Chereads / The Day you love me. I die / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

Kinabukasan, nagtungo si Clary sa gym para sa kanyang training. Makalipas naman ang ilang minuto dumating din si Cassandra. Hindi napansin ni Isabelle na magcoconflict ang schedule para sa dalawa.

"Clary.." ani ni Isabelle

Nagulat si Isabelle ng makita si Clary.

"Mukhang nagulat ka? Diba schedule ko ngayon?" Tugon ni Clary

"Hindi naman sa ganun.. pero ano kasi..." ani ni Isabelle

Napatingin si Isabelle sa likurang bahagi ni Clary. Nauutal siyang magsalita ng makita si Cassandra na papalapit sa kanila.

"Isabelle!" Sigaw ni Cassandra

Tumaas ang kilay ni Clary at dahan-dahang humarap kay Cassandra. Binati naman siya ni Cassandra.

"Clary.. nice to meet you again. Ang liit talaga ng mundo no?" Ani ni Cassandra

Ngumiti  si Clary kay Cassandra

"Oo napakaliit talaga ng mundo.. minsan nga sa sobrang liit parang sinasadya na." Tugon ni Clary

Napansin ni Isabelle na tila may laman ang sinasabi ni Clary, kaya naman napilitan siyang sumingit sa usapan ng dalawa.

"So! What if magkaroon kayo ng kick boxing match total kayong dalawa naman ang trainee ko?" Ani ni Isabelle

"Mukhang maganda yan" tugon ni Cassandra

"Seryoso ka belle? Match between me and Cassandra?" Ani ni Clary

"Oo Clary, bakit ayaw mo ba na ako ang maging kalaban mo?" Tugon ni Cassandra

"Pero kung ayaw niyo naman ok lang. Back to training na lang tayong tatlo." Ani ni Isabelle

"Fine! Let's have a match." Tugon ni Clary

Nagbihis ang dalawa, samantala naghanda naman si Isabelle bilang referee ng dalawa.

Habang abala sina Clary at Cassandra sa paghahanda, abala naman si Jace para sa kanilang magiging team building bukas. Nagkita silang muli ni Alec upang isaayos na ang lahat.

"Alec... bukas na ang event gusto ko na sumali ka na din sa team building." Ani ni Jace

"Huh? Diba host na ako?" Tugon ni Alec

"Oo host ka na pero mas gusto ko kasali ka na din sa team para mag enjoy ka din."Ani ni Jace

"Hay... nako Jace!  Sige na sasali na ako." Tugon ni Alec

"Lakas ko talaga sayo. Uhm wait isa na lang pala ang hindi ko sure." Ani ni Jace

Biglang pumasok naman sa isip ni Alec si Clary kaya bigla niya itong naibukambibig.

"Si Clary na naman... nasan ba si Clary?" Tugon ni Alec

"Hindi ko alam pero siguro nasa office niya iyon." Ani ni Jace

"Importante talaga sayo si Clary. Ano ba ang meron siya?" Tugon ni Alec

Hindi naman sumagot si Jace sa tanong na ito ni Alec, bagkus ay sinuklian na lamang niya ito ng isang kibit-balikat. Samantala, labag man sa kalooban ni Alec ang magtanong naisingit pa din niya ito.

"Jace, do you like Clary?" Ani ni Alec

"Huh? What do you mean bro?" Tugon ni Jace

"What i mean is gusto mo ba si Clary? More than a friend??" Ani ni Alec

Natahimik si Jace ng may ilang segundo.

"Ano ka ba. Kaibigan ko lang si Clary isa pa para na kaming magkapatid." Tugon ni Jace

Tumahimik na lang si Alec habang tumatango ang kanyang ulo.

"Sige na bro.. balik na ako sa trabaho ko." Ani ni Alec

"Sige bro. Salamat uli see you tomorrow. Pupuntahan ko pa din si Clary." Tugon ni Jace

"Sige sige.." ani ni Alec

Umalis na si Alec at ilang sandali pa ay sumunod na si Jace. Tinungo niya kaagad ang kumpanya ni Clary upang personal itong kausapin para sa event niya bukas.

Pagdating niya doon, nadatnan lamang niya ang sekretarya ni Clary na si Lea. Kaya tinanong niya ito kung nasaan si Clary.

"Lea, nasaan si Clary?" Ani ni Jace

"Uhm nasa Training pa si Ms. Clary, kung mahihintay mo siya darating siya dito maybe at 1 pm." Tugon ni Lea

"Ok Lea, thanks pupuntahan ko na lang siya alam ko naman kung saan siya nagtatraining." Ani ni Jace

"Sige Jace. Have a good day."tugon ni Lea

"Thanks Lea. Have a good day too!" Ani ni Jace

Nagmadaling umalis si Jace upang habulin ang oras na natitira ni Clary sa Gym. Nangangamba siya na baka hindi sila magpanagpo doon, kaya mabilis siyang nagmaneho ng kanyang motorsiklo.

Ilang saglit pa ay nakarating na siya sa labas ng Gym. Bumaba sa kanyang motor at hinubad ang helmet. Pagsilip niya sa pintuan natanaw niya si Clary sa loob ng Ring.

Unti-unting lumapit si Jace, mayamaya naman ay nakita niya ang magiging katunggali ni Clary na walang iba kung hindi si Cassandra. Napahinto si Jace, sapagkat hindi niya akalain na maghaharap ang dalawa sa iisang ring.

"Ok ready?" Ani ni Isabelle

"Ready!" Tugon ni Clary

"Let's do it!" Tugon ni Cassandra

Tumunog ang bell, hudyat ng simula na ng paglalaban ng dalawa. Unang tumira si Cassandra at nasalag ito ni Clary. Ngumiti si Clary na may halong pang-aasar.Napikon naman si Cassandra kaya sumipa siya, subalit nasalag ulit ito ni Clary.

Napansin ni Cassandra na may nanood sa kanila, lumingon ito at nakita niya si Jace.

"Jace!" Ani ni Cassandra

Napukaw ang atensyon ni Cassandra sa laban kaya, nagkaroon  si Clary ng pagkakataon na tumira. Pagkaharap ni Cassandra sa kanya,nagpakawala siya agad ng suntok at sipa sa mukha ni Cassandra at ito ang naging dahilan upang mapahiga ito.

Nang akmang susuntukin pa siya ni Clary. Sumigaw naman kaagad si Cassandra at inawat na sila ni Isabelle.

"Stop!! Ayoko na.." ani ni Cassandra

Tumayo si Clary at nagtaas ng kilay.

"Next time never get distructed by anyone else! Para naman hindi ka naiisahan ng kalaban!" Ani ni Clary

"Madaya ka! Sinamantala mo yung pagtawag ko kay Jace!" Tugon ni Cassandra

"Tama na yan.. sige na tapos na ang match na ito." Awat ni Isabelle

Paglabas ni Cassandra sa ring agad lumapit sa kanya si Jace.

"Ok ka lang?" Ani ni Jace

Pinandlis lamang siya ni Cassandra, dala ito ng pagkahiya niya. Nakita naman ni Jace na nakatingin sa kanila si Clary. Bumababa si Clary at nagtungo sa kanyang locker. Hinabol naman siya ni Jace.

"Clary! Sandali." Ani ni Jace

"Oh! Bakit ako ang hinabol mo? Bakit hindi si Cassandra." Tugon ni Clary

"Ikaw naman talaga ang sinadya ko dito." Ani ni Jace

"Oh bakit ako?" Tugon ni Clary

"Nagpunta ako sa office mo wala ka doon. Gusto ko lang sana i-remind ka para sa team building bukas." Ani ni Jace

"Yun lang? Pano kung hindi ako pumunta?" Tugon ni Clary

"Clary naman... please... pumunta ka hindi pwede ang hindi." Ani ni Jace

"I will try! Sige na mag bibihis na ako baka malate pa ako sa meetings ko." Tugon ni Clary

Tumalikod si Clary at napatingin sa kanya si Jace. Napahaplos si Jace sa mukha niya sapagkat wala siyang nakuhang kasagutan kay Clary kung pupunta ba siya o hindi.