Chereads / The Day you love me. I die / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

Dahil sa nangyari, napilitan na si Jace na tapusin na ng mas maaga ang kanilang team building.

"Ok guys. Let's end this team building." Ani ni Jace

Walang sumagot na members sa sinabing ito ni Jace. Bumalik sila sa kanikanilang tent at nagligpit na. Samantala, nauna ng umalis sina Clary at Brian.

"Jace.. Sorry...." ani ni Cassandra

"Padalos dalos ka kasi lagi. Hindi ka muna nag-iisip bago ka sumugod." Tugon ni Jace

"Sorry na please..." ani ni Cassandra

"Ok na... basta wag na lang sana maulit." Tugon ni Jace

Tumango lamang si Cassandra kay Jace. Habang nasa sasakyan naman sina Clary at Brian, kapansin-pansin naman ang pagiging tahimik ni Clary.

"Clary.. are you alright?" Ani ni Brian

Tumingin si Clary kay Brian at ngumiti.

"Im ok Bry.. don't worry pagod lang ako siguro." Tugon ni Clary

Hindi makontento si Brian sa sagot na ito ni Clary.

"Kung hindi ka ok.. sabihin mo lang sa akin at makikinig ako." Ani ni Brian

"Bry... pagod lang talaga ako.." tugon ni Clary

"Kilala kita kapag pagod ka... alam ko din kapag may pinagdadaanan ka." Ani ni Brian

Napabuntong hininga si Clary.

"Bry??? Diba lalaki ka?" Tanong ni Clary

"Oo bakit?" Tugon ni Brian

"Paano mo malalaman na mahal ka ng isang babae?" Ani ni Clary

Napaisip bigla si Brian sa katanungang ito ni Clary.

Inihinto ni Brian ang sasakyan.

"Iba-iba kasi ang mga lalaki, may mga lalaki na madali lang makahula na gusto sila ng mga babae, at may mga lalaki din naman na kahit anong gawin ng babae hindi pa din nila makita na mahal sila nito." Tugon ni Brian

"Bry.. can i ask more question?" Ani ni Clary

"Sure sasagot ako hanggat kaya ko."tugon ni Brian

"Obsessed na ba ako kay Jace?" Ani ni Clary

Natigilan si Brian ng biglang isingit ni Clary si Jace.

"Ha? Ah... eh.... hindi ko alam siguro si Isabelle na ang tanungin mo about that thing." Tugon ni Brian

Halata kay Brian ang pagkaselos para kay Jace.

"Sorry Bry..." ani ni Clary

Nagstart na ng sasakyan si Brian at umalis, batid ni Clary na sumama ang loob ni Brian. Nang malapit na sila sa bahay ni Clary, nagpababa siya sa Gym upang silipin si Isabelle.

"Bry... dito na lang ako.. thank you sa paghatid huh!" Ani ni Clary

Ngumiti lamang si Brian at bumaba ng sasakyan upang pagbuksan ng pinto si Clary. Matapos ibigay lahat ng gamit ni Clary nagpaalam na si Brian.

"Mauuna na ako.. pasabi na lang kay Isabelle hindi na ako makakadaan may meeting pa ako." Ani ni Brian

"Sige! Sasabihin ko.." tugon ni Clary

Tumalikod na si Brian patungo sa kanyang sasakyan, nang biglang tumawag si Clary.

"Bry!" Ani ni Clary

Lumingon si Brian kay Clary. Kaagad namang tumakbo si Clary patungo kay Brian

"Thank you... thank you for taking care of me.." ani ni Clary

Hindi sumagot si Brian, bagkus ay sinuklian na lamang niya ito ng isang akap.

"Mag-iingat ka Bry!" Ani ni Clary

Umalis na si Brian habang nakatanaw sa kanya si Clary. Nang malayo-layo na si Brian, pumasok na si Clary sa loob ng Gym.

Nang makarating naman ang lahat sa opisina nina Jace, isa-isang nagpaalaman ang bawat isa. Lumapit naman si Jace kay Alec upang magpasalamat.

"Bro... salamat..." ani ni Jace

"Wala iyon.. basta ikaw.. alam mo namang mahal kita.." tugon ni Alec

"Ano??" Ani ni Jace

"I mean mahal kita bilang kaibigan." Tugon ni Alec

"Ah! Akala ko kung ano na." Ani ni Jace

Napakamot ng ulo si Alec sa puntong iyon.

"Jace? So ano ang plano mo sa dalawa?" Ani ni Alec

"Sinong dalawa?" Tugon ni Alec

"Kunwari ka pa na hindi mo alam.. si ano..." ani ni Alec na naudlot

Biglang lumapit sa dalawa si Cassandra.

"Sige na bro mauna na akong umuwi.." ani ni Alec

"Sige mag-iingat ka.. salamat ulit." Tugon ni Jace

Kumaway lamang si Alec.

"Jace! Thank you... napakasaya ng team building" ani ni Cassandra

"Good! Nagenjoy ka ba?" Tugon ni Jace

"Yuph.. sobra.. kaso nag-alala din ako sayo ng sobra." Ani ni Cassandra

"Thank you... anyways saan ka pupunta pagkatapos dito?" Tugon ni Jace

"Sa bahay bakit?" Ani ni Cassandra

"Uhm... wala naman gusto lang sana kitang yayain na kumain sa labas mamayang gabi.. if pwede ka?" Tugon ni Jace

Natigilan si Cassandra sa tanong na ito ni Jace. Hindi niya lubos akalain na aayain siya ni Jace ng biglaan.

"Ha? You mean a date?" Ani ni Cassandra

"Yuph! Pero kung hindi ka pwede maybe we can do it next time." Tugon ni Jace

"Pwede ako.. ano ka ba.. basta ikaw..." ani ni Cassandra

Natuwa naman si Jace sa sagot na ito ni Cassandra.

"Yes! So hatid na kita sa inyo?" Ani ni Jace

"Wag na..nag booked na ako ng taxi.. isa pa umuwi ka na din para makapagpahinga ka pa." Tugon ni Cassandra

"Ok but hihintayin muna kitang makasakay ng taxi bago ako umuwi." Ani ni Jace

Namumula na ang mga pisngi ni Cassandra ng mga oras na ito. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang inorder na taxi ni Cassandra.

"So Jace.. mauuna na ako.." ani ni Cassandra

"Sure.. mag-iingat ka.." tugon ni Jace

"Ikaw ang mag-iingat... dahan-dahan ka lang sa pagpapatakbo ng motor mo." Ani ni Cassandra

"Sure! Sige na sumakay ka na.." tugon ni Jace

"Good bye Jace!" Ani ni Cassandra

Pumasok na si Cassandra sa loob ng taxi. Subalit biglang sumilip si Jace sa may bintana.

"Cassy! So see you later?" Ani ni Jace

Ngumiti ng may tamis sa mga labi si Cassandra.

"Yes.. i see you later just send me the address and  I'll be there." Ani ni Cassandra

Masayang masaya si Jace ng mga oras na ito. Nakangiti siyang nakatanaw habang umaalis si Cassandra. Ilang sandali pa ay umalis na din si Jace.

Pagpasok sa loob ng Gym ni Clary, nakita niya si Isabelle nagliligpit ng kanyang mga gamit. Umakap naman siyang bigla kasabay ng isang mabigat na buntong hininga. Hindi naman kaagad nagtanong si Isabelle sa kung ano ang nangyari, bagkus ay hinihintay niya si Clary na magkwento.