Chapter 24 - Chapter 22

It was early in the morning when I woke up. I checked my phone to see what time is at alas otso na ng umaga. Nag-unat ako ng kamay bago bumangon at dumiretso sa aking banyo para makapaghilamos.

I went out of my room para makababa na ng dining area. Isnag ngiti ang sumalubong sa akin galing sa aking mga magulang na kumakain na ng umagahan. "Anak, maupo ka na rito at para makapagbreakfast ka na." si Daddy.

Inaayos ni Criselda ang pwesto ko para makakain na rin ako. Inilapag niya ang plato at baso at nilagyan ng pineapple juice.

Tumango ako at ngumiti. Dumiretso ako sa aking pwesto at umupo. On the table ay nakaserve ang fried rice, bacon, eggs, hotdog, and juice. "Iha, your dress will be delivered at noon time today. 7pm pa na man ang party ni Ryu, so you will have the time to prepare. Your dad and I will just have to go to the office this morning to finish up with some things. Uuwi rin kami by lunch time as we already blocked this afternoon's schedule para makicelebrate with The Navaltas." Si Mommy. Tumango ko habang kumain.

"Oh, I heard The Navaltas will have an announcement tonight about Ryu. May idea ka ba tungkol doon anak?" ani Daddy. Umiling ako at uminom ng juice bago sumagot, "Uhm, wala po Dad. Wala naman pong naibanggit si Ryu sa akin."

Mom and Dad shrugged it off and continued eating breakfast. "I am sure na magugustuhan moa ng damit mo mamaya, anak." Si mommy na punong puno ng excitement ang boses.

Ngumiti ako kay Mommy at tumango. "Excited na nga po ako para mamaya eh. Medyo matagal na rin po yung huling party natin." Nagpatuloy ako sa pagkain habang patuloy naman na nakikipagkwentuhan sa aking mga magulang.

Minsan ko lang sila nakakasama dahil sa pagiging busy nila masyado sa trabaho at ako naman sap ag-aaral. Since I live separately from them on the weekdays, mas lalong hindi kami palaging nagkikita kita. Pero naiintindihan ko naman kung bakit ganito at never naman nagkulang sila Mommy and Daddy sa akin.

I know that they are doing everything for me and for my future.

Nauna na silang tumayo sa hapagkainan at nagpaalam na para pumasok. "Anak, pasensya ka na. Mauna na kami ng Mommy mo at may meeting pa kami." Si Daddy at hinalikan ako sa ulo.

Ganoon din si Mommy, she reached for my cheeks and kissed me at nagpaalam na rin. "Sige po, Mom, Dad. It's okay. See you later po. Wag po kayo masyadong magpakapagod." Sagot ko sa mga magulang ko.

They smiled at me bago tuluyang umalis ng bahay. Naiwan ako sa upuan ko habang ninanamnam ang breakfast.

"Maam Ky, gusto niyo pa po ng juice?" tanong ni Criselda nang makitang wala ng laman ang baso ko. Tumango ako. "Sige po. Padagdag ako." Nakangiti kong sagot. Binuhosan naman ni Criselda ang baso ko ng juice at pinuno ito.

Nagpatuloy ako sa pagkain at nang makatapos ay agad namang iniligpit ni Criselda ang kinainan. Nang matapos ay tumungo ako sa sala at umupo. Kinuha ko ang aking cellphone at nakita ang isang mensahe galing kay Cece.

Cece: Ky, I'll go to Shang diretly with Leo later. See you there.

I instantly replied to her.

Ako: Okay, see you later.

Pinaandar ko ang telebisyon sa sala para makapanood saglit since wala pa naman akong magawa dahil maaga pa at weekend naman. Nabaling muli ang atenyon ko sa cellphone na nasa tabi ko nang magring ito. Dinampot koi to at tiningnan kung sino ang tumatawag, napangiti ako nang makita kung sino ito. Si Ryu. I instantly clicked the answer button.

"Ryu. What? Outside? Now? Okay wait lang." Binaba ko ang tawag at nagtungo palabas ng pinto at dumiretso sa gate. Ryu was outside, still in his car. Lumabas ako nang tuluyan sa gate at pinapasok niya ako sa kotse niya. He kissed my cheek and smiled.

"Good morning." Si Ryu. I smiled when he kissed me. "Anong ginagawa mo rito? Dapat ay naghahanda ka for your party later."

He chuckled. "I can't wait to see you." I rolled my eyes at him. Isang mahinang tawa ang muli niyang pinakawalan bago magsalita. "Nandito ako to give you something. I am headed to the tailor to pick up my suit and to do some adjustments. Dumaan lang ako to see you and to give you this." He said while reaching for his pocket and pulled out a small box.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang maliit na kahon sa kanyang kamay. Napanganga ako nang binuksan niya iyon, isang kumikinang na silver na kuwintas ang sumalubong sa mga mata ko. "Ryu, you didn't have to." Bigla kong sambit sa kanya.

He smiled, kinuha niya ang kuwintas sa kahon at pinatalikod ako sa kanya para maisuot niya ito sa akin. Nang maisuot na niya, hinarap niya ako at hinalikan sa labi. His kiss is full of words na para bang marami siyang gusting sabihin ngunit hindi niya magawa sa mga oras na ito.

I kissed him back and smiled. Kinapa ko ang pendant when he reached for my hands and kissed it. The pendant is a compass na merong amethyst stone sa gitna, my birthstone.

"It's not much but I hope you like it." Malambing niyang sabi. Di ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi at bigla ko na lang siyang niyakap. "Thank you. I appreciate it, Ryu." I saw a smile curved on his lips while he is looking at me with soft eyes.  "Uhm, I have something to tell you, tonight." Sabi ko na nakangiti.

Nakatitig siya sa akin, ang kinaibahan lang sa ngayon ay punong puno ng tuwa ang kanyang mga mata. Naging mas malapad ang mga ngiti niya habang nakahwak sa kamay ko at hinahaplos ito. Tumango siya sa akin. "I can't wait."

Napailing ako sa amusement na ekspresyon na nakaukit sa kanyang mukha. I smiled and let go of his hand. "Oh, sige na, go to the tailor and get ready, Ryu." Papalabas na sana ako ng kotse niya when he pulled me for another hug and one last kiss. It feels genuine, pure, honest, full of love. Tinugunan ko ang halik niya. We kissed with so much passion burning between us.

Tumawa ako, "Now, go. Bye, see you later." Lumabas na ako ng sasakyan niya and he waved to say goodbye. Umalis na siya at pumasok na ako ng gate.

It was around 12:15pm when my dress was delivered at our house. Dala dala ito ni Madam Klarissa kasama ang dalawang bakla na nagtratrabaho sa kanyang boutique. Sikat si Madam Klarissa sa pagdesenyo at paggawa ng gowns.

"Iha, sorry we are a bit late. Natraffic kasi kami." Si Madam Klarissa nang nasa loob na kami ng bahay.

Tumango ako at ngumiti. "Wala pong problema, Madam. Maaga pa naman. Pasensya nap o at wala sila Mommy at Daddy dito. May inasikaso pa kasi sila." Paghihingi ko ng paumanhin.

"Hay nako, ano ka ba? Wala iyon. Nagkausap na kami ng Mommy mo." She said. "Britney, Jada, akin na yung gown ni Miss Katherine." Tawag niya sa dalawang kasamahan. Agad naman dinala ng dalawa sa harap ko ang gown at binuksan ang zipper nito. Isa siyang hotfix back maxi nude dress, with side pockets. I loved it.

"Do you like it, iha?" tanong ni Madam Klarissa nang nakangiti. Tumango ako. "Opo, Madam. Sobrang ganda niya." Namamangha kong sagot. Pumalakpak si Madam Klarissa sa sagot ko.

Inabot sa akin ni Britney ang damit. "Ayan po, Miss Katherine. Bagay na bagay yan sayo. Fit na fit yan say." Ngumiti ako kay Britney habang patuloy na tinititigan ang damit.

Lumapit sa akin si Madam Klarissa. "Why don't you try it on, iha? Para if may mga adjustments man, magagawa na natin dito ngayon." Suhestiyon nito. Tumango ako at nagtungo sa aking kwarto para maisukat ang damit.

I tried the gown on and it really is fit for me, talagang ginawa siya para sa katawan ko. I turned in fornt of the mirror habang pinapanood ang sarili ko na suot suot ang gown. Napangiti ako bago tumungo sa labas ng kwarto para bumaba muli kung nasaan sila Madam Klarissa.

Nilingon nila ako sa hagdan habang pababa ako. "Marvelous, marvelous. Napakaganda mo, iha." Si Madam Klarissa. Umiinom na ng juice sila Britney at Jada dahil pinagdalhan sila ni Crisselda. Lumapit ako kay Madam Klarissa at pinaikot niya ako sa harap niya para matingnan ang fit ng gown. "Hmmm." Si Madam Klarissa habang mabusising tinitingnan ang aking damit. "Is the fit okay for you, iha?"

Hinarap ko siya at tumango. "Opo, Madam. Sakto naman po siya. And hindi naman po mahirap gumalaw habang suot ko ang gown." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tinawag niya si Jada at agad naman itong tumayo at lumapit sa amin. "What do you think, Jada?" tanong sa kanya ni Madam Klarissa habang nakatitig silang dalawa sa akin. I awkwardly stand in front of them while their stares are concentrated on me. "Madam, it's perfect. Kulang na lang kay Miss Katherine ay ang magiging hair and make up niya." Ani Jada.

Humagikgik naman sa satispaksyon si Madam Klarissa at pumalakpak. "True naman. So, iha, sino ang gagawa ng hair and make up mo?" tanong ni Madam Klarissa.

I was planning to do my hair and make up today since marunong naman ako. "Ako lang po, Madam." Nakangiti kong sagot sa kanya. Nagkatinginan silang tatlo at sabay sabay na nagumiti sa akin. "Nandito na rin lang kami, we will help you. Free of charge." Si Madam Klarissa.

Nagulat ako sa offer nito at umiling. "Huwag na po, Madam. Masyado ko na kayong naabala ngayong araw. Kaya ko naman po." Pilit kong sabi. Tumawa si Madam Klarissa at lumapit sa akin at inilagay ang kamay niya sa aking braso. "Don't worry, iha. We are free today. Syempre, bilang muse ng aming creation, kailangan pagandahin ka rin naming. Right, girls?" tanong ni Madam Klarissa sa dalawang kasama.

Tumango ang dalawa nang nakangiti sa amin ni Madam Klarissa. "Of course, Miss Katherine. We will be very happy to do your hair and make up." Si Britney.

"Tama po si Madam Klarissa, Miss Katherine. Kami na po ang bahala sa inyo." Si Jada.

Tumango na lamang ako at ngumiti bilang pagsang-ayon dahil hindi naman ako makakatanggi. Nnanaghalian muna kami at pagkatapos ay naligo na ako. Sa kwarto ko sila pinaghanda para sa hair and make up ko.

Britney did my make up habang si Jada naman ang mag-aayos ng buhok ko. Madam Klarissa is just with us at nagkukuwento ng mga bagay bagay habang busy na ang dalawa sa pag-aayos sa akin. Jada did a braided waterfall for my hair and curled the bottom parts of it. Britney put on some light make up, darkening my wing eyeliner and curling my lashes.

Nadatnan kami nila Mommy and Daddy na inaayosan nila Britney at Jada at nakita ko ang tuwa sa mukha ni Mommy. Naiwan kaming tatlo ni Britney at Jada sa aking kwarto habang isinama naman ni Mommy si Madam Klarissa sa baba para makipagkuwentuhan.

I wore the necklace Ryu gave me and took a look at my reflection in the mirror habang patuloy akong inaayosan ng dalawa. "Ang ganda naman ng kuwintas mo, Miss Katherine. Sino nagbigay? Jowa mo?" si Britney na tila kinikilig sa sariling tanong.

Without second thoughts, tumango lang ako upang hindi mapahaba ang usapan. "Your hair is so soft and shiny, Miss Katherine. Kaya hindi mahirap na ayosan ka." Si Jada.

Maya maya ay natapos na kami sa  pag-aayos at kitang kita sa mukha ng dalawa na kontento sila sa kanilang ginawa sa akin. My make up is light pero bumagay lang iyon sa aking damit at buhok. Ngumiti ako sa kanilang dalawa at nagpaalam na magbibihis na ako.

Nasa baba pa sila Madam Klarissa at nagpapaalam na umalis nang saktong pagbaba ko. Pinasalamatan ko sila sa kanilang tulong sa pag-aayos sa akin at walang pag-alinlangan silang ngumiti sa akin. They left right before we were heading out.

Nasa labas na si Daddy at gamit niya ngayon ang aming Land Rover Range Rover Sport. I got to the back seat of the car, habang nasa harap si Mommy nakaupo. I wore my gold ankle strap stilletos to match my nude dress. Hindi masyadong matrapik kaya dire-diretso ang aming byahe.

Nang dumating na kami sa Shangri-La, ibinigay ni Daddy ang susi sa valet at sabay sabay na kaming pumasok. Maraming media ang nandoon, nagtaka naman ako. "Ito na siguro ang announcement tungkol kay Ryu since maraming media eh." Tumango si Mommy kay Daddy.

Sinalubong kami ni Jigs, he was wearing a plain white long sleeve polo, covered with a black coat and black slacks. Nakangiti niyang binati si Mommy at Daddy at tumungo sa akin. He offered his arms at pinalupot ko ang aking kamay sa braso niya, "I am going to tell your Kuya tonight." Bulong ko.