Chereads / The Day you love me. I die / Chapter 43 - Chapter 43

Chapter 43 - Chapter 43

Makalipas ang siyam na buwan, hindi nila natagpuan si Clary kung saan ito nagpunta. Walang araw naman ang lumipas na nagpabalik balik si Jace sa kumpanya ni Clary.

Nakaharap si Clary sa salamin habang hinahaplos ang kanyang sinapupunan. Sa siyam na buwan siyang nagtago, hindi pa din niya nakalimutan si Jace.

"Baby.. malapit na tayong magkita... malapit na kitang mahawakan...sayang sana kasama natin ang Daddy mo." Ani ni Clary sa kanyang sarili

Nakita ni Brian si Clary habang nakasilip sa may pintuan.

"Mahal na mahal talaga ng Mommy mo ang Daddy mo.. sayang nga lang wala siya dito sa tabi niya paglabas mo." Ani ni Brian

"Bry! Ano ba yang sinasabi mo.." tugon ni Clary

"Kahit hindi ko man marinig alam ko mula jan sa mapanglaw mong mga mata na nais mo sanang nasa tabi mo si Jace sa oras na lumabas ang baby ninyo." Ani ni Brian

Ngumiti si Clary kay Brian. Subalit biglang....

"Aaah..!!!" Sigaw ni Clary

Pagtingin ni Brian sa sahig umaagos na ang tubig mula kay Clary.

"Clary... it's time." Ani ni Brian

"Masakit Brian.. aaah..!!!!" Tugon ni Clary

"Relax Clary... malapit lang ang ospital... kaya natin just take a deap Breath and relax.." ani ni Brian

"Hooooh.... hooooohhhhh..." halinghing ni Clary

Binuhat na ni Brian si Clary patungo sa kotse. Pagkasakay ay kaagad niyang dinala sa emergency si Clary. Pagkarating nila roon, sinalubong kaagad sila ng mga nurse at pinaiwan sa labas si Brian.

Nang araw ding iyon, hindi mapalagay si Jace.. pakiramdam niya ay may kakaibang saya ang kanyang nararamdaman sa loob ng kanyang puso.

"Bakit parang ang saya-saya mo." Ani ni Cassandra

"Hindi ko din alam eh.. basta ang hirap ipaliwanag." Tugon ni Jace

Kumain sina Jace at Cassandra sa labas habang naghihintay ng oras para pumasok sa kanilang trabaho. Parehas na silang Team Leader ng kanilang pinagtatrabahuhang call Center.

Habang naghihintay, may isang bata ang lumapit kay Jace at nag-abot ng isang kahon. Nagtaka si Jace kung kanino at kung saan galing ang kahon na ito.

"Kanino ito galing.." ani ni Jace

Binuksan niya ang kahon at pagbukas niya isang cellphone ang kanyang nakita na may nakalagay na maliit na papel.

"Play this video..to get the answer kung saan nagtungo si Cassandra noong gabing nasa bar kayo"

Kinutuban si Jace sa kanyang nabasa. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito kaya naman pinindot niya ang play button.

Nakita ni Jace sa Video ang isang lalaki kasama ang kanyang nobyang si Cassandra. Nanginginig na tumingin si Jace kay Cassandra.

"How! Fuck!" Ani ni Jace

Tumayo at itinaktak ang palad sa ibabaw ng lamesa. Napatingin ang mga tao, sa nangyaring ito.

"Jace.. ano ba! Ano ba ang nagyayari sayo!" Ani ni Cassandra

"Huwag mo akong kausapin!" Sigaw ni Jace

Umalis si Jace sa restaurant dala-dala ang cellphone na kanyang hawak. Maya-maya ay nakatanggap pa siya ng isang video.

"Ako ito, si Raphael ex ni Clary, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Simula't sapul hindi ka minahal ni Cassandra, ako ang kanyang boyfriend habang nakikipaglapit-loob siya sayo. ginawa lamang niya ang lahat upang saktan si Clary.  Ito na siguro ang Oras upang maitama ko ang aking pagkakamali para kay Clary. Hindi ko ito sinasabi sayo para siraan kayo ni Cassandra subalit ang lahat ng ito ay katotohanan. Ang video ay ang aking matalik na kaibigan kasama si Cassandra. Nangyari iyan ng gabing nawala siya sa bar. "

-Raphael

Nahinto ang kanyang pinapanood. Gigil na gigil sa galit si Jace ng malaman ang katotohanan. Sumakay kaagad siya sa kanyang motor at dumeretso sa kanyang condo.

"Ang tanga! Tanga! Mo Jace! Ang tanga mo!" Sambit ni Jace sa kanyang sarili.

Pinagsisipa ni Jace ang mga gamit sa loob ng condo at pinagbabasag ang ilang vase. Kumuha siya ng alak at tinungga ito.

"Sana noon ko pa nalaman! Sana noon pa!" Sambit muli ni Jace sa kanyang sarili

Hindi nagtagal ay dumating si Cassandra.

"Jace... hon...." ani ni Cassandra

Nakita ni Cassandra ang magulong bahay ni Jace kasama ang mga basag na gamit. Natagpuan niya si Jace na nakaupo pasandal sa tabi ng ref, katabi ang dalawang bote ng alak.

"Hon!" Ani ni Cassandra

"Manloloko ka! Ginamit mo lang ako!" Tugon ni Jace

"Ano ba ang pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan." Ani ni Cassandra

"PuTang ina ka!  Ang galing mo! Ang galing galing mo!" Ani ni Jace

Inabot ni Jace ang cellphone kay Cassandra kung saan nakasave ang lahat ng video. Pinanood ito ni Cassandra at napaupo siya sa sahig.

"Jace... sorry... sorry...." ani ni Cassandra

"Wala kang kwenta! Pinagkatiwalaan kita! Minahal kita tapos yan pala ang pagkatao mo! Hayop ka!" Tugon ni Jace

"'Magpapaliwanag ako please.." ani ni Cassandra

Nagkukundumahog na humingi ng kapatawaran si Cassandra subalit hindi siya pinagbigyan ni Jace.

"Kasalanan mo kung bakit kami nagkalayong muli ni Clary. Ikaw ang dahilan.. ikaw ang dahilan kaya nawala sa akin ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko!" Ani ni Jace

"Sorry na Jace please... mahal kita.. mahal na mahal kita.." tugon ni Cassandra

"Tama na Cassandra! Tama na! Utang na loob umalis ka na dito bago pa man magdilim ang paningin ko." Ani ni Jace

Tumayong umiiyak si Cassandra habang tinatahak ang daan palabas ng condo unit ni Jace. Pagkaalis ni Cassandra, nagpatuloy sa pag-iinum si Jace.

"Push! Malapit na..." ani ng Doctor

"Yaaaaahhh!!! Aaaahhh Jaaaaaccccceee!!!!" Sigaw ni Clary

Ilang saglit pa ay lumabas na ang isang napakalusog na sanggol na babae. Ipinatong ito ng doctora sa dibdib ni Clary. Tumulo naman ang mga luha ni Clary ng makita ang mukha ng anak niya at madinig ang unang iyak nito.

"Napakaganda mo anak.. bagay na bagay sayo ang pangalan na naisip ko.. Clarace... pangalan namin yan ng Daddy mo." Ani ni Clary

Matapos niyang halikan ang noo ng kanyang anak, nawalan ng malay si Clary.

"Clary..." ani ng doctor niya

Tinatapik-tapik ng doctor si Clary ngunit hindi ito gumigising. Tumawag na ng ibang doctor pa at kaagad namang dumating.

Nagtaka si Brian kung bakit natataranta ang mga tao sa loob ng labor room. Wala naman siyang matanong sapagkat nagmamadali ang lahat.