Chereads / The Day you love me. I die / Chapter 15 - Chapter 15

Chapter 15 - Chapter 15

Makalipas ang ilang linggo. Abala naman ang magkasintahan isang araw bago sumapit ang pinakahihintay na birthday ni Raphael.

"Thanks hon sinamahan mo ako." Ani ni Raphael

"Siempre naman hon. I'm your girlfriend so susuportahan kita." Tugon ni Clary

"That's my girl. So last agenda ang venue. Let's go?" Ani ni Raphael

"Sure hon.." tugon ni Clary

Tinungo nila ang isang bar kung saan may VIP room at kakasya ang lahat ng bisita ni Raphael. Inuman lang plano ni Raphael at sayawan, kaya naman sa bar niya naisip na gawin ito.

"Finally hon! Tapos na.. so let's take a lunch?" Ani ni Raphael

"Sure hon. Saan mo gusto? sagot ko." Tugon ni Clary

"Ah! Uh! Hon never kita hiningan ng libre. Kaya wala kang dapat bayaran." Ani ni Raphael

"Sa bawat labas natin ikaw ang sumasagot ng lahat. Hindi naman tama yan Hon. So I insist! Ako naman ngayon ang taya total birthday mo na bukas." Tugon ni Clary

"Ang tigas talaga ng ulo ng Hon ko. Talagang hindi magpatalo eh." Ani ni Raphael

"So let's go?" Tugon ni Clary

Nagtungo na ang magkasintahan sa isang restaurant. Matapos kumain ay inihatid na ni Raphael si Clary sa kanyang kumpanya.

"Thanks ulit hon.." ani ni Raphael

"Wala iyon so paano pasok na ako sa loob hon. I love you mag-iingat ka." Tugon ni Clary

Hinalikan ni Raphael si Clary sa lips

"I love you too hon." Tugon ni Raphael

Umalis na si Raphael, makalipas naman ang ilang minuto tinawag ni Clary si Lea upang samahan siya sa isang jewelry shop sa loob ng isang mall.

"Lea. Aalis tayo." Ani ni Clary

"Wait Ms. Clary kukunin ko lang po agenda ninyo" tugon ni Lea

"Hindi na kailangan madali lang naman tayo." Ani ni Clary

"Sige Ms. Clary." Tugon ni Lea

Nagtungo ang dalawa sa pinakamalapit na Mall upang bumili ng regalo si Clary para kay Raphael. Naisipan niya itong bilhan ng isang sikat na sikat na brand ng relo.

"Do you think bagay ito kay Raphael?" Ani ni Clary

"Uhm.. bagay siya Ms. Clary, isa pa magaling ka naman pumili eh." Tugon ni Lea

"Sige sige ito na lang kukunin ko. Uhm Lea.. pwede ba pag wala tayo sa office tawagin mo na lang akong Clary?" Ani ni Clary

"Huh? Eh bAkit diba boss kita? At kahit nasan ka at nasa oras ako ng trabaho Ms. Clary pa din itatawag ko." Tugon ni Lea

Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa habang hinihintay ang kinuha nilang relo upang bayaran na sa counter

"Basta mas prefer ko ang tawaging Clary pag wala tayo sa office. Ok Lea??" Ani ni Clary

"May magagawa pa ba ako? Ms. Clary.. este Clary pala.." tugon ni Lea

Hindi nagtagal ay dumating na ang hinihintay nila, nagtungo sila kaagad sa counter upang mabayaran na ito, Pag katapos nilang magbayad, bumalik na sila sa kumpanya.

Abala naman si Raphael sa pakikipag usap sa kanyang buddy na si Edward. Si Edward ang pinakatuso para kay Raphael. Kaya naman sa kanya nakakakuha ng idea si Raphael.

"So ano kailan mo makukuha ang Mininithi mo?" Ani ni Edward

"Wala pa. Hindi pa siya ready" tugon ni Raphael

"Ang tagal. Napakahina mong nilalang. Akala ko pa naman magaling kang dumiskarte." Ani ni Edward

"Baka ngayong birthday ko mapagbigyan na niya ako."

"Haha sa kanya lang ata nahirapan ng ganyan." Ani ni Edward

"Pare mahal ko si Clary.. kaya ko maghintay kung kailan ko siya makukuha." Tugon ni Raphael

"Ulol! Kilala ko hilatsa ng bituka mo Raphael haha" ani ni Edward

Hindi na umimik si Raphael. Batid niyang hindi siya makakalusot sa kanyang kaibigan.

Kinabukasan, birthday na ni Raphael, sinundo niya si Clary sa kanyang bahay at inihatid sa kanyang kompanya.

"Hi hon.. happy birthday" ani ni Clary

Sabay abot ng regalo kay Raphael

"Thanks hon. Teka Ano ito?" Ani ni Raphael

"Buksan mo" tugon ni Clary

Binuksan ni Raphael ang regalo at nagulat siya sa laman nito.

"Wow! Hon! Sobrang mahal nito!" Ani ni Raphael

"Mas mahal kita kesa diyan." Tugon ni Clary

"Alam ko naman yun hon. Pero nag abala ka pa pwede namang wala." Ani ni Raphael

Masayang masaya ang mukha ni Raphael habang pinagmamasdan ang kanyang mamahaling relo. Isinuot niya ito ay saka inihatid si Clary, nang makarating sila nagpaalam naman si Raphael

"So hon. Sunduin kita mamaya. Deretso na tayo sa venue" ani ni Raphael

"Sure hon! Enjoy your day happy birthday uli." Tugon ni Clary

"Thanks ulit hon" ani ni Raphael

Hinalikan ni Raphael si Clary at pagkatapos ay umalis na.

Hindi naman mapakali si Clary ng araw na ito. Pabalikbalik siya sa loob ng kanyang opisina. Batid niyang tila may hindi magandang mangyayari sa kanya. Subalit kailangan pa din niyang sumama kay Raphael dahil birthday nito.

Lumipas ang maghapon at ganun pa din ang naramdaman ni Clary. Ilang sandali pa ay kumatok na sa pintuan niya si Raphael.

"Ready??" Ani ni Raphael

"Ah... yes! Yes hon ready.." tugon ni Clary

Batid ni Raphael na tila kinakabahan si Clary kaya kaagad siyang nagtanong.

"Ok ka lang hon??" Ani ni Raphael

"Oo ok lang ako hon. Kinakabahan lang ako siguro nahihiya ako para mamaya." Tugon ni Clary

"Bakit ka naman mahihiya? Kasama mo naman ako. At isa pa ako ang bahala sayo." Ani ni Raphael

"Thanks hon... kaya naman pakiramdam ko lagi safe ako pag kasama kita.. i love you.." tugon ni Clary

" I love you too hon... tara na naghihintay na siguro sila." Ani ni Raphael

Lumabas na sila sa opisina ni Clary at nagtungo na sa parking area. Sumakay sila, at pagkasakay ay hinawakan ni Raphael ang kamay ni Clary.

"Relax hon... relax...." ani ni Raphael

Tumingin at ngumiti lamang si Clary. Hindi nagtagal ay tuluyan na silang umalis ng building.