Pagdating ni Jace sa opisina nila, agaw pansin naman sa kanyang paningin ang bagong pasok na empleyado na si Cassandra. Maganda ito, maputi, makinis at hubog na hubog ang kurba ng katawan.
Lumapit si Jace sa isang empleyado.
"Sino siya?" Ani ni Jace
"Ah si Cassandra TL, bagong pasok." Tugon ng empleyado
"Uhm.. ok..." ani ni Jace
Iba ang tingin ni Jace kay Cassandra, naaabutan naman siyang nakasulyap kaya naman napapangiti siya.
"Hi TL.." ani ni Cassandra
Nagulat si Jace ng bigla siyang lapitan ni Cassandra
"Oh hi.. Jace nga pala, hindi TL ang pangalan ko." Ani ni Jace
Hindi ito pinansin ni Cassandra bagkus ay tinawag pa din niyang TL si Jace.
"Cassandra,, im Cassandra nice to meet you TL."tugon ni Cassandra
"Nice meeting you.." ani ni Jace
Bumalik na si Cassandra sa kanyang booth at nagsimula ng magtrabaho. Samantala pumasok na din si Jace sa pinaka opisina niya.
Nang makaramdam ng antok si Jace, nagtungo siya sa pantry upang kumuha ng kape. Nadatnan naman niya doon si Cassandra.
"Oh Cassandra.." ani ni Jace
"TL! Gusto mo din ng kape?" Ani ni Cassandra
"Yuph! Medyo inaantok na ako, kakasimula pa lang ng trabaho." Tugon ni Jace
Gumawa ng panibagong kape si Cassandra at matapos ay iniabot ito kay Jace.
"Here's your coffee TL." Ani ni Cassandra
"Thanks.. Jace na lang itawag mo sa akin." Tugon ni Jace
Ngumiti lamang si Cassandra.
"Sige na TL back to work na ako.. see you later sa breaktime." Ani ni Cassandra
Napakamot muli si Jace sa kanyang ulo.
"Hay.. Cassandra.." sambit niya sa kanyang sarili
Tinikman ni Jace ang kapeng ginawa ni Cassandra. Napakindat ito ng matikman ang timpla. Tamang tama ang lasa naghahalo ang pait sa tamis. Nabuhayan naman siya ng dugo kaya balik trabahong muli.
Nang gabing iyon, nahiga na si Clary at nagmunimuni sa buong kaganapan sa araw na iyon. Tumingin siya sa kisame habang tumatakbo sa isip niya si Jace.
"Hi Clary.." ani ni Jace
"Jace! Akala ko ba may trabaho ka?" Tugon ni Clary
"Yuph! Meron nga, hindi kasi ako mapakali gusto kitang makita." Ani ni Jace
Nagulat si Clary sa sinabing ito ni Jace.
"Pero Jace.." ani ni Clary
Kinuha ni Jace ang dalang bulaklak at iniabot kay Clary.
"Clary.. flowers for you.." ani ni Jace
Napangiti si Clary at tinanggap ang mga bulaklak
"Thank you Jace.. pero bakit may pabulaklak?" Tugon ni Clary
Huminga ng malalim si Jace at saka nagsalita
"Sa totoo niyan Clary, may gusto akong ipagtapat sayo." Ani ni Jace
"Ano iyon Jace?" Tugon ni Clary
"Will you... will you be my Girlfriend?" Ani ni Jace
Natulala si Clary sa biglaang pagtatanong ni Jace. Sasagot na sana siya ng may bigla siyang narinig na tunog ng telepono.
Pagkurap niya, tumingin siya sa paligid subalit walang Jace na dumating.
"Fuck! Panaginip lang pala!" Sambit ni Clary sa kanyang sarili
Muling tumunog ang kanyang telepono. Nang tingnan niya ito tumatawag pala si Isabelle.
Rrrrrrriiiiinngggggg.....
Isabelle is calling.....
"Belle!"
-Clary
"Pabukas ng pinto! Kanina pa ako nagriring"
-Isabelle
🖤 END CALL 🖤
Madaling bumaba ng kwarto si Clary upang pagbuksan si Isabelle. Pinapasok naman niya ito kaagad.
"San ka ba galing?" Ani ni Clary
"Wala sinadya kong magpunta dito." Tugon ni Isabelle
"Bakit?" Ani ni Clary
"Aba! Makikipag kwentuhan. So ano ang nangyari sa inyo ni Jace?" Tugon ni Isabelle
Bigla namang naalala ni Clary ang kanyang panaginip. Kaya naikwento niya ito kay Isabelle. Matapos iyon ay tinawanan siya ng kanyang kaibigan.
Habang tumatawa si Isabelle
"My God! Clary fall ka na kay Jace?" Ani ni Isabelle
"Wag mo nga akong tawanan." Tugon ni Clary
"Eh sino ba ang hindi matatawa sayo? Eh sa kwento mo nga lang ngayon halata ka na nasa isip mo si Jace." Ani ni Isabelle
Walang nagawa si Clary sa pangungutya ng kanyang kaibigan.
"Oo na! Na fafall na ako kay Jace." Ani ni Clary
"Hay nako Clarissa! Kahit kelan ang bilis mong mafall!" Tugon ni Isabelle
"Sino ba naman kasi ang hindi mafafall kay Jace?" Ani ni Clary
"Sino?? Siempre ako! Hindi ako mafafall kay Jace." Tugon ni Isabelle
"Bakit naman? Ang sweet kaya ni Jace." Ani ni Clary
Ngumiti si Isabelle
"Unang tingin ko pa lang kay Jace, hindi yan marunong magpahalaga ng damdamin. Yang galawan niyang iyan? Sus parang normal lang yan sa kanya." Ani ni Isabelle
"Sobra ka naman mag judge." Tugon ni Clary
Sinubukan ni Clary na ipagtanggol si Jace
"Believe me! Controlin mo ang sarili mo Clary.. ayaw ko na sa bandang dulo ikaw ang iiyak." Ani ni Isablle
"Eh! Ang nega mo talaga." Tugon ni Clary
Nagbukas ng red wine si Clary at inabutan si Isabelle. Nagpatuloy naman ang kanilang kwentuhan habang umiinom ng alak.
Habang nasa Breaktime si Jace, binalikan niya ang plano para sa team building. Kinuha lahat ng pangalan ng members at binilang. 14 katao lahat ang galing opisina.
Matapos ang breaktime kinuha muna ni Jace ang ilang minuto ng kanyang mga empleyado. Inanunsyo niya ang magiging team building nila na may theme na " i found you at the forest".
"Ok guys. This Saturday team building natin. Tayong lahat ay 14 bale magkakaroon tayo ng 2 grupo bubunot tayo isa-isa at lahat ng mga makakakuha ng 1 ay sila ang magiging magkakagrupo. Gayon din ang makakakuha ng lahat ng 2" ani ni Jace
Bakas sa mukha ng kanyang mga empleyado ang saya at excitement para sa darating na sabado. Matapos ang bunutan, nagsamasama na lahat ang magkakagrupo.
"Ok na ba ang lahat? Nasa kanya-kanya na bang grupo ang lahat?" Ani ni Jace
"Yes TL!" Tugon ng mga empleyado
Nagkaroon ng pagpupulong ang magkabilang grupo. Nagkataon naman na magkasama sila ni Cassandra sa iisang grupo. Napangiti siya at pinangunahan ang pagpupulong.
Nang matapos sila sa pagpupulong, nagbalikan na silang lahat sa kanya-kanyang trabaho. Hindi naman mawala sa isipan ni Jace si Cassandra.
Hinanap ni Jace si Cassandra sa social media, at kaagad niya itong nakita. Nagsend naman ito kaagad ng friend request.
Marami nang nainom si Isabelle at medyo tinamaan na ito, kaya inihatid na ni Clary si Isabelle patungo sa guest room.
"Clary.. yung bilin ko sayo.. control your heart.. fight for your emotions." Ani ni Isabelle
"Magpahinga ka na nga.." tugon ni Clary
Hindi binigyang pansin ni Clary ang paalala ni Isabelle para sa kanya. Walang ibang tumatakbo sa isip ni Clary kung hindi si Jace.