Pagkagat ng dilim, inilagay na ng lahat sa gitna ang dala nilang kahoy. Sinindihan ito ni Jace at ito ang naging hudyat ng kanilang simula para unang gabi ng camping.
Umupo sila at pinanood ang apoy habang kumakain ng kanilang dalang pagkain. Walang activity na ginawa si Alec para sa gabing ito upang makapagpahinga sila ng husto.
Nang matapos na ang kainan, pumasok na ang lahat sa kani-kanilang tent. Dahil sa pagod nakatulog na halos ang lahat.
Samantala, hindi naman makatulog si Clary. Sinubukan niyang puntahan si Brian subalit tulog na din ito. Kaya naisipan niyang kuhanin ang baon niyang wishky at naglakadlakad hanggang sa makakita ng isang puno na pwede niyang tambayan.
Nagising naman si Jace para umihi, subalit natanaw niyang bukas ang tent ni Clary at sinilip niya ito at nakita niyang walang tao sa loob. Kumuha siya ng kumot at ibinalabal sa hubad niyang katawan.
Naglakad-lakad si Jace at nakakita siya ng isang lugar na may ilaw. Dahan -dahan siyang lumapit at pagkarating niya nakita niya si Clary.
"Clary!" Ani ni Jace
"Jace! Bakit gising ka pa?" Tugon ni Clary
"Naalimpungatan ako. Teka nga dapat ako ang magtatanong sayo niyan ano ang ginagawa mo dito? At bakit mag-isa ka?" Ani ni Jace
"Hindi ako makatulog. Anyways baka gusto mo ng alak may dala ako." Tugon ni Clary
"Sure! Mukhang masarap yan ngayong malamig na gabi" ani ni Jace
Umupo si Jace sa tabi ni Clary, ibinukad ang dala niyang kumot at ibinalabal sa kanilang likuran upang magbigay ng kaunting init. Humihip ang hangin at namatay ang ilaw na dala ni Clary.
"Fuck! Wala akong dalang lighter." Ani ni Clary
"Meron ako. Pero maliwanag naman ang buwan mamaya na lang siguro natin sindihan ang ilaw." Tugon ni Jace
"Sige. Uhm.. Jace ang ganda ng buwan no?" Ani ni Clary
Tumungga ng alak si Jace bago sumagot.
"Oo ang ganda, lalo na ng sinag." Tugon ni Jace
Sunod na tumungga ng alak si Clary.
"Alam mo pangarap ko to. Ang umupo sa ilalim ng puno habang nakatingin sa sinag ng dilaw na buwan." Ani ni Clary
Muling uminom si Jace ng alak
"Hindi pa din pala nagbabago yung pangarap mo, kahit ilang taon na ang lumipas." Tugon ni Jace
Uminom muli si Clary ng alak
"Hindi.. sa totoo niyan ngayon lang natupad iyon. At higit sa lahat kasama pa din kita ng natupad ko ito" ani ni Clary
Uminom si Jace at pagkatapos ay napatingin kay Clary ng malalim
"Parang kailan lang... wala pa ding nagbabago sayo.. ang mga mata mo sa tuwing tumititig ka sa akin." Tugon ni Jace
Marami ng naimon na alak si Clary bago pa man dumating si Jace. Nakakaramdam na siya ng pagiinit ng katawan gayon din si Jace. Tumitig siya kay Jace ng matagal. Mayamaya naman ay tila unti-unti ng lumalapit ang mukha ni Jace patungo kay Clary.
Lumalayo si Clary hanggang sa napahiga siya at ito ang naging sanhi upang mapapatong sa kanya si Jace. Umangat si Jace at muling tiningnan si Clary, iginapang niya ang kanyang ilong sa pisngi ni Clary at dinamdam ang init ng hininga nito.
Hindi nagtagal, inilapat ni Jace ang kanyang mga labi sa labi ni Clary, sinubukan niya itong hagkan at humalik din si Clary. Subalit biglang huminto si Clary at itinulak si Jace palayo.
"Bakit?" Tanong ni Jace
"Mali ito.. hindi dapat.. sige na babalik na ako sa tent ko." Ani ni Clary
Hindi naman sumagot si Jace, kinuha na ni Clary ang gamit niya at bumalik sa kanyang tent. Pagkasara niya humiga siya at nananariwa pa sa alaala niya ang halik na ginawa ni Jace.
"Fuck! Shit Clary! Why!" Sambit ni Clary sa kanyang sarili
Ng gabing ito muling bumalik sa kanyang isipan ang ginawa sa kanya ni Raphael. Nakaramdam siya ng takot at napapikit.
🖤🖤 FLASHBACK 🖤🖤
++ Clary & Raphael ++
+Part 2+
Makalipas ang anim na buwan, sinagot na ni Clary si Raphael. Walang araw naman ang lumipas na ipinaramdam ni Raphael ang pagmamahal niya kay Clary.
Minsan silang lumabas para sa kanilang date bilang mag boyfriend at girlfriend. Nanood sila ng sine at kumain sa isang restaurant. Matapos iyon inihatid siya ni Raphael sa kanyang bahay.
"Thanks for the first date Hon." Ani ni Clary
"It's nothing hon. Gusto ko lang maging masaya ka." Tugon ni Raphael
"Halika, pumasok ka muna para makapagkape muna tayo." Ani ni Clary
"Sige hon.." tugon ni Raphael
Habang nasa salas si Raphael, nagtungo naman si Clary sa kusina upang magtimpla ng kape. Hindi naman nagtagal ay sumunod si Raphael. Lumakad ito patungo sa likurang bahagi ni Clary at hinawakan ang bewang nito.
Hinalikan ni Raphael ang batok ni Clary, napahinto naman si Clary sa paglalagay ng kape sa tasa. Pilit siyang iniharap ni Raphael at hinawi ang buhok at saka hinalikan.
Naghalikan ang dalawa sa kusina. Mayamaya naman ay naramdaman ni Clary na gumagapang na ang mga kamay ni Raphael sa loob ng kanyang palda. Kaya naman tinulak niya si Raphael.
"Hon why?" Ani ni Raphael
"Sorry hindi pa ako handa." Tugon ni Clary
"Again hon? So kelan pa? Madaming beses mo na akong tinanggihan" ani ni Raphael
"Sorry hon.. natatakot lang ako." Tugon ni Clary
"Wag kang matakot hon.. mahal kita at handa akong panindigan ka." Tugon ni Raphael
"Wag ngayon hon Please.." ani ni Clary
Napakamot sa ulo si Raphael at bakas sa mukha nito ang yamot ng hindi siya pagbigyan ni Clary sa kanyang gusto.
"Hon sorry na..." ani ni Clary
"Ok lang.. naiintindihan ko." Tugon ni Raphael
Hindi nagtagal nagpaalam na si Raphael kay Clary.
"Hon sige na uuwi na ako maaga pa ako bukas sa trabaho ko." Ani ni Raphael
"Inumin mo muna hon ang kape mo bago ka umalis." Tugon ni Clary
Humigop lamang ng konti si Raphael at nagpaalam na muli kay Clary.
"Sige na hon mauna na ako. Good night. I love you" ani ni Raphael
"Ok hon. Mag-iingat ka, i love you too. Salamat uli sa gabing ito" tugon ni Clary
Ngumiti si Raphael at lumabas na ng gate. Tinanaw naman siya ni Clary hanggang sa makaalis at saka ito pumasok sa loob.