Nagpatuloy ang party, hindi na lamang ipinahalata ni Jace ang kanyang problema. Subalit hindi niya maialis sa kanyang isipan ang kanyang nalaman tungkol kay Clary at sa magiging anak niya
"Ok ka lang hon?" Ani ni Cassandra
"Oo ok lang ako..." tugon ni Jace
Nagkakakutob si Cassandra na tila may itinatago sa kanya si Jace.
"May problema ka ba?"ani ni Cassandra
"Ah wala.. masama lang ang pakiramdam ko. Gusto ko na muna sanang umuwi, pwede ba dito ka na muna? Tugon ni Jace
"Party mo ito.. hahanapin ka nila dito." Ani ni Cassandra
"Basta sabihin mo na lang hindi mo ako napansin. Sige na please... gusto ko munang umuwi." Tugon ni Jace
Walang nagawa si Cassandra kung hindi ang pumayag sa kagustuhan ni Jace.
Pagkaalis ni Clary sa party ay dumeretso ito sa kanyang bahay. Nagpasundo siya kay Brian ng mga oras na iyon. Nang makapasok sa loob ng bahay si Clary sumigaw ito.
"Aaaaah!!!!! Bakit ba ganito na lang lagi ang nararamdaman ko! Ilan pa bang sakit ang dapat kong maramdaman bago pa ako mahalin?" Ani ni Clary.
Nagwala si Clary sa loob ng kanyang bahay. Pinadlis niya ang mga pigurin at nabasag ito. Napaupo siya sa isang sulok.
"Bakit ikaw pa! Bakiiiit ikaw pa!!!!" Aning muli ni Clary
Walang ibang magawa si Brian kung hindi ang pagmasdan si Clary. Minabuti niyang hayaan na muna si Clary upang kahit papaano ay mailabas nito ang sakit na kanyang pinagdadaanan.
"Pagod na pagod na ako... lagi na lang akong nasasaktan.. sana mawala na lang ako sa mundong ito! Sana matapos na lang ang buhay ko kung palagi na lamang akong masasaktan!" Dagdag pa ni Clary
Lumapit na si Brian kay Clary
"Tama na yan Clary... tama na...baka makasama pa sa baby mo." Ani ni Brian
Napahawak sa mga braso ni Brian si Clary.
"Ayaw ko ng masaktan Brian... gusto ko lang naman ang mahalin ako... bakit ba ganito... bakittt...." tugon ni Clary
Hindi sumagot si Brian, hinaplos na lamang niya ang likuran ni Clary.
"Brian tulungan mo ako.." ani ni Clary
"Paano??" Tugon ni Brian
"Gusto ko munang magpakalayu-layo. Gusto ko munang iwanan ang lahat ng sakit na pinagdadaanan ko." Ani ni Clary
"San mo gustong pumunta?" Tugon ni Brian
"Hindi ko alam.. ikaw na ang bahala Brian.." ani ni Clary
Napabuntong hininga si Brian. Wala siyang ibang alam na lugar kung hindi ang probinsya nila. Alam niyang magiging ligtas si Clary doon at magiging malayo sa lahat ng kanyang pinagdadaanan dito sa lungsod.
Nag-impake ng gamit ni Clary si Brian. Samantala nakahiga lamang si Clary sa kama habang lumuluha na hinahaplos ang sinapupunan.
"Im sorry anak... pinagdadaanan mo na kaagad ang lungkot na nadarama ko.." sambit ni Clary sa kanyang sarili.
Nang matanaw nina Isabelle at Simon na lumabas ng venue si Jace. Nagtatakbo silang habulin ito.
"Jace! Sandali!" Ani ni Isabelle
"Nagmamadali ako!" Tugon ni Jace
"Hindi ko matawagan si Clary! Siguro mas mabuti na puntahan natin siya sa bahay niya." Ani ni Isabelle
"Tara na! Baka kung ano pa gawin ni Clary!" Tugon ni Jace
Sumakay sila sa kotse ni Simon at nagmamadaling tinungo ang bahay ni Clary.
"Kasalanan ko ito! Kapag may hindi magandang nangyari kay Clary hindi ko mapapatawad ang sarili ko!" Sambit ni Jace sa kanyang sarili.
Hindi mapakali si Jace sa loob ng sasakyan. Tinatawagan niya ng pasimple ang numero ni Clary subalit nakapatay ito.
"Clary! Pick up the phone!!" Sambit muli ni Jace sa kanyang sarili
Nang matapos na magimpake si Brian, niyaya na niya si Clary na umalis, batid niyang pupunta dito ang kanyang pinsang si Isabelle
"Tara na Clary baka abutan pa nila tayo."ani ni Brian
"Thank you Brian..."tugon ni Clary
Sumakay na sila sa kotse at umalis. Makalipas naman ang ilang minuto na sila'y nakakaalis ay ang pagdating naman nina Isabelle.
"Isabelle akin na ang susi!" Ani ni Jace
Pagkaabot ng susi kay Jace, nagmamadali itong tumakbo papasok sa loob ng bahay ni Clary,
"Clary!! Clary!!!" Sigaw ni Jace
Tinungo ni Jace ang kusina subalit wala si Clary. Sumunod niyang pinuntahan ay ang banyo ngunit wala din si Clary doon , pinang huli niyang puntahan ay ang kwarto.
"Clary???" Ani ni Jace habang kumakatok sa pinto
Pagpasok nina Isabelle nakita niya kaagad ang mga basag na pigurin.
"My God! Clary anong nangyari dito!" Ani ni Isabelle
"Pare nanjan ba si Clary??" Tanong ni Simon
Hindi sumagot si Jace. Pagbukas niya ng pinto bumungad sa kanya ang nagkalat na gamit ni Clary.
Napaluhod si Jace sa kanyang kinatatayuan at napasigaw.
"Clary!!! Nasaan ka!" Ani ni Jace
Nagtatakbong nagtungo sina Simon at Isabelle sa kwarto ni Clary.
"Umalis si Clary! Sandali ang safety box niya titingnan ko!" Ani ni Isabelle
Pagbukas naman ni Isabelle ng safety box....
"Nandito ang passport niya at ilang documents. Hindi siya aalis ng bansa" ani ni Isabelle
Lumapit si Jace kay Isabelle at nagmakaawa
"Isabelle please... kung alam mo kung saan pupunta si Clary sabihin mo sa akin kaagad." Ani ni Jace
Nalungkot si Isabelle, kahit siya ay hindi alam kung saan pupunta si Clary
"Sorry Jace! Pero kahit ako hindi ko alam kung saan pupunta si Clary." Tugon ni Isabelle
"Bukas na bukas hahanapin ko si Clary. Wala na akong pakialam kahit saan pa ako maghanap. Kung kinakailangang hanapin ko siya dito sa buong Manila gagawin ko.! Makita ko lang muli si Clary at maitama ko lang lahat ng nagawa ko sa kanya." Ani ni Jace
"Makikita din natin si Clary. Tutulong kami ni Isabelle sa paghahanap." Tugon ni Simon
"Salamat sa inyo.." ani ni Jace
Habang nasa byahe sina Brian at Clary, tahimik lamang na nakamasid si Clary sa labas ng bintana. Upang maibsan ang lungkot ni Clary binuhay ni Brian ang kanyang radio.
Bakit parang sa'kin lamang may galit
Ang madayang tadhanang iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?
Subalit Mas lalong hindi nakatulong ang nangyari. May masakit na lyrics ang sumasalamin sa buhay pag-ibig ni Clary. Kaya naman pinatay ito kaagad ni Brian.
"Sorry.. hindi ko sinasadya" ani ni Brian
"Ok lang... ikaw talaga.." tugon ni Clary
Nanumbalik sa panonood sa labas si Clary.
"Darating ang araw... saka lang masasabing mahalaga tayo kapag dumating na yung part na wala na tayo." Sambit ni Clary sa kanyang sarili