Lumipas ang buong araw na magkakasama ang tatlo sa bahay ni Clary na walang sinabing kahit ano si Isabelle patungkol sa kanyang nakita sa restaurant.
Nagkahiwalay lamang sila ng kailanganin pumunta ni Clary sa kanyang opisina para sa isang meeting sa anonymous client.
"Pasensiya na kayo ha kailangan ko ng umalis. Dito na muna kayo kung gusto ninyo, may susi ka naman Isabelle diba?" Ani ni Clary
"Aalis na din kami ililigpit lang namin ang kalat natin sa loob." Tugon ni Isabelle
"Wag na ako na ang bahala. Sige na anjan na ang uber ko.." ani ni Clary
Umalis na si Clary sa kanyang bahay, dumeretso naman kaagad ito sa kanyang opisina upang malaman na niya kung sino ba ang anonymous client na ito.
Pagkarating niya roon humingi lamang siya kay Lea ng ilang minuto upang makapaghanda ng kanyang sarili. Matapos iyon ay binigyan na niya ng senyales si Lea na handa na siya.
Nagtataka si Clary kung bakit tila takot na takot ang mukha ni Lea ng makita niya ito. Paglabas nito sa pinto ay ang pagpasok naman ng anonymous client.
"Ikaw?" Ani ni Clary
Laking gulat ni Clary ng makilala niya na ang Anonymous client ay walang iba kung hindi si Raphael.
"Ako nga.. long time no see!" Tugon ni Raphael
"Ano bang ginagawa mo dito! Ayaw na kitang makita!" Ani ni Clary
"Relax! Gusto ko lang mag franchise ng wine mo." Tugon ni Raphael
"Hindi! Ayaw ko ng magkaroon ng kahit ano pang ugnayan sayo. Tapos na tayo at simula noon tapos na ang kung ano ang meron sa atin!" Ani ni Clary
"Clary.. please patawarin mo na ako." Tugon ni Raphael
"Papatawarin? Para saan? Magiging tayong muli tapos ano? magsesex tayo?? tapos pagkatapos may makikilala na naman akong asawa mo? Putang ina naman! Raphael nasaktan na ako! Kaya tama na!" Ani ni Clary
"Alam kong nasaktan kita, pero sa totoo lang minahal kita at kahit hanggang ngayon mahal na mahal pa din kita!" Tugon ni Raphael
Tumawa ng malakas si Clary
"Wala kang alam sa pagmamahal Raphael! Matuto ka munang mag mahal ng isa bago mo sabihin sa akin na mahal mo pa ako!" Ani ni Clary
Nagpumilit pang muli si Raphael na hingin ang kapatawaran ni Clary.
"Kahit ano Clary gagawin ko.. makuha ko lang ang kapatawaran mo." Tugon ni Raphael
"Kahit ano?? Sigurado ka?? Ani ni Clary
"Oo kahit ano! Sige na sabihin mo na sa akin kung ano ang gusto mo." Tugon ni Raphael
Napuno ng tensyon ang buong opisina ni Clary. Tumahimik ng bahagya si Clary at saka muling umimik.
"Fine! Umalis ka sa buhay ko! at huwag ka ng magpapakita pa sa akin kahit na anong mangyari!." Ani Clary
"Pero Clary!" Tugon ni Raphael
"Makakaalis ka na!" Ani ni Clary
Walang ibang nagawa si Raphael kung hindi ang sundin ang kagustuhan ni Clary. Pagkalabas ni Raphael napaupo at napahagulhol sa pag-iyak si Clary.
"Hayoooopp!!!! Hayoooop ka! Bakit nagpakita ka pa! Ibinalik mo lamang lahat ng sakit sa buhay ko!! Aaaaahhhh!!!!" Sigaw ni Clary habang umiiyak
Tatakbong pumasok naman si Lea sa kanyang opisina. Tinungo niya kaagad si Clary at inakap.
"Ms. Clary sorry...." ani ni Lea
Hindi sumagot si Clary kay Lea. Patuloy lamang ito sa kanyang pag-iyak. Makalipas ang ilang sandali, nagpaiwan siya kay Lea.
"Iwan mo muna ako Lea please..." ani ni Clary
"Ok Ms. Clary... nasa labas lang ako pagkailangan mo ako." Tugon ni Lea
Awang-awa si Lea sa kanyang boss. Isang tao lamang ang kanyang pwedeng tawagan walang iba kung hindi si Jace.
Nagkaroon siya ng contact ni Jace ng malaglag nito ang kanyang calling card sa labas ng opisina. Kaya naman sinubukan niya itong tawagan.
Habang nasa Park naman sina Jace at Cassandra nakatanggap ng tawag si Jace.
Rrrrrriiiinnngggg....
"Yes? Hello.."
-Jace
"Mr Jace ikaw ba ito?"
-lea
"Ako nga sino ito?"
"Si Lea ito secretary ni Clary.. pwede ka bang magpunta dito sa opisina niya?
"Bakit Anong nangyari kay Clary??"
"Mahabang storya baka pwede na magpunta ka na muna dito."
"Sige! Pupunta na ako.."
🖤+ END CALL +🖤
Walang nagawa si Jace kung hindi ang umisip ng paraan upang magpaalam kay Cassandra.
"Cassy... sorry pero may emegency ako kailangan kong umalis." Ani ni Jace
"Saan? Sasama ako.." tugon ni Cassandra
"Ayaw kong magsama lalo na at nakamotor lang ako. Tapos Emergency kaya mas ok na yung ako na lang ang pupunta." Ani ni Jace
"Sige pero mag iingat ka.." tugon ni Cassandra
"Oo mag-iingat ako.. ikaw din mag-iingat ka" ani ni Jace
Nagmadaling umalis si Jace upang puntahan si Clary. Naiwan naman si Cassandra na nagpatuloy ng paglalakad sa park. Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkasalubong ang landas nila ni Raphael.
"Raphael?? Babe!" Ani ni Cassandra
"Oh babe! Anong ginagawa mo dito." Tugon ni Raphael
"Naglalakad-lakad lang.. ikaw babe saan ka galing?" Ani ni Cassandra
"Ah sinubukan kong mag franchise ng wine kaso nabigo ako.." tugon ni Raphael
Napaisip kaagad si Cassandra, isa lamang ang kilala niyang tanyag sa Wine, ito ay walang iba kung hindi si Clary. Bigla siyang nagkakutob na baka pinuntahan ni Raphael si Clary.
"Lumalakad ka na lang mag-isa... kailan kaya ako makakasama sa mga plano mo.?" Ani ni Cassandra
"Akala ko kasi busy ka sa trabaho mo.. kaya lumakad na lang ako mag-isa." Tugon ni Raphael
Matamlay si Raphael, batid niya ito sapagkat kahit hindi siya masyadong nakakasama ni Raphael alam ni Cassandra kung May pinagdadaanan ito.
"Nagpunta ka kay Clary?" Ani ni Cassandra
"Babe...." tugon ni Raphael
"Yung tanong ko ang sagutin mo! Nagpunta ka ba kay Clary!" Ani ni Cassandra
"Oo! Galing ako kay Clary." Tugon ni Raphael
Nanggigil si Cassandra sa sinabing ito ni Raphael.
"Clary na naman! Puro ka na lang Clary! Kailan mo ba makikita na andito ako ! Ako si Cassandra na mahal na mahal ka!" Ani ni Cassandra
Hindi sumagot si Raphael
"Kulang pa ba ang pagmamahal ko? Pinili ko na hindi muna tayo madalas magkita, nagbabakasakali ako na sana hanapin mo rin ako. Pero mali! Mas naging mali! Dahil si Clary pa din ang nais mo at hindi ako!" Dagdag pa ni Cassandra
Yumakap si Raphael kay Cassandra
"Babe im sorry... hindi na ito mauulit... please huwag ka ng magalit." Tugon ni Raphael
Dahil sa labis na pagmamahal ni Cassandra. Nagbulagbulagan na lamang ito na kahit kailan hindi siya kayang mahalin ni Raphael.