Makalipas ang limang buwan, napakarami ng nabago. Nagsimula na ang chemo therapy ni Clary. Halos palagi siyang wala sa bahay kung kaya si Jace ang napapag-iwanan ng bata.
Habang nakaharap sa salamin si Clary, pinagmamasdan niya ang kanyang sarili.
"Im tired! Im weak! Clary you need to survive." Sambit ni Clary sa kanyang sarili
Kumatok ang Doctor sa kanyang kwarto.
"Doc.." ani ni Clary
"Clary..."tugon ng Doctor
Hindi maganda ang timpla ng mukha ng doctor, batid ni Clary na may mabigat itong dala-dalang balita para sa kanya.
"May problema po ba Doc? Mamamatay na po ba ako?" Ani ni Clary
"Sorry Clary... hindi ko alam kung paano ko sasabihin." Tugon ng Doctor
Hinawakan ni Clary ang kamay ng Doctor.
"Tell me Doc.. tell me the truth... tatanggapin ko ng buo kung ano man iyan." Ani ni Clary
Huminga ng malalim ang doctor at saka nagsalita
"Clary... its a bad news... umakyat na ang cancer mo sa satage 3. Walang nababago sa result mo, ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko." Tugon ng doctor
Dinaan na lamang ni Clary ang lahat sa isang ngiti.
Subalit kahit na ganun hindi niya maiwasan ang mapaluha.
"Ok lang yan Doc... ok lang yan tanggap ko naman ang mangyayari sa akin." Tugon ni Clary
Awang-awa ang Doctor sa kalagayan ni Clary. Ito lamang ang nahawakan niyang pasyente na kayang itago ang tunay niyang nararamdaman maipakita lamang na maayos siya.
"Are you ready para sa second Round ng chemo therapy mo?" Tugon ng Doctor
"Sige Doc baka pagnatapos ko ang 4 rounds mamatay na ang cancer sa katawan ko." Ani ni Clary
Inihanda na si Clary para sa kanyang chemo session. Matapos iyon, groggy siya kaya inihiga siyang muli sa kanyang kama.
Dumating naman si Isabelle sa bahay ni Clary upang bisitahin ang mag-ama.
"Tumawag na ba si Clary?" Ani ni Isabelle
"Hindi pa.. baka may cliente pa sila sa London." Tugon ni Jace
"Sa akin din, kahit message wala. Anyways kumusta naman kayo dito?" Ani ni Isabelle
"Ok lang.. minsan napupuyat dahil ni baby.. mahirap din pala pagsabayin ang trabaho at si Baby." Tugon ni Jace
"Sinabi mo pa.. ewan ba kung paano nagagawa yan ni Clary." Ani ni Isabelle
"Kaya nga believe na believe ako sa kanya. Sayang lang talaga hindi na niya ako binigyan ng chance na patunayan sa kanya na mahal ko siya." Tugon ni Jace
"Alam mo Jace, mahal ka ni Clary, yan ang nakikita ko." Ani ni Isabelle
"Sana nga.. sa ngayon focus na lang muna ako sa baby namin. Ang bilis ng panahon ano ilang buwan na lang at mag iisang taon na ang anak namin." Tugon ni Jace
Tumingin sa kalendaryo si Isabelle
"Oo nga no.. so anong plano sa first birthday ni baby?" Ani ni Isabelle
"Siguro isasabay na namin ni Clary ang binyag para isang celebration na lamang. Pero kakausapin ko pa din si Clary. Alam mo naman siya ang boss. Hehe" tugon ni Jace
"Hmmm... speaking of the boss. Heto na nagmessage na siya." Ani ni Isabelle
Binasa ni Isabelle ang mensahe ni Clary. Babalik na si Clary sa isang araw.
"Ayan babalik na pala siya sa makalawa" ani ni Isabelle
"Good! Magkakasama na natin siyang muli. Wait what if mag dagat tayo pagdating niya?" Tugon ni Jace
"Mukhang maganda iyan. Magugustuhan yan ni Clary. Siguro mas maganda kung doon na lamang natin siya pasunudin." Ani ni Isabelle
Nagplano ang dalawa para sa gagawing pagpunta sa dagat. Matapos iyon ay umalis na si Isabelel upang bumalik sa Gym at dumaan sa opisina ni Clary. Si Isabelle ang inatasan ni Clary na maging kapalit niya habang wala siya.
Lumipas ang ilang araw, natuloy sila patungo sa dagat. Dumalo sina Alec, Magnus, Brian at saka sina Isabelle at Simon. Doon nila hinintay ang pagdating ni Clary.
"Madaming pagkain. Kain lang kayo, may iniihaw lang ako dito"ani ni Jace
"Sige lang. Pagkatapos mo diyan halika na at tayo ay mag-iinom na." Ani ng mga lalaki
"Pass muna ako.. alam niyo naman Daddy's duty na ako ngayon." Tugon ni Jace
Kinantyawan siya ng mga kaibigan nila. Ilang saglit pa ay natanaw na ni Isabelle si Clary.
"Si Clary ba yun?" Ani ni Isabelle
Tinanaw maigi at ng makasigurong si Clary nga tumakbo ito patungo kay Clary.
"Clary!!!" Magiliw na sigaw ni Isabelle
"Belle..."malamlam na tugon ni Clary
Napansin siya ni Isabelle at nagtanong.
"Ok ka lang ba? Saan mo gustong dumeretso? Sa cottage ba o sa kwarto, naandoon si baby." Ani ni Isabelle
"Siguro sa kwarto na lang muna. Gusto ko muna makita ang anak ko." Tugon ni Clary
Sinamahan ni Isabelle si Clary patungo sa kwarto. Pagdating nila doon umupo si Clary sa kama at dahan dahan niyang inalis ang kanyang bandana.
Laking gulat ni Isabelle ng makita niya ang kanyang kaibigan na kalbo. Kinutuban kaagad siya sa kanyang nakita.
"Clary...." ani ni Isabelle
Malungkot na naluluha si Clary na nagsalita.
"May sakit ako.. leukemia stage 3..." tugon ni Clary
Kaagad na umupo si Isabelle sa tabi ni Clary at niyakap ng mahigpit, hindi naman mapigil ni Isabelle na mapaiyak.
"Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi.. bakit itinago mo sa akin." Tugon ni Isabelle
"Ayaw kong may masasaktan pa dahil sa kalagayan ko. Kaya mas pinili ko na lang na itago sa inyo. Pero tama nga si Doc hindi ko na maitatago ang sakit ko." Ani ni Clary
Pinunas ni Clary ang mga luha ni Isabelle.
"Thank you... thank you sa pag-aalaga mo sa anak ko. Nakakatuwang isipin na kahit pala mawala man ako sa mundong ito may isang ikaw pa din na gagabay sa anak ko." Ani ni Clary
"Clary... huwag ka naman magsalita ng ganyan. Lalaban ka... lalaban tayo hindi ka na mag-iisa ngayon." Tugon ni Isabelle
"Oo lumalaban ako.. hindi ko na nga lang alam kung hanggang saan pa ako tatagal. Sa totoo lang hindi cancer ang papatay sa akin.. kundi ang bawat sakit na nararamdaman at naiisip ko na konting panahon na lamang ang pupwede kong makasama ang anak ko." Ani ni Clary
Kinuha ni Clary ang kanyang anak at inakap at hinagkan. Naluluha si Isabelle habang pinagmamasdan niya si Clary.
"Lalaban ako anak... lalaban ako hanggat kaya ko..." bulong niya sa kanyang anak.