Habang wala pa si Clary, nagkaroon ng pagkakataon si Jace upang magtanong kung saan nagtungo si Cassandra kagabi.
"So... can you tell me kung saan ka nanggaling kagabi?" Ani ni Jace
Hindi kaagad nakasagot si Cassandra, nag-isip pa siya ng bagong kasinungalingan na sasabihin kay Jace.
"Ano kase.. medyo nahilo ako.. then nakituloy muna ako sa kaibigan ko hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog pala ako." Ani ni Cassandra
Tatango-tango na lamang si Jace.
"Pero alam mong kasama mo ako. Pwede mo namang sabihin sa akin kung ano man ang nararamdaman mo." Tugon ni Jace
Patuloy pa din sa kasinungalingan niya si Cassandra.
"Ayaw ko kasing masira ang gabi mo. Alam mo naman diba simula pa lamang sa restaurant mainit na ang ulo mo." Ani ni Cassandra
"Ok.." tugon ni Jace
Nang gabing iyon nagsimula ng manlamig sa pakikitungo si Jace kay Cassandra.
Pagbalik ni Clary sa table nila, lumipat si Jace sa tabi ni Clary.
"Let's eat... lalamig pa ang pagkain." Ani ni Jace
"Happy eating guys.." tugon ni Clary
Wala namang imik si Cassandra, naging matahimik ang pagdidinner ng tatlo, hanggang sa matapos sila tahimik pa din at walang kibuan.
"So i think I should go. May kailangan pa akong gawin sa office ko." Ani ni Clary
Kaagad na tumayo si Jace at nagpresenta.
"Ihahahatid na kita pabalik sa company mo." Ani ni Jace
"Diba may pasok ka pa? Bakit hindi pa kayo magsabay ni Cassandra." Tugon ni Clary
"Pwede namang hindi ako pumasok. Isa pa kaya na ni Cassandra na pumunta sa opisina. Right Cassandra?" Ani ni Jace
Nabigla si Cassandra.
"Ah! Oo! Nag oorder na din ako ng uber.." ani ni Cassandra
"Ok Good!" Tugon ni Jace
Hindi maipaliwanag ni Clary kung ano ang nangyayari sa dalawa.
"Tara na Clary!" Ani ni Jace
"Ok..."tugon ni Clary
Lumingon si Clary kay Cassandra.
"Clary sakay na.." ani ni Jace
Nagmadaling sumakay si Clary. Pagkaraan ng ilang sandali umalis na sila ni Jace. Dumating na din naman ang uber na kinuha ni Cassandra.
Habang nasa uber, nag-isip ng panibagong plano si Cassandra kung paano siya makakaganti kay Clary. Ngumiti na lamang ito ng magkaroon siya ng idea.
Pagkarating nila Jace sa company ni Clary, kaagad na nagtanong si Clary sa kanya.
"Ok ka lang?" Ani ni Clary
Biglang hinawakan ni Jace ang magkabilang pisngi ni Clary at hinalikan ito.
"Im ok ... salamat sa gabing ito." Tugon ni Jace
Umalis si Jace baon-baon ang mabigat na kalooban. Samantala, napahawak naman si Clary sa kanyang mga labi.
"Jaaaaccceee...." sigaw ng kanyang puso
Dumeretso si Jace sa opisina nila upang ipagpatuloy ang nasimulang trabaho. Naging normal lamang ang lahat sa kanya gayun din ang pakikitungo niya kay Cassandra.
"Jace?? Pwede ba tayong mag-usap?" Ani ni Cassandra
"Nagtatrabaho tayo diba? Mamaya na lang siguro" tugon ni Jace
"Pero Jace saglit lang naman.." ani ni Cassandra
"Sige na back to work na ako... ok guys double time!" Tugon ni Jace
Napatingin ang mga empleyado sa naging tagpo ng dalawa. Pumasok na si Jace sa kanyang opisina. Nakatingin naman sa kanya si Cassandra habang umuupo.
Sinubukang tawagan ni Clary si Isabelle subalit hindi ito sumasagot. Inisip na lamang niya baka magkasama pa ang dalawa.
"Ang sweet mo..." ani ni Isabelle
"Hindi ko ito sinasadya ha.. pero tunay tinamaan ako sayo." Tugon ni Simon
"Baka mafall ako..." ani ni Isabelle
"Sasaluhin kita.. wag kang mag-alala" tugon ni Simon
Tumingin si Isabelle kay Simon, tila unti-unti ng naglalapit ang mga mukha nila at mga labi, ng aktong hahalikan siya ni Simon, umiwas si Isabelle.
"Sandali..." ani ni Isabelle
"Ok I understand...." tugon ni Simon
Nagkaroon ng breaktime sina Jace kaya naman nagkaroong muli ng pagkakataon si Cassandra na makausap muli si Jace.
"Jace..." ani ni Cassandra
"Oooh??? Kukuha lang ako ng kape at papasok na ako uli." Tugon ni Jace
"'May problema ba ? Iniiwasan mo ba ako?" Ani ni Cassandra
"Wala naman... bakit??" Tugon ni Jace
Nagpaawa si Cassandra kay Jace
"Napapansin ko lang.... dati kasi ok na ok tayo kapag nag-uusap. Tapos ngayong naging close na tayo bigla ka namang nagbago." Ani ni Cassandra
Tila naman nakirot ng bahagya ang puso ni Jace. Kaya lumambot ito ng bahagya.
"Pasensya ka na... nagtatampo lang ako sa ginawa mo."tugon ni Jace
Napangiti naman si Cassandra
"Sorry na... hindi na mauulit please..." ani ni Cassandra
"Ano pa nga ba... gusto mo ng kape?" Tugon ni Jace
"Sure!" Sambit ni Cassandra
Pagkakuha ng kape, pumasok sila sa opisina ni Jace at doon nagpatuloy ng pag-uusap.
"So Cassandra may boyfriend ka na ba?" Ani ni Jace
Hindi naman kaagad nakasagot si Cassandra sa tanong na ito ni Jace. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang mayroon sila ni Raphael.
🖤 FLASHBACK 🖤
🖤 + Cassandra & Raphael +🖤
Tatlong buwan Matapos ang nangyari sa birthday ni Raphael, nakipaghiwalay na sa kanya ang kanyang asawa na si Cathy. Malungkot si Raphael hindi dahil nawala si Cathy, ito ay ang pagkawala sa buhay niya si Clary.
Kaya naman, gumawa si Edward ng paraan upang magkaroon muli ng buhay si Raphael. Ipinakilala niya ang isang babae na alam niyang magugustuhan ni Raphael ito ay walang iba kung hindi si Cassandra.
"Pare! Si Cassandra nga pala.." ani ni Edward
Kumamay si Raphael at nagpakilala.
"Raphael nga pala.. nice to meet you.." ani ni Raphael
Nabighani naman kaagad si Cassandra ng makita niya si Raphael.
"Im Cassandra "Cassy for short" tugon ni Cassandra
"Nice to meet you Cassy.."ani ni Raphael
"Sige iwan ko muna kayong dalawa.. may pupuntahan pa ako." Ani ni Edward
"Sige Pare.." tugon ni Raphael
Pagkaaalis ni Edward, nag-usap sina Raphael at Cassandra. Doon niya naikwento ang kanyang napagdaanan sa pag-ibig. Naamin din niya kay Cassandra ang tungkol kay Clary.
"So ayun.. ang hirap pala mag move on lalo na kapag minahal mo ng sobra yung tao." Ani ni Raphael
"So hanggang ngayon mahal mo pa din si Clary?" Tugon ni Cassandra
"Yuph.. hindi pa rin nagbabago.." ani ni Raphael
Nadismaya si Cassandra sa kanyang nalaman. Subalit dahil nagustuhan na niya si Raphael, gumawa siya ng paraan upang magustuhan siya ni Raphael.
Lumipas ang maraming buwan, mas nagkakilala pa sila ng husto. Hanggang sa dumating na ang puntong mas minamahal na ni Cassandra si Raphael kahit wala pang level ang kanilang ugnayan.