Chapter 33 - Chapter 31

Ngumiti ang reporter kay Julianna. "It's really good to have you here, Ianna." Ani Diana. Julianna is wearing a white slacks paired with a white tube cropped top with a matching dirty white coat. Nakalugay ang mahabang buhok niya at nakafull faced make up siya. She looks stunning. "Thank you, Diana. Sorry I was late." Nakangiting pagpapaumanhin niya sa reporter.

"No problem at all. Masaya kami na pinaunlakan mo kami na mainterview ka rito sa aming show. So, moving forward, when is the wedding? I am sure magiging wedding of the century yung kasal niyo ni Engr. Ryu Dimitri Navalta." Natutuwang tanong nito kay Julianna.

Napatakip ng bibig si Julianna at namumula ang mga pisngi. "Well, Ryu and I are getting married three weeks from now." Kinikilig na sagot ni Julianna. The reporter giggled before proceeding to the next question. "Oh my God, malapit na! May I ask kung sino ang magiging wedding planner ninyo?" si Diana.

Nakangiting nagkatitigan ang mag-ina. "Well, we are trying to contact Esteban Macario to be our wedding planner. We all know naman na he is the best wedding planner in the Philippines. We hope na pumayag siya. Nasa Italy kasi ata siya ngayon for a wedding din kaya sana by this week, makakuha na kami ng sagot sa kanya." Sagot ni Julianna. Tumango tango si Diana sa sagot ni Julianna.

I stayed focused on the interview kahit na mabigat sa pakiramdam. I just can't stop myself from watching it. Maraming mga katanungan ang namumuo sa aking isipan. Nagpatuloy ako sa panonood at pakikinig habang nakapangalumbaba ako.

"Oo nga, Mr. Esteban is the best talaga pagdating sa mga weddings. Siya rin ata yung kinuha ni Sunshine Ramirez, yung sikat na aktres para maging wedding planner and super ganda talaga ng kasal na iyon. So, I'm sure, yours will be too. So, Ianna, a lot of people wanted to know, how did Ryu popped the question?" nakangisi nitong tanong.

Lalong namula si Julianna sa kilig. "Well, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, Ryu and I were arranged by our parents years ago. This is not your typical lovestory, but I must admit, after all these years, I can confidently say that both of us fell in love." Naririnig ang paghiyaw ng mga audience sa sagot ni Julianna.

Julianna giggled at the cheers of everyone. "We were introduced with each other bago pa siya gumraduate. Aaminin ko, na love at first sight ako sa fiancé ko. Never akong nakaramdam ng ganon kahit na nasa Australia pa ako. I had boyfriends, but none of them made me feel the way Ryu has. Ryu is just perfect for me. Wala na akong hihingin pa kundi ang makasama siya habang buhay." 

Nagpapatuloy siya sa pagkuwento habang patuloy naman na pumapalakpak ang entablado sa kanya. "Nang sinabi sa amin na we will get married in the future, my heart skipped a beat. At hindi nagtagal, the arranged engagement slowly developed into real feelings. Ryu didn't give me a ring though, kasi baka nagtataka kayo kung bakit wala akong singsing na suot, he gave me this instead." Sabay hawak sa kanyang leeg at inilabas ang isang kuwintas na nakangisi.

Nanlaki ang mga mata ko nang magclose up ang camera sa hawak hawak na kuwintas ni Julianna at nagfocus sa pendant nito. Kinapa ko ang aking kuwintas at nakitang parehong pendant ang naroon. Nanlamig ang mga kamay ko. Bakit magkapareho kami? Biglang sumakit ang ulo ko sa naririnig at nakikita ko.

Napanganga si Diana nang makita ang kuwintas. "Wow, ang ganda. It suits you well, Ianna." She uttered with amusement. Tumango si Julianna. "Isa ito sa pinanghahawakan ko sa relasyon namin ni Ryu. And I can't wait for us to get married in three weeks time."

"Tsaka gustong gusto ko nang magkaapo, Ianna." Natatawang sabi ni Leanna. The audience laughed along with Leanna and Dianna. Lalong namula sa hiya si Julianna. "So, saan naman gaganapin ang wedding niyo, Ianna?" tanong muli ni Diana.

"Uhm, I have always wanted to get married in Amanpulo. Ididiscuss pa namin ni Ryu ang tungkol dito. I hope he agrees." She said smiling. "Hay nako, of course papayag si Ryu sa ganyan. Lalo na at alam niya na gusto mo iyon." Si Leanna. Tumango tango si Diana sa sagot ng mag-ina.

Nakatingin si Diana sa hawak hawak na card bago nagpatuloy sa pagtanong sa mag-ina. "Wow, Amanpulo. Wedding of the century na talaga ito. Ianna, you have been engaged for 4 or 5 years already?"

"Five years." Sagot ni Julianna. Tumango nang nakangiti si Diana. "Okay, ano naman ang masasabi mo sa mga nagsasabing hindi magwowork ang arranged marriage especially for you and Engr. Ryu lalo na daw at malapit sa babae ang fiancé mo? I hope you won't get offended but I need to ask." seryusong tanong ni Diana.

Ngumiti si Julianna at hinawi ang buhok sa likod ng kanyang tenga. "I am not offended naman. I guess, I believe in our relationship. If it didn't work out for others, hindi naman ibig sabihin na hindi rin ito magwowork sa amin ni Ryu. We are both in love with each other and we believe na our love can always surpass every struggles and judgy remarks from other people. I mean, they don't know anything about us so bakit naman magiging importante ang magiging komento nila about us, di ba?"

Nagpalakpakan ang mga audience at ganoon din si Diana. "Ryu will always be the man of my dreams. Unti unti nang natutupad ang pangarap kong iyon at ikakasal na kami. Masaya ako sa takbo ng relasyon namin. Kaya after all these years, ngayon lang kami pumayag na magpainterview. Kaya sana sa lahat ng mga taong pilit na sinisira ang relasyon namin ni Ryu, I hope you stop and move on with your lives. We are getting married so sana maging masaya na lang kayo." Dugtong pa ni Julianna.

Pumalakpak muli ang audience at nakangiti ang mag-ina. "Nakakatuwa naman ang pagiging matapang mo, Ianna. Another question, ilang anak ang pinaplano niyo ni Engr. Ryu?" Diana giggled at her question. Mahinang tinapik ni Julianna si Diana bago sumagot. "Nakakahiya, Diana. But I want Ryu and I to have two kids." Julianna giggled. "Iha, dapat sa lalong madaling panahon, magkaanak na kayo ni Ryu ha. I can't wait to spoil my grandchildren." Komento naman ni Leanna.

Hindi ko na maiproseso ang mga pinagsasabi ng mag-ina sa interview nila kaya pinatay ko na ang aking kompyuter at tumayo sa kinauupuan ko. Nagmadali akong lumabas ng aking opisina. Tinawag pa ako ni Nisha ngunit mabilis akong tumungo ng elevator at pinindot ito para makababa na ng building.

Walang pag-aalinlangan na tumawag ako ng taxi at dumiretso sa condo. Pagdating ng condo ay dumiretso ako sa aking kwarto at nilabas ang isang maleta. I needed to get away from everyone and everything. Di ko na alam ano ang lugar ko dito kaya mas mabuti pang lumayo ako at magpalipas ng oras sa ibang lugar.

Nang matapos akong magligpit ay dumiretso ako sa basement kung saan ako nakapark. Dala dala ang maletang pinaglagyan ng konting gamit, ipinasok koi yon sa aking kotse at nagsimulang magmaneho papalayo.

Halos dalawang oras ang binyahe ko gawa nang traffic sa daan. Nang dumating ako sa aking destinasyon, mabuti na lang at hindi masyadong maraming tao. Bitbit ko ang maleta papuntang reception at isang may katandaan na babae ang bumati sa akin.

"Good evening, Maam. Welcome to The Cove. How may I help you?" tanong nito sa akin. Ngumiti ako sa babae. "Do you have any available rooms? I would like to book for a two week stay."

Tumango ang receptionist at nagsimulang magkalikot sa kanyang kompyuter. "May I take your name please, Maam?" sagot ng receptionist. "Katherine Ysabel Puertollano po." Tipid kong sagot.  Tumango ang babae at nagtipa sa kanyang kompyuter. "Yes, Maam. We have an available villa at Medieval Lane. Also, may isang one bedroom suite rin kaming available sa Modern Lane. Which one would you like to book for your stay, Maam?" nakangiting tanong niya sa akin.

Obviously, hindi ako magbobook sa Villa kung saan kami galing ni Ryu, it would be torture for myself. "I'll take the one at Modern Lane please." Tumango muli ang receptionist at ibinalik ang atensyon sa kompyuter.

My phone rang habang naghihintay akong maikompirma ang booking galing sa receptionist. It was Jigs. Hindi ko magawang ibalewala ang tawag kaya sinagot ko iyon. "Hi Jigs." Matamlay kong pagsagot ng tawag.

"Where are you? I watched the news. Damn, those people. Are you alright?" puno ng pag-aalala ang boses. Tumango ako kahit na hindi niya ako nakikita. Nilalabanan ko ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata. "Yup, I am okay. Wag kang mag-alala." Pilit akong ngumiti.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Jigs sa kabilang linya. "Where are you? Tumawag sa akin si Kuya. Hinahanap ka niya sa akin at nagbakasalaking alam ko kung nasaan ka. Please tell me you're safe wherever you are right now."

"Don't worry, Jigs. Okay ako, I just need some.. fresh air to clear my mind. I'll talk to you again soon. Thanks for calling. Bye." Agad kong pinutol ang linya dahil tinawag ng receptionist ang atensyon ko.

Inabot niya sa akin ang isang keycard. "Maam Katherine, your booking is confirmed. You will be staying at suite number 1201 for two weeks. I hope you enjoy your stay. If there's anything you need, a phone is available inside the suite with the directory. Thank you for choosing The Cove, Maam Katherine." Nakangiting sabi nito sa akin.

Tumango ako at kinuha ang keycard at dumiretso na sa daanan papuntang Modern Lane. Unlike the villas at Medieval Lane, mas malapit sa reception area ang Modern Lane at di na kinailangan pang maglakad ng malayo. Konting minute lang ay nakarating na ako sa suite na ibinook ko. Inilagay ko ang keycard sa may pintuan at bumukas ito. Agad akong pumasok at ipinuwesto ang aking maleta sa loob.

Kinuha kong muli ang aking cellphone at nakita ang maraming missed calls galing kay Ryu at Cece. I ignored them at binuksan ang email application ko. I emailed Calvin na nakaemergency leave ako at kung pupuwede siya na muna ang magcover ng mga trabaho ko habang wala ako at emergency lang. Copying Nisha para mainform din sila na I will be on leave for two weeks from tomorrow. Agad kong sinend ang email at maya maya ay nagreply naman agad si Calvin at buti na lang ay pumayag ito.

My phone's notifications are non stop. Napakaraming messages galing kay Ryu, kay Cece, kay Jigs pero nagdesisyon akong patayin na lang muna ang aking cellphone at gusto kong magpahinga. Nandito ako para makapagpahinga at para maalis lahat sa isip ko ang mga nangyari.

Just when I thought na magiging okay ang lahat, mas naging malala pala. Hindi ko alam anong ginawa ko sa mundong ito para mangyrai ang ganito ng dalawang beses. Am I being played again? Talaga bang wala na akong karapatan na sumaya? I shook my head and decided to shower.

I changed into my sleeping clothes and went out at the terrace. The suite may not be as big as the villa we stayed at before but this suits me. Komportable ako at paglabas ko sa balkonahe ay kitang kita ko ang buwan at ang kumikinang na mga bituin. Dinig na dinig ako ang agos ng tubig mula sa dagat. Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ang malamig na hangin na dumapo sa akin.

The cold breeze from the beach comforted my warm heart somehow. This is what I need right now, peace and calm. Tama nga na umalis muna ako ng Manila at pumunta rito para makapag-isip isip.

Naisip ko na ilabas ang mga damit ko at ilagay sa cabinet na nasa loob ng kwarto. I might extend my stay after two weeks. I started to hang some of my clothes. Nagdala rin ako ng mga bikini para kapag maligo ako sa dagat, may susuotin ako. Nang matapos ako sa paglagay ng mga damit sa cabinet, itinabi ko naman ang aking maleta.

Naupo ako sa vanity table na nasa loob din ng kwarto at nagsimulang magsuklay ng aking mahabang buhok. Pinapatuyo ko muna ang aking buhok bago ako hihiga ng kama para hindi mabasa ang mga unan ko.

Agad akong humiga ng kama nang matuyo na ang buhok ko. My eyes feel heavy kaya naman nang mahiga ako ay agad naman akong nakatulog.