Bigo si Alec na matawagan si Jace. Marahil ay wala itong signal. Kaya nag-iwan na lamang siya ng mensahe upang magkita silang dalawa.
Gabi na ng makarating sina Jace sa Zambales. Inabot sila ng matinding trapiko dahil sa isang ginagawang daan. Pagdating nila sa bahay ni Clary, wala ring bakas na may pumunta dito.
"Wala din si Clary dito..." ani ni Isabelle
"Hindi bale may tatlong lugar pa tayong paghahanapan." Tugon ni Jace
"Nasaan na kaya si Clary. Hindi pa din siya sumasagot kahit sa mga email ko." Ani ni Isabelle
"Isabelle im sorry.." tugon ni Jace
Hindi siya sinagot ni Isabelle.
"Mas mabuti kung magpahinga na muna tayo dito at bukas na lang ng umaga tayo umalis." Ani ni Isabelle
"'Mas mabuti pa nga. Pagod na din ako. Sandali kukuha lang ako ng makakain natin sa sasakyan." Tugon ni Simon
Umupo si Jace sa sofa. Binuhay niya ang kanyang telepono at kaagad pumasok ang mensahe ni Alec.
"Nasan ka? We need to talk! Buntis pala si Clary! Sinasabi ko naman sayo eh! Nako nako! Humanda ka sa akin kapag nagkita tayo. Siya sige ingat.. magkita tayo sa dati."
-alec
Sumunod ay ang mga tawag ni Cassandra naman ang kanyang napansin.
Rrrrriinnggggg....
"Hey sorry busy ako hindi ko nasagot ang tawag mo. Hindi pa ako papasok, nasan ka na?"
-jace
"Ano ba ang nangyayari sayo? Pakiramdam ko tuloy bale wala na lang ang kung anong meron tayo. Umaalis ka na lang ng hindi ko alam."
-Cassandra
"Sorry na.. babawi na lang ako sayo pagbalik ko."
"Sige na... papasok na ako mag iingat ka kung nasaan ka man"
🖤+ END CALL +🖤
Narinig ni Isabelle ang pag-uusap nina Jace at Cassandra na nagdulot muli ng sama ng loob sa kanya.
"Bakit mo pa hinahanap si Clary? May Cassandra ka na diba?" Ani ni Isabelle
Tumayo si Jace sa kanyang pagkakahiga.
"Mahalaga sa akin si Clary. Kaya ko siya hahanapin."tugon ni Jace
"May mahalaga bang sinasaktan? May mahalaga bang hindi makita ang halaga? Sige nga Jace sabihin mo sa akin!" Ani ni Isabelle
Napupuno na si Jace sa kakasumbat ni Isabelle kaya naman nagpaliwanag siya.
"Isabelle, ayaw kong magkagalit tayo.. pero hindi mo ako Naiintindahan." Tugon ni Jace
Hinawi ni Isabelle ang buhok niya paitaas at humawak sa kanyang bewang.
"Talagang hindi Jace! Ang labo mo! Malabo ka pa sa mata ng bulag!" Ani ni Isabelle
At napalakas ang boses ni Jace kay Isabelle.
"Oo na! Ako na ang may kasalanan ng lahat! Mas mabuti pa mag kanya kanya na lang tayo ng paghahanap kay Clary. Total naman ako at ako lang din naman ang masisisi, so much better umalis na ako ngayon." Ani ni Jace
"Yan! Jan ka magaling! Hindi ka marunung manindigan sa kung anong pinaglalaban mo!" Tugon ni Isabelle
Samantala, nagising maman si Simon sa pagtatalo ng dalawa.
"Ano ba naman kayo! Para kayong mga bata!" Ani ni Simon
Walang umimik sa dalawa. Kinuha ni Jace ang Jacket niya at umalis.
"Jace! Pare san ka pupunta!" Ani ni Simon
Hindi sumagot si Jace kaya kay Isabelle nagtanong si Simon
"Love saan pupunta yun?" -ani ni Simon
"Hayaan mo siya! Malaki na siya! Kung gusto niyang umalis, umalis siya!" Tugon ni Simon
Napailing na lamang si Simon sa nangyari sa dalawa. Hindi na bumalik pa si Jace sa bahay, bagkus ay nagbyahe na ito pabalik ng Manila.
Pagdating ni Brian sa Probinsya ng Caramoan, nadatnan niyang nagtatrabaho pa si Clary.
"Still working? Hindi ka na ata nagpapahinga?" Ani ni Brian
"May kailangan lang akong tapusin." Tugon ni Clary
"Sige pagkatapos mo jan, sumunod ka na dito sa kusina, kakain na tayo." Ani ni Brian.
Nagpatuloy sa pagtatrabaho si Clary, samantala naghanda naman ng hapunan nila si Brian. Matapos iyon, ikwenento ni Brian ang mga paghahanap na ginagawa nina Isabelle at Jace.
Naawa si Clary para sa kanyang kaibigan. Gustuhin man niyang sabihin kung nasaan siya subalit nais pa niyang mapag-isa.
Lumipas ang mga araw at nagpatuloy ng paghahanap si Jace. Hindi na siya sumama kina Isabelle, napuntahan na niya ang halos 3 lugar subalit bigo siyang natagpuaun si Clary.
"Hindi ko na ata makikita si Clary.." sambit ni Jace sa kanyang sarili
Umalis na si Jace, at nagbalik muli sa company ni Clary upang kumuha ng balita doon. Hanggang sa dumating sa puntong kailanganin niya ng isang kaibigan kaya't nakipagkita na siya kay Alec.
"Mabuti naman at nakipagkita ka na!" Ani ni Alec
"Kung sesermonan lang ako.. aalis na ako..." tugon ni Jace
"Ok.. hindi na... so tell me buntis si Clary?" Ani ni Alec
Nagtaka si Jace kung saan ito nalaman ni Alec
"Oo buntis si Clary.. sandali paano mo nalaman?" Tugon ni Jace
Isinalaysay ni Alec kung paano niya ito nalaman. Matapos iyon nagkaroon naman ng kutob si Jace tungkol kay Brian.
"Ok ka lang?" Ani ni Alec
"Oo ok lang ako. May iniisip lang ako.." tugon ni Jace
"Bakit hindi si Clary ang minahal mo?" Ani ni Alec
Napatingin si Jace kay Alec.
"Naduwag kasi akong mawalang muli sa akin si Clary kapag minahal ko siya." Ani ni Jace
"Huh? Paano??" Tugon ni Alec
Ikwenento ni Jace kay Alec ang pangyayari.
🖤+ FLASHBACK +🖤
🖤🖤+ JACE & CLARY+🖤🖤
Nang nasa edad kinse na sina Clary at Jace, umusbong sa kanilang dalawa ang isang pagmamahalan. Kaya palihim silang nagkikita sa gubat sa kung saan sila unang nagkita.
"Gusto kita Clary..." ani ni Jace
"Gusto din kita Jace...kaso mga bata pa tayo." Tugon ni Clary
"Wala naman sigurong masama kung magiging tayo kahit na palihim" ani ni Jace
"Hindi ba mahirap iyon?" Tugon ni Clary
"Siguro mahirap.. pero kaya naman natin kung susubukan natin diba?" Ani ni Jace
"Ok sige payag na ako." Tugon ni Clary
Nagkaroon ng mga ngiti sa mata ng binata.
"Talaga? So ibig sabihin tayo na? Girlfriend na kita?" Ani ni Jace
"Oo.. girlfriend mo na ako.." tugon ni Clary
Umakap si Jace kay Clary. Dahil sa mga murang edad, ito pa lamang ang nagagawa nila. Humiga ang dalawa habang magkahawak kamay.
"Jace.. sana tayo lang dalawa makakaalam sa kung anong meron tayo." Ani ni Clary
"Oo naman.. pangako tayo lang dalawa."tugon ni Jace
Humiga si Clary sa mga bisig ni Jace at umakap. Masaya nilang pinagmasdan ang paggalaw ng ulap sa himpapawid.
Tumagal ang relasyon ng dalawa, pasimple silang nagkikita sa kanilang tagpuan. Hanggang sa dumating ang punto na nagtataka ang mga magulang ni Clary kung bakit halos makalawahan itong umaalis.
"Saan ka nagpupunta Clary? Ano ang tinatago mo.."sambit ni Romina sa kanyang isipan