I came at the office early that day para masimulan ang mga naiwan kong trabaho last week. Medyo natambakan ako nang mga dokumento at iba pang pending kaya kailangan kong isa isahin iyon. Sinimulan ko ang mga urgent na nakapile sa aking mesa at pinagsunod sunod iyon.
Nabaling lang sa telepono ang atensyon ko nang nagring ito. Tiningnan ko ang caller ID at nakita ang pangalan ni Nisha doon. Agad kong dinampot ang handset ng telepono para masagot ang tawag. "Yes, Nisha. Good morning. W-what? Okay, let her in."
Biglang sumakit ang ulo ko pagkababa ko ng telepono. Bakit siya andito ngayon? Anong kailangan niya? Umayos ako sa pagkakaupo ng bumukas ang pintuan ng aking opisina at pumasok ang isang matangkad na babae. Suot nito ay ang white tube top with a dark brown coat at black skinny jeans. Wearing her white stilettos and a black sling bag with its silver shains on her shoulders, Julianna entered my office.
I don't want her to think na naiintimidate ako sa kanya kaya mas lalo akong tumuwid sa pagkakaupo. "Good morning, Miss Valencia. Have a seat." Seryusong pagbati ko sa kanya na nakatiling nakaupo.
She smiled fakely at me bago umupo sa upuan sa harap ng aking mesa. Nilibot ng mga mata niya ang aking opisina without saying anything. "How may I help you, Miss Valencia?" matigas kong tanong sa kanya.
Ngumiti siya sa akin habang hinawi niya ang buhok niya sa likod ng kanyang tenga, her dimples showing and her almond eyes bore into mine. "You're too formal to call me Miss Valencia. Come on, we were introduced before when the partnership was made. No need to call me Miss. You can call me Julianna. I'll call you Katherine, okay?" suhestiyon nito.
Nanatiling tuwid ang pagkakaupo ko at marahang tumango sa kanya. "You have a nice office. It's my first time here." Sabi niya habang tinititigan ang mga nakadisplay na picture frames sa shelves ng opisina ko. "Thank you." Tipid kong sagot habang nakatitig sa kanya.
Umayos siya sa pagkakaupo at hinarap ako, nakataas ang isang kilay. "So, I heard you were out of town, with my fiancé?" she asked. Napalunok ako sa sinabi niya at hindi nakasagot. Hindi ko alam bakit walang lumalabas sa bibig ko. "Oh, bakit hindi ka makasagot?" she smirked.
"Pwede ba, Katherine, mag-move on ka na? Ryu and I are engaged. Stop ruining our relationship! Sinisira mo na nga relasyon namin, maninira ka pa ng partnership ng dalawang kompanya." Galit niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumaas ang kilay ko. Kung kanina hindi ko mahanap ang boses ko, ngayon naman ay parang nagwawala na ito sa aking kalooban. "Excuse me, Miss Valencia, why don't you tell your fiancé to stop seeing me instead? Andito ako sa kompanyang ito para magtrabaho. Wala akong oras na makipagtalo sayo lalo na at hindi naman ako ang lapit ng lapit sa tao." Seryuso kong sagot habang nakatitig sa kanya.
Nanggagaliiti sa galit ang pagmumukha niya ngayon. Hindi na siya makitaan ng konting ngiti o kabuhayan sa pagmumukha niya. "Sinungaling! So, pinapalabas mo na si Ryu ang lapit ng lapit sayo? Gumising ka nga sa pag-aambisyon mo. Leave my fiancé alone." Padabog niyang sabi.
I smirked at her, my insides are on fire pero hindi ako bababa sa lebel niya. "Please leave my office, Miss Valencia. Sort it out with your fiancé rather than venting it all out on me. As far as I am concerned, I was dragged by your fiancé to go with him." Kalmado ko pa ring sabi kahit na ang totoo ay naiinis na ako sa mga piangsasabi niya.
Matalim na titig ang binigay niya sa akin, tumayo, at nakahalukipkip. She was staring down at me na para bang ikinalaking tao niya yung pagtayo niya sa harap ko. I remained seated, eyes on her, nananatiling kalmado sa harap niya habang siya naman ay umaapoy sa galit. "You are a whore! You practically seduced my fiancé. Sigurado akong nagpakita ka ng motibo sa kanya kaya ka niya dinala sa malayo. As far as I know, ikinama ka lang niya. At ngayong nakabalik na kayo rito, it's about time you find your place and stay the hell away from us!" padabog niyang sabi.
Namumula ang aking pisngi sag alit sa kanyang mga paratang sa akin. Tumayo ako, ang dalawang kamay ay nakatukod sa aking lamesa at hinarap siya. "Get the hell out of my office, Miss Valencia or else, I'll call the security so they can drag you out of my space." Matalim kong sabi sa kanya habang siya naman ay galit na galit. "Now, leave." With all the authority in my voice, padabog niyang tinungo ang pintuan ng opisina ko at lumabas.
Nasa bungad ng pintuan ko si Nisha, nakatitig sa papalayong galit na Julianna. She then turned to face me at pumasok sa loob. "Are you okay, Miss Ky?" puno ng pag-aaalala na tanong nito sa akin. Pilit kong ngumiti at tumango sa kanya. "I am okay, Nisha. Thanks." Umupo ako muli sa aking upuan. Nisha nodded at nagpaalam na lalabas na siya para maiwan na ako.
Hindi pa nangangalahati ang araw ngunit inubos na ni Julianna ang lakas ko. How dare she walk in my office at paratangan akong inaakit si Ryu? I let out a deep sigh at nagpakalma ng sarili bago ko ibinalik ang atensyon sa kompyuter at mga dokumento sa harap ko.
My phone rang at nang iangat ko iyon para makita ang screen, it was Ryu. Nakatitig lang ako sa screen ng aking cellphone at kinansela ko ang tawag. Hindi ko alam anong gagawin ko ngayong tumatawag siya sa akin kasi totoo namang engaged pa rin sila ni Julianna. I want to focus on my work today kaya please lang lubayan niyo muna ako.
Patuloy sa pagring ang aking cellphone at paulit ulit ko iyong kinakansela. Maya maya ay isang text ang natanggap ko.
Ryu: Busy? Sorry for disturbing. Di ako nakatawag at nakasundo sayo kanina, may maaga akong emergency meeting sa Union Holdings.
I just read the text at hindi ako nagreply. Inilapag ko ang aking cellphone sa lamesa at bumalik sa ginagawa ko. Pagkaraan ng ilang minuto, isa pang text muli ang natanggap ko.
Ryu: Please call me when you're not busy. I miss you.
My heart ached at the message pero hindi pa rin ako nagreply. Honestly, hindi ko alam kung papaano siya haharapin o kakausapin ngayon dahil sa pagsugod ni Julianna rito. Ayokong madagdagan ang stress sa araw na ito. Tinago ko ang aking cellphone sa bag at binalik ang atensyon sa trabahong nasa harapan ko.
Buong araw kong inituon ang atensyon sa trabaho. Sa dami nang naiwan ko noong umalis ako, kailangan ko isa isahin iyon para unti unting matapos. Halos uwian na pero wala pa rin akong natatanggap na meeting invite galing sa opisina ni Ryu. Weekly meeting na namin bukas ngunit wala pa ring kompirmasyon. Nagdesisyon akong tawagan si Sianna para ikumpirma sa kanya. "Hi, Sianna. I have noticed na wala pa rin yung meeting invite for our weekly meeting tomorrow with Ryu?"
"Hi, Engr. Ky. Wala pong abiso si Sir Ryu. At wala pa rin po siya hanggang ngayon, nasa meeting po ata siya ng VRE. Bigla po siyang pinatawag doon kanina nang kausap ko siya." Si Sianna sa kabilang linya. Napatigil ako sa sinabi ni Sianna tungkol sa meeting with VRE. Hindi ako nakapagsalita at nag-iisip ako kung ano kaya ang maaring mangyari sa meeting. Knowing na dito galing si Julianna kanina, baka pinatawag na ng magulang ni Julianna si Ryu.
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang magsalita si Siannas a kabilang linya. "Engr. Ky?" Bumalik ang atensyon ko sa teleponong hawak. "Oh, sorry. Okay then, Sianna. Baka hindi na matutuloy bukas ang meeting. Thanks." Binaba ko ang telepono pagkatapos at kinapa ang cellphone sa mesa para maicheck kung may mensahe ba akong natanggap o missed calls, ngunit wala.
Nagkibit balikat ako at nagsimula nang magligpit ng mga gamit para makauwi na.
Itinabi ko ang mga iilang dokumento na hindi ko pa natatapos para ipagpatuloy ko bukas. Since wala naman akong meeting with Ryu, paniguradong matatapos ko ang mga ito bago maghapon. Tiningnan ko ulit ang aking cellphone ngunit wala pa rin kahit na isang notification. Pinatay ko ang kompyuter at dinampot ang aking bag para lumabas.
Nagpaalam ako kay Nisha na abala pa sa pagreretouch ng kanyang make up kahit na pauwi na. Napangiti ako sa kanya at nagpaalam na para umalis. I headed to the elevator para makababa ng building. May iilang mga taong naroon na naghihintay din sa elevator.
Hindi nagtagal ay tumunog na ang elevator at bumukas. My eyes went wide nang makita ko ang isang matandang babae na lumabas galing elevator. Isa isa nang pumasok ang mga kasama ko na naghihintay ng elevator habang ako naman ay nakapako sa kinakatayuan ko. Standing there is a tall, old lady, wearing a terno skirt and top with a coat and a handbag na nakasabit sa kanyang braso. Napalunok ako nang tumigil ito sa harap ko. "Good afternoon, Engr. Ky. Sorry if I came late, but do you mind if we talk for a little bit?" tanong nito sa akin.
Napalunok ako at tumango. "G-good afternoon, Mrs. Valencia. Sure po, let's go to my office, Maam." Sagot ko sa ginang. It was Leanna Valencia, Julianna's mother. I wasn't expecting her to come here especially na late na. We have met in meeting but we never talked.
Iginiya ko ang ginang papuntang opisina ko. Nagliligpit na si Nisha nang nakita niya kaming bumalik sa opisina ko. Natigil siya sa pagliligpit at bumalik sa kanyang upuan. "Don't worry, Nisha. You can go home now." Sabi ko sa kanya. Tumango naman ito at binati si Mrs. Valencia bago bumalik sa pagliligpit.
Binuksan ko ang pintuan ng aking opisina at pumasok kaming dalawa ni Mrs. Valencia. My office is not that big pero may sofang naroon sa gilid at malapit sa bintana sakaling may bisita ako. I offered for her to sit on the sofa and she did. "Maam, may I offer you coffee, tea, or water?" tanong ko bago umupo. Umiling naman siya. "Wag na, Engr. Hindi naman na ako magtatagal at may dinner pa kami ni Engr. Ryu." She smirked when she mentioned Ryu's name.
I smiled at her at umupo sa isang sofa na kaharap niya. Just like Julianna, Mrs. Valencia is surveying my office, judging every bit of it. Nilibot ng kanyang mata ang kabuuan ng opisina ko, kulang na lang tumayo siya at isa isahin ang mga naroon. "What can I do to help you, Mrs. Valencia?" tanong ko sa kanya.
She grinned at me and crossed her arms. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, iha. I heard from Julianna that you seduced Ryu by letting him drag you to that cheap resort." Lalong bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa galit at pangbibintang niya. Manang mana ang anak niya sa kanya. "With all due respect, Mrs. Valencia, I did not seduce Engr. Ryu as what your daughter is claiming. Bakit hindi po si Ryu ang tanungin mo tungkol sa nangyari?" I said politely.
She scoffed. "You are naïve, iha. You know very well that they will get married soon, bakit mo pa kailangan pumasok sa eksena? Baka nakakalimutan mo, we've partnered up with NCFMC, and malaking kawalan sa kompanya kung puputulin namin ang partnership na yun." She was staring deeply into habang pilit na hindi pinapahalata sa kanya ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"And besides, pauwi na sila Yuri and Yllis, the wedding will happen by that time. So, kung maari pwede bang dumistansya ka na man sa relasyon ng iba? Maraming lalaki ang nasa mundong ito, iha, bakit pinipilit moa ng sarili mo sa taken na?" humagalpak siya sa tawa na para bang iniinsulto niya ako. "Hindi lang ang mga magulang mo ang mapapahiya dahil sayo kundi pati pamilya ni Ryu. You're not poor, you can find any man you like. Layuan mo ang fiancé ng anak ko!" may diin na sabi niya sa akin.
Huminga ako nang malalim bago magsalita. "Mrs. Valencia, sinabi ko na po ito kay Julianna kanina, bakit hindi po si Engr. Ryu ang pagsabihan niyo na wag na akong guluhin? As far as I am concerned, nagtratrabaho ako sa kompanyang ito na walang tinatapakan na tao." Nakangiti ko pa ring sagot sa kanya.
Gaya ng kanyang anak, tumaas ang kilay nito at galit ang mukha. "Iha, think of Ryu's future kung patuloy mong sisirain iyon. He worked hard para maabot ang estado ng buhay niya ngayon. He started at the lowest position and aimed for a bigger one, at sa isang iglap, dahil sayo mawawala ang lahat? Oh my, have you no conscience at all?"
I just stared at her blankly, pigil ang mga luha sa aking mga mata. I have never felt insulted my whole life pero ngayong araw parang quota na ako sa mag-inang ito. "You have three weeks to decide. By that time, uuwi na rito ang mga magulang niyo, if you wanted to save Ryu and his hard work, you better distance yourself and accept the fact na magpapaksal sila ni Julianna. Kung hindi, we will cut our partnership with NCFMC. It will be the biggest loose na mararanasan ng kompanya. It's your choice. Whatever you decide, the wedding will be pushed through." Pagbabanta nito sa akin at tumayo upang tumungo sa pinto ng aking opisina.
Nanatili akong nakaupo, hindi na siya tiningnan at baka makita pa niya ang mga luha sa akin mata. Binuksan niya ang pinto ng opisina ko at nagsalitang muli bago tuluyang umalis, "Thanks for accommodating me on such short notice, iha. I'll go ahead."
Kumawala ang hindi ko na mapigilang luha sa aking mga mata nang maisara muli ang aking pinto. I can't believe I let that old lady insult me sa sarili kong opisina. This is one of my fears, ang masira ang lahat nang pinaghirapan ni Ryu. Mrs. Valencia was right, the minute they cut their partnership with NCFMC, malaki ang mawawala sa kompanya. And to think na ako ang magiging dahilan, nasusuka ako. I can't let everyone suffer just because I fell in love.
Sadyang hindi nga talaga siguro para sa akin ang kasiyahan at ang pagmamahal. I may not be happy from the past years because of suppressed feelings, but I think I was okay. If I choose love now, guguho ang mundo ng mga taong mahal ko. Lahat nang pinaghirapan nila, unti unting mawawala dahil lang pipiliin kong maging masaya. I'd rather be empty than to see everyone's world slowly crushing.