Chapter 25 - Chapter 23

Hinarap niya ako at nakangisi, "Tell him what, Ky?" maang-maangan niyang sagot. Kinurot ko siya sa tagiliran at pumisik. He smirked, "I don't really know, Ky. Tell me." He teased. Tiningnan ko siya ng masama bago sumagot, "I am goingto tell him, I love him. Happy?"

He clapped his hands, nanatiling nasa braso niya ang kamay ko, "Finally, may isa rin sa inyong matapang na aamin." I looked at him, puzzled. Umiling lang sya. "Go get him, Katherine Ysabel and make him yours, officially." he encouraged.

I smiled as we walked to our table. Pinaupo niya ako, hinahanap ng mga mata ko si Ryu but he is nowhere to be found. Rav was talking to some of the people there. "Ky, have you seen Jane? Yung classmate ni Kuya sa Engineering Management? She was here awhile ago at niyaya niya akong lumabas." Pagyayabang ni Jigs sa akin.

Umiling ako at umirap sa kanya. "Tonight's your Kuya's party but you still managed to check girls out, huh?" He chuckled. "I did not, she was checking me out, woman. Magkaiba yun." Sagot ni Jigs habang nasa bulsa niya ang kanyang kamay. Umiling lang ako ng paulit-ulit sa kanya habang nililibot niya ang mga mata niya.

"Where's Ryu, by the way?" I asked. Ngumuso si Jigs at tila hinahanap din sa palibot si Ryu. Nagkibit balikat siya. "I don't know, maybe finally gathering the courage to tell you his feelings too." Panunukso ni Jigs sa akin. I laughed awkwardly at him. "Oh, shut up, Jagger!"

Hindi pa rin nagsisimula ang celebration kaya nagdesisyon akong maglibot at hanapin siya. "I'll try to look for him." Sabi ko kay Jigs. Tumango naman ito habang nanatiling nakaupo at nililibot ang mga mata na tila may hinahanap.

Medyo marami na ang mga taong naroon at may mga bagong dating pa. Halos lahat ng tao pamilyar sa akin since nakikita ko na sila palagi pag may party na ginagawa ang pamilya ni Ryu. Habang ang iba naman ay hindi ko na kilala.

Tumungo ako sa may lobby sa labas nang nakita ko sa dulo si Ryu wearing his navy blue coat, paired with a navy blue slacks, a white long sleeves polo inside. Nakaharap siya sa may pader, seryuso ang mukha at tila may kinakausap, nakapamulsa, jaw clenched, eyes hooded. Napawi ang ngiti ko nang makita ko ang seryuso niyang mukha. Naging kuryuso ako at dahan dahang naglakad papalapit pero sa bahagyang hindi niya ako makikita.

Nanlaki ang mata ko nang mahawi ko ang tingin ko sa harap niya, isang babae ang kausap niya at parang hindi naman siya kaklasi ni Ryu. Ngayon ko lang siya nakita pero bakit parang matagal na silang magkakilala ni Ryu. Mukhang seryuso ang pag-uusap nila. Pilit na hinahawakaan ng babae ang mga kamay ni Ryu ngunit umiiwas ito.

Nakasandal ang babae sa pader sa harap ni Ryu, doing all that she could na makuha ang kamay ni Ryu sa bulsa nito. Mahaba ang buhok ng babae, nakalugay ito at makapal ang make up ngunit litaw pa riin ang ganda niya. She was saying something to Ryu habang nakatitig lang sa kanya si Ryu.

I stayed to where I was hiding nang magulat ako sa sumunod na nangyari, the girl jumped onto him and kissed him on his lips.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko kaya tumalikod agad ako. Malakas at mabilis ang tibok ng puso ko. Naninikip ang dibdib ko dahil sa nakita ko. Di ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. My eyes were blurry, the place around me went dark. Parang ibinagsak sa akin ang lahat ng bigat ng mundong ito. Tumakbo ako patungong banyo at hindi maalis sa isip ko ang nakita ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa sa akin ni Ryu ito. Bakit? Did he play me the whole time?

At sino yung babaeng iyon? Sino siya sa buhay ng lalaking mahal ko? Did Ryu use me? Was I just someone he wanted to bed with at pagkatapos ay wala na? All this time, akala ko mahal ako ng taong mahal ko. Pero judging from what I saw, they kissed, nanikip lalo ang dibdib ko. I cried and my tears are nonstop.

Narinig ko na pawang nagsisimula na ang celebration sa labas dahil nagsasalita na ang emcee. Pinahid ko ang mga luhang umeskapo sa aking mga mata at pinakalma ko ang sarili ko. I need to be strong. Inayos ko ang buhok ko at ang damit ko. I wiped my tears, buti na lang waterproof ang gamit kong mascara at pati ang make up ko. I wipe my tears with a tissue and straightened my poise.

I composed myself at binuksan ang pinto ng banyo. Pumasok akong muli sa loob at dumiretso ako sa table namin, nakangiting umupo. Si Leo at Cece ay nandoon na rin. Habang si Ryu at ang mga magulang niya ay nasa harap at nagspeech si Tita Ylis.

"We are all happy that you were able to come. This night wouldn't be complete without all of you." Pasasalamat ni Tita Yllis. "We have an announcement to make, since our son graduated, the next step for him is he will be taking his board exam, hopefully, he will pass." The crowd laugh, including Ryu.

Matalim ang titig ko kay Ryu, pinipigilan ang mga luha ko. Nahawi ang tingin ko sa babaeng nasa gilid ng stage. It was her, ang kahalikan ni Ryu kanina. I bet magka-edad sila ni Ryu. Siguro nga ay yan ang mga tipo niya at pinaglaruan niya lang ako. She was sitting there, looking elegant and classy in her red satin long gown.

"Alright, as the first born in our family, he will be joining NCFMC soon after he pass the board." His mother continued. The crowd clapped. "Maliban sa graduation celebration natin tonight for my son, nais din namin ianunsyo na officially, we have partnered up with Valencia Real Estate. This explains all the media as a formal announcement to introduce our new partner, VRE."

Nagpalakpakan ang mga tao habang paakyat ang isang kasingtanda ni Tito Yuri na lalaki at babae at nanlaki ang mata ko sa sumunod dito, yung babaeng kahalikan ni Ryu! Seryuso ang mukha ni Ryu ngayon, katabi niya ang babae habang nagkakamayan naman ang mga magulang nila sa isa't isa.

Binigay ni Tita ang mikropono sa lalaki. "Magandang gabi po sa lahat. Nais ko png ipakilala ang aking sarili, ako po si Marco Baltazar Valencia, ang may-ari ng VRE. This is my wife, Leanna Valencia. At ang kaisa isang anak namin, si Julianna. A lot of you ngayon lang nakita ang anak ko, well she studied in Australia, that's why."

Another applause roared from the crowd. "We would like to thank The Navaltas for trusting VRE and for partnering with us. We will work together and we will grow together. At malay natin, seeing my only daughter with your first born son, hmm, parang bagay sila. Di po ba?" panunukso ni Mr. Valencia habang tinatanong ang mga tao. "Malay natin, someday, the next party will be their engagement." Dugtong ni Mr. Valencia at humagikgik.

The crowd cheered. Nagtawanan pati mga magulang ni Ryu. Ryu's face still serious habang nakangiti naman ang babae at pinalupot ang kamay niya sa braso ni Ryu. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Pigil ang mga luha.

Jigs eyes turned to me. Nakatitig siya sa akin ngayon habang nakatitig naman ako kay Julianna at Ryu sa gitna ng entablado, habang pinagpaplanuhan ng magulang nito ang magiging future nila. "Ky.." punong puno ng concern na pagtawag sa akin ni Jigs.

Nagkasalubong ang mata namin ni Ryu, his eyes pleading at me. Parang may gustong ipahiwatig. He was staring at me, kumawala sa hawak ni Julianna and I saw him whispered something to his parents.

I stood up and excused myself from our table at kumaripas patungo sa labas. Hindi ko kaya ang mga naririnig ko, hindi ko kayang makita ang nakita ko. I was an idiot to fall for him. Jigs was right noon, maraming babae ang aaligid kay Ryu. Tapos ako na tanga, naniwala ako sa mga ipinakita niya. Nagtungo ako sa labas ng building. Trying to calm myself when I heard someone call my name.

Si Ryu, I immediately ran near the pool but he was quick and he grabbed my arm. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. "Please, baby, face me." Lambing niyang pakiusap.

Pigil pa rin ang mga luha, hinarap ko siya nang nakangiti. "Ah, lumabas lang ako saglit. Balik ka na doon." Ani ko. He sighed. "Iyon ba ang dapat mong sasabihin sa akin, Ryu?"

Umiling siya, nagmamakaawa ang mga mata. "Don't worry, it's okay. Kaya nga di ba kanina sabi ko sayo, I have something to tell you." Paliwanag ko. His eyes full of questions. I unhooked the necklace he gave me and handed it to him. Umiling siya. Kinuha ko ang kamay niya at inilapag ang kuwintas doon.

"Hindi ko matatanggap ito. Siguro namangha lang ako sa kagandahan niya pero I can't accept this." Pigil na luhak kong pagsabi. "Bakit? I gave this to you. Sa iyo ito, Ky." Si Ryu.

Umiling ako. Tumawa. "Ryu, don't worry, hindi ako hahadlang sa inyo ni Julianna. Ours was just..a fling? Right? And besides, you're going to take your board exam at magiging busy ka lalo. Pati na rin ako, majoring ko na at full na magiging schedule ko niyan. Wala na akong time for this kind of thing."

Ryu's face is now serious. "A fling? What do you mean sa amin ni Julianna? Tito Marco was probably joking. You can't do this to me, baby. Ano ba mga pinagsasabi mo?" He pleaded and held both of my hands.

Hinawi ko ang pagkakahawak niya sa akin, "Pwede ba tigilan mo na ang pagpapanggap mo, Ryu? Wag kang mag-alala sa akin, you and Julianna can be together now, freely."

Punong puno ng katanungan ang mukha ni Ryu, pilit na hinahawakan ang aking kamay. "What are you talking about, Ky? Julianna and I met officialy just months ago. Her dad introduced us, they just went home from Australia. Oo, parati niyang binibiro sa amin ni Julianna about being paired with each other. Pero impossible yun, Ky! Our companies just partnered up with each other. Anong sinasabi mo na we can be together?"

"Oh, months ago? At hindi ko man lang alam iyon?  While you were screwing me, you are alos planning your future with her! I can't believe you, Ryu. This is the last time that you and I will have to talk like this. I don't wanna be around you anymore. So, we can stop pretending for our parents' sake. Let's go back to the way that we used to be. Nothing less, nothing more." Seryuso kong sabi.

"I told you, her father is the one teasing us. I didn't tell you since it doesn't matter to me. Bakit ako magplaplano ng future ko with her? Saan ba nanggagaling lahat ng ito, Ky?" punong puno ng frustration ang boses niya.

Nanatiling seryuso ang mukha ko hanggang sa kumawala na ang mga luha sa aking mata, "From now on, I want you to live me alone, Ryu. Layuan mo na ako. I am not a backup plan Ryu. Please, stop this nonsense, already. Tigilan mo na ang panloloko mo sa akin." I said as I walked away. He reached for my hands. Nanatili akong nakatalikod.

"Don't do this to me, Ky. Di kita maintindihan. Ano ba ang nangyayari?" his husky voice pleading. Hinawi ko ang kamay ko, "Everything stops here, right now, Ryu. Simula ngayon, ayaw na kitang kausap. Let's pretend nothing happened. Let's remain civil in front of our families. I wish you and Julianna, well. Don't you dare follow me." Those were the last words and I walked away.

I never looked back. I hope I never do even when the time comes. My heart broke, ni hindi man lang niya sinabi ang totoong nangyari bago magsimula ang party. I can't believe nagpadala ako sa emosyon ko at sa mga salita niya.

The only thing I am thankful right now is I have not said those three words to him. Siguro pinagtatawanan na niya ako kapag sinabi ko ang mga iyon. Malamang pagpipiyestahan na nila ang damdamin ko. Buti na lang at nakita ko ang lahat, buti na lang pinigilan ko ang damdamin ko.