Chereads / The Day you love me. I die / Chapter 37 - Chapter 37

Chapter 37 - Chapter 37

Kinabukasan, kaarawan na ni Jace. Abala ang lahat sa paghahanda para sa kanyang birthday party. Gaganapin naman ito sa isang pool area.

"Hi hon... malapit ng matapos makakapagsimula na tayo" ani ni Cassandra

"Thanks hon... sobra ka ng nag abala. Sabi ko naman sayo simplehan lang natin." Tugon ni Jace

"Siempre naman first birthday ng boyfriend ko na kasama ako. Kaya dapat masaya at napaghandaan." Ani ni Cassandra

Ngumiti si Jace at binigyan ng isang halik si Cassandra.

"Huy.. ang tamis ninyo..." ani ni Alec

"Happy Birthday bro.." dagdag pa ni Alec

"Salamat bro. Teka nasaan si Magnus?" Tugon ni Jace

"Ayun nasa hospital may emergency sila." Ani ni Alec

"So hindi siya makakarating?" Tugon ni Jace

"Hindi.. duty na siya all night.." ani ni Alec

Tinawag naman si  Cassandra ng event organizer para sa ilang katanungan. kaya naman iniwan na muna niya sina Alec at Jace.

"So kayo na? Ganun na lang??" Ani ni Alec

"Bro! Maging masaya ka na lang para sa akin please.." tugon ni Jace

"Masaya naman ako... pero ang sa akin lang sana kinausap mo muna si Clary para naman hindi siya mabigla kung sakaling dumating man siya dito at makita kayo ni Cassandra." Ani ni Alec

Hindi nakasagot si Jace.

"Teka anong oras ba darating si Clary?" Ani pa ni Alec

"Hindi ko pa alam. Baka pagkatapos pa ng trabaho niya." Tugon ni Jace

"Uhmm ok..." ani ni Alec

Abala naman si Clary sa kanyang opisina upang matapos na kaagad niya ang lahat ng paper works at para mas makarating siya ng mas maaga sa birthday party ni Jace.

Inihanda niya ang isang regalo para kay Jace, inilagay niya ang kanyang Pregnancy test  sa isang kahon kasama ng isang sapatos ng bata.

"Ayaaan!!! Matutuwa na siguro nito ang Daddy mo." Sambit ni Clary sa kanyang sarili

Nakahawak si Clary sa kanyang sinapupunan.

Nauna nang dumating sina Simon at Isabelle sa party ni Jace.

"Jace.. happy birthday.." ani Simon at Isabelle

"Salamat.." tugon ni Jace

Lumingon lingon si Isabelle.

"Nandito na ba si Clary?" Ani ni Isabelle

"Wala pa.. akala ko nga magkakasabay kayo." Tugon ni Jace

"Baka natraffic lang si Clary" ani ni Isabelle

"Iwan ko muna kayo jan puntahan ko muna ang ibang mga bisita" tugon ni  Jace

"Sige lang.. aabangan na namin si Clary dito." Tugon ni Simon

Patuloy sa pagmamasid si Isabelle hanggang sa makita niyang magkahawak kamay sina Cassandra at Jace na nakikipag-usap sa mga bisita.

"Love... look!" Ani ni Isabelle

"Damn! So means sila na?" Tugon ni Simon

Mas nalungkot pa si Isabelle sa kanyang nakita.

"Love si Clary.... hindi na siya dapat magpunta dito baka makasama pa sa kanya." Ani ni Isabelle

"Anong gagawin natin? Magtataka din naman siya kung bakit hindi na natin siya papapuntahin dito." Tugon ni Simon

Hindi nila namalayan na dumating na si Clary. Nagtinginan ang mga tao sa pagdating ni Clary, kakaiba ang ganda nito, nakakabighani kaya naman hindi maiwasan ng lahat na pagmasdan siya.

"Gorgeous! Pinaghandaan ni Clary ang birthday ni Jace." Bulong ni Simon kay Isabelle

Malungkot ang mukha ni Isabelle. Batid niya ang kakalabasan ng gabing ito para sa kanyang kaibigan.

"Belle! Simon... kanina pa ba kayo?" Ani ni Clary

"Kakarating lang namin.." tugon ni Simon

"Ok ka lang ba belle??" Ani ni Clary

Siniko ni Simon si Isabelle

"Ah! Oo ok lang ako.. hindi lang ako makapaniwala sa nakita ko." Ani ni Isabelle

"Nakitang ano?" Tugon ni Clary

Muntik ng madulas sa pagsasalita si Isabelle kaya naman umisip siya ng isang palusot.

"Isang magandang nanay... at ikaw ito Clary.." ani ni Isabelle

Natuwa naman si Clary sa papauring ito ni Isabelle. Ilang saglit pa ay hinanap niya si Jace. Nahirapan silang hanapin si Jace sapagkat nag umpisa na ang party.

Naglakad-lakad si Clary hanggang sa natagpuan niya si Jace.

"Jace!" Tawag ni Clary

Lumapit si Jace kay Clary. Excited naman si Clary sa paglapit nito.

"Clary.. nakarating ka.." ani ni Jace

"Happy Birthday Jace.. para sayo.." tugon ni Clary

Iniabot na ni Clary ang kahon

"Salamat.. nag-abala ka pa.." tugon ni Jace

"Sana magustuhan mo ang munting regalo ko sayo." Ani ni Clary

Masayang nag-usap ang dalawa, hindi nagtagal natanaw sila ni Cassandra. Kaya naman lumapit sa kanila si Cassandra.

"Hon!" Ani ni Cassandra

Napatingin si Clary Kay Jace. Napakagat naman sa labi niya si Jace.

"Hon?? Anong ibig sabihin nito?" Tugon ni Clary

Hinawakan ni Cassandra ang mga kamay ni Jace.

"Hindi pa ba nasasabi sayo ni Jace? Kami na kahapon lang. Sorry ha hindi na namin naipost ang proposal niya" ani ni Clary

Hindi umiimik si Jace. Samantala nangingilid ang mga luha ni Clary na tila babagsak.

"Really... masaya ako para sa inyo... congratss.... sana maging masaya kayo.." ani ni Clary

"Clary im sorry... sorry hindi ko nasabi sayo." Tugon ni Jace

"Ok lang ako... masaya ako para sa yo.." nanginginig na boses ni Clary

"Clary...." ani ni Jace

Unti-unti ng pumatak ang mga luha ni Clary habang unti-unting lumalakad patalikod. Kasabay ng kanyang pagtalikod ay ang saliw ng isang kanta mula sa musika ng DJ.

Tayo ay pinagtagpo

Ngunit hindi tinadhana

Sadyang mapaglaro itong mundo

Kinalimutan kahit nahihirapan

Para sa sariling kapakanan

Kinalimutan kahit nahihirapan

Mga oras na hindi na mababalikan

Pinagtagpo

Ngunit hindi tinadhana

Puso natin ay hindi

Sa isa't-isa

Nagtatakbo si Clary papalabas ng Venue. Natanaw ito ni Isabelle at kaagad niyang sinugod si Jace.

"Jace! Pwede ba tayong mag-usap!" Ani ni Isabelle

"Madami pang bisita si Jace" tugon ni Cassandra

Dahil sa galit ni Isabelle pati si Cassandra ay nadamay.

"Intindihin mo ang mga bisita! kaya nga ikaw ang girlfriend hindi ba? And please can you give us a moment?" Ani ni Isabelle

Tumaas ang kilay ni Cassandra kay Isabelle. Nakiusap naman si Jace kay Cassandra na iwan muna sila ni Isabelle.

"Alam mo ba ang ginawa mo? Sinaktan mo si Clary! Sinaktan mo ang kaibigan ko!" Ani ni Isabelle

"Sandali lang! Isabelle bakit ako? Bakit parang ang laki ng kasalanan ko ng maging kami ni Cassandra ?" Tugon ni Jace

Nakita ni Isabelle ang kahon na galing kay Clary.

"Gusto mo ng kasagutan? Buksan mo yang kahon na regalo sayo ni Clary!" Ani ni Isabelle

Dahan-dahang binuksan ni Jace ang kahon. Pagkabukas niya una niyang nasilayan ang sapatos ng baby. Nang ganap na niyang nabuksan ang kahon doon niya nabasa ang letter.

"Isabelle ano ito?" Ani ni Jace

"Wala kang alam? Pwes makinig ka! BUNTIS SI CLARY AT IKAW ANG AMA!" Tugon ni Isabelle

Sabay kuha ni Isabelle ng pregnancy test at sabay abot kay Jace.

"No! Clary....." ani ni Jace

Tumakbo si Jace upang habulin si Clary subalit nabigo ito.

"Clary.... im sorry.... hinayaan ko na naman na mawala ka sa akin.." sambit ni Jace sa kanyang sarili