Chapter 34 - Chapter 32

Nagising ako ng maaga kinabukasan. Tumungo ako sa balkonahe para masaksihan muli ang kagandahan ng dagat. Hindi masyadong marami ang tao dahil weekday ngayon. Siguro ngayong weekend, mapupuno ang resort. May mga foreigners na naglalakad sa gilid ng dagat at may iilang tao rin naman sa resort.

Sumandal ako sa barandilya at nilanghap ang hangin na nakapalibot sa resort. I can hear the soft waves of the water, tumama sa aking balata ng init ng araw. Napakaganda talaga ng The Cove, no wonder our parents loved spending time here. Napawi ang ngiti sa aking labi nang maalala ang mga magulang namin.

Ilang linggo na lang uuwi na sila. I am sure, okay lang sila na ikasal si Ryu kay Julianna lalo na at malaking pera ang naipapasok ng VRE sa NCFMC. My phone is still off at wala akong balak na paandarin iyon. My parents are not naggers naman kaya alam ko na they would understand na hindi ako nagpaparamdam sa kanila. In case naman na tumawag sila sa aking opisina, si Nisha naman na ang magpapaliwanag na naka-leave ako.

Medyo rinig ko mula sa dagat ang nagsisigawan na lalaking foreigner na nakasakay sa isang jet ski. Napangiti ako nang maalala ko ang pagsakay namin ni Ryu. Ngunit mabilis din na nawala ang kasiyahan sa aking puso nang maalala si Ryu. Paano ba niya nagagawang humarap sa akin at hindi magsabi ng tungkol kay Julianna? They will get married in three weeks pero wala siyang sinasabi sa akin tapos natulog pa siya sa condo ko? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung ganoon?

Umiling ako. Stop it, Ky. Nandito ka para makapagpahinga at hindi magpakastress sa mga naiwan mo sa Manila. While I am here, I should enjoy. Itutuon ko ang oras ko para sa sarili. Hind ko sasayangin ang kagandahan na nasa harapan ko dahil sa mga iniisip ko.

Piiliin ko muna ang sarili ko ngayon at maging masaya, yung totoong saya. Hindi sa ibang tao nakasalalay ang kasiyahan ko kundi sa sarili ko. Kailangan kong tanggapin iyon. Kailangan kong ipasok sa sarili ko na masyado akong naging masama sa sarili ko na pati kasiyahan ko ay ipinagkait ko. Masyadong kong pinarusahan ang sarili kong sa mga nagdaang taon sa kakaisip na hindi ako pwedeng sumaya.

Bakit nga ba hindi? I deserve happiness, at bago ko makamit iyon, kailangan tanggapin ko ang sarili ko. The answer does not lie in other people but myself. Kahit na anong pili ko sa ibang tao, kung hindi ko naman pipiliin ang sarili ko, hinding hindi pa rin ako magiging masaya.

Huminga ako nang malalim at nilanghap ang sariwang hangin. Ngumiti ako at nagpatuloy sa pamamasid sa palibot ko. Tumayo ako at nagtungo sa loob ng banyo at para makaligo na.

Nang matapos sa pagligo, nagdesisyon akong maglibot libot sa resort. I wore my white maxi dress at isnag beige sandals. Suot ko ang aking shades at tumungo ako sa labas. Nakasalubong ko ang ilang tao ng resort at bumati ito sa akin.

Nang makalayo layo na ako sa Modern Lane, nakita ko si Mang Pedro na naglalakad. "Mang Pedro, magandang umaga po. Long time, no see ah." Bati ko sa matanda. Nakangiti ito sa akin. "Nako iha, oo nga. Matagal ata kayong hindi nakabalik dito. Kamusta kayo? Kasama mob a sila Maam at Sir?" tanong nito habang tumitingin tingin sa likod ko.

Ngumiti ako. "Mag-isa lang po ako ngayon kasi nakaleave ako sa office. Matagal na nga po kaming hindi nakapunta kasi naging busy na sila Mommy at Daddy. Nasa Dubai pa po sila ngayon eh. Kayo po, kamusta na po kayo?"

Tumango tango ang matanda habang nakangiti. "Mabuti naman, iha, sa awa ng Diyos. Isa na akong ganap na lolo. Nanganak na yung panganay kong si Felicidad at mag-iisang taon na ang apo kong lalaki." Natutuwa niyang balita sa akin sabay dampot ng cellphone niya sa bulsa ng kanyang pantalon. Pinakita niya ang iilang litrato ng kanyang apo. "Congrats po sa inyo, Mang Pedro. Napagwapo naman ng apo niyo." Nakangisi kong sabi.

Tumawa rin si Mang Pedro sa akin at ibinalik na ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. "Aba syempre, iha. Manang mana sa akin yan. Ikaw iha? Kamusta kayo ni Sir Ryu? Kasal na ba kayo?" nakangising tanong nito.

Napairap ako sa kanyang sabi. "Po? Ay hindi po. Sa iba po ikakasal si Ryu, Mang Pedro. Magkababata lang talaga kaming dalawa kaya medyo malapit kami sa isa't isa." Pagpapaliwanag ko. Nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha. "Nako, akala ko pa naman kayong dalawa ang magkakatuluyan. Nakikita ko kasi dati kung paano ka alagaan ng batang iyon. Sayang naman. Di bale, iha, bat aka pa naman kaya marami ka pang makikilala." Ngumiti lang ako sa kanya. "Hanggang kailan k aba dito, iha?" tanong ni Mang Pedro. "Two weeks po, Mang Pedro." Sagot ko.

His face lit up. "Tamang tama, kaarawan na ng apo ko sa Linggo. Pumunta ka sa amin. Matutuwa si Aurelia at Felicidad kapag nakita ka nila. Matagal na rin kayong hindi nagkikita eh." Pag-iimbitida ng matanda sa akin. Nakatitig ako sa kanya at hindi alam kung papaya ba ako o hindi. "Sige na iha. Kahit na hindi ka magtagal ay okay lang. Minsan ka na lang din naman nandito kaya sana mapaunlakan mo ako."

Ngumiti ako at tumango sa matanda. "Sige na nga po, Mang Pedro. Pupunta po ako." Tuwang tuwa ang matanda nang pumayag ako. Nagpaalam na siya at babalik na daw siya sa trabaho. Nagpatuloy ako sa paglalakad lakad patungong dagat.

Hindi naman masyadong mainit sa nilalakaran ko dahil maraming puno ng niyog ang naroon. Halos mga foreigners ang mga bisita ngayon at iilan lang ang mga Pilipinng naroon.

Medyo nakalayo layo na ako sa pinanggalingan ko nang marating ko ang isang area kung saan ang mga restaurants at fine dining ng resort. Medyo may kalayuan ito sa Modern Lane kaya ngayon lang ako nakarating dito. Dati naman kasi nagpapadeliver lang kami o nagpapaluto sa mga taga resort at di namin naaabot ang lugar dito.

Pumasok ako at naghanap hanap ng pwedeng makain. Patuloy ako sa pagtingin tingin ng kainan nang may nakabangga akong isang matangkad na lalaki. Tumingala ako para maghingi ng paumanhin at nagsalubong ang mga kilay ko dahil parang pamilyar sa akin ang lalaking iyon. "Pasensya na. Di ko sinasadya."

Nakangiti akong hinarap ng lalaki. "Ky?" bungad nito sa akin. Tumango ako at umiling maya maya. "Do I know you?" kuryuso kong tanong. Tumawa ang lalaki. "Fancy meeting you here again. Ako ito, si Eli. Remember?" pagpapakilala nito. Lumaki ang mata ko. Of course, kaya pala pamilyar siya. "Oh my God, Eli! Sorry, hindi kita nakilala agad." Paghihingi ko ng paumanhin.

Eli looks different now. Medyo humaba ang buhok niya at mas naging firm ang katawan nito. Lalo pa siyang tumangkad, hanggang tenga niya lang ang taas ko. Hinila niya ako para mayakap. "Talagang after all these years, dito muli tayong nagkita." May pagkamangha sa boses niya. "You're with someone?" tanong niya. Umiling ako. "Nope, mag-isa lang. Ikaw?" Umiling siya. "Nah, I'm with my family now. Kakarating lang namin kasi. We moved to New Zealand a year after we met. Kakabalik lang namin dito. So, how are you?" pangangamusta nito.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang naman ako. Naka-leave lang ako ngayon kaya nandito ako. Are you back for good?" tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat siya. "Hmm, not sure yet. May business kami rito and me and my cousins are planning to stay here pero wala pang final. So, are you married?" biglang seryuso niyang tanong.

Umiling ako. "Nope." Tipid kong sagot. Napangisi siya nang marinig ang sagot ko at tumango tango. "You want to have lunch with us?" aya nito sa akin. Nagulat ako sa imbitasyon niya at nakakahiya rin naman since family time nila iyon. "W-wag na, Eli." Pagtatanggi ko. Maya mata ay may lumipat sa aming magandang babae. Mas matanda siguro ako ng konting taon sa kanya. "Kuya Eli, Tita has been looking for you." Bulong nito kay Eli.

Tumango si Eli sa babae at humarap sa akin. "By the way, this is Quin, my cousin. Quin, si Ky. A friend of mine." Pagpapakilala nito sa akin. Inabot niya ang kamay niya nang nakangiti sa akin at nagpakilala. "Hi, I'm Quin. Nice to meet you." Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti. "Nice to meet you, Quin. Ky."

Hinarap siyang muli ni Eli. "I was inviting Ky to join us for lunch but she said no." his puppy eyes are begging Quin to convinced me. Tumawa si Quin at humarap sa akin habang nakaposisyon ang kamay sa harap niya na para bang nagmamakaawa. "Please have lunch with us, Ky. Or else Kuya Eli won't shop up mamaya if hindi man lang ako nag-effort na suyuin ka." Nagpalipat lipat ako ng tingin kay Eli at Quin at sa huli ay tumango na lang ako bilang pagsuko. "Okay, then."

Eli's face lit up and so is Quin's. "You owe me one, Kuya Eli." Natatawang banat ni Quin kay Eli. Tumawa naman si Eli at iginiya na ako papuntang table nila. The lady's face lit up nang makita niya si Eli at Quin. Pinakilala ako nila Eli sa kanilang pamilya. "Ma, this is Ky. She's a friend of mine. Ky, this is my mom, Lynette." Tumango ako sa ginang. "Hi, Ky. I am Lynette, Eli's mom. Halika iha, upo ka." Nakangiting sabi nito sa akin. I nodded and Eli pulled up the chair para paupuin ako.

"It's nice of you to join us, iha. We've only been here for four days at tanging kaming tatlo lang ang palaging nandito." Pagbabahagi nito sa akin. Tumango naman ako. "Thanks for having me po." Nakangiti kong sagot. Tumawa naman si Lynette at nakangiti sina Quin at Eli. "Pleasure to have you join us for lunch, iha. Are you alone?" kuryusong tanong nito habang nakasandal sa upuan at naghihintay ng pagkain.

I smiled and nodded. "Yes po. I am on leave from work kaya po ako nandito." Maya maya ay inihatid na ang inorder nilang pagkain. Inilapag isa isa ng waiter ang mga pagkain at nagpsalamat kami.

Nakangiti ang ginang sa akin. "Oo, tama yan, iha. Once in awhile, you need to relax from work. Yan din ang palaging sinasabi ko sa dalawang ito. Napaka-workaholic. Lalo pa ngayon na umaangat na ang kompanyang itinayo ni Eli dito." Pailing iling na kwento ni Lynette.

"Have you heard about 9193 Interiors?" tanong ni Lynette sa akin. Napaisip ako sa sinabi nito at medyo pamilyar nga ang pangalan, it came into my mind na may pinakita pala sa akin si Cece dati na gusto niya for their house at iyon ay from 9193 Interiors. "Yes po, a friend of mine showed me some of their works kasi balak po nila na kunin ang 9193 Interiors para sa bahay nila." Nakangiti kong sagot.

Lynette looked at Eli at nakangisi si Quin. "It's mine actually." Medyo nahihiyang pag-amin ni Eli. Nanlaki ang mga mata ko sa rebelasyon nito. "Really? Wow, Eli. Congratulations." Natutuwa kong sabi. "Well, Ky, your friend has a good taste. Kuya Eli worked hard for that company at kahit kakaisang taon pa lang nito, marami na rin siyang naging clients." Pagpupuri ni Quin sa pinsan.

Sumenyas si Eli kay Quin na tumigil na ngunit nakangiti ito. "Don't be shy, Kuya. Totoo naman lahat eh. Tsaka if itutuloy talaga ng friend nitong si Ky na 9193 Interiors ang kukunin nila, dagdag pa yun sa portfolio mo." She winked at me. Tumango naman ako at tumawa. "Well, you can tell your friend, we'll give her a friendly discount kapag kami ang kukunina nila. Right, Kuya?" hinarap niya si Eli at agad naman na tumango ito. "Oo naman. Just let us know, Ky and we will be happy to assist you. I'll give you my calling card later."

Nakangiti ako at tumango. "Thanks. I am sure matutuwa iyon."

"That's enough talk about work na and let's eat. We're on a vacation!" natatawang komento ni Lynette. We all laughed with her and started eating. Lynette was talking about the beauty of New Zealand and how Eli built his company. Nang matapos kami ay nauna na sila Quin at Lynette sa kanilang villa habang naiwan naman kami ni Eli.

Naglakad lakad kami sa gilid ng dagat kasabay ang medyo malamig na simoy ng hangin at ang agos ng tubig. "Sorry for what happened before." Basag ni Eli ng katahimikan na pumagitna sa amin. I looked at him with a confused face. He smiled and continued. "You know, that night, at the party. I didn't mean any harm back then. I was a bit of a jerk back then. I was really into parties and spending time with girls." Sabay kamot sa kanyang ulo.

Natawa ako. "Ah. Wala naman yun. Tsaka I enjoyed the party naman." Sagot ko habang patuloy kami sa paglalakad. "Your boyfriend wanted to punch me back then." Napailing siya. Nanlaki ang mga mata ko at natigil ako sa paglalakad. "Remember, uhm, Ryu? He got angry when I tried to you know.. kiss you." Napalunok ako sa sinabi niya. "Hindi ko naman siya boyfriend. And let's forget what happened before. We were young back then." Nakangiti kong sabi at nagpatuloy muli kami sa paglalakad.

He chuckled. "You're right. Let's forget about it then." Tumango ako at nagpatuloy kami sa paglalakad.