Chereads / The Day you love me. I die / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

Makalipas ang isang linggo, hindi pa din pinapansin ni Clary ang mensaheng mula kay Raphael. Kaya naman tinawagan niya si Isabelle upang alamin kung tama ba ang ibinigay nitong numero sa kanya.

🖤 CONVERSATION 🖤

++ Raphael.Isabelle ++

Rrrrriiinnngggg....

"Oh? Anong problema?"

-Isabelle

"Wala man lang bang kumusta?"

-Raphael

""Uso pa ba sayo yun?"

"Kung sabagay.. may tama ka.."

"Ooh! Ano ang sanhi at ikaw ay napatawag?"

"Ah.. eeeh... ano..."

"Ano nga?... para namang seryoso sa pag kukunwaring hindi alam ang sasabihin. Hay nako Raphael kilala na kita!"

"Ok. Its about Clary... hindi pa din siya sumasagot sa text ko."

Tumawa ng malakas si Isabelle

"Hahaahaa. Yan? Yan lang ba ang itinawag mo sa akin?"

"Ay.. tinawanan pa ako.. seryoso na nga ako."

"Sino ba ang may sabi na hindi ka seryoso. Isa pa nakakatuwa lang kasi ang mga asta mo... hindi bagay sayo Raphael."

"Gusto ko si Clary kaya ako ganito. "

"Alam ko.. kaya nga paghirapan mo para makuha mo ang matamis na oo ni Clary."

"Oo na.. so ano na tama ba ang number niya? Nag message na ako sa kanya hindi naman sumasagot.

"Aba! Apurado ka naman ata. Isa pa wala kang pakialam kung kailan ka sasagutin ni Clary.. dalaga kasi ang kaibigan ko alam kung paano maging mahinhin."

"Mukhang mahihirapan ata ako sa kaibigan mo."

"Basta ang payo ko lang, kilalanin niyo muna ang bawat isa. Baka mamaya sa pagmamadali niyo magkasakitan kayo"

"Oo na! Sige na nga babye na nagsesermon ka na."

"Sige na.. matuto ka kasi mag intay.."

🖤++ END CALL ++🖤

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap kaagad namang muling nagparamdam si Raphael kay Clary. Pinadalhan niya ito ng mga bulaklak sa kanyang opisina. Dito na nagsimulang manligaw si Raphael kay Clary.

"Ms. Clary may nagpadiliver po ng mga bulaklak." Ani ni Lea

"Kanino daw galing Lea?" Tugon ni Clary

Iniabot ni Lea ang card kay Clary. Binasa niya ito agad kung kanino nanggaling.

"Hey Clary...

It's me Raphael.. hindi mo kasi ako pinapansin sa text ko so naisip ko isend ko sayo personally ang intension ko. I hope magustuhan mo.

Im still waiting for you Clary..

-Raphael

Napailing si Clary sa nabasa niya, pinagmasdan naman niya ang mga bulaklak at natuwa siya. Mayamaya naman ay tumunog ang cellphone ni Clary. Subalit hindi niya ito pinansin, nagtuon lamang siya ng pansin sa mga bulaklak.

"Nagustuhan mo ba?"

-Raphael

Hindi nagtagal may sunod pang iniabot si Lea para kay Clary

"Ms. Clary may isa pang sulat." Ani ni Lea

Kinuha ni Clary ang sobre at binuksan. Pagkakita niya dito nabasa niyang isa itong restaurant reservation.

"My appointment ba ako this evening? Around 6 pm?" Ani ni Clary

Tiningnan ni Lea ang Tablet upang i-check ang schedule ni Clary.

"Meron kang Meeting with Mr. Gumabao." Tugon ni Lea

"Please cancelled it. May tatagpuin ako mamaya." Ani ni Clary

"Ok Ms. Clary..."

Tinawagan ni Lea ang secretary ni Mr. Gumabao upang ipaalam ang pagcancel ni Clary sa kanilang appointment.

"Ms. Clary ok na.. na cancelled ko na." Ani ni Lea

"Thanks Lea.. you can go.." tugon ni Clary

"Thanks Ms. Clary, uhm enjoy your night" ani ni Lea

Ngumiti si Clary na may halong tamis.

"Thanks Lea... sige na magpahinga ka na" tugon ni Clary

Umuwi muna si Clary upang magbihis. Pinaghandaan ng husto ni Clary ang gabing ito. Habang nag aayos siya ng kanyang sarili doon pa lamang niya nabigyan ng pansin ang mga message ni Raphael.

"See you later.."

-Raphael

Ngumiti lamang si Clary, bakas sa kanyang mukha ang excitement sa pakikipagkita nito kay Raphael.

Nang handa na siya, umalis na siya at nagtungo sa nasabing restaurant.

Pagdating niya doon, natanaw kaagad siya ni Raphael. Tumayo si Raphael at sinundo si Clary sa labas.

"Clary..." ani ni Raphael

"Hey... thanks for the invitation" tugon ni Clary

"It's nothing! So let's go inside?" Ani ni Raphael.

"Sure!" Tugon ni Clary

Iniabot ni Raphael ang kanyang braso upang humawak si Clary. Subalit hindi ito pinansin ni Clary bagkus ay ngumiti lamang siya at lumakad mag-isa. Napailing naman si Raphael sapagkat nabalewala na naman ang kanyang galawan.

Nag-usap ang dalawa habang kumakain. Napag-usapan ng dalawa ang bawat buhay nila hanggang sa naisingit ni Raphael ang pagpapaalam kay Clary.

"Clary??" Ani ni Raphael

Kinakabahan si Raphael habang naghihintay ng sagot

"Yes Raphael.." tugon ni Clary

"Pwede ba akong manligaw?" Ani ni Raphael

Napatawa si Clary at nagbiro

"Hindi pa ba ligaw ang ginagawa mo? Kailangan pa ba talagang ipagpaalam ang pangliligaw?" Tugon ni Clary

"Eh mas ok na iyong alam mo para mas alam ko kung payag ka ba." Ani ni Raphael

"Ikaw ang bahala. Kung kaya mong maghintay.. then why not?" Tugon ni Clary

Nabuhayan ng loob si Raphael.

"Yes! Makakahintay naman ako. At kaya kong maghintay basta para sayo Clary." Tugon ni Raphael

Natapos ang gabing iyon na puno ng pag-asa. Inihatid ni Raphael si Clary patungo sa kanyang bahay.

"Thanks again Raphael..." ani ni Clary

"Para saan?" Tugon ni Raphael

"Sa date? Sa flowers... sa hatid.." tugon ni Clary

"Sus wala iyon.. basta ikaw kahit ano gagawin ko mapasaya lang kita" ani ni Raphael

"Sige na..... masyado ka ng cheesy... mag-iingat ka sa pag-uwi." Tugon ni Clary

"Ok baby girl.. sige na magpahinga ka na din at may work ka pa bukas." Ani ni Raphael

Umalis na si Raphael at pumasok na si Clary sa loob. Hindi naman maitago ang sayang nararamdaman ni Clary ng gabing iyon.

🖤++ END OF FLASHBACK ++🖤

Napansin ni Isabelle si Clary na tulala. Kaya naman tinapik niya ito.

"Hey Clarissa! Ok ka lang?" Ani ni Isabelle

Nagulat naman si Clary

"Ha .. oo may nalalala lang ako." Tugon ni Clary

"Pinag-iisip mo ba si Jace at Cassandra?" Ani ni Isabelle

"Ewan ko ba.. pero yung puso ko talaga nasasaktan lalo na at nalalaman ko na nagkikita sila tapos magkatrabaho pa sila." Tugon ni Clary

Napabuntong hininga naman si Isabelle

"Clary! Clary! Hindi mo talaga kayang labanan ang emotion mo. Nagmamahal ka na naman kahit ikaw lang. Ano ba kasing meron ka? Napakalambot ng puso mo." Ani ni Isabelle

"Hindi ko din alam, basta mahal ko siya. Mahal ko na si Jace." Tugon ni Clary

"Ang lupet mo Clary.... nako for sure masasaktan ka na naman." Ani ni Isabelle

"Lahat naman ng nagmamahal nasasaktan..." tugon ni Clary

Hindi na sumagot si Isabelle, humiga na lamang siya at pinagmasdan si Clary. Napansin naman siya ni Clary na tila hindi sang ayon sa kanya si Isabelle. Napangiti na din lamang siya at napasandal sa pagkakaupo.