Naiwan ang buong team sa gubat, tanging si Jace lamang ang umalis upang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan. Lumapit naman si Cassandra kay Clary at muli itong kinompronta.
"Clary! Sandali!"ani ni Cassandra
"Bakit? Anong kailangan mo?" Tugon ni Clary
"Ikaw. Bakit ka kasama ni Jace?" Ani ni Cassandra
Nag-init ang ulo ni Clary ng sumabay pang muli ang pagtatanong na ito ni Cassandra.
"Ilang beses ko ba dapat sagutin iyan? At ilang beses mo din bang itatanong yan?" Tugon ni Clary
"Yung tanong ko ang sagutin mo! Bakit kayo magkasama ni Jace!" Ani ni Cassandra
Tumingin si Clary sa ulap at huminga ng malalim.
"Alam mo maganda ka. Kaso ang tanga mong mag-isip. Makinig ka dahil minsan lamang ako magpaliwanag, kung hindi mo kayang intindihin irecord mo at paulit-ulit mong iplay para mas maunawaan mo" tugon ni Clary
Nanginig ang kalamnan ni Cassandra sa sinabing ito ni Clary.
"Gusto mo ba ikwento ko ng buo?" Ani muli ni Clary
Nang akmang magkukwento na si Clary, kaagad na nagsalita si Cassandra.
"Akin lang si Jace!" Tugon ni Cassandra
Napatawa ng malakas si Clary.
"Hahaha! Ok eh di sayo. So makakapagpahinga na ba ako? Mukha atang hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sayo." Tugon ni Clary
Tumalikod si Clary kay Cassandra upang magtungo ito sa kanyang tent. Subalit bigla naman siyang pinigilan ni Cassandra. Hinawakan siya ni Cassandra sa kanyang braso.
"Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap pa kita!" Ani ni Cassandra kasabay ng paghila kay Clary paharap.
PAK! Isang malakas na sampal ang binigay ni Clary.
"Pagod ako! Kaya pwede ba kung gusto mo si Jace. isaksak mo sa kaluluwa mong ligaw!" Galit na sambit ni Clary
Natigilan si Cassandra sa kanyang kinatatayuan. Tumingin sa mga mata ni Cassandra si Clary sabay lingon patalikod at naglakad ito patungo sa kanyang tent.
"Walang hiya ka!" Ani ni Cassandra
Tumalikod sa kanya si Clary at hinabol siya ni Cassandra
"Kinakausap pa kita! Huwag mo akong tatalikuran." Ani ni Cassandra
Humarap si Clary na punong-puno ng pagtitimpi at isang malakas na sampal muli ang ibinigay ni Clary.
"Slaaaap!"
"Ayan! Tinatalikuran pa ba kita? Ano pa ba ang gusto mo! Sinabi ko sayo pagod ako! Pagod ako! Makainitindi ka naman!" Tugon ni Clary
Hinawakan ni Cassandra ang pisngi niya. Sumiklab ang galit ni Cassandra at inatake niya si Clary.
"Alam mo napakayabang mo! Ano ba ang pinagmamalaki mo?" Ani ni Cassandra
Dinuro-duro ni Cassandra si Clary. Maya-maya naman ay natanaw sila ni Alec.
"Si Clary ba iyon?" Sambit ni Alec sa kanyang sarili
Nagpasyang lumapit si Alec upang alamin ang nangyayari.
"Anong nangyayari dito?" Ani ni Alec
Ngumiti si Cassandra kay Alec at nagsalita
"Wala naman, nag-uusap lang kami ni Clary. Diba Clary?" Tugon ni Cassandra
Tumingin naman si Alec kay Clary.
"Nag-uusap? Bakit hindi mo pa derektahin si Alec na nagpapalastikan lang tayo? Sige na Alec magpapahinga na ako." Tugon ni Clary
Napatingin naman si Alec kay Cassandra at ito ay napailing.
"Kayong dalawa talaga, huwag naman kayo dito gumawa ng eksena." Ani ni Alec
"Oh bakit ako. Bakit hindi mo sabihan si Clary?" Tugon ni Cassandra
"Hay nako Cassandra.. kilala ko si Clary sige na magpahinga ka na at baka pagod lang iyan." Ani ni Alec
Hindi na nakaimik pa si Cassandra. Umalis na ito padabog at tinungo ang kanyang tent.
"Ayan nagkamalay ka na.." ani ng nurse
Nagkamalay na si Jace matapos itong malapatan ng paunang lunas sa kagat ng ahas.
"Nurse.. sino ang nagdala sa akin dito. Kasama ko ba si Clary?" Tugon ni Jace
"Ah mga rescue ang nagdala sayo dito. Wala si Clary. Don't worry bukas pwede ka ng bumalik sa kanila, and be happy makikita mo na ulit si Clary." Ani ng nurse
Napangiti naman si Jace sa sinabing ito ng nurse. Tiningnan niya ang kanyang braso at hinawakan ang parteng nakagat ng ahas.
"Ok na ba ako?" Ani ni Jace
"Oo ok ka na. Wala namang kamandag ang nakakagat na ahas sayo. Isa pa malaking tulong din ang nabigyan ka ng first aid." Tugon ng nurse
"Si Clary.. utang ko sa kanya ang buhay ko." Ani ni Jace
"So siya pala si Clary.." tugon ng nurse
Nagtaka si Jace kung bakit ito nasabi ng nurse.
"Bakit nurse? Kilala mo ba si Clary?" Ani ni Jace
Chineck ng nurse ang swero ni Jace at blood pressure at saka sumagot.
"Paano ko ba naman hindi makikilala si Clary, eh siya lamang lagi ang nasasambit mo habang tulog ka."tugon ng nurse
Namula si Jace, hindi niya inakala na may ganitong pangyayari.
"Kaibigan ko si Clary.."ani ni Jace
"Kaibigan? Baka naman girlfriend na nahihiya ka lang sabihin ang totoo. Ano ka ba ok lang yan.." tugon ng nurse
"Magkaibigan lang talaga kami ni Clary." Ani ni Jace
"Sige na... so paano magpahinga ka na para bukas may lakas ka pag nakita mo ang kaibigan mo." Tugon ng nurse
Napapatawa naman ang nurse habang ito ay umaalis sa kwarto ni Jace. Samantala, binisita naman ni Brian si Clary.
"Clary.. tulog ka na?" Ani ni Brian
"Hindi pa... saglit lalabas ako." Tugon ni Clary
Binuksan ni Clary ang kanyang tent
"Hindi ka ba makatulog?" Ani ni Clary
"Hindi naman, gusto ko lang icheck ka.." tugon ni Brian
"Ayan ka na naman Brian... magkaibigan tayo hindi mo naman kailangan gawin iyan." Ani ni Clary
"Alam ko naman na hindi mo ako gusto. Pero andito pa din ako bilang isang kaibigan." Ani ni Brian
Huminga ng malalim si Clary at tumingin kay Brian.
"Thank you Brian.. palagi kang nandito para sa akin. Kahit nabusted na kita, hindi ka pa din nagbabago." Ani ni Clary
"Wala naman dapat magbago. Isa pa mahal kita.. at handa akong maghintay, at handa akong magbakasakaling mababago na ang pagtingin mo sa akin" ani ni Brian
Ngumiti lamang si Clary at inakap niya si Brian ng mahigpit. Nakita sila ni Cassandra, at ngumiti kinuha ang kanyang cellphone at nag video. Samantala nakita din sila ni Alec at inisip na magkasintahan nga talaga sina Clary at Brian.
"Sige na Brian.. tara na matulog, medyo mabigat ang kaganapan ngayong araw na ito." Ani ni Clary
"Sige Clary... magpahinga na tayo" tugon ni Brian
Pumasok na sila sa loob ng kani-kanilang tent at nagpahinga. Tahimik na ang buong paligid at halos lahat ay nagpapahinga na.