Nakaabang si Cassandra kung sino ang lalabas sa gubat na pinasukan nila. Subalit wala ang kanyang nais na makita. Matagumpay na nakarating sa base sina Winnie at Julius. Samantala magkakasama naman sina Kevin, Martha at Arthur. Nagpahinga sila sandali dahil pakiramdam nila ay naliligaw na silang tatlo.
"Pagod na ako... magpahinga na muna tayo." Ani ni Martha
"Ako din.." tugon ni Arthur
Samantala kumuha si Kevin ng mga tuyong dahon at kahoy upang gumawa ng maliit na apoy. Ito ang handa niya kung sakali mang abutin sila ng gabi.
"Kevin hindi ka ba magpapahinga?" Ani ni Martha
"Sige lang tapusin ko lang ito. Kailangan na din nating maghanap ng masisilungan mukhang nagbabadyang pumatak ang ulan." Tugon ni Kevin
Tumingin ang dalawa sa langit at nakita nila ang madilim na ulap.
Samantala patuloy lamang si Brian sa paglalakad hanggang sa makasalubong niya si Alec.
"Sir Alec..." ani ni Brian
"Ano ka ba! Alec na lang." Tugon ni Alec
"Hehe ginaya ko lang naman tawag nila sayo." Ani ni Brian
"Ayos lang.. may nakita ka pa bang ibang member?" Tugon ni Alec
"Wala pa.. kanina pa ako nagalalakad pero ngayon lang ako nakasalubong." Ani ni Brian
"Sige tara na.. baka bumuhos pa ang ulan wala pa tayong nakikitang pwedeng masilungan." Tugon ni Alec
Naglakad ang dalawa upang makahanap ng masisilungan. Samantala sa lugar ni Clary naman ay nagsisimula ng umulan. Kaya ng makakita siya ng isang kweba kaagad siyang pumasok sa loob upang palipasin ang ulan.
"Safe naman siguro ako dito." Sambit ni Clary sa kanyang sarili
Kumuha si Clary ng mga tuyong kahoy at gumawa siya ng apoy. Isang malakas na kulog naman ang biglan niyang narinig.
"Fuck. Nasaan na kaya ang iba!" Sambit niyang muli sa kanyang sarili
Nagmamadali namang makahanap si Jace ng masisilungan ng bigla itong mahulog sa isang butas.
"Aaaah! Fuck!! Pag minamalas nga naman!"sambit ni Jace sa kanyang sarili
Kinuha niya ang flashlight niya at pagkabukas nito nakita niya ang isang ahas. Natakot siya sa puntong ito, dahan dahan siyang gumalaw upang makasandal ng maayos.
Hinanap niya kaagad ang kanyang patalim, subalit sa kasamaang palad nasa may likurang bahagi ito ng ahas. Humingi si Jace ng malalim at pumwesto kung paano niya ito makukuha.
"Think wise Jace! Kaya mo yan... just relax!" Sambit muli ni Jace sa kanyang sarili
Nang makakuha na siya ng angulo, sinamantala niya ang pagtulog ng ahas, umikot siya sa may likuran ng ahas at nakuha niya ang kanyang dalang patalim.
"Great Job! Jace! Sabi ko naman sayo kaya mo yan" sambit muli ni Jace
Natigilan si Jace ng bigla niyang narinig ang huni ng ahas. Napasigaw na lamang si Jace ng bigla itong matuklaw ng ahas.
"Aaah!!!! Shiiiit!!!" Sigaw ni Jace
Pagbitaw ng ahas sa pagkakakagat sumunod na umagos ay ang kanyang dugo. Nagpanic si Jace matapos siyang makagat ng ahas. Tumayo siya at sinubukang lundagin ang ibabaw ng butas, nang makasampa siya pilit pa rin siyang gumapang upang makaahon ng husto sa butas.
"Come on Jace..." sambit niya sa kanyang sarili
Hinanap ni Jace ang flare gun subalit wala ito sa kanya. Naisip na lamang niya na baka nalaglag ito sa kanya ng siya ay mahulog. Napahampas siya sa lupa sapagkat wala siyang ibang magagawa kung hindi ang piliting makalakad at makahanap ng tulong.
Nang makagawa si Clary ng apoy, may bigla naman siyang narinig na humihingi ng tulong. Pinakinggan niyang maigi at tila pamilyar sa kanya ang tinig na ito.
"Tulong! Tuuuulloooonnng!!" Sigaw ni Jace
Lumabas si Clary upang silipn kung sino ito. Pagkalabas niya laking gulat niya ng makitang naghihinagpis si Jace dahil sa tuklaw ng ahas sa kanyang braso.
"Jace!" Sigaw ni Clary
Tinakbo ni Clary si Jace, kaagad niyang napansin ang duguan braso ni Jace.
"Anong nangyari sayo!" Ani ni Clary
"'Nahulog ako sa butas na may isang ahas. Akala ko makakaalis ako ng ligtas, hindi pala" tugon ni Jace
"Halika sa loob... susubukan ko ang first aid na nabasa ko sa google." Ani ni Clary
"Salamat Clary.."tugon ni Jace
Inakay ni Clary si Jace patungo sa loob ng kweba na natagpuan niya. Ilang sandali pa ay nakarating na sila, iniupo muna niya si Jace at saka siya naglatag. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang inihiga si Jace.
"Relax Jace... magiging ok ang lahat.. heto ang pain reliver may dala ako inumin mo." Ani ni Clary
"Thank you Clary.." tugon ni Jace
Matapos makainum ni Jace ng Gamot, itinagilid niya si Jace para sa kung sakaling kailangan nitong masuka. Inalis din ni Clary ang mga metals sa katawan ni Jace. Pagkatapos gumawa siya ng paraan upang makagawa ng panali at mabigyan ng presyon ang parteng nakagat ng ahas.
Kinuha ni Clary ang kutsilyo niya at tinastas ang laylayan ng kanyang baro. Matapos magapos ng mahigpit, nakatulog si Jace. Lumabas si Clary upang silipin kung umuulan pa.
Nang makita niyang hupa na ang ulan, kinuha niya ang Flare Gun niya at saka ipinutok. Makalipas naman ang ilang minuto dumating na ang rescue para sa kanila. Dahil walang stretcher, inakay nila si Jace.
"Kaya mo ba na maglakad?" Ani ni Clary
"Kakayanin ko.." tugon ni Jace
"Tara na.. para madala ka na kaagad sa pinakamalapit na clinic." Ani ni Clary
"Thank you Clary... niligtas mo ang buhay ko.." tugon ni Jace
"Wala iyon, ginawa ko lang ang nalalaman ko. Basta ikalma mo lang ang sarili mo at magiging ok lang ang lahat." Ani ni Clary
"Sige Clary.. again thank you.. utang ko sayo ang buhay ko." Tugon ni Jace
Nagsimula na silang maglakad, nang makalayo na ng kaunti huminto ang rescue at nag paputok ng tatlong flare gun. Senyales na kailangan ng bumalik ng lahat sa base sapagkat nagkaroon ng emergency.
Nakita naman agad ito ng kapwa rescue kung kaya, tununga na ang ilang mga miyembro na natitira sa gubat. Makalipas naman ang dalawampong minuto nakarating na sina Jace sa bukana ng base nila.
Nakita naman ni Cassandra si Jace kaya dali-dali itong tumakbo.
"Jace! Anong nangyari sayo!" Ani ni Cassandra
Hindi sumagot si Jace. Hilim na hilim ito sa kanyang nararamdaman at sa pagod.
"Mamaya mo na kausapin si Jace, hindi maganda ang lagay niya." Tugon ni Clary
"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Umalis ka nga jan! Siguro napahamak si Jace dahil sayo!" Ani ni Cassandra
Tumaas ang kilay ni Clary.
"Ang talas din naman talaga ng dila mo! Magpasalamat ka na lang at ligtas pa si Jace!" Tugon ni Clary
Hindi nakaimik si Cassandra ng biglang nagsalita si Jace
"Clary....." ani ni Jace
Pagkasambit ng pangalang ito ni Clary, nawalan na ng malay si Jace. Kaagad naman siyang inilagay sa stretcher at saka dinala sa pinakamalapit na pagamutan.