Hindi nakita ni Clary si Raphael, marahil ay namalikmata lamang siya. Bumalik naman siya kaagad sa table nila ni Isabelle.
"Oh saan ka ba galing?" Ani ni Isabelle
"May tiningnan lang ako" tugon ni Clary
"Para ka namang nakakita ng multo. Sino ba yan?" Ani ni Isabelle
"Wala sige na magenjoy na lang tayo." Tugon ni Clary
Pansin ni Isabelle na may hindi sinasabi sa kanya si Clary. Kaya mas minabuti na lamang din niya na huwag na muna niyang ungkatin kung ano man ito.
Matapos ang kantahan, nagbigay naman ng pagkakataon ang bar upang makapagsayaw ang may mga gusto. Tumayo si Cassandra at hinila si Jace patungo sa gitna.
Tumugtog ng party music at sila ay nagumpisa ng sumayaw. Nakatingin naman si Clary sa dalawa habang umiinom ng alak. Hard ang alak nina Clary kaya kahit kakaunti pa lamang ang naiinum nila ay may ibang tama na kaagad ng alak sa kanilang katawan ni Isabelle.
"Halika... sayaw tayo.." ani ni Isabelle
"Ayoko mamaya ako..." tugon ni Clary
Hindi naman pinaglagpas ni Isabelle ang pagkakataon kaya pinilit pa din niyang hinila si Clary hanggang sa tumayo ito at sumama sa kanya sa gitna ng dance floor.
Magulo na sa gitna sapagkat halos lahat ng tao sa loob ng bar ay nagsasayaw at naaaliw sa saliw ng musika.
Habang nagsasayaw sina Jace at Cassandra, umikot silang dalawa at pagharap ni Jace wala na si Cassandra.
"Cassy?" Ani ni Jace
Hinanap ni Jace si Cassandra subalit nahirapan ito sapagkat napakaraming tao. Hindi naman niya namalayan na nasa likuran na niya si Clary habang sumasayaw. Humarap si Jace patalikod at sa hindi sinasadyang pagkakataon naapakatan ni Jace ang paa ni Clary at ito ang sanhi ng akmang pagkatumba ni Clary.
Kaagad namang nasalo ni Jace si Clary. Hawak niya ang likuran ni Clary, at naging agaw pansin sila sa gitna.
"Ok ka lang?" Ani ni Jace
"Nasalo mo ako..." tugon ni Clary
Dahan-dahang itinayo ni Jace si Clary. Inakay niya ito hanggang sa kanilang table. Pagkarating doon, kaagad siyang nagtanong.
"Nakita niyo ba si Cassandra?" Ani ni Jace
"Hindi. Bakit?" Tugon ni Isabelle
"Diba magkasayaw lang kayo kanina?" Tugon naman ni Clary
"Oo pero bigla siyang nawala." Ani ni Jace
Napaisip ang tatlo kung saan nagpunta si Cassandra. Tinawagan ito ni Jace subalit hindi ito sumasagot. Umupo na sila at nagpatuloy na uminom habang naghihintay kay Cassandra.
Samantala, kasama ni Cassandra si Edward sa likod ng bar. Si Edward ang humila kay Cassandra sa gitna ng sayawan.
"Ano ba Edward!" Ani ni Cassandra
"Nakita ko kayo. Sino yung lalaki?" Tugon ni Edward
"Wala ka ng pakialam doon. Teka nga bakit ka ba nandito?" Ani ni Cassandra
"Malamang binabantayan kita. So sino yung lalaki?" Tugon ni Edward
"Basta! Sige na papasok na ako sa loob!" Ani ni Cassandra
Sinupla ni Edward ang buble gum na kanyang sinasapa, sabay hawak ng mahigpit sa braso ni Cassandra.
"Aray! Edward bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!" Ani ni Cassandra
"Sino siya!" Tugon ni Edward
"J—Jace!" Ani ni Cassandra
Pinadlis ni Cassandra ang pagkakahawak sa kanya ni Edward.
"Matapang ka na Cassandra. Baka gusto mong malaman ni Raphael ang ginagawa mo!" Tugon ni Cassandra
Bakas sa mukha ni Cassandra ang pagkatakot na malaman ni Raphael ang kanyang ginagawa, kaya nakiusap ito kay Edward.
"Please.. Edward huwag.." ani ni Cassandra
"Madali lang naman akong kausap. Ano deal?" Tugon ni Edward
"Anong Deal?" Ani ni Cassandra
"Makikipag sex ka sa akin kung kailan ko gustuhin." Tugon ni Edward
Hindi makapaniwala si Cassandra sa hamong ito ni Edward.
"No! Kahit kailan hindi mo ako makukuha!" Ani ni Cassandra
"Sigurado ka ba? Eh paano kung sabihin ko sa pinakamamahal mong si Raphael na nilalandi mo ang lalaking gusto ni Clary?" Tugon ni Edward
Natahimik si Cassandra sa tinurang ito ni Edward.
"Mamili ka... pagbibigyan mo ako o malalaman ni Raphael ang totoo?" Aning muli ni Edward
Naipit na sa sitwasyon si Cassandra wala na siyang nagawa kung hindi ang pumayag sa kagustuhan ni Edward.
"Gaano ako makakasiguro na hindi mo ako ilalaglag kay Raphael once na pumyag ako sa kagustuhan mo?" Ani ni Cassandra
"Basta makinig ka lang sa akin at gawin mo kung ano ang gusto ko. Maliwanag ba Cassandra?" Tugon ni Edward
Hinawi ni Edward ang buhok ni Cassandra at saka hinalikan.
Samantala, madami-dami na ang nainom nina Clary, Jace at Isabelle. Kaya naman nawala na sa isip nila si Cassandra. Isinama ni Jace si Clary sa gitna upang isayaw.
"Halika na Clary sayaw tayo."ani ni Jace
"Sure!" Tugon ni Clary
Walang nagawa ang plano ng magkaibigan na iwasan si Jace ng gabing ito. Naiwan naman si Isabelle sa lamesa habang kausap ang isang lalaking nakilala nila sa bar, ito ay walang iba kung hindi si Simon.
"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" Ani ni Simon
"Nahihilo na din kasi ako. Si Clary malakas talagang uminom yan." Tugon ni Isabelle
"Ah ok.. sila ba?" Ani ni Simon
Tanong ni Simon habang nakatingin kina Clary at Jace.
"Naku, yan ang pinakahihintay na tagpo ni Clary, ang maging sila. Ewan ko ba jan kay Jace napakamanhid." Tugon ni Isabelle
"Sa nakikita ng mga mata ko may chemistry sila hindi lang nila madevelop." Ani ni Simon
Tumawa ng malakas si Isabelle.
"Oh bakit ka tumatawa?" Ani ni Simon
"Eh paano kalalaki mong tao alam mo ang chemistry pagdating sa dalawang tao." Tugon ni Isabelle
Napatigil si Simon at tumingin ng deretso kay Isabelle.
"Maganda ka Isabelle.." ani ni Simon
Biglang natulala si Isabelle ng marinig niya ito kay Simon.
"What if ligawan kita?" Ani pa ni Simon
Iniba ni Isabelle ang usapan nila ni Simon
"Gusto mo pa ba ng alak? Oorder pa ako." Ani ni Isabelle
"Mas gusto kita kesa sa alak." Tugon ni Simon
"Simon tigilan mo ako! Kung sex lang ang habol mo wag ako!" Ani ni Isabelle
Nahinto ang usapan nina Isabelle at Simon ng dumating sina Clary at Jace. Pawisang-pawisan na ang dalawa. Inalis ni Clary ang jacket niya at unang bumungad kay Jace ay ang makinis na batok ni Clary.
Napalunok naman si Jace ng makita niya ito. Sinundan ni Jace ng tingin habang patuloy na inaalis ni Clary ang kanyang Jacket. Upang matigil siya sa pagtingin kumuha siya ng alak ay ininom kaagad niya ito.
"Ok ka lang?" Ani ni Clary
"Oo ok lang ako. Medyo mainit.." tugon ni Jace
Nagsisikuhan naman sina Isabelle at Simon. Napagmasdan nila ang naging reaksyon ni Jace habang pinanonood niya si Clary. Umupo na ang dalawa at nagpatuloy sila sa pag-iinom.
Samantala tumingin naman ng kakaiba si Clary kay Isabelle, alam ni Isabelle ang ibig sabihin ng ngiting ito kaya naman dali-dali niyang niyaya si Clary na samahan siya sa ladies room.
"Clarissa! Halika nga samahan mo ako sa ladies room." Ani ni Isabelle
"Ok may dapat ba akong malaman?" Tugon ni Clary
Hindi umimik si Isabelle, ngumiti lamang siya at tumayo na at saka dumeretso sa ladies room kasama si Clary. Naiwan naman sina Simon at Jace sa mesa habang umiinom.