"Lasing kami ni Clary." Ani ni Jace
"Jace kahit lasing ka dapat hindi mo ginawa iyon kung kaibigan mo lang talaga si Clary!" Tugon ni Alec
"Tell me nagdeposit ka ba?" Dagdag pa ni Alec
Walang nagawa si Jace kung hindi aminin ang lahat kay Alec
"Oo deposit. Dalawang beses." Ani ni Jace
"Tang ina Jace! Pano kung mabuntis mo si Clary! Tapos may Cassandra ka?" Tugon ni Alec
"Grabe ka naman bro. Malabong mabuntis si Clary yun ang alam ko." Ani ni Jace
"Hay nako. Ewan ko sayo bro! Wag naman sana pero sa bandang huli ikaw ang magihirapan kapag nagkataon." Tugon ni Alec
Naging palaisipan ito kay Jace. Nasermunan siya ng husto ni Alec kaya naman hindi na ito nagtagal sa bahay ni Alec.
"Mag-iingat ka! Yung mga sinabi ko .. mamimili ka.. alam mo na ang dapat gawin." Ani ni Alec
"Oo na! Sige na salamat sa oras mo.. salamat din sa sermon haha" tugon ni Jace
Napailing na lamang si Alec pagkaalis ni Jace.
Dumaan ang maraming araw, halos isang buwan matapos ang mga rebelasyong nangyari. naging normal lamang ang lahat para kina Clary at Jace. Walang nabago sa kung ano ang meron ang dalawa. Samantala patuloy pa din sa panliligaw si Jace kay Cassandra.
Dalawang araw naman bago ang birthday party ni Jace. Lumabas sina Cassandra at Jace para sa kanilang dinner date.
"Wow... Jace ang ganda dito..." ani ni Cassandra
"Masaya ako at nagustuhan mo ang venue na napili ko." Tugon ni Jace
"Siempre naman.." ani ni Cassandra
Maya maya tumugtog ang banda ng isang romantikong tugtugin. Pagkatapos may isa-isang lumapit kay Cassandra upang magbigay ng pulang rosas.
"Ano ito??" Pagtataka ni Cassandra
Naulit ng naulit ang pagbibigay ng bulaklak ng labindalawang beses. Hanggang sa biglang lumuhod si Jace sa harap ni Cassandra.
"Jace! Anong ibig sabihin nito?" Ani ni Cassandra
Kinakabahan si Jace na nagtanong kay Cassandra
"Cassandra... alam kong hindi pa tayo masyadong matagal magkakilala, subalit sa kaunting panahon na pinagsamahan natin nakilala kita ng lubos. Ngayong gabi, sa harap ng lahat ng taong nandito, tatanungin kita
Will you be my girlfriend??" Ani ni Jace
Napalunok si Cassandra, nagsisigawan ang mga taong nanonood, wala siyang nagawa kung hindi ang ibigay ang sagot kay Jace.
"Yes! Oo payag na ako. Payag na akong maging girlfriend mo."ani ni Cassandra
Tumayo si Jace at inakap si Cassandra. Saka niya ito hinalikan.
"Thank you hon..." ani ni Jace
Ngumiti lamang si Cassandra.
Pagtingin ni Cassandra sa malayo, natanaw niya si Edward. Kaya naman nagpaalam siya saglit kay Jace
"Hon pupunta lang ako ng CR" ani ni Cassandra
"Sige hon... i love you.." tugon ni Jace
Hindi ito sinagot ni Cassandra, tumalikod na ito at dumeretso patungo sa ladies room. Pagdating niya doon andoon si Edward.
"Plano mo pa ba yan? O tunay na?" Ani ni Edward
"Wala kang pakialam. Umalis ka na dito at huwag mo na akong susundan." Tugon ni Cassandra
"Matapang ka na. Bakit dahil may Jace ka na ? Paano kung sakaling malaman ni Raphael ang katotohanan?" Ani ni Edward
"Kahit anong sabihin mo hinding hindi mo na ako matatakot pa. Gusto mong sabihin kay Raphael? Then go! Ikwento mo ang lahat." Tugon ni Cassandra
Galit na galit si Edward
"Tingnan natin kung saan ka pupulutin kapag nalaman ni Raphael ang lahat." Ani ni Edward
Umalis na si Cassandra at bumalik na kay Jace.
"Sorry hon ang dami tao sa loob." Ani ni Cassandra
"Walang problema, naka order na ako.. hintayin na lang natin."tugon ni Jace
Ngumiti si Cassandra at pinagmasdan naman siya ni Jace habang hawak-hawak ang kanyang kamay.
Nang gabing iyon, nagtungo si Clary sa gym ni Isabelle upang magtraining. Hindi niya nagawang mag training ng umaga sapagkat masama ang pakiramdam niya.
"Sigurado ka ba na kaya mong magtrain?" Ani ni Isabelle
"Oo kaya ko medyo nahihilo lang naman ako kaninang umaga at medyo naduduwal." Tugon ni Clary
Napatingin si Isabelle kay Clary.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Ani ni Clary
"Wala naman.. sige na simulan na natin" tugon ni Isabelle
Sa match ng magkaibigan, nanonood naman sina Brian at Simon.
"Go Love!" Ani ni Simon
Napalingon si Isabelle at napangiti, pagharap niya kay Clary kaagad siyang inatake nito. Natumba si Isabelle at kaagad namang nakabawi. Natulak niya si Clary at napahiga ito.
Pagtayo ni Clary, bigla siyang nahilo...
"Belle nahihilo ako..." ani ni Clary
Pagkasabing iyon ni Clary, nawalan siya ng malay at natumba, maswerte na lamang ng bigla siyang nasalo ni Isabelle.
Kaagad na dinala si Clary sa pinakamalapit na hospital. Isinugod siya sa Emergency room at naghintay naman sa labas ang tatlo.
Sinuri ng doctor si Clary, hanggang sa isang balita ang gumulantang sa tatlo.
"Kamag anak po ni Clarissa Santos?" Ani ng doctor
"Kami po doc!" Tugon ni Isabelle
Lumapit sila sa doctor at ipinaliwanag ang kundisyon ni Clary.
"Ligtas ang kaibigan ninyo, medyo napagod lamang siya." Ani ng doctor
"Thanks God ok si Clary." Tugon ng tatlo
Mayamaya ay humarap ang doctor kay Brian.
"Congratulations Sir.. daddy ka na.. we found out na 1 month ng buntis si Clarissa." Tugon ng doctor
"Po? Buntis si Clary!!!" Ani ni Brian
Nagulat ang tatlo sa balitang ito ng doctor. Napasandal naman si Isabelle sa pader.
"Sinasabi ko na nga ba! Clary!!!" Ani ni Isabelle
Iniwan na sila ng doctor at ilang sandali pa ay nagkamalay na si Clary.
"Anong nangyari??" Tanong ni Clary
Nagkatinginan ang tatlo. Sumenyas naman si Simon kay Isabelle na sabihin na ang totoo kay Clary.
"Clary.... may sasabihin kami sayo.. huwag kang mabibigla..." ani ni Isabelle
"Sige Ano ba yan?" Tugon ni Clary
"Buntis ka Clary.. 1 month ka ng buntis" ani ni Isabelle
Nagulat si Clary sa kanyang nalaman. Magakahalong emosyon ang kanyang nararamdaman.
"Buntis ako... buntis ako at si Jace ang ama..." ani ni Clary
Mangiyak-ngiyak itong sinambit ni Clary habang nakahawak sa kanyang sinapupunan.
"Birthday pa naman ni Jace bukas.. magandang regalo ito para sa kanya.." ani ni Clary
"Clary, magpahinga ka na muna. Sa ibang araw mo na lang sabihin kay Jace." Tugon ni Isabelle
"Pero diba ito ang perfect time para malaman niya ang tungkol sa magiging anak namin?" Ani ni Clary
Hindi na nagpumilit pa si Isabelle na pigilan si Clary. Samantala, pagtungtong ng alas dose,nanonood ng fireworks sina Jace ay Cassandra
"Happy birthday hon.. i love you.." ani ni Cassandra
"Thank you hon... i love you too.. tugon ni Jace
Kinuha ni Clary ang kanyang cellphone upang tawagan si Jace. Subalit nagbago ang kanyang isip, nais niyang personal na mismo niyang sabihin kay Jace ang katotohanan.
"Masaya ako.. masaya ako anak..."sambit ni Clary sa kanyang sarili