa. Tama lamang ang ganda nang katawan. Bakit hindi manlang makitaan nang pagkagusto si Gabin sa kanya? 'Sayang naman!'
Lumapit ang babaeng kasama nila Lilou sa natutulog na si Simon. Kumunot ang noo ko sa nakita. Hinaplos nito ang pisngi ni Simon kaya ito naalimpungatan. Napatingin ito sa kanya. Masama ang naging hatid nun sa'kin. Biglang bumigat ang naramdaman sa loob-loob ko, parang hinuhukay ang sikmura ko.
"Gising kana pala" she smiles genuinely at Simon. My chest feels heavier looking at them. Iniwas ko ang tingin at ibinaling sa librong hawak ko.
"Why are you here?" dinig kong tanong ni Simon.
"Because I missed you Simon" malambing nitong sabi. Napalunok ako nang wala sa oras. Hindi ko na maintindihan ang binabasa ko. Nawala ang concentration ko sa pagbabasa. Ito nanaman iyong nararamdaman ko. Parang hinahalukay ang tyan ko na ewan. 'Bakit ba nararamdaman ko to?'
Tumayo ako dahil hindi ko makayanan ang ganitong nararamdaman. Ibinalik ko ang libro sa pinaglagyan nito kanina. "He has gotten over his breakup quite well, don't you think?" dinig ko sa bulungan ni Vico at Gabin.
"He is. It didn't even bother him or get affected by what he saw right now. Tsk." Ani ni Gabin.
Sino naman kaya ang pinag-uusapan nila? Ano iyong naririnig kong break up? At sino iyong hindi man lang na bother?
Dahil na curious ako kunwari akong napatingin sa dalawa. At nakita ko ang tinginan nila. Nakay Laz pagkatapos ay inilipat ang tingin sa babae at kay Simon.
Hindi ko napigilang umalis doon. Kailangan ko ata humanap nang pagkakaabalahan. Hindi pwedeng nanunuod ako sa kanila habang mabigat ang dinadamdam ko. Hindi pwedeng para lang akong tanga na nakatingin sa kanila, kahit na nakakaramdam ako nang sakit.
Bakit ko ba nararamdaman to? May gusto ba ako kay simon? Bakit nasasaktan ako? Dapat wala akong maramdaman. Ilang beses palang naman kaming nagkita at nagkausap a? Bakit ganito na?
Nagdisisyon akong pumunta nalang sa baba. Dining area. Baka kailangan ni Valentino nang tulong. Kesa naman sa wala akong gagawin. Tutulong nalang ako. Pagkarating ko ay nakita ko siyang abala sa paghihiwa nang mga prutas.
"Need help?" napatingin siya saakin. Bahagya pa siyang napatingin sa ginagawa niya. Tumingin din siya pabalik saakin. Nginitian ko naman siya. Pilit na ngiti kumbaga. Anlakas nang epekto nong kanina. Kaya dapat lang na aliwin ko ang sarili ko sa ibang bagay.
"Do you know how to make cupcake frosting? I mean vanilla buttercream frosting. Matatagalan pa kasi kong tatapusin ko to e. But luckily nandito ka..." bahagya pa siyang naka pamaywang sa harap ko. Bakas ang pagod sa mukha niya. Dapat lang talagang may katulong siya dito. At mabuti nang napagdisisyonan kong pumunta dito. At least dito matutulungan ko siya.
"Oo naman..." naglakad palapit sa kanya. "How much do you need?" Tumingin ako sa mga ingredients na nasa lamesa. Maayos siyang gumawa, walang masyadong kalat. Kabaliktaran naman sa kanya. Kapag ako ang nasa kusina ay talaga namang makalat.
"I have 20 cupcakes there" turo niya sa malaking oven "...so I need 9 cups? Maybe? Ikaw na bahala." Tumango naman ako sa gusto niya.
"Wait tignan ko muna ang cupcakes kung luto na." nilagpasan niya ako. Sinundan ko naman siya nang tingin "Paki halo naman ang condensed milk..." sabi niya.
"Okay" pakibit balikat kong sagot. "May mga bisita palang dumating..." pasimple kong sabi habang hinahalo ang condensed milk sa fruit shake. Nakita ko naman sa gilid nang mata ko ang bahagya niyang pag-galaw.
"Really?"
Tumango ako. "Hmm. Really. Apat nga sila e."
"We should make more cupcakes then. What do you think?" tumingin ako sa kanya. Nag-iisip.
"Hmm. Mas marami mas maganda. Mas marami mas mabubusog..." natatawa kong sabi. Natawa rin sya.
"Okay! I'll make more cupcakes." hawak niya ang kakaluto palang na cupcakes. Dalawang tray iyon. "Ako na diyan. You make frosting na. Para mabilis." Nilapag naman niya sa bakanteng espasyo nang lamesa.
Sinimulan ko na ang pag-gawa nang frosting. Mga fifteen minutes siguro ay tapos ko narin ang paggawa. Pagkatapos noon ay inisa-isa ko nang nilagyan nang frosting yung mga cupcakes. I enjoyed it though nakakangalay, dahil both of my hands nakahawak sa icing bag at minsan ibaiba pa ang design na ginagawa ko, pinapalitan ko pa ang stainless steel nozzles nang iba't ibang design.
Kahit papaano ay napagaan nito ang pakiramdam ko. 'Sana ganito lagi'. 'Hindi ramdaman yung bigat dahil pinapalitan nang saya buhat nang ibang bagay'. Minsan kailangan din ibaling ang attention sa bagay na makakapag-pagaan nang nararamdaman natin. At least kahit papaano. Sandali itong nawawala sa isip mo.
"DONE!"