Hindi pinalampas ni Isabelle ang intrigahin si Clary sa kung ano ang nangyari sa kanila ni Jace.
"Ehem! Clary ano ang dapat kong malaman?" Ani ni Isabelle
Ngumiti lamang si Clary na namumula ang mga pisngi.
"Sasabihin mo ba o hindi?" Ani pa ni Isabelle
"Grabe ka sa akin... oo na ikukwento ko na." Tugon ni Clary
"Good! Bilisan mo makikinig ako." Ani ni Isabelle
Nagsimula ng magkwento si Clary sa lahat ng nangyari sa kanila ni Jace. Hindi naman halos makapaniwala si Isabelle lalo na at nalaman nitong May nangyari sa kanilang dalawa.
"Gaga ka! Pano kung mabuntis ka!" Ani ni Isabelle
"Safe ako alam ko.." tugon ni Clary
"Kahit na alam mong safe ka dapat hindi ka pumayag!" Ani ni Isabelelle
"Tapos na nangyari na... kung mabuntis man ako ayos lang.." tugon ni Clary
Biglang naudlot ang usapan nila ng makita ni Clary si Simon sa may entrance ng Gym.
"Ummh i think i should go.." ani ni Clary
"At Bakit????" Tugon ni Clary
Tumingin muli si Clary sa may entrance ng Gym at saka naman tumingin si Isabelle.
"So have a good evening.. sisilip muna ako sa office" ani ni Clary
"Baliw wag ka na umalis!" Tugon ni Isabelle
Hindi pinakinggan ni Clary ang sinabing ito ni Isabelle bagkos ay umalis ito.
"Clarissa!!!" Sigaw ni Isabelle
Pagdating ni Clary sa entrance kaagad niyang kinausap si Simon.
"Hey Simon... belle is there waiting for you.." ani ni Clary
"Really?? Thank you Clary.." tugon ni Simon
Pumasok sa loob si Simon. Nilingon naman ni Clary si Simon at nakita niyang inabutan ni Simon si Isabelle ng mga bulaklak.
"Im happy for you my bestfriend..." sambit ni Clary sa kanyang sarili.
Tumawag na ng taxi si Clary upang dumeretso sa kanyang kompanya.
"Hey Isabelle..." ani ni Simon
"Bakit naman may pabulaklak ka pa?" Tugon ni Isabelle
"Diba sabi ko sayo liligawan kita."ani ni Simon
"Ang bilis mo talaga. Kakakilala lamang natin tapos ngayon manliligaw ka na?" Ani ni Isabelle
"Wala naman sigurong masama kung ligawan kita, kahit Araw-araw hanggang sa sagutin mo ako." Tugon ni Simon
Napapangiti na lamang si Isabelle sa sinabing ito ni Simon. Tumagal pa ang usapan ng dalawa hanggang sa napag-usapan na nila ang tungkol sa buhay ng bawat isa.
Pagkarating ni Clary sa opisina niya, kaagad niyang tinawagan si Jace.
Rrrrriiiinnngggg.....
"Hey...nasan ka na?"
-Clary
"Hello.. office na rin ako.. kanina pa ako dito. Ano oras ka uuwi?"
-Jace
"Hindi ko pa alam, kakarating ko lang kasi. Maybe I'll check with my secretary. Bakit mo natanong?"
"Wala naman gusto ko munang magdinner bago ako mag start. Free ka ba around 7 pm?"
"Uhmm... ok i can... wala naman akong nakitang schedule ko at 7 pm."
"Great so Susunduin kita.. wait for me paalis na ako dito."
"Ok .. mag-iingat ka.."
🖤+ END CALL +🖤
Masayang masaya si Clary sa mayroon sila ni Jace. Hindi niya maipaliwanag ang sayang kanyang nadarama.
Natanaw ni Cassandra na aalis si Jace, kaya naman sinundan niya ito. Hindi ito nagpahalata na sumusunod siya, hanggang sa makaalis na si Jace, nagmadali naman siyang tumawag ng taxi at pinasundan ang motor ni Jace.
Makailang minuto ng pagbyahe, huminto si Jace sa labas ng Isang company building. Napaisip si Cassandra kung ano ang ginagawa dito ni Jace.
"Sino ang pinupuntahan mo dito Jace!" Sambit ni Cassandra sa kanyang sarili
Naghintay si Cassandra sa labas ng Building hanggang sa lumabas si Jace. Dumeretso naman si Jace sa opisina ni Clary.
"Let's go??" Ani ni Jace
"Hey... yeah wait kuhanin ko lang pouch ko." Tugon ni Clary
Magkasabay na lumabas ng opisina sina Clary at Jace. Nagtinginan naman ang mga empleyado sa kanilang dalawa at kagaya ng dati, naging usap-usapan sila.
Hindi nagtagal, natanaw na ni Cassandra si Jace. Kaya naman nagbigay na ito ng hudyat sa driver ng taxi na sinasakyan niya
"Manong pakisundan po ulit yang motor na yan." Ani ni Cassandra
Tumango lamang ang driver ng taxi. Ilang saglit pa ay lumabas na si Clary, nanlaki ang mga mata ni Cassandra sa kanyang nakita.
"Hindi ito pwede! Hindi ka dapat maging masaya Clary!" Sambit niya sa kanyang sarili
Sinuutan ng helmet ni Jace si Clary, matapos ay sumakay na sila at umalis. Kasunod ng pag-alis nila Jace ay ang pagsunod naman ng taxi.
Nang makarating na sa restaurant, bumaba na din Si Cassandra at pasimple pa din siyang sumunod.
"Sila ba? Fuck! Hindi pwede!" Aning muli ni Cassandra sa kanyang sarili
Umupo sila Jace at Clary, kumuha ng order at masayang nag-uusap ang dalawa. Galit na galit naman si Cassandra habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Oh bakit ka masaya?" Ani ni Jace
"Wala lang.. hindi ko lang lubos maisip na halos ilang oras pa lamang tayo nagkakahiwalay, heto at magkasama na naman tayo." Tugon ni Clary
Ngumiti si Jace kasabay ng pag-inum ng red wine.
"Jace...pwedeng magtanong?" Ani ni Clary.
"Sure ano iyon?" Tugon ni Jace
"Uhm... anong....."
Hindi na naituloy ni Clary ang kanyang tanong ng biglang dumating si Cassandra.
"Hey.. Jace..." ani ni Cassandra
Napatayo bigla si Jace sa kanyang kinauupuan.
"Cassandra... anong ginagawa mo dito?" Tugon ni Jace
"Magdidinner sana bago ako pumasok.. then nakita ko ikaw kaya lumapit ako. Hindi ko naman kasi napansin na may kasama ka pala." Ani ni Cassandra
Sabay tingin niya kay Clary.
"Oh hello there Clary..." ani ni pang muli ni Cassandra
Tumayo din si Clary at inabot ang kanyang kamay kay Cassandra.
"Hello Cassandra..." ani ni Clary
Tinaasan lamang ng kilay ni Cassandra ang kamay ni Clary at ngumiti ng bahagya.
"Gusto mo mag join?" Ani ni Clary
"Oo nga mag join ka na sa amin.." tugon ni Jace
"Sure thing why not diba?" Ani ni Cassandra
Umupo si Cassandra sa tabi ni Jace, tinawag naman ni Jace ang waiter upang magpadagdag ng order.
"So Clary ano nga ulit iyong itatanong mo." Ani ni Jace
"Ah wala.. never mind.." tugon ni Clary
Habang umiinom ng alak si Clary, pinagmamasdan niya ang pagdidikit ng braso ng dalawa habang Nagkakangitian ng bahagya.
"Are you ok Clary?" Ani ni Cassandra
"Yeah why?" Tugon ni Clary
Napatingin bigla si Jace kay Clary ng tumugtog ang kantang
" HILING by. Mark Carpio".
Hindi naman mapigilan ni Clary ang kanyang nararamdaman, tumayo siya at nagtungo sa ladies room. Pagkarating doon, tumingin siya sa salamin at pinunasan ang kaunting luha.
"Its ok Clary...." sambit niya sa kanyang sarili