Chereads / The Day you love me. I die / Chapter 24 - Chapter 24

Chapter 24 - Chapter 24

"Ang bigat naman ng pasalubong mo.." ani ni Isabelle

"Hindi ko na alam ang gagawin ko..." tugon ni Clary

Napabuntong hininga si Isabelle at inaya niya si Clary na maupo.

"Halika maupo muna tayo." Ani ni Isabelle

"Sige.." tugon ni Clary

Nang makaupo na sila, kaagad na nagtanong si Isabelle kay Clary.

"Tell me... ano ang nangyari.." ani ni Isabelle

"Habang tumatagal, mas lalo kong minamahal si Jace." Tugon ni Clary

Hinawakan ni Isabelle ang mga kamay ni Clary.

"Diba sabi ko sayo.. control your emotions and fight for your feelings." Ani ni Isabelle

"Pero belle! Hindi ko kaya... hindi ko kaya pagdating kay Jace.." tugon ni Clary

Napatayo si Clary at napahawak sa kanyang ulo.

"Sana ako na lang... sana ako na lang... kung pwede lang sana sabihin ko kay Jace na sana ako na lang!" Ani ni Clary

"Hay nako Clary... umayos ka nga.. pinahihirapan mo lang ang sarili mo." Tugon ni Isabelle

"Kaya ko ang mahirapan.. mahal ko si Jace.. damn! This feelings!" Ani ni Clary

Umisip si Isabelle ng paraan upang maialis ang pag-iisip ng husto ni Clary.

"Siguro we need to find a bar. Let's drink tonight sagot ko!" Ani ni Isabelle

Kahit papaano ay nag-iba ang takbo ng emosyon ni Clary.

"Much better, siguro kailangan ko na din ng alak baka sakaling mahimasmasan na ako." Tugon ni Clary

"Alak lang naman ang pamatay mo sa emosyon mo. Pero sana sa bawat pag inum mo ng alak makalimutan mo muna si Jace" ani ni Isabelle

Nagkibit-balikat lamang si Clary sa tinurang ito ni Isabelle. Umuwi na si Clary upang maghanda ng kanyang sarili.

Samantala tumawag naman si Alec kay Jace upang ayain itong uminom.

Rrrrrrriiiinnnggg....

"Bro!"

-Jace

"Nasaan ka?"

-alec

"Bahay pa bakit??"

"Uhm free ka ba? Tara labas tayo gusto ko mag-inom."

"Nako! Wrong timing ka naman magyaya. May date ako ngayon."

Napaisip si Alec kung kanino

"Kay Clary ba?"

"Hindi eh.."

"Eh kanino??"

"Kay Cassandra.."

"Ang bilis naman. Ikaw na talaga. Sige na mag-iingat kayo."

"Hehe.. sige na ingat ka din sa isang araw na lamang ako babawi."

🖤 end call 🖤

Bihis na si Cassandra, hindi naman siya mapakali na dumating ang oras na kanyang pinakahihintay. Tapos na din si Jace na magbihis at ready na siyang magtungo sa restaurant na pinareserve niya.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Jace sa labas ng restaurant, hinihintay na lamang niya si Cassandra na dumating. Ilang sandali pa naman ay dumating na din si Cassandra

"Cassy..." ani ni Jace

Nabighani si Jace sa ganda ng ayos ni Cassandra. Napangiti naman si Cassandra sa naging reaksyong ito ni Jace.

"Jace! Ok ka lang?" Ani ni Cassandra

"Ah! Oo ok lang ako. Let's go?" Tugon ni Jace

"Sure!" Ani ni Cassandra

Pagdating nila doon, isang hindi inaasahang pagkakataon ang bumungad sa kanila.

"Reservation for Jace and Cassandra please." Ani ni Jace

Tiningnan ng receptionist ang reservation ni Jace subalit wala ito doon.

"Ay sir.. sorry pero wala pong reservation dito para sa inyo." Ani ng receptionist

Namula sa galit si Jace.

"What! Paanonh wala eh tumawag ako kanina! Isa pa nag ok kanina." Ani ni Jace

"Sir sorry pero kanina pa kaming umaga fully booked. Siguro po yung intern ang sumagot. Kung gusto po ninyo maghintay na lang po kayo ng matatapos." Tugon ng receptionist

Napakamot ng ulo si Jace. Humawak naman si Cassandra sa balikat ni Jace.

"Ok lang iyan.. lipat na lang tayo." Ani ni Cassandra

"Pero..." tugon ni Jace

Naudlot ang pagsasalita ni Jace ng halikan siya ni Cassandra.

"Sabi ko sayo ok lang.. lilipat na lang tayo may alam ako siguro mageenjoy ka din doon." Ani ni Cassandra

Walang kibo si Jace sa nangyari, hindi nagtagal ay sumakay na sila sa motor ni Jace patungo sa bar na pupuntahan nila ni Cassandra.

Habang nasa ladies room naman ng bar si Clary, umorder na si Isabelle ng kanilang iinumin at pulutan. Pumwesto sila sa bandang gitna upang mas mapakinggan at makita ang live band.

"Ang tagal naman ni Clary.." sambit ni Isabelle sa kanyang sarili

Hindi nagtagal dumating na sina Cassandra at Jace sa labas ng Bar. Pumasok sila dito at nagustuhan naman kaagad ni Jace ang mga tugtugin.

"Tama ka.. mukhang mag eenjoy ako dito." Ani ni Jace

"Sabi ko naman kasi sayo.." tugon ni Cassandra

Lumingon-lingon naman si Isabelle upang hanapin si Clary. Subalit paglingon niya sa bandang hulian, natanaw niya kaagad si Jace at hindi nagtagal nakita din niya si Cassandra.

"Jace?? Cassandra?? Fuck ano ang ginagawa ninyong dalawa dito!" Tanong ni Isabelle sa kanyang sarili

Hindi mapakali si Isabelle sa kanyang inuupuan. Sa hindi inaasahang tagpo, sa tabi nila dinala ng waiter sina Jace at Cassandra.

"Damn! Ayos ka tadhana!" Sambit muli ni Isabelle sa kanyang sarili

Paglingon ni Cassandra sa kanan, namukhaan niya kaagad si Isabelle.

"Isabelle?" Ani ni Cassandra

Lumingon naman si Isabelle, kasabay ng pagkukunwaring nagulat siya.

"Cassandra! Oh Jace hi.." tugon ni Isabelle

"Sinong kasama mo?" Ani ni Jace

Tumingin si Isabelle sa likuran ni Jace, paglingon naman nina Cassandra at Jace, nakita nila kaagad si Clary. Agaw pansin ang kasuotan nito, skinny black jeans, black fit sando at black leather jacket. Hubog na hubog ang katawan ni Clary.

Napalunok bigla si Jace, napatingin naman si Cassandra kay Jace. Pag-upo ni Clary nagparinig kaagad si Cassandra.

"Hay ang liit talaga ng mundo."ani ni Cassandra

Ngumiti lamang si Clary kay Cassandra. Pinansin naman nito kaagad si Jace.

"Hi Jace..." ani ni Clary

Tumayong muli si Clary at nagbigay isang halik kay Jace. Tingin-tingin naman si Cassandra sa ginawang ito ni Clary. Naging mainit ang tagpo para sa tatlo. Mas lalo pang uminit ang tagpo ng biglang kumanta ang banda ng isang sikat na awitin.

"Mahal ko o mahal ako"

Napapangiti naman si Isabelle habang nakatingin kay Clary. Kinuha niya ang beer at sinalinan na ang kanilang baso.

Bumulong si Clary kay Isabelle..

"Bakit ka ngumingiti?" Ani ni Clary

"Wala natutuwa lang ako sa kanta." Tugon ni Isabelle

Nabatid ni Clary ang ibig sabihin ni Isabelle. Ngumiti na din lamang siya at kasabay noon ay lumingon siya sa may bandang dulo.

Napatigil si Clary nang may masulyapan siyang tao na tila pamilyar sa kanya. napabigkas naman siya ng isang pangalan ng lalaki.

"Raphael??" Ani ni Clary

Narinig ito ni Isabelle at lumingon, paglingon niya wala namang Raphael sa lugar na tinitingnan ni Clary. Tumayo si Clary upang hanapin kung si Raphael nga ba ang lalaki.