Chereads / The Day you love me. I die / Chapter 22 - Chapter 22

Chapter 22 - Chapter 22

Kinabukasan, huling araw na ng team building, nag-anunsyo na si Alec para sa kanilang huling laro.

"Good morning Guys.. kumusta naman ang tulog ninyo?" Ani ni Alec

"Ayos naman Sir Alec.." tugon ng mga members

"Good.. dahil wala ang Si Jace ngayon, uumpisahan na natin ang ating huling program." Ani ni Alec

"Sir Alec, ano po ang lagay ni TL?" Tanong ng isang member

Nagbulong-bulungan ang mga member kung makakabalik pa ba si Jace sa kanila bago matapos ang araw na ito. Napansin naman ni Alec ang tanong na ito sa mukha ng mga members.

"Babalik si Jace... yun ang sabi ng isang rescue. So guys focus na tayo sa last game natin." Ani ni Alec

Nabuhay ang pag-asa ng mga members, nagkaroon ng sigla ang bawat isa matapos marinig ang magandang balita.

"Ok last game natin is relay, pabilisan ang bawat team na matapos ang bawat maze. Kung sino ang pinakamababa ang oras sila ang panalo. Ok ba team?" Ani ni Alec

"Yes sir Alec ok na ok!" Sigaw ng mga members

Nagtipon-tipon ang bawat grupo at nag-usap kung paana ang strategy na gagawin nila.

"Ok so sino ang pinakamabilis tumakbo sa ating lahat?" Ani ni Clary

Nagturuan ang bawat team sa kung sino ang mauuna.

"Si kennedy mabilis." Ani ng isang member

"Hindi! si Lester mas mabilis." Ani naman ng isa

Napakamot sa kanyang ulo si Clary.

"Ok ganito na lang, kahit sino na lang ang mauna ang mahalaga is mag enjoy tayo. Ok guys?? Win or loose we bound as one" ani ni Clary

"Yes Ms. Clary. Ok na ok po yan." Pag sang ayon ng nga members

Samantala, nagpulong-pulong din ang grupo nina Cassandra. Desidido si Cassandra na matalo nila ang grupo nina Clary kaya naman isinaayos niya ang pagkakasunod-sunod ng mga members.

"Ok we need to win this last game! Para naman hindi nakakahiya kay Jace na porke wala siya is matatalo tayo. Ok?" Ani ni Cassandra

"Ok..." sambit ng members

Hindi sang-ayon ang mga members sa desisyong ito ni Cassandra. Tanging nais lamang nito ay matapatan si Clary.

"Ok guys.. ready na ba ang lahat??" Ani ni Alec

Lumapit na ang magkabilang grupo at pumwesto na sa umpisa ng race.

"Ready na kami." Tugon ng bawat isa

"Ok! Simulan na natin!" Ani ni Alec

Bumilang si Alec at ito ang naging hudyat ng simula na ng paligsahan. Mabilis na tumakbo ang bawat representative ng magkabilang grupo.

Mabilis na tumakbo ang unang manlalaro ng bawat grupo. Naunang matapos ang grupo nina Clary, kaya sumunod na ang isa. Sa pangalawang pagkakataon nanalo muli ang grupo ni Clary.

Asar na asar na si Cassandra sa sunod na pagkatalo. Nang pagkakataon na niya at ni Clary, nagkatinginan silang dalawa.

"Good luck!" Ani ni Clary

Umirap lamang si Cassandra at sa hindi inaasang pagkakataon, biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat.

Nagtakbuhan ang mga members sa lilim, nanatili naman sina Clary at Cassandra sa gitna. Tinawag sila ni Alec upang magpatila muna ng ulan.

"Clary! Cassandra mamaya na lamang natin ituloy." Ani ni Alec

"No! Ok lang itutuloy na namin. Diba Clary?" Tugon ni Cassandra

"Oo Alec don't worry kaya naman namin ito." Ani ni Clary

Tumakbo si Alec sa lilim habang pinapanood ang dalawa. Naunang tumakbo si Cassandra at nakalampas siya sa unang level.

"Ang bagal mo Clary!" Sigaw ni Cassandra

"Sige lang Cassandra.." tugon ni Clary

Matindi ang labanan ng dalawa, hanggang sa humantong sila sa huling stage. Kailangan nilang malampasan ang isang bakanteng lupa na puro putik. Magagawa lamang nila ito kung gagamit sila ng lubid.

"Kinakabahan ka na ba?" Ani ni Cassandra

"Mag focus ka na lang.." tugon ni Clary

Kinuha ni Cassandra ang lubid at kaagad siyang bumwelo para makalampas sa kabila. Subalit dahil sa maling bwelo nahulog si Cassandra sa putik.

"Fuck!" Ani ni Cassandra

Napatawa naman si Clary sa sinapit ni Cassandra.

"I told you focus lang.. masyado ka kasing mayabang." Ani ni Clary

Gigil na gigil naman si Cassandra habang nasa putikan. Samantala Kinuha ni Clary ang lubid at pumwesto ng maayos. Nagfocus ito hanggang sa makuha ng magandang pwesto. Nang akmang kikilos na si Clary, kumuha si Cassandra ng putik at ibinato ito kay Clary.

Nang tamaan si Clary ng putik napabitaw ito ay nahulog din sa putik kasama ni Cassandra.

"Akala ko ba nakafocus ka? Bakit naagaw pa din ng pansin ng batuhin kita?" Ani ni Cassandra

Dahil doon, nag-umpisang muli ang iringan ng dalawa.

"Ano ba ang problema mo Cassandra?" Ani ni Clary

"Hindi ko din alam! Ang alam ko lang talagang mainit ang dugo ko sayo." Tugon ni Cassandra

"Kung wala kang magawa, maglaro ka mag-isa sa putik. Bagay na bagay sayo yan." Ani ni Clary

Tumayo si Clary upang umahon na sa putik. Subalit dahil hamit si Cassandra hinila niya si Clary pabalik at napaupong muli si Clary sa putikan.

Hindi na nakapagpigil pa si Clary kung kaya bumangon siyang muli at tinuhod ang mukha ni Cassandra.

"Tigilan mo ako!" Ani ni Clary

Nakita ng lahat ang nangyayari sa dalawa kaya naman kahit na malakas pa ang ulan nagtungo silang lahat dito.

Tumayo si Cassandra at hinamon si Clary ng isang match. Pumayag naman si Clary sa hamong ito ni Cassandra.

Sumisipa si Cassandra at nasasalag ito ni Clary. Ng makatiempo si Clary inatake niya si Cassandra at napahiga si Cassandra. Napikon ng husto si Cassandra at dali-daling bumangon at sinabunutan si Clary.

"Araaaay!!!" Sigaw ni Clary

"Bwisit ka! Bwisit!" Tugon ni Cassandra

Tumalon naman si Alec upang awatin ang dalawa subalit wala siyang nagawa upang paghiwalayin ang dalawa.

Napaupo si Clary at napasaklang sa kanya si Cassandra habang sinasabunatan at sinasampal niya si Clary.

"Eto ang bagay sayo! Mayabang ka!" Ani ni Cassandra

"Tama na! Ano ba!" Tugon ni Clary

Hindi mapigil si Cassandra, ilang saglit pa ay may isang lalaki ang sumigaw.

"Tama na yan!" Ani ni Jace

"Jace!" Tugon ni Cassandra

Napabitiw si Cassandra sa ginagawa niya kay Clary, samantala kitang kita namang lahat ito ni Jace.

"Ano ba kayong dalawa!" Tugon ni Jace

"Si Clary kasi!" Ani ni Cassandra

"Teka bakit ba ako? Eh hindi ko nga alam kung anong problema mo sa akin!" Tugon ni Clary

Iniabot ni Jace ang kanyang kamay kay Clary, upang tulungan itong bumangon.

"Ok ka lang?" Ani ni Jace

"Oo ok lang ako.. thank you." Tugon ni Clary

"Wow! Ang sweet!" Ani naman ni Cassandra

"Ano bang meron yang babaeng yan?" Dagdag pa ni Cassandra

Tila nag-init na din si Jace sa ugaling ito ni Cassandra.

"Gusto mong malaman? Clary saved my life last night! Kung hindi niya ako nakita baka patay na ako ngayon!" Ani ni Jace

Natigilan si Cassandra sa sinabing ito ni Jace. Hindi naman makapaniwala si Clary na ganito kalaki ang utang na loob sa kanya ni Jace.