Gabi na nang dumating ako sa aking condo. Agad akong naligo para makapagpahina. Sa sobrang pagod, nakatulog ako sa aking kama nang hindi pa nakapagdinner. Nagising na lang ako nang magring ang telepono. Bumangon ako para kunin ang cellphone sa aking bag at para sagutin iyon. "Hello?" paos kong boses.
Nagising ako nang tuluyan nang mabosesan ko ang nasa kabilang linya.
"I am outside. Can you open the door for me?" si Ryu sa malambing na boses. Agad akong tumayo at nagtungo sa pinto ng condo para pagbuksan si Ryu. His eyes are full of worry at nang makita ako ay umaliwalas ang mukha nito at niyakap akong bigla.
Pumasok kami sa loob while he was holding my hand and locked the door. Nakasunod ako sa likod niya habang patungo siya sa living area kung nasaan ang sofa para umupo. He sat on the sofa and pulled me to him. Nagpatianod ako sa kanya dahilan nang pagbagsak ko sa kanyang kandungan.
He snaked his arms on my waist and rest his head on my shoulder. "I miss you." He whispered. Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya. "Kanina pa ako tumatawag sayo, I thought you weren't home but the guard downstairs confirmed na nakauwi ka na. I was worried kung anon a nangyari sayo." Hinarap niya ako, punong puno ng pag-aalala ang boses.
Ngumiti ako at umiling, pilit na hindi pinapahalata na naubos ang lakas ko sa araw na ito. "I'm sorry, I fell asleep right after I showered. I guess I was just tired." Tumango naman siya at hinalikan ako sa pisngi. "Have you eaten?" malambing na tanong niya at binalik ang ulo sa aking balikat.
Umiling ako. "Uhm, hindi pa." Inangat niyang muli ang ulo niya at ngumuso sa akin. "You better eat, woman." The authority in his voice is evident. Tumawa ako sa mukha niya at tumango. "I'll just order and have the food delivered here. Wala na akong stocks diyan eh. You want something to eat?" tanong ko at kumawala sa pagkakayakap niya para tumungo sa kusina para kunin ang numero ng isang restaurant na palagi kong inoorderan.
Ngumuso siya habang sinusundan ako ng tingin niya. "Anything will do." Sagot niya. Tumango ako at tumawag na sa restaurant para mag order ng pagkain namin.
Hindi pa umabot ng twenty minutes at dumating na ang inorder ko. We both ate together sa dining area ng condo. "I'm sorry I wasn't able to call you today, I was busy. Marami kasi akong naiwan na pending." Pagdadahilan ko sa kanya. He looked at me with hooded eyes but managed to smile after a couple of seconds. "It's okay, naipit din naman ako sa kaliwa't kanan na mga meetings." Sagot nito.
We continued eating at nang matapos kami ay niligpit na naming pareho ang pinagkainan.
Nakatitig ako kay Ryu habang nakaupo siya sa harap ko. How can he be so sure of me samantalang ako ay punong puno nang pagdadalawang isip sa mga nangyayari? I want him, but I want the best for him too. I can't let him choose me kung ang kapalit ay ang pagkawala ng lahat lahat na para sa kanya.
Tatlong linggo. Yun ang binigay na palugit sa akin ni Mrs. Valencia para makapagdesisyon sa kinabukasan ng kompanya at ni Ryu. It's not that I am scared of Mrs. Valencia, kundi takot akong mawala ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya ko at ng pamilya ni Ryu kung pipiliin ko ang sariling kasiyahan.
Sa sobrang pagmamahal ko kay Ryu, handa akong mawala sa buhay niya huwag lang mawala ang lahat ng dapat na para sa kanya.
"You okay, baby?" si Ryu nang makitang tulala akong nakatitig sa kanya. I smiled at him to assure him na okay lang ako. Ayokong dumagdag sa mga problema kaya gagawin ko ang lahat para hindi niya malaman ang bigat na nasa dibdib ko. He deserves peace of mind. "O-oo naman. Pagod lang ako."
Tumango siya at tumayo sa kinauupuan para lumapit sa akin. He pulled me para makatayo na rin at niyakap nang mahigpit. "Let's get you to bed." Ngumuso ako at hinarap siya na magkasalubong ang aking kilay. He chuckled. "Relax, I just want you to rest."
Tumango ako at hinila niiya ako patungong kwarto. My body feels weak and all my energy drained from what happened today. I climbed on my bed and positioned myself to lay down. Maya maya ay naramdaman ko ang pag-uga ng kama at naramdaman ang mahigpit na yakap ni Ryu sa akin. Hinaplos ko ang brasong nakayakap sa aking baywang. "Just sleep, Ky. You seemed stress. Did anyting happen?" he asked.
I froze at his question. Ayokong malaman niya ang nangyari ngayon, ayokong magkaroon siya ng ideya sa pinagsasabi ni Mrs. Valencia sa akin. "Hmm, wala naman, Ryu. I guess sobrang pagod lang gawa rin ng byahe natin kahapon at maaga akong nagising kanina." Pagdadahilan ko kay Ryu.
Naramdaman ko na mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at tumango ito. He placed his chin on my shoulders, his breathing touched my skin. "You know I love you, right?" he whispered. Napalunok ako sa tanong niya at marahang tumango. "Good, now, go to sleep." Baritonong sabi nito.
Nilingon ko siya habang yakap yakap pa rin niya ako. "At ikaw?" seryuso kong tanong. Nakapikit na ang mga mata niya at ngumiti. "I'll sleep too." Hinarap ko siya habang nakapalupot pa rin ang kamay niya sa baywang ko. "What? How about your clothes? And we have work tomorrow, Ryu." Tumango siya at ikinulong ako sa mga braso niya. "I have extra clothes in my car. Can we just go to sleep? I'm tired too." Malambing niyang sabi.
Hinila niya ako lalo para mapahigpit pa ang yakap. I sighed in defeat at tumango na lamang sa sinabi niya. My eyes are getting heavier as sleepiness slowly consumed me.
Nagising ako bandang alas tres ng madaling araw. Ryu was standing near my room's window, his cellphone on his left ear. "Yes po, Ma. Will do, mag-ingat kayo diyan. See you soon. Love you too." Pinatay na niya ang tawag at saktong lumingon siya sa akin. Agad siyang lumapit para mahiga muli. "Sorry, did I wake you?" tanong niya sa mahinang boses.
Umiling ako at kinamot ang mga mata para maimulat ito at matitigan siya ng maayos. "Hindi naman. Who was that?" tanong ko. Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi. "Sila Mama. Nangangamusta lang." Tumango akong muli at umayos sa pagkakahiga.
Hinila ni Ryu ang kumot at ipinuwesto iyon sa aking katawan. "Go back to sleep." he whispered. Tumalikod ako sa kanya at niyakap ang unan. "Are they okay?" I whispered while I drift back to sleep. "Yes, they're okay. Don't worry. Now, rest." He said in a soft voice as he snaked his arms around my waist. I nodded. "Okay."
Kinaumagahan, bandang alas syete ng umaga ay ginising ako ni Ryu. "Baby, wake up now." Ryu's soft voice on my ears as he kissed me. I stretched my arms bago ko siya hinarap. "Good morning." Bati ni Ryu sa akin na nakangiti. I smiled and nodded. "Good morning."
Siguro ay kakaligo lang niya dahil basa pa ang buhok niya at wala pa siyang pang-itaas na damit. I looked away when I saw his bare chest causing him to let out a soft chuckle. "M-maliligo na ako." Nauutal kong sabi habang nagsisimulang bumaba ng kama. Dumiretso ako sa banyo para makaligo at makaiwas sa mapanuksong mukha niya.
Ryu wasn't in my room anymore nang lumabas na ako ng banyo, malamang nasa labas na siya at doon maghihintay. Nagbihis na ako suot ang square neck, puffed sleeves cropped top at high waisted jeans. Isinuot ko rin ang aking high heeled pumps at kinuha ang shoulder bag sa aking closet at lumabas na ng kwarto. Ryu was sitting on the high chair malapit sa kitchen counter top with the coffee mugs ready.
Tinitigan ako ni Ryu mula ulo hanggang paa and a malicious smile formed on his lips. Naglakad ako papalapit sa kanya para tabihan sa pag-upo nang bigla niya akong hinila dahilan nang pagkaupo ko sa kandungan niya. "I don't mind being late today, do you?" he teased. Natawa ako sa ginagawa ni Ryu at pinilit na umalis sa pagkakakandong sa kanya but his grip on me was tight. "Stop it, Ryu. I don't want to be late today." Natatawa kong sabi.
Ngumuso siya at binitawan ako kaya mabilis akong umupo sa isang high chair na katabi nito. He is acting like he is mad at me but a twitch in his lips is evident. Instead, I reached for his face and softly brushed a kiss on his lips causing him to grin more. "That's better. Coffee?" he asked as he smiled at me. Tumango ako at binuhos niya ang kape sa tasang nasa harap ko.
I am bombarded with too many workloads for today, idagdag pa ang meeting namin sa site ni Calvin mamayang hapon. Buti na lang at hindi natuloy ang weekly meeting ko with Ryu kasi kung natuloy pa, tambak na talaga ako. Ryu has meetings with the clients too, sa sobrang busy naming dalawa, hindi na kami nagsabay ng lunch.
Alas dos ng hapon ang meeting namin sa site ni Calvin kasama ang isang client namin. Buti na lang at katuwang ko si Calvin sa project na ito at naging okay naman ang takbo ng meeting. Nang matapos ang meeting, agad naman kaming bumalik ng opisina para tapusin ang mga naiwang trabaho. Lahat ata busy ngayon since patapos na ang buwan, lahat ng mga reports ay kailangan maipasa na sa mg clients at lahat ng scheduled maintenance and installations ay dapat matapos na.
Nag-aayos na ako ng mga gamit at naghahanda para sa uwian. Hihintayin ko si Ryu since nasa meeting pa daw siya. Hindi ko dala ang kotse ko since magkasabay kami kaninang umaga kaya habang naghihintay, ipagpapatuloy ko muna ang pagrereview ng ibang dokumento habang wala pa siya. Naayos ko na ang gamit ko at bumalik sa dokumento na nasa harapan ko nang biglang magring ang telepono ko. It was Cece, agad kong sinagot ang tawag. "Hi Cece."
"Turn on the news now, Ky." Seyusong utos niya.
Napailing ako at napangiti sa sinabi ni Cece. "Nasa opisina pa ako, Cece." Sagot ko.
"Turn on the news from your computer then. Bilis!" sagot niya. Agad naman akong nagbukas ng browser sa kompyuter at pumunta sa live streaming ng isang news website. I stayed in the line with Cece habang nakatutok sa balita. Namilog ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa monitor ko.
"Salamat naman at pinaunlakan mo na makapanayam ka namin, Tita Leanna." Tanong ng reporter sa Ginang. Ngumiti ito at tumango tango. "Oo naman, Diana. What better way to be interviewed other than you, di ba?"
Tumawa ang babaeng reporter at si Mrs. Valencia. Nagpatuloy ako sa panonood at inilagay sa loudspeaker ang tawag para hindi mangalay ang aking kamay sa kakahawak nito.
Isang interview kay Mrs. Valencia ang gagawin at hindi ko alam kung tungkol saan. "Salamat naman po, Tita. Makakasama rin po natin si Miss Julianna maya maya." sabi ni Diana. "Walang anuman, Diana. Julianna is so overwhelmed when you invited us for an interview. Paasensiya na at nalate siya." Humagikgik ang Ginang at ang reporter.
My eyes grew wide nang marinig ko ang tungkol sa kasal. "The nerve of these people. Saan si Ryu? Mananatili lang ba siyang tahimik dito?" si Cece sa kabilang linya. Nagbuntong hininga ako . "I believe nasa meeting pa siya with the clients." Tanging naisagot ko.
Ngumiti ang reporter sa camera at ganoon din si Mrs. Valencia. "Nako, okay lang po, Tita. It is with great pleasure to have you here. Pero sayang lang din Tita at wala si Engr. Ryu para sa panayam na ito." Medyo matamlay na pagkakasabi ni Diana. Pumapalakpak na pagkasabi ng reporter. Napalunok ako, unable to process everything I heard.
Naririnig ko ang panggagaliiti ni Cece sa kabilang linya. "I'll call you back later, Cece." Hindi ko na hinintay na makasagot siya at pinatay ko na ang tawag. Alam kong naiintindihan niya ako kaya hahayaan niya ako.
Maya maya, dumating na si Julianna at umupo sa tabi ng kanyang ina. Agad siyang ini-welcome ni Diana habang nagpapalakpakan ang mga tao sa audience. My eyes focused on the monitor ahead of me.